Showing posts with label Celebration. Show all posts
Showing posts with label Celebration. Show all posts

Friday, February 18, 2011

A Heart's Night... Part 2


"Don't ask me.
You're the one who asked me on a date.
You should know where to take me."



"You're as beautiful as they are." He made me feel at ease with those last words he just told me.

Still hesitant, I had to accept the flowers. And I still couldn't imagine myself being in a date with a guy, as a couple and with a bouquet of flowers.

This is effin' ridiculous.
Nabanggit ko na lang sa sarili ko.

But then again, It would be very harsh of me to just reject him like that. At kahit papano, kahit uncomfortable para sakin, I had to accept the flowers. Ayoko rin namang sirain ang araw na toh' kahit na para sakin, Valetine's day is just one big heck of a joke.

"So? shall we?" He asked me. I nodded and followed him.

Lumalalim na ang gabi. Dumadami na rin ang couples sa paligid. Lalo akong naiilang but I'm trying me best efforts to be very OK and sweet to him. I'm trying to make myself romantic. Just so I could relate to him.

Palakad lakad lang kami. Paikot ikot sa buong area. Nagkkwentuhan pa rin kami and just merely enjoying the place. Napansin pa naming may free concert si John Ford Coley, though medyo konti ