Showing posts with label Work. Show all posts
Showing posts with label Work. Show all posts

Thursday, October 7, 2010

For the Greener Pastures




Dear Readers,


Sa unang pagkakataon, isusulat ko ang tungkol sa isang parte ng magulo kong buhay. Isusulat ko ngayon ang saloobin kong hindi naririnig ninuman. Bilang isang manunulat, bilang isang tagabasa, bilang isang empleyado, bilang isang karelasyon, bilang isang kaibigan, bilang isang kapamilya, bilanng isang ina at sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako... isasalaysay ko ang mga bagay bagay sa isip kong ngayon nyo' lang makikita sa blog na ito.

Ito na siguro ang pinakamadrama and pinakamalungkot na isusulat ko dito.
Ito na siguro ang isa sa mga blog ko na bumubuhos ang luha at pasakit sa damdamin ko.
Ito na siguro ang hinahanapan ko ng solusyong hindi ko mahanap hanap.
Ito... Ako.

Bilang isang manunulat:

Mahal ko ang blog ko. Kung meron akong lugar na pwedeng takbuhan kung hindi ako masaya, o kung saksakan ako ng saya o kung may inaasam ako... ito ang unang nakakaalam. Kung wala man akong access sa computer, o kung malayo man ako sa kabihasnan ng mga keyboard, kapitbisig ko lagi ang mahiwaga kong Journal. Narito ang lahat ng ako at nang hindi ako sa labas ng bahay namin. Narito ang mga ideya ko na kami lang ng isinusulat ko ang nakakaintindi. Kung sa malayo ay mula akong manequin. Dito, isa akong gumagalaw na estatwa. Dito ko nasasabi ang hindi ko masabi sa iba. Dito ko inilalabas ang hindi maintindihan ng iba. At nilalaman ng blog na ito or ng Journal ko at Ako... tungkol sakin, tungkol sa mga taong malapit sa puso ko.

Bilang isang tagabasa:

Marunong akong maka-appreciate ng opinyon ng iba. Marunong akong makatanggap ng mga ideas, criticism at sarcasm. Marunong akong makaintindi sa paniniwala ng iba at humahanga ako sa mga taong may reasonable na paninindigan. Humahanga din ako sa mga taong merong mga matinding paniniwala sa Diyos. Yun bang tipong kahit batuhin mo sila ng paulit ulit, kahit pagpira-pirasuhin mo ang mga katawan nila... patuloy silang naniniwala na may Diyos, may Langit, may Impyerno, may mga Anghel at pag dating ng mundo ay muling bababa si Jesus para salain ang mga nagkukunwari, ang mga masasama at ang mga may karapatan. Humahanga din ako sa mga taong ang mindset ay "Mind-Your-Own-Business".. in Tagalog, Walang pakialaman. Humahanga ako sa mga taong ganito magisip dahil marunong silang rumespeto kung hanggang saan ang bounds na pwede nila pasukin sa buhay ng isang tao. At sa ganun pang paraan, alam din nila sa mga sarili nila na kailangan nila ng sariling privacy tungkol sa kanilang mga buhay.

Bilang isang empleyado:

Sa ngayon, nahihirapan ako bilang isang empleyado. Hindi lang trabaho ang pinakikisamahan ko. Pati rin ang mga taong hindi ko makatagpo ang kaisipan, ang schedule na hindi ko alam kung anong official, ang management na paliko liko ang sistema at ang opisinang paiba iba ng location. Noon, sa dati kong trabaho, maliit na sweldo lang ang problema ko. Ngayon, problema ko ang lahat. At sa pangalawang pagkakataon, sa mabilis na panahong dapat ay naeexcite pa lang ako ay nawalan nako ng gana. Hindi ako ang pinakamagaling na empleyado sa opisina namin at wala akong karapatang magdemand ng kahit ano. Tama ang kasama ko sa trabaho, wala akong mapatunayan. Hindi ko ibinibigay ang dapat kong ibigay. Tama nga siguro ang katrabaho ko na isiping may pagka-tanga ako. Inaamin ko. Sinadya ko. Dahil umpisa pa lang, nawalan nako ng gana. Magulo ang sistema. Walang guidelines at boundaries. Unang araw ko pa lang, gusto ko nang magback-out. Kung hindi nga lang ba umaasa sakin at nanay kong biyuda na, ang mga kapatid kong sabay sa kolehiyo at ang batang magdadalawang taon pa lang, agad ko na sanang binitawan ang trabahong ito. Ngunit dahil hindi ako pwedeng mabakante, kinuha ko na agad kung sino ang mas may mataas na offer. Mali ko lang, nagkamali ako ng pinili. Simula nung nagumpisa ako dito, araw araw kong tinatanong sa sarili kong kung ano kaya ang lagay ko ngayon kung mas pinili ko yung iba pang naghihintay? Kaya siguro, sa katrabaho kong tingin sakin ay walang pakinabang, siguro nga tama siya. But his opinion would never matter in anyway. This is me outside the office. And to my previous supervisors, to Shyder, to my kid, to my friends, I am incomparable and precious and I can do more what I show to his shallow thinking.

Bilang isang karelasyon:

Hindi ako perpektong tao. Mataray ako. Perfectionist. At demanding sa quality time. Gusto ko, kung ano ang ibinibigay ko, yun ang nakukuha ko. Selfish nga na matatawag. Pero alam kong sa puntong toh, ako pa rin ang may mali. You cannot expect anybody to be perfect. You cannot expect any good guy to just spend all of his time with you if he's got work to do or a family outing that his presence is needed unless all he cares about is to F***. Sa puntong ito, gusto kong magpasalamat kay Shyder sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng bagay na nagagawa kong tama at pagtatama sa lahat ng bagay na nagagawa kong mali. Hanga ako sa determinasyon ni Shyder na mapapaniwala ako na kailangan ng opisyal na relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Malamang, kung wala si Shyder sa mga oras na hindi ko kinekeri ang sitwasyon sa labas ng personal kong buhay, nauwi siguro ako sa pagtakbo sa mga bagay na dapat kong harapin. At totoo, ang isang taong espesyal sayo.. minsan, hindi lang para may ka-HHWW ka sa mall or may katext ka sa hating gabi. That person is meant to be a part of you in the future. That person might be the other person whom you'll spend the rest of your life with making decisions and walking through the laughters and hardships of life. So, Thank you Shyder.

Bilang isang kaibigan:

Inspirasyon ko ang mga kaibigan ko. Hindi siguro mabubuo ang blog na ito kung hindi rin dahil sa mga kwento nila at sa mga kakaibang mga pangyayari sa mga buhay namin na hindi kayang tumbasan ng iba. Mula PreSchool hanggang High School. Mula High School hanggang College. At ngayong pare pareho na kaming may mga trabaho at ang iba samin, may pamilya na... ito siguro ang masasabi kong pinakamatatag na friendship na nakita ko. Pero gaya ng tagline sa itaas, hindi naman dito natatapos toh. Ano pa bang susunod? Marami pa. At isa sa mga pinagdadasal ko: yung tipong kahit fifty years old nako, nagsusulat pa rin ako dito. Kung saan napunta ang friendship na nagsimula habang pare-parehas pa lang kaming umiihi sa kama.

Bilang isang kapamilya:

Wala akong ipon sa bangko. Wala pakong naipupundar na bahay, lupa, kotse o bagong cellphone. My job sucks. I suck at my job. Marami akong mga opportunities na pinalagpas na kung sana lang eh yun ang pinili ko, hindi sana ako malulugmok sa pagtitiis sa bagay na ayokong gawin. At kung minsan, sa umaga, gusto ko lang gumising, makipaglaro sa aking munting anghel at magkaron ng endless na usapan with my mom. Kahit ganito ako kawalang purpose sa mundo, masasabi kong sila ang number one na kayamanang meron ako. Kahit siguro hindi ko mabalikan ang pagsusulat sa dyaryo. O ang pangarap kong mapasama sa Cannes Film Fest, basta meron ako nito... mayaman nako. Hindi ko maipagpapalit ang walang hangganang pagpapasensya ng mom ko sakin. Na kahit anong kwento ko, pakikinggan niya. Hindi ko rin maipagpapalit ang relasyon naming magkakapatid na kahit minsan may differences, andyan pa rin ang kulitan at ang madalas na pangungumbinsi nilang bumili ako ng "Chooks to go" every sweldo. Hindi ako magaling sa maraming bagay, pero sa pamilya ko, pakiramdam ko kaya kong gawin ang maraming bagay.

Bilang isang ina:

Ito siguro ang isang bagay na maipagmamalaki ko pa sa mundo. Na magkaron ng sarili kong munting anghel na tila biniyayaan ng halos lahat ng gifts sa mundo. Sa edad na magdadalawang taon, halos lahat na ng improvements na sa kanya na. She can dance. She can sing. She's starting to familiarize herself with the numbers and She now knows how to identify a lot of things. I'm so blessed to have her with me. Kaya tuwing makakakita ako ng balita tungkol sa mga batang inabort o iniwan ng mga magulang nila sa basurahan, hindi ko maiwasang hindi mainis. Kahit hindi mo ginusto ang bata, wala kang karapatan at any cost na patayin ang buhay na binigay ng Diyos. Kung makakapagsalita lang ang mga batang inabort, sasabihin din nila sayong "Sana hindi na lang ikaw ang naging nanay ko." Kaya para saking munting anghel, sabihan na nila akong walang kwenta o walang pakinabang, to her, she'd never want to see me go. She would constantly tell me how much she loves me kahit medyo bulol pa. And with the littel efforts, I totally appreciate that.

At sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako:

Narealize ko lang, masyadong maganda ang buhay para i-stuck ang sarili ko sa mga bagay na nagdudulot lang sakin ng pasakit. Sabi nga ni Shyder, "If you are in a Shit, then dig yourself out of that shit." Hindi makatutulong sakin kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa bagay na hindi ko na kayang ituloy. Lalo na kung dito mo unang nararanasan ang mga bagay na hindi mo naman maririnig sa mga taong mas kilala ka. I guess that's the point. They don't know you. That's why they have the guts to judge you as if your someone that's needed to be crushed finely. Imbes na maging parte lang lahat ng kung ano dapat ang ginagawa nyo lang. Nagiging personal na masyado ang lahat. At hindi na ito nararapat. May hangganan ang lahat. At gaya nga ng sabi ni Shyder, marami lagi akong options. Kailangan ko lang harapin ang katotohanang ayoko na.

.
.
.

Alam kong parang Last Will and Testament ang pagkakabuo ng blog ko. Kaya lang, after kong after kong isulat ang lahat, unti unti ko nang nakikita ang Greener Pastures. Parang kahit alam kong masasaktan ako sa ilang moves na gagawin ko, itong mga bagay na toh' naman ang magpapalaya sa akin.

Hindi dito nagtatapos ang pagsusulat ko at ang pakikinig sa mga kwento mo.

Patuloy kong isusulat ang gusto ko. Patuloy kong sasabihin ang nasa isip ko. Kung ayaw mong makinig sa tinig ng isip ko, bakit mo toh binabasa?

Ito ang "The Chag Blog". Likha ni:



- chagadelic gurl -

Sunday, September 26, 2010

The Regina George in Me


"Do your job well and do it well. The workplace bully wants you to fail and when you don't he or she will be defeated."
- Dawn Rosenberg McKay, About.com

Kung may isa akong pinaka-ayaw na tao sa mundo, eto yun. Yung mga taong walang ibang alam gawin kundi pagtripan ka. At sa hindi mo malamang dahilan, bakit ikaw.. ikaw lang ang trip niyang "pagtripan".

Dati, nagwork ako sa isang department store nung teenager pako dahil hindi ako sanay ng walang ginagawa. Inaasahan ko na dati na possibleng may hindi ka makasundo sa workplace mo. Hindi ko lang inaasahan na makaka-encounter ako ng mga taong hindi mo maintindihan kung bakit parang lagi siyang may dalaw.

Ikaw lang lagi pinagtitripan niyang pagalitan.
Parang lahat ng gawin mo, mali sa paningin niya.
Hindi mo rin maintindihan kung bakit imbyernang imbyerna siya sayo, na alam mo namang wala kang ginagawa sa kanya.
At maraming marami pa....

Nagkaron kami dati ng "close encounter". Dahil trabaho yun, ginawa ko lang ang trabaho ko. Narito ang eksena:

Bully Officemate: San ka galing? Di' ba bawal kayong umalis sa lugar nyo'?

Ako: Kumuha lang ako ng supplies kasi ubos na dito. Kanina pa kami tumatawag ng maghahatid ng supplies wala namang dumadating.

Bully Officemate: Hindi kayo pwedeng umalis sa lugar nyo. Tawag kayo ng tawag. Ang kukulit nyo'.

Ako: Wala ngang dumadating eh. Wala kaming gagamiting supplies kung hindi ako aalis sa lugar ko.

Bully Officemate: Yada yada yada yada yada.. (Hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nya.) Yan na mga supplies mo. (Kinuha ko ang mga supplies at hindi ko siya pinapansin) Sigh! Hay nako. (Umalis siya ng lugar namin at sa tono ng boses nya, alam kong nabwisit siya sakin).

Eto lang masasabi ko, nung oras na yun, somehow happy ako. She deserved it.

At hindi sa pagmamayabang, parehas kami ng estado noon.. ngayon napadaan ako sa department store na yun... andun pa din siya. Same position I believe, habang ako.. lumevel up na. (At ayokong magyabang kasi baka maubusan ako ng mambabasa. LOL)

Pero, I would say. It should not be the suggested act on how you deal with these kind of people.
Sabihin na nating insikyora sila but the thing is, you both are in the workplace. Kung personalin niya man ang ginagawa mong trabaho lang. Problema niya yun. There is a thin line between your personal life and your working life. Lagi ko tong naririnig: Iwanan mo ang bagahe mo sa bahay nyo'. You better know how to separate both lalo na sa mga taong ganito.

Today, even in my corporate work, I still experience people bullying me. Which means, may mga tao talagang mahilig mantrip.. kahit saan.. kahit ano pang posisyon mo sa trabaho.

I asked Shyder before kung nararanasan nya yung mga ganitong tao knowing that he loves his work and he's getting along well with his guy officemates. And guess what, he answered me with a YES, that even though magkakasundo sila ng karamihan sa department nila, may isang tao na hindi rin niya maintindihan kung bakit iba siya pakisamahan.

His advice? Ignore them and do your job.

.
.
.

Pero, aaminin ko. Sa mga ganitong pagkakataon talaga.. lumalabas ang pagka-Regina George ko. At hindi ko maiwasang magpa-api. Hindi ako sanay. I find these people very unprofessional and I cannot accept that somebody's gonna ruin my day just because she's feeling like doing it.

Gusto ko siyang ilublob sa putikan at ipapulot ang bracelet ko gamit ang bibig nya'.
Gusto ko siyang iharang sa dartboard habang patuloy kong pinipilit tamaan ang bull's eye.
Gusto ko siyang ipahiya sa harap ng boss namin.
Gusto ko siyang barahin ng paulit ulit.
Gusto ko siyang hanapan siya ng mali para ipamukha sa kanya na mali siyang ng pinagtitripan.
Gusto ko siyang bigyan nang chocolate mousse na may kasamang lason ng daga.
etc... etc... etc...

Sheesh. Epekto na naman toh ng Sleepasil. Hahahaha



- chagadelic gurl -


Friday, August 13, 2010

Getting Fed Up... Again


I get so upset whenever someone says I did "bad" at work.

