Showing posts with label High School. Show all posts
Showing posts with label High School. Show all posts

Tuesday, August 24, 2010

The Transformers

"Growing up is never easy. You hold on to things that were. You wonder what's to come. But that night, I think we knew it was time to let go of what had been, and look ahead to what would be. Other days. New days. Days to come. The thing is, we didn't have to hate each other for getting older. We just had to forgive ourselves... for growing up.” - The Wonder Years


Ever wondered how your friends from Pre-School to High School would look like after 5, 10 or 30 years?

Wala akong magawa, so out of nowhere, naisipan ko lang maghanap hanap ng picture sa Facebook and sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko ang ilang mga litratong napaglumaan na ng panahon.

It's just so amazing how people used to look like losers and they end up today looking like the next most gorgeous woman on earth or the yummiest hunk ever created.

From a friend's Facebook account, I found these photos and look how young girls and guys turned from ugly duckling into beautiful swans:



This was taken from our Sophomore's Acquaintance party. We were 14 Years of age then, look at them now:



Charisse is already married with her longtime boyfriend Junjun and they now have their own kid.


Majoh is now a registered nurse in one of Laguna's top rated hospitals.



Che has just recently got her license, also as a registered nurse.


This one was also taken way back from our Sophomore years, during our Acquaintance party:



Jeanal also currently works as a registered nurse at one of Laguna's known hospitals.


Krissie just recently got hired as a Telemarketing Account Officer in a mobile content producing company.


Ernest has been with one of the top Call Center companies in the Philippines and works there as a Software Engineer since the year 2008.


Along with other boys, this photo was also taken in the same party of our Sophomore year.



Joseph worked as a Barista in Starbucks Greenhills after college graduation and as of today, nobody knows where he really works. All they know is that everytime he appears to reunions, he always have the latest phone with him.


Michael is currently working as a Marine Engineer who travels all over the world.

.
.
.

Nakakatuwang isipin, parang kelan lang, nagkokopyahan lang kayo pag' may exam. Parang kelan lang, nagkakaaway away at nagiiyakan pa kayo dahil sa ilang mga project na hindi nyo' alam kung paano tatapusin. At parang kelan lang, sabay sabay nyong' inihagis ang white graduation cap nyo' as a sign na natapos nyo' ang kalagitnaan ng phase ng pag-aaral.

Parang kelan lang.

At nakakatuwang isipin pa, na sa paglipas nang panahon..ibang transformation naman ang magaganap. Ibang looks, ibang style, ibang trabaho, ibang societal class na ang makikita mo.. ang hindi lang nag-iiba ay ang bond. Bond of friendship na kahit noong High School nagsimula, hanggang ngayon.. hindi pa rin nawawala.

.
.
.
At hindi nako magdadrama kasi baka sabihin nyo' ang korny ko na.

I just wonder, ano naman kaya ang susunod na transformation???


Note: All photos were extracted from Majoh's Facebook account. Some photos were meant to be pixelated to protect the privacy of those people who did not provide authorization to publish themselves in the blog.



- chagedelic gurl -

Friday, February 19, 2010

Isa Pang Nakikigaya Lang

FIRST YEAR

1. Do you know exactly where your room was?

2nd room mula sa CR. Dati daw High School Building at pinaniniwalaang isa sa mga unang naging building ng PMS. Isa din sa pinaniniwalaang "haunted"

2. What section were you?

Erasmus. Hindi ako top section nung unang sabak ko sa High S

3. Are you a total stranger in that school?

Nope. Dun na ata ako unang tinubuan ng pimples. Unang nadapa. Unang nakipagaway.

4. First person to become your friend?

Uhmm. Lahat naman sila friends ko na ever since.

5. Do you still remember your 1st day in high school?

Yup. Total adjustment! New classmates. New Teacher (Ms. Tope).

6. Your best friend that time?:

Ma. Johanna Hilbero and Charlot Marie G. Abuzo

7. Who is your seatmate that time?:

Jamie Charlene Pabale (mula first year to fourth year ata kaming magkatabi eh)

8. Do you have a special someone that time?:

Wala. Kasi nangangapa pako sa High School life. Pero marami akong crush at meron akong naging crush sa classroom namin dati na ngayon eh tatay na.. "ata"..

9. How many are you in your class?:

Basta alam ko hindi lumalagpas ng 25 students.

10. Favorite teacher?:

Mr. Cailing. (Mataray yan pero na-iinspire ako sa mga pangaral nya samin dati.)

SECOND YEAR

1. Your section is:

Descartes.. na kalaunan naging Aristotle.

2. Name something special that happened that year:

Nagkaroon ng re-shuffle ng estudyante at napalayo ako sa mga kaclose ko. Nalipat ako sa section "daw" ng matatalino. Nag-iba din yung grupo ko at ang alam ko lang ng mga panahon na toh, gusto ko laging umaabsent kasi ayoko sa secion na kinalipatan ko.

3. How many were you then?:

Same thing nung first year.

4. Do you have the same classmates?

Merong iba na naging classmate ko pa din. Pero yung karamihan ng mga kaclose ko, hindi ko na masyadong nakakasama.

5. Favorite place to hang out:

Hindi ako madalas tumatambay ng school nun eh. Kasi lagi nga akong pa-uwi.

6. Something that happened that year?

Wala masyado, ang alam ko lang.. hirap ako maka-adjust nun dahil sa gitna ng school year, naging iba ang mundo ko. Naging iba din ang mga kasama ko. Pero good thing, napabilang ako sa grupo nina Charisse Ann Nevalga, Mark Joseph Punongbayan at Jamie Charlene Pabale na kilala sa pagiging masisipag na mga estudyante.

THIRD YEAR

1. Your section:

Socrates.

2. Your adviser:

Mrs. Bio. (Pwede din siyang tawaging Bio-woman). Isa siya sa mga terror ng school at ito ang pinakapaborito kong linya niya noon.

"Para kayong mga taeng nagkalat sa labas ng classroom."

3. Favorite place to hang out.

Playground. Fire Exit sa High School Building. Tuwing may training ng CAT.

4. Something memorable that happened:

During CAT Training. COCC pa lang ako nun at talagang ang nagpapatagal sakin sa training eh yung crush kong CAT Officer noon na si Randy Rabulan. Daming memories non' pero hindi ako ang highlight ng mga events kasi busy akong nakikipagkwentuhan lang lagi kay Ma. Jeanal Cordero.

Tsaka eto pa pala, JS Prom. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isinayaw ako ng crush ko. At dahil malakas ang topak ng bestfriend ko nung time na yun na walang iba, kund si Jeanal Cordero.. naisipan niyang kunan ng picture yung pagsayaw sakin ni Randy. And guess what, andaming nahuling kababalaghan!!! (Diba Che? hehehe.)

5. Hobby that year:

COCC stuffs. After school/CAT Training.. punta kina Jeanal para tumambay.

6. Any batch theme song?

FOURTH YEAR

1. Your Section?

Pythagoras. Eto, top section nako na muntik pang hindi makasama dahil na-late ako ng enroll. Bwiset na bwiset ako dun dahil pagdating ng first day of classes, ako lang pala ang nahiwalay sa kanilang lahat.

2. Best bud/s:

Walang Iba kundi ang nabuong tropahan - TROPANG CHAG
Namely:

Ma. Jeanal Cordero
Rochelle Mae De Leon
Roselyn Aripol
Charisse Ann Nevalga
Ma. Johanna Hilbero
Jamie Charlene Pabale
Mark Joseph Punongbayan
Ernest James Garcia
Gerand Cacy Magno
Art Renato Belandres
Michael Laviña

3. Favorite place to hang out.

Bahay nina Jeanal. Bahay namin. (Lagi naman eh!)

4. What thing do you seldom do unlike before?

I guess we seldom "not" see each other (Tropang Chag). Kasi 5days a week ang classes. During Fridays, we stay up late dahil sa CAT Training. At minsan, kahit Saturday or Sunday, magkikita kita pa rin para gumimik, gumawa ng project at magkopyahan sa Accounting!

5. Have you undergone a disciplinary action?

Dalawang mabigat na karanasan at hindi malilimutang mga pangyayari:
CAT Training and punishments.
Yung napatawag ako sa office dahil nanuntok ako ng bakla. (Pero hindi naman talaga ako nadisciplinary action non', pinatawag lang sa office para magkausap - usap.)

6. Memorable things that happened:

Nung isang hapon sa training ng CAT, masaya kaming nagkukwentuhan nina sir Yatco kasama ng mga kasamahan ko sa CAT, nang sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang naki-epal si Alain. Si Alain ay isang transferee sa school at wala siyang naging kaibigan dahil na rin sa behavior niya nung High School. Topakin ang bading na to', kaya nung pagkakataon na yun.. nauwi kami sa awayan, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nasuntok ko siya sa kaliwang pisngi. Saka ko narealize, shit! ansarap pala manapak ng epal.

7. If you had a choice, would you go back in time to experience high school all over again?

Oo naman. Uulit ulitin ko pang balikan yung memories. Ang ayoko lang.. bumalik ulit sa PMS para mag-aral, syempre, tatambay ka na lang.

8. Among the three, choose one that best describes your high school life: Unforgettable, So So, Couldve been better?

Definitely, Unforgettable!

9. Are you still in contact with old high school friends?

Yes. Pero mas madalas kong kasama ang nasa circle of friends lang namin. Yung iba, other means of communication na lang kagaya ng Internet. (most likely ganun!)

Name 10 things/person that you miss the most: (no particular order)

Hindi ko masyadong namimiss yung school kasi kapit bahay ko lang eh. pero pinakanamimiss ko syempre is yung mga batchmates and High School friends.

