Opo. Nakamove on nako. Wala na kong masyadong dinadamdam tungkol sa mga kapitbahay namin. Napagisip isip ko kasi, what's the sense of being so careful and being so bothered about things when actually, wala ka naman din talagang magagawa. These people will never run out of things to talk about you. Kahit maayos na ang buhay namin at wala naman kaming kaaway, hahanapan ka pa rin naman nila ng mali.
Kaya ang resolution? Chill.
Walang magagawa ang galit. Like I said sa comment ko sa Facebook, God gives everybody a turning point. At naniniwala ako sa kakayahan ng Diyos na baguhin ang tao. Nasa sa tao na lang yun kung tatanggapin niya ang gustong mangyari ng Diyos para sa kanya.
Pero dahil nga nakamove on nako. Mas masaya na ulit ang mundo ko. Mas naaappreciate ko na ulit ang trabaho. Kaya mababalik na naman ako sa usaping pantrabaho.
After ng 4days trial ko sa Sales Department, unti unti ko nang naaappreciate ang ginagawa ko sa opisina. Pinalitan ko ang mindset ko. Pinalitan ko ang goals ko. Pinalitan ko ang outlook ko sa trabaho (Not literally the email software but my personal outlook).
Para akong nagreformat ng computer. Binura lahat ng memory na naglalaman ng old and junk files at nagre-install ako ng Operating System. Parehas pa rin ang OS pero iba na ang programs na naka-install. Mas mabilis na ang proseso at mas malinis na ang data storage at memory.
Ganyang ganyan ako ngayon. Nireformat ko na yung Customer Service na factor na utak ko. Nagre-install naman ako ng Sales. Mas maganda na ang takbo ngayon. Mas mabilis na magprocess. Mas marami na rin akong pwedeng gawin at mas marami na rin akong pwedeng i-store na panibagong mga data at information.
Tama nga siguro si "dati-kong-special-someone", baka nga burned out lang ako. Baka nga talaga hindi ko naman kailangan magresign.
Hindi ko ma-explain pero sadyang mas natutuwa ako sa oras ng pasok ko ngayon at klase ng trabaho ko ngayon pati na ang bagong supervisor. Strict ang bago kong supervisor pero sobrang flexible niya. Hindi issue ang lates or absences basta do well and reach the daily metrics. Kung meron ka ring kailangan, walang hesitations ka niyang tutulungan. Hindi katulad ng dati kong supervisor, nagrequest ka na ng leave, nakikipagtawanan lang sa gilid.
I think as of this blog, mas maeenjoy ko ang trabaho and I wouldn't want take a leave for a while since naghahabol din ako ng stats.
So far so good, been the top agent from our team since the last few days. I think I'm gonna be good in here. Mas maliit ang sweldo pero less ang stress. More time to be with my family and friends. Mas normal din ang pahinga.
Ok na ang work. Love life naman. LOL.
- chagadelic gurl -
Thursday, March 18, 2010
Nakamove on nako.
Wednesday, March 17, 2010
The Gossip-ers
Pasensya na. Hindi ako makamove on. Talagang bumabagabag sa isip ko ang mga tanong na bakit mo kailangan magkalat ng chismis at ano ang makukuha mo sa pakikipagchismisan?
These are the questions that I haven't really found the answer. Siguro kasi dahil hindi ko naman talaga linya ang pagusapan ang pribadongn buhay ng ibang tao. Kasi nga, notion ko dito is 'WALA NAMAN AKO MAPAPALA'.
Pero dahil hindi ako makamove on at talagang bothered ako, naisipan kong hanapin ang definition and to my gratefulness, pinipilit ko ring hanapin ang sagot para makapag-adjust sa mga taong katulad nila (Sosyal sila, kami pa ngayon ang mag-aadjust).
"People who spread gossip are generally insecure of their own positions at work, and aim for success without any concern regarding the welfare of their co-workers. Gossip mongers are usually jealous by nature, and find satisfaction in spreading rumors about those who are becoming more popular and successful in their endeavors and projects."
Pinilit kong ilagay ang sarili ko sa posisyon ng isang gossiper para makita kung anong ang mga possibleng dahilan kung bakit mo ginagawa yung mga bagay na ginagawa mo. Napagtanto ko, kung ikaw chismosa, kasiyahan mong iangat ang sarili mo sa iba dahil ikaw mismo sa sarili mo, andami mong insecurities kaya pupunahin mo ng pupunahin ang kamalian ng iba. Masaya kang makita ang downfall ng iba at pakiramdam mo, angat ka kung makikita mo ang iba na tumitingala sayo. At bakit? Kasi nga, ikaw sa sarili mo.. marami kang kabulukanng ginagawa.
"Two most prominent characteristics of a chronic gossiper is low self-esteem and lack of trust. Being untrustworthy himself, a gossiper is usually suspicious about the motives and intent of others, and will never trust a person at the first instance. "
Kaya siguro ganun yung mga kapitbahay namin. They act that way because they simply don't trust each other. OA sila magreact sa mga ginagawa ng ibang tao kasi tingin nila, ginagawa yun in purpose to hurt them or to show off. But the case is, hindi naman talaga ganun.
So far, sa mga nakita kong advise on how to deal with a gossiper, isa lang ang pinaka- sa tingin ko ay effective. Wala magsasalita kung wala namang makikinig. Kaya ang pwede na lang gawin diyan eh wag pansinin. Ganyan lang naman ang mga gossipers eh, kulang sa pansin.
