Showing posts with label Reservation. Show all posts
Showing posts with label Reservation. Show all posts

Thursday, April 22, 2010

The Urge of a Travel Agent

Lately, panay ang reklamo ko kay "Shyder" (Siya si dating special someone. Binago ko na ang tawag ko sa kanya kasi masyadong mahaba kapag naman yung dati pa talaga. Tsaka para cute, Shyder na lang ang itatawag ko sa kanya.)

Panay ang reklamo ko na kelangan ko ng break. Na kailangan kong may gawing iba kasi feeling ko nakakasawa na yung everday routine ko. Parang alphabet ang everyday routine ko, tuloy tuloy lang pag naumpisahan mo at pag tapos ka na, uulitin mo lang ulit sa umpisa. At heto yun:

a.) Gising ng 6:00AM
b.) Kuha towel sa likod bahay, diretso sa banyo, ligo.
c.) Bihis ng pantalon, T-Shirt then rubber shoes (minsan sandals, minsan high heels)
d.) Kain ng: Itlog/Hotdog/Chicken/Footlong with sinangag na rice plus coffee
e.) Kupit ng barya sa tindahan
f.) Lakad hanggang kanto (minsan sakay ng trycicle)
g.) Sakay ng jeep papuntang Balibago - baba sa terminal ng Bus
h.) Sakay papuntang LRT/Buendia
i.) Tulog sa byahe
j.) Baba sa Dela Rosa
k.) Sakay ng jeep papuntang Ayala - baba sa Crispa
l.) Lakad papasok ng office
m.) Work. Work. Work
n.) Lunch ng 11:30am. Kain sa McDo ng McSaver meals.
o.) Work. Work. Work
p.) Lunch ulit ng 2:00pm: CR/Tulog sa Lounge
q.) Work. Work. Work
r.) Lunch ulit ng 4:30pm: Tulog ulit sa Lounge/Minsan bumibili ng ice cream
s.) Log out ng 6:00pm
t.) Sakay papuntang LRT. Baba sa terminal ng bus. Sakay papuntang Balibago.
u.) Baba sa Balibago. Sakay papuntang Cabuyao - baba sa kanto namin
w.) Lakad pauwi sa bahay
x.) Kain ng dinner. Palit ng damit.
y.) Konting kwentuhan sa mudrabels ko/Katext si Shyder
z.) Higa sa kama. Tulog.


Alam ko, masyado unexciting ang daily routine ko. Parang paulit ulit lang which is exactly the same reason kung bakit parang naghahanap akong iba kong pwedeng gawin.

Lagi ko ring sinasabi kay Shyder, "Siguro kailangan ko lang lumabas."

At pag naman ginagawa ko na tuwing sweldo, hindi ko maintindihan pero feeling ko hindi pa rin enough yun para mafulfill ang boredom ko. Kaya tuloy, apektado ang performance sa trabaho. Lalo na ngayon, limang araw nakong nagsusuffer sa runny nose, pagkabagsak ng mata at parang hinang hina akong umalis ng bahay.

Been realizing, I guess I just really need a long f****** break.

At napapamura talaga ko kasi feeling ko yun talaga ang problema ko. I've read this in one of the most popular blog na umiikot sa office namin. Minsan talaga dumadating sayo yung feeling na tamad na tamad ka na sa ginagawa mo na parang gusto mo munang magbreak ng at least 2 weeks.

Alam ko na ngayon ang feeling. At tama, parang tuwing gigising ako sa umaga, winiwish ko na matapos na agad ang araw para makapagpahinga nako ulit sa napakalambot kong kama.

Aside from that, nagdaan ang holy week. Nagdaan ang araw ng kagitingan.

Lahat ng tao nagsipunta sa Bora, nagsipunta sa Tagaytay, Baguio, Puerto Princesa, Hongkong, Singapore at Haiti. Pero ako, stuck sa bahay. Hindi man lang ata ako nakapunta ng Los Baños na malapit na samin para magswimming.

Been a travel agent since last year at marami rami na rin akong nabenta. Kumita na nga ata siguro ang company sakin ng almost 1M USD. Lahat ng klase ng customers ay nahanapan ko na ng magandang hotel, reasonable na flight schedule at Walt Disney World 7 Day Park hopper tickets, pero ako, stuck pa rin sa trabaho at sa a-z na daily routine ko.

I guess this is why clients are so concerned about their travel plans. Eh kasi naman, everybody needs to take a break. Everybody deserves to take some time off from work.

I just really wonder. Kelan naman kaya ako makakakuha ng magandang timing, reasonable na budget at nakae-excite na destination.

Sana one time, ako naman ang nagpaplano ng sarili kong bakasyon on line.


- chagadelic gurl -