Parang feeling ko hindi ako makakapagtrabaho ng maayos buong gabi dahil masyado akong nacacarried away sa mga negative things na nasasabi sakin ng tao whether it's about work.. my personal life.. etc.

Kasi siguro.. perfectionist ako. If i failed to do something perfectly at work, nadidisappoint ako sa sarili ko.

Pero kapag naman marami akong nagagawang tama sa trabaho, I tend to become so much happy that I forget to keep my feet on the ground.

Tough Life. Tough Work.

I wish can just learn everything in a snap of a finger. And I wish that I can adjust and relate to how urged is everybody while I sit on my desk, accessing my Facebook and doesn't give a damn if they're so stressed about the Big Boss's demands.

Starting to get fed up.. again. I know. Feeling ko sa mga oras na toh' na ginagawa ko ang blog na toh', parang gusto ko nang umuwi at bumyahe paLaguna. Parang gusto ko nang basta na lang iwan yung officemate ko dito na magisa, wag pumasok bukas at magsubmit ng resignation sa Monday.

At dahil diyan, I went out kanina. Feeling ko kasi hindi ko na kayang makaharap pa ang PC ko na punong puno ng mga "Things to do! ~ T****** ASAP"

So I went out.

The photo above is the one I took while walking down Paseo de Roxas. The building to the right is the Chinabank building.

So far, wala namang tao kaya I took the chance to take the photos.



Here is another one. This photo shows the roads of Paseo de Roxas and obviously, wala ring gaanong mga sasakyan.

Para kasing feeling ko, kapag hindi ako umalis sandali ng opisina namin, hindi ako makakahinga. Hindi ako makakapagisip. I feel like I'm gonna be suffocated sa pressure... na ganito gawin mo.. na gawin mo yun etc. I wish I would just know what to do and how to do it... immediately.

I guess one factor that I'm guilty is that really.. I come to the office to work, do the job that they ask for and then I get home, sleep and take the rest days during weekends. Ayokong isipin ang trabaho kapag off ko. Ayokong isipin ang trabaho kapag umuwi nako. I just wanted to get things done. At sa palagay ko, yun ang problema ko... I simply don't care. I just want to get things done.

Maraming beses, naiisip ko. Baka naman hindi lang talaga nagwowork out ang ganitong career sakin.. maybe I needed something na ibang iba talaga sa pilit na binibigay sakin ng pagkakataon.

Pero, wala naman kasing company na perpekto. Nagkataon lang talaga na mas marami kang mapupuna kay CompanyA kesa kay CompanyB.

And unfortunately, I belong to CompanyA.

I remember what Shyder told me before: minsan talaga hindi maiiwasan na madi"ding" ka sa isang bagay na ginagawa mo pala ng hindi tama sa trabaho. At ang epekto? Bothered ka the whole day kapag may nakapansin and it's hard to do the job better when you're bothered.

LOL. These are just challenges at work I guess. And like what I used to say when I was still with my previous company,
.
.
.

kahit lumipat ka pa..
kahit magiba pa ang boss mo..
kahit magiba pa ang mga kasama mong maglunch
kahit magiba pa ang way mo ng pagaaccess ng proxy sa office.
at kahit nagiba na ang atm na kinukunan mo ng sweldo.

... You'd still get the same stress at work. Kanya kanyang forms lang ng stress yan.

I know. And I'm at the point of filling up my "Fed Up At Workplace" Tank again. So far, nasa 20% na siya. I hope I lose that percentage and love the work rather than filling more of that percentage in the tank everyday.

This is such a long road to walk over. I hope I can pass through the end.
.
.
.
and longer...



- chagadelic gurl -

Thursday, August 12, 2010

The Devil Holds Your Resume




Another night in the office.

Nagsusunog na naman ako ng energy para sa trabahong pinili kong gawin at naging dahilan ng pagtalikod ko sa dati kong kinaiinisang kumpanya.

Balik na naman ako sa graveyard shift. Pero mas less ang stress. Hindi katulad noon. Pagod na pagod ka kahit nakaupo ka lang naman. Parang ayaw mo ng dumadating ang peak hours kasi siguradong magiging sunod sunod ang trabaho mo. Hindi mo pa magawa ang mga bagay na gusto mong gawin dahil either takot kang mahuli o may nakabantay sa likod mo.

Nakakainis pala ang ganon'. Feeling mo ginagawa kang preso. Walang kalayaang gawin ang mga bagay na pwede ka namang huminga kahit papano. Parang sa industriyang yon', wala kang karapatang huminga man lang. Binabayaran ka nila.. kaya may karapatan silang sabihin kung ano ang dapat mong gawin at ang hindi mo dapat gawin.

Work. Job. Career.

Yan ang unang una word na magdedescribe sa mga sinabi ko.

At sa lahat din ng graduates 5 years ago hanggang sa mga graduates ng kasalukuyang taon, ito ang pinoproblema nilang lahat.

Anong opening nila?
Saan ka magaapply?
Anong aaplyan mo?
Madali lang ba exam at interview nila?
Madali ba makapasa dun?
Marami bang nagaapply?
Magkano ang starting rate mo?
May incentives ba?
May HMO ba?
May leave credits ba?
May pasok ba pag weekends?
Morning shift or Graveyard shift?
May pasok ba kapag holidays?
May chances ba for promotion?
May iba pa ba silang opening bukod sa maintenance?