Sabi nga nila, "Kung wala kang magandang sasabihin, wag mo na lang din sabihin."
- chagadelic gurl -
Bakit ang Babae?
Girls. Girls. Girls. Ano ang maiisip mo kapag napaguusapan ang mga babae? Girly Stuffs: Make over. Sexy Black Dress. 3 Inches High Heels. Waves and Rebonded hair. Hot Oil. Salon. Shopping. Etc.
At ano ang mapapansin mo? Puro kalandian. Puro kaartehan. Pagpapaganda sa sarili para maipakita sa lahat na attractive ka.
Yan ang babae. Ganyan kami at aminado kaming masyado kaming careful sa mga sarili namin pagdating sa pagpapaganda.
Isang bagay din ang napansin ko, its mostly girls who tend to be jealous of each other. Bakit? Dahil maganda ang make up nya. Dahil mas sexy siya sakin. Dahil mas bagay ang damit ko sa kanya and thousand more reasons why.
Isa lang ang napansin ko. Guys tend to be jealous as well but why aren't they so obvious like how girls do it.
My brother is friends with guys in our street and sila, pag magkakasama..wala namang ilangan sa isa't isa. Parang normal lang, di mo makikitaan ng patalbugan o ng payabangan ng mga gadgets nila. Kaya nilang makisama sa isa't isa at hindi big deal yun.
Thing is, napansin ko kasi, me.. my sister and my mom, we have never been so close to any of the girls that lives on our street. Ako, I have my own reason: I'm just not like them.
Eto pa, napansin ko na pag nagkakasama kami ng mga girls na neighbor namin, lagi na lang may patalbugan. Lagi na lang may comparison. Lagi na lang may pupunahin sayo at lagi na lang iintrigahin ang buhay mo. I just can't help but ask, do guys do this as well? O naturally insecure lang ang mga babae?
I'm totally a neutral person. Sa street namin, wala akong kaclose. Nagcecelebrate and lahat sa labas para pagfiestahan ang isang chismis pero ako, wala talaga akong pakeelam. Hindi ako mahilig mamansin at aminado akong suplada ako. Pero ang alam ko, wala naman akong matinding kaaway sa street namin. Possible nga sigurong naiinis sila sakin dahil minsan may pagkamataray ako, pero knowing it really and remembering it.. so far, ang alam ko..wala akong kaaway.
Oo, first time ata akong hindi nagbanggit ng tungkol sa trabaho ngayon. Siguro in a way, nafocus ako sa mga iilang bagay na hindi ko napapansin lately. Kagaya na nga isang normal pero nakakainis na katangian na meron ang pagiging isang babae.
Chismis at Chismosa. Yan ang dalawang pinaka-ayaw ko sa mundo bukod sa kasalanan.
Bakit ba kasi walang babaeng hindi chismosa? Oo chismosa din ako pero marunong akong maglimita ng mga taong pagsasabihan ko ng mga bagay na nalalaman ko. Pero bakit ba talagang may mga taong sobrang hindi makuntento na hindi isisiwalat ang napapansin niyang dumi ng kapwa niya? Ano ba talaga ang kapakipakinabang sa pagpuna sa buhay ng ibang tao?
Sigh! Sa ganitong mga pagkakataon, lubos akong nagpapasalamat sa Diyos.
Girls are always girls. And we have been known to be the "pinaka-maarteng" nilalang sa mundo aside of course from gays. Lahat gagawin mo para lang mapantayan ang weight niya. Isusuko mo ang buong cut off mo na sweldo para lang sa shopping. Magaabala kang pumunta ng salon at maghintay ng 6hrs para lang marebond ang buhok mo. Titiisin mo ang pain ng pagsusuot ng high heels para lang makasabay sa mga sophisticated na girls.
Then you realize, hirap pala maging babae.
Tapunan ng chismis. Batuhan ng puna. Lahat sayo bubulatlatin. At ikaw naman, hindi mo papansinin.. show them off na lang. Sooner you'll realize, you turn out to be "mayabang" pala. And thing is, you didn't do that on purpose. You just do whatever is normal to your life style. Is it such a sin that you do not spill out so much in your life and you're not like other girls? Then people look at you like you're the dirtiest person on earth.
Note: Masyadong nagiging bitter ang mga linya kaya aaminin ko na rin. Naiinis ako sa neighborhood namin. Nakalocate lang naman kami sa isang buong baranggay ng chismosa at chismosa. Nagkataong tahimik ang pamilya namin. Nagkataong hindi kami maingay sa buhay namin. Kaya ang chismosa at chimosa, hahanapan ka ng mga bagay na pwedeng mapuna sayo kahit wala ka naman talagang ginagawa. At bakit ko napagtuunan ang mga babae lang? Eh dahil nga napansin ko, sa neighborhood namin, hindi naman ganito ang mga lalaki. Mga babae lang. Mga babae lang talaga.
Ironic. Ayoko sa Chismosa pero isang buong lane sa tapat ng bahay namin ay lungga ng mga chismosa at chismosa. Pero sabi nga nila, isa lang naman din ang katapat ng mga "gossip-monger" na ito. Kung gaano ka katapang gumawa ng chismis, ganun ka rin katakot machismis.
Ang mga babae nga naman. Bakit nga ba kasi babae lang??
- chagadelic gurl -