Kanin na sinabawan ng toyo at lumpia na pinaliguan ng Ketchup. Mind you, Php10 per meal lang yan.

Tumambay after class sa bahay nina Jeanal at manood ng movie. Eto yung mga moments na purita pa kami kasi magre-rent lang kami ng VCD sa Video City at mahal pa noon ang DVD. Minsan, yung nirerenta pa namin, yung pirated na puro sound na lang kaya mo naintindihan yung storya sa sobrang dilim nung kopya.

Makipagkopyahan ng assignment sa Accounting. Isang hindi malilimutang pangyayari, kalahati ng klase umabsent sa hapon para lang makapagkopyahan ng final assignment (ata?) sa Accounting. Kinabukasan, lahat ng umabsent, napagalitan.

Gumawa ng Outline sa klase ni Ma'am Bio. Isa pang hindi ko maintindihan, bakit mo kailangang ipasulat ulit sa mga estudyante ang bagay na nasa libro naman? Ang outline ay parang reviewer lang dapat na bullet points ang format. Pero sa takot ng mga estudyante tuwing tanungan, buong libro yung kinokopya.

Mag-CAT march kasama lahat ng officers na gumagawa pa ng exhibition. (Including yung mukha ni Gerand Cacy Magno pag hindi siya natutuwa sa mga hindi sumusunod sa orders niya)

Foundation Week na lahat pa ng klase noon sa PMS ay naeeffort na gumawa ng kanya kanyang booth. Favorite ko yung "Jail Booth". Ewan ko ba pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan, lagi akong nahuhuli.

Hell Week sa CAT Training. Yung Special Saturdays na pupunta kayo ng 6AM sa school para ubusin ang lakas sa training para lang maging CAT officer. Ito ang pinakafavorite ko dun, yung kumain kami ng kaning baboy. (Kaning Baboy - n. pinaghalo halong pagkain kagaya ng meat loaf, hilaw na kanin, noodles, at sinamahan pa ng isang fresh na dahon ng sili on top)

Magreport sa klase ni Ma'am Bio. Report na in the end, itatanong mo sa sarili mo, bakit nga ba kailangan pa niyang ipa-report samin yung mga bagay na nasa libro naman na? Hindi kaya tinatamad lang magturo yung teacher? Pero isang bagay lang sa reporting, natutunan kong magdiscuss ng topic which is nadala ko sa college.

And lastly, kantahin ang song na included sa Flag Ceremony: "Lupang Hinirang" aka as "Bayang Magiliw", Panunumpa sa Watawat. Panorama Hymn. Isa lang ito sa matagal ko ng tanong na hindi pa nasasagot ng maligalig kong kaisipan. Sino ba talaga yung kumanta ng "Panorama Montessori School" Hymn???

Tama si Majoh, lahat naman.. nakakamiss eh.

Monday, January 4, 2010

Magandang Panimula

Happy New Year to Everyone!

This year should be a good start dahil for the very first time, I have created a blog for my "group" of friends. Isang blog na hindi ko alam kung magtitiyaga naman silang basahin. Pero masaya ako, totoo.. masaya talaga ko.. dahil for the very first time, makakapgpublish ako ng blog na hindi lang laman ang story ng buhay pag-ibig ko. And this time, it's all about them.. it's all about us. Our story. Our Reunion. Our Parties and "Gimiks". Our Friendship..

Shit! Andrama. But really, to start off the year.. and to start off this blog. Isang party ang naganap sa aming tahanan.



Hanapin nyo na lang kung sino ako diyan.
.
.
.

It's supposed to be just one simple party. Umaga pa lang namomroblema nako sa budget. (Wala pa kasing sweldo nun!). Pero natuwa talaga ko sa kanila dahil so far.. improving naman ang kinain namin. Dati rati kasi.. puro pancit canton lang handa namin. Akalain mo, may pizza na kami ngayon??!!
.
.
.


Pero di lang naman yun ang nagpasaya sakin. Sa totoo, lagi naman talagang masaya yung mga gala namin. Kahit kelan naman talaga na nagbobonding kaming magkakabarkada, it's always the happiest moment in the year. Hanga lang din talaga ko, kasi iilan nalang yung mga ganito. Imagine, etong barakada kong toh, I am definitely proud to say.. Lahat po kami ay graduate - with Bachelor's degree. At paano nagsimula ang barkadahan? High School.

Enough about the story kung paano nagsimula, ikukwento ko din yan. Pero etoh pa yung mga nangyari ng gabi yun. Take note: I had to miss my Company Xmas Party at the Bazzo Bar. (Shit! Ang yabang).



Kainan galore muna.
.
.
.



Anu pa nga ba? Edi inuman.
.
.
.



At syempre, nagkaubusan ng pagkain at the end of the day.
.
.
.

Pero all in all, masaya naman talaga yung xmas party. Well. So much for a welcome party. And hopefully. This should be a good start.

Happy New Year Ulit!


- chagadelic gurl -