Yan ang mga tanong na karaniwang itinatanong ng mga taong naghahanap ng trabaho at nagbabalak maghanap ng ibang trabaho. Aminin mo, isa ka rin sa mga naging salarin. LOL

Isang gabi bago mag-end ang shift ko sa bago kong trabaho, nakausap ko yung tech support namin. Madalas kasi siyang sumali sa mga forums at isa sa mga inumpisahan niyang topic ay ang "Bakit kailangan pang sabihin ng mga HR Reps ang 'We Will Just Call You' ?"

I got his point.

Sa dinami dami ng mga inapplyan ko, hindi ko na mabilang ang mga ganitong words na sinasabi sakin ng mga HR Reps na nakakausap ko. Siguro lang, talagang maswerte lang ako dahil may ilang companies na kinokonsidera kaagad ako. Pero gaya nga ng sabi ko, marami rami na rin ang mga companies na sinabihan din ako ng ganyan. Iba iba lang ng version.

Bakit nga ba nila kelangan pang sabihin ito? Sabi ng officemate ko sa mga sumagot sa thread ng forum niya, sinasabi lang daw toh ng mga HR Reps para kahit papano hindi maputol ang connection ng nagaapply sa company?

Connection? Parang WiFi ba ito?... ganon'?

Bakit kailangan ng connection kung hindi rin naman tatanggapin ang nagaapply? Pwede namang sabihin na lang nila ang results kesa paaasahin nila yung mga nagaapply. Maghihintay ng text, tawag o email. Hanggang sa lumipas ang ilang linggo... kahit man lang sabihan ka ng:

"Sorry you did not pass the application because you were such an a****** during the interview. Go to hell."

Walang ganyan. Kahit misscall wala din. And that is so Lame.

Ilan sa parte ng barkadahan namin ang nakakaranas ng ganyan recently. Ang problema kasi, trend noon, unemployment ang resulta ngayon.

Sikat na sikat ang BS Nursing 6 years ago. Halos lahat ng school, kahit computer schools, ay nagoffer ng ganitong courses dahil sa biglaang trend ng mga kumukuha ng Nursing. Dahil daw ito sa taas ng demands ng Nurses lalo na sa America. Parang isang biglaang pagkapanalo sa lotto kung magiging nurse/caregiver ka sa US. Pwede kang makapagpatayo ng bahay sa Pilipinas, magpaaral ng 5 mong kapatid sa college at makabili ng 5 iba't ibang model ng Iphone o Blackberry. Hindi pa rin naman natatapos ang trend na yan, kumbaga lang, marami rami ang grumaduate ng Nursing mula 2004 hanggang 2010. Isama mo pa diyan ang mga datihan nang nurses at ang mga doctor na umalis para maging nurse sa ibang bansa.

Gaano na kadami yun? At buti sana kung Pilipinas lang ang nagpproduce ng nurses sa buong mundo. Marami pa. Maraming marami pang ibang bansa. Kaya parang nagoverflow ang nurses. Yung iba naman, pagkatapos makagraduate, saka narealize na ayaw pala nila ng Nursing. Yung iba dahil na rin siguro sa kawalan ng opportunity na yumaman sa Pilipinas o kahit kumita lang ng katumbas ng call center agents. Kung iisipin mo kasi, pareho lang ng stress ang nurses at call center agents... magkaiba lang ng mundo.

Ang nurses pumapasok kahit holidays. Ang call center agents wala ring holidays.
Ang nurses dumadaan sa graveyard shift. Ang call center agents kadalasang graveyard shifts.
Ang nurses nagoovertime nang hanggang 12hours. Ang call center agents OT din hanggang 12 hours.
Ang nurses nakikisama sa makukulit na pasyente. Ang call center agents nakikinig sa makukulit na at irate callers.

Halos pareho. Pero magkaiba ng pay.

Kung tutuusin nga dapat mas malaki pa ang bayad sa mga nurses kasi sila, name holder sila. Isa itong matatawag na lifetime career at kahit saan ka man magpunta, dala nila ang title nila bilang RN.

Pero balik tayo sa mga kaibigan kong nagaapply ngayon. Tama, mostly sa kanila ay mga nurses. At hindi maikakailang hirap silang makapasok sa mga hospitals kaya yung iba, nageend up na pasukin ang mga trabahong hindi naman talaga nila pinlanong pasukin bago sila magcollege.

It isn't as if masamang mag-iba ng landas, ito ang realidad. Ito ang course mo. Iba ang papasukin mong trabaho. At dahil yan sa realidad na mahirap talagang humanap ng trabaho sa Pilipinas. Lalo na yung trabahong may enough na bayad, may magandang oras, may magandang opisina, at may sariling PC na may access sa Facebook. At maiintindihan mo ang mga taong kumuha ng Political Science na ngayon ay nasa healthcare account sa isang call center. O di kaya yung kumuha ng Nursing na nagtrabaho sa Starbucks bilang barista. Lahat yan eh dahil sa kawalan ng opportunity at dahil na rin sa mga HR Reps na sasabihin ka ng "Tatawagan ka na lang namin".

