Araw araw akong pumapasok sa opisina. Araw araw akong gumagawa ng admin work, gumagawa ng reports at araw araw ding kumakain ng McSaver meal sa McDonalds para makatipid sa lunch.
At sa araw araw na pagpasok ko, araw araw din akong napapasali sa isang chismisan sa office. Ano ang usap usapan? Botohan sa May.
Tuwing mga 2pm, na halos wala ng tawag, araw araw napupunta sa usapan ng mga employees ang botohan sa May 10. At tuwing may mapapasali sa usapan, laging unang itatanong..
Sinong iboboto mo?
Out of nowhere, naitanong ko tuloy bigla sa sarili ko, Sino nga ba talagang iboboto ko?
Tama ang usap usapan na naririnig ko sa office at naririnig ko rin sa kalye. Halos lahat ng taong nakakausap ko, sinasagot ako ng "May Vice President nako, wala lang Presidente."
Kung pwede nga lang ba, Vice President na lang ang iboto natin eh. Sa hanay kasi ng mga tumatakbong Presidente ngayon, lahat naman sila may mga issue. Lahat din sila may mga advantages and disadvantages. Ang tanong na lang eh kung gaano katotoo ang mga sinasabi nila.. para kasing wala naman talagang nagsasabi ng totoo sa mga pangako nila.
Usapang Vice President ng Pilipinas.
Sino ang iboboto ko? Oo, aamin nako. Ako at ang sampu sa mga ka-opisina ko ay nag-aagree na iboboto namin si Mayor Jejomar Binay ng Makati.
Bakit?
Base sa nakita ko, maganda talaga ang Makati. Disiplinadong mga tao. Malinis ang Streets. Organized ang Business District at ang lugar para sa mga Gimikan. At ang mismong Mayor eh mayroong disiplina sa sarili niya, pagkakaalam ko, sinabi samin sa opisina na siya mismo ang nanghuhuli ng mga naninigarilyo sa hindi designated na smoking area. Isa pa, malaya kang makakapaglakad sa Makati mula corner ng Ayala hanggang sa may Greenbelt ng hindi inaalala kung may snatcher sa likod mo (Meron pa rin naman sigurado pero mas bawas ang volume nila). Nagustuhan ko ang setup sa Makati. At tama si Binay, maganda nga sana kung ganito ang buong mundo.
Usapang Presidente ng Pilipinas.
Tanungin mo ang ilang tao dito sa office ngayon at halos lahat sila ay walang maisasagot sayo. Halos pare-pareho na kasi ang mga speech ng mga tumatakbo ngnayon sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Wala ka talagang mapipili.
Panay na nga ang programs ng GMA at ABS CBN para lang maimulat ang tao sa pagkakaroon ng wise na pagboto this coming May. Hindi ko alam kung may epekto ba ang mga programs na ginagawa nila para sa tao pero in a way, I commend the broadcasting networks by trying to educate the people to vote wisely.
Ang problema na lang, kahit gaano kaganda ang mga tanong, at kahit gaano kaganda ang mga tests na ginagawa ng mga networks para salain ang mga presidential candidates, yun naman mismong nagiging sagot ng candidate ang nagpapagulo.
Aminin natin. May ilang mga candidates na kapag tinanong mo sa mga interview, ang gulo ng sagot. May mga candidates na tinanong ng "Ano ang magagawa mo para sa ganito at ganun.." .. isasagot nila sayo ang mga nagawa na nila whereas ang tanong is nagrerely sa sagot na pwede pa sana nilang magawa.
Maraming ganitong candidates at yun ang lalong nagpapaconfuse sa kung sino ang iboboto mo.
I think the media is doing their part well to let the people reflect to themselves kung sino ang mas higit na nararapat sa posisyon. At aminin lang natin talaga, wala talagang tumatakbong presidentiable ngayon na una pa lang eh makikita mo ng karapat dapat siya. Lahat talaga kikilalanin mo muna. Pero kung minsan, yung akala mong kilala mo na... may itinatago pa lang karumihan.
Tanong. Sino ba talagang dapat iboto?
Sana nga kasi, Vice President na lang..wala ng President.
Note: Masyadong toxic ang mga nagiging discussion ko sa paligid. Gusto ko lang pong ilahad na alam kong hindi lang ako ang nacoconfuse sa darating na botohan. Marami lang talaga ang gusto pang malinawan sa mga pakay ng mga presidential candidate.
- chagadelic gurl -
Showing posts with label May 2010 Election. Show all posts
Showing posts with label May 2010 Election. Show all posts
Wednesday, April 7, 2010
Vote for Vice President... Only
Subscribe to:
Posts (Atom)