Nevertheless, life is an open book and whether you choose to pursue your career or go along with the trend, it's all fully upto you. Ang importante, may silbi ka sa mundo. May ginagawa kang paraan para makatulong at hindi makaperwisyo sa ibang tao. Kahit wala kang trabaho o kahit pinipilit mong maging stewardess sa height mong 4'11", walang kaso yun. Ang importante, may ginagawa ka. Kumikilos ka. Hindi ka umaasa sa mga magulang mong umaasa lang din naman kung kelan ka magkakatrabaho.

And it's never going to end kahit makatatlong libo ka pang "We'll just call you."



- chagadelic gurl -

Saturday, August 7, 2010

Minsan Nakakainis...

Minsan nakakainis...

Pinipilit ka sa mga bagay na inevitable...


How can I do my job, when the internet is like this???
.
.
.




Lame!



- chagadelic gurl -

Friday, August 6, 2010

Ganito Pala Ang Feeling...


Ganito pala ang feeling.

Para akong nanalo sa lotto. Para akong binayayaan ng himala. Para akong inulanan ng swerte.

.
.
.

Ganito pala ang feeling ng sa buong magdamag.. sa mga gabing nagdudusa ka.. sinasayang ang luha.. at nagtitimpi sa sama ng loob.

Ganito pala ang feeling.

Hindi mo inaasahan.

.
.
.

Sa kauna unahang pagkakataon, kung kelan hindi mo inaasahan. Biglaan naman dumadating.

Eto.. Eto..

Eto ang una kong closed deal sa isang buong buwan ng training, pagrereklamo, at pagf-facebook sa office.

Finally, may isang pumayag sa inaalok ko.

.
.
.

Ganito pala ang feeling. Sana bukas ulit.



- chagadelic gurl -

Wednesday, April 28, 2010

Falling Grains and Falling Brains

Tuesday afternoon. It's usually a boring time sa office.

Most of the people couldn't just wait to log off and get their asses off infront of their stations. Iba ang feeling ngayong Tuesday na to'. It isn't like the usual na "matatapos na ang araw, looking forward sa bukas..."

It's still a boring afternoon sa office pero iba talaga ang pagkaboring ngayon. It felt sad rather than just boring. Siguro dahil from the past weeks, sunod sunod na ang nagpapaalam sa company. Yung iba nga, last week na pala nila this week.

Nakakalungkot lang isipin. Andami nang umaalis.

Dating masaya ang atmosphere sa office. Parang everyday, naeexcite kang pumasok para mahabol yung stats mo. Parang ngayon, wala ka nang ganang magtrabaho. It just kills you everytime you come in to work.

Ever since I started working with my present team, naging iba ang paningin ko sa company. Partly, naging masaya ang stay ko dahil sa muli, naramdaman kong importante ako sa mga kasama ko.

Biglaan lang, isang Sunday na pumasok ako, naramdaman kong parang tinatamad nakong pumasok. Naramdaman kong parang wala ng saysay ang bawat effort na ginagawa ko at kahit pa maging top performer ako palagi, wala na rin namang halaga. Hindi ko mapigilan ang feeling na gustong gusto ko ng gumawa ng resignation paper.

I had been holding back since last year. I'm actually trying to make myself love the job over and over again. I had been succeeding to love the job again most of the times and during these times, I know this is only something that I feel for myself na pwede ko pa namang labanan.

But this time, I know it's different. I could tell sa dami ng mga taong nagfifile ng LOA at nagsusubmit ng resignation letter. And I am currently at the same point.

I'm so urged to submit the resignation paper already. I thought I just needed a break pero kung ako lang talaga ang may problema, why do others completely leave the company as well?

Sa tingin ko, nalaman ko ang problema.

I spoke to a friend a few days ago. Nalaman ko ngang last day na ng isa naming kasamahan this coming friday. I was able to find out that she actually stayed for 4 years in the company. Isipin ko lang sa sarili ko, I wouldn't like spending my entire time working as an agent specially that I not getting any younger. But she did then suddenly she just threw everything away.

It has been a good investment. Pero bakit nga ba bigla mo na lang itatapon ang isang career na halos malaking parte ng buhay mo ang nakuha? Simple enough to find out. She's just not growing anymore.

For four years, it has only been the same amount of basic salary and very minimal raise. For four years, she started as an agent at hanggang ngayon, agent parin siya. It felt like there will be no sense staying with the company anymore since hindi rin naman tumataas ang value mo at hindi rin tumataas ang sahod mo. What's the point?

That is the question. What's the point in staying in a company when you hate the policies and the company wouldn't even give you a credit if you stayed with them for years. Non sense.

Can't blame people who want to be more productive outside of this company lalo na kung gusto mo talaga ng growth at kung nagaasam ka ng raise na hindi naman maibigay ng company sayo.

At dahil diyan, trabaho na naman ang topic ko. Naguumapaw na naman ako sa sama ng loob pero hindi ko naman magawang lumabas sa comfort zone ko.

Mula sa isang malaking bilang ng mga bagong empleyado, unti unting kumakalas ang bawat isa at tinutungo ang kalayaan sa paghahanap ng pagkakataon na makuha ang pinapangarap na trabaho. Habang ang iba naman, unti unting inuubos ang pasensya, pagod, kaalaman sa mga bagay na walang kasiguraduhan kung saan mo pwedeng mapakinabangan kapag naisip mong lisanin ang mundong pilit mo lang isinisingit ang sarili mo.

Masyadong malalim. In short, magresign na lang kung ayaw mo na kasi nakakabobo ang trabaho.

- chagadelic gurl -

Thursday, April 22, 2010

The Urge of a Travel Agent

Lately, panay ang reklamo ko kay "Shyder" (Siya si dating special someone. Binago ko na ang tawag ko sa kanya kasi masyadong mahaba kapag naman yung dati pa talaga. Tsaka para cute, Shyder na lang ang itatawag ko sa kanya.)

Panay ang reklamo ko na kelangan ko ng break. Na kailangan kong may gawing iba kasi feeling ko nakakasawa na yung everday routine ko. Parang alphabet ang everyday routine ko, tuloy tuloy lang pag naumpisahan mo at pag tapos ka na, uulitin mo lang ulit sa umpisa. At heto yun:

a.) Gising ng 6:00AM
b.) Kuha towel sa likod bahay, diretso sa banyo, ligo.
c.) Bihis ng pantalon, T-Shirt then rubber shoes (minsan sandals, minsan high heels)
d.) Kain ng: Itlog/Hotdog/Chicken/Footlong with sinangag na rice plus coffee
e.) Kupit ng barya sa tindahan
f.) Lakad hanggang kanto (minsan sakay ng trycicle)
g.) Sakay ng jeep papuntang Balibago - baba sa terminal ng Bus
h.) Sakay papuntang LRT/Buendia
i.) Tulog sa byahe
j.) Baba sa Dela Rosa
k.) Sakay ng jeep papuntang Ayala - baba sa Crispa
l.) Lakad papasok ng office
m.) Work. Work. Work
n.) Lunch ng 11:30am. Kain sa McDo ng McSaver meals.
o.) Work. Work. Work
p.) Lunch ulit ng 2:00pm: CR/Tulog sa Lounge
q.) Work. Work. Work
r.) Lunch ulit ng 4:30pm: Tulog ulit sa Lounge/Minsan bumibili ng ice cream
s.) Log out ng 6:00pm
t.) Sakay papuntang LRT. Baba sa terminal ng bus. Sakay papuntang Balibago.
u.) Baba sa Balibago. Sakay papuntang Cabuyao - baba sa kanto namin
w.) Lakad pauwi sa bahay
x.) Kain ng dinner. Palit ng damit.
y.) Konting kwentuhan sa mudrabels ko/Katext si Shyder
z.) Higa sa kama. Tulog.


Alam ko, masyado unexciting ang daily routine ko. Parang paulit ulit lang which is exactly the same reason kung bakit parang naghahanap akong iba kong pwedeng gawin.

Lagi ko ring sinasabi kay Shyder, "Siguro kailangan ko lang lumabas."

At pag naman ginagawa ko na tuwing sweldo, hindi ko maintindihan pero feeling ko hindi pa rin enough yun para mafulfill ang boredom ko. Kaya tuloy, apektado ang performance sa trabaho. Lalo na ngayon, limang araw nakong nagsusuffer sa runny nose, pagkabagsak ng mata at parang hinang hina akong umalis ng bahay.

Been realizing, I guess I just really need a long f****** break.

At napapamura talaga ko kasi feeling ko yun talaga ang problema ko. I've read this in one of the most popular blog na umiikot sa office namin. Minsan talaga dumadating sayo yung feeling na tamad na tamad ka na sa ginagawa mo na parang gusto mo munang magbreak ng at least 2 weeks.

Alam ko na ngayon ang feeling. At tama, parang tuwing gigising ako sa umaga, winiwish ko na matapos na agad ang araw para makapagpahinga nako ulit sa napakalambot kong kama.

Aside from that, nagdaan ang holy week. Nagdaan ang araw ng kagitingan.

Lahat ng tao nagsipunta sa Bora, nagsipunta sa Tagaytay, Baguio, Puerto Princesa, Hongkong, Singapore at Haiti. Pero ako, stuck sa bahay. Hindi man lang ata ako nakapunta ng Los BaƱos na malapit na samin para magswimming.

Been a travel agent since last year at marami rami na rin akong nabenta. Kumita na nga ata siguro ang company sakin ng almost 1M USD. Lahat ng klase ng customers ay nahanapan ko na ng magandang hotel, reasonable na flight schedule at Walt Disney World 7 Day Park hopper tickets, pero ako, stuck pa rin sa trabaho at sa a-z na daily routine ko.

I guess this is why clients are so concerned about their travel plans. Eh kasi naman, everybody needs to take a break. Everybody deserves to take some time off from work.

I just really wonder. Kelan naman kaya ako makakakuha ng magandang timing, reasonable na budget at nakae-excite na destination.

Sana one time, ako naman ang nagpaplano ng sarili kong bakasyon on line.


- chagadelic gurl -

Friday, January 22, 2010

The Art of Working

OT. Over time. Sagad na oras sa opisina.

Yan ang kinakaharap ko ngayon habang 11 hours nakong nakaupo sa station ko at hinihintay na matapos ang karumal-dumal na oras ng shift ko.

Ilang linggo na silang nagre-request sa mga empleyado na mag-OT dahil nadagdagan ang time required para mameet ang demands ng clients (nosebleed!). At sa dinami dami ng request nila, ngayon lang ako nagreply. At isang oras lang talaga ang kaya kong i-contribute.

Kung babalikan ang mga unang araw na nag-aaral ka pa, ma-late lang ang professor ng 15 minutes, may isa na diyan na sisigaw na "Uwian Na, Di na dadating si Sir!".

Nung Highschool naman, dinadalangin naming lahat na sana nabangga, natraffic at tinangay na ng ipo ipo ang sinasakyan ng mga teacher namin (Sa mga ka-batch kong nagbabasa nito, alam kong alam nyo ang sinasabi ko).

Kung ikukumpara mo ang oras mo nung Highschool, College at ngayong nagtatrabaho na, minsan ang ang sarap isipin na sana lang... sana lang, may reasonable na sweldo ang maging estudyante... para habang buhay estudyante na lang ako.

Imagine, kung 8 hours a day kang papasok as estudyante, sumusweldo ka pero nakaupo ka lang naman. Bukod dun, may allowance ka pa galing sa magulang mo. Hawak mo pa ang oras mo. Pwede kang umabsent anytime at di mo na kailangang mag-submit ng medical certificate at magcall-in. Simple lang. Wag kang pumasok, tapos.

Sa College, ganun ka-walang pakelam ang professor sayo'. Pero aminin nating maraming panahon na nagpapasalamat ka na ganito ang prof sayo lalo na sa mga pagkakataon na isang oras kang late pero papasok ka pa rin sa klase niya, tapos hindi ka lang niya papansinin.

Sa Highschool naman, base sa karanasan ko, eto ang mga ipinagagawa nila kapag late ka:

a.) Bumunot ng malaking talahib sa likod ng school.
b.) "Mag-squattras" ng depende sa demand ng mga CAT officers
c.) Para sa mga lalaki, susuntukin ng isang teacher na maton sa braso.. na kalaunan ay malalaman mo pala bading.

So far, heto lang naman yung kadalasang naging parusa noong High school kami pag late ka. Hindi naman din ako madalas malate dahil 52 steps lang ang school ko mula sa bahay namin.

Ngayon, pag nalate ka. Nakafile na yun. Tatlong beses ka lang pwede malate or else, issuance na ng warning yan. May deductions pa.

Sa oras na to', hinihintay ko ang notification ng supervisor ko kung ano nang nagyari sa pagfi-file ko ng OT ng isang oras habang yung mga kasabayan ko eh dito na natulog sa office para lang sa OT.

Kung hindi man ma-approve ang OT ko, hindi ko yun panghihinayangan. Mas mahalaga pa rin talaga ang quality time at itlog na pula at kamatis pag-uwi ko mamayang umaga.

Kaon na ta!


- chagadelic gurl -


Sunday, January 17, 2010

The Job Interests

Natapos na ang mga appraisals.

Natapos na rin ang annual performance evaluation. Income Tax return. 13th Month Pay.

Natapos na rin ang holiday rush and ang super nakakairitang traffic sa SLEX.

At heto ako, muli, nasa office pa rin. Gumagawa ng kalokohan na nagsusurf ng blocked sites at patingin tingin sa paligid dahil baka ma-screenshot ang ginagawa kong kasalanan.

Papungas pungas na ang mata ko at gusto nang bumagsak ng katawan ko. Sobrang antok nako, antagal pa ng next break ko. 4:00am. Gustong gusto ko na talagang matulog.

Mahirap ang Graveyard shift. Tulog ka sa umaga. Gising ka sa gabi. Yun ang problema ko, dati, sanay akong puyat at gising hanggang madaling araw (Nagagawa ko toh nung wala pakong boyfriend). Pero simula nung naging medyo emotionally stressful na ang bawat araw, madalas nakong gising sa maghapon at bumabagsak ang katawan ko sa gabi.

Kaya heto, nagdudusa ako ngayon. Sobrang antok. Tagal ng oras. Walang masyadong tawag.

I wonder, yung ibang barkada ko kayang nasa GY Shift din ay inaantok ng tulad ko ngayon???

Si Majoh, nurse. 7PM to 7AM.
Si Lot, call center agent, ewan ko kung anong in nya, basta alam ko 12AM labas niya.
Si Cacy, engineer, pang-umaga siya. kaya wala siyang problema kundi magpetiks.
Si Joseph, jobless.. daw
Si Art, nurse din.. daw
Si Michael, seaman, nagpapakasarap ngayon sa barko at hindi ko alam kung nasaang bansa siya ngayong oras na toh.
Si Ernest, "software engineer", ang may pinakamabangong job description samin. pangumaga din siya at alam ko, flexible oras niya dahil palagi siyang late.
Si Jamie, businesswoman, taong bahay din kaya alam ko malaya din ang oras niya.
Si Jeanal, text addict, 24hrs ang shift sa pagtetext at pakikipagchat.
Si Che, isa pang text addict, etoh naman 12hrs ang shift sa pagtetext at 12 hrs ang shift sa gimik.
Si Charisse, estudyante pa lang, ang aming valedictorian, kaya wala akong masasabi sa schedule niya kasi wala din akong idea.
At ako? wag nyo ng itanong, basta shift ko ngayong oras na toh.

At dahil paputol putol ang pagsusulat ko dito dahil may biglang pumapasok na trabaho, 10 minutes na lang, break ko na ulit.

Itutulog ko muna talaga to'. I swear.


- chagadelic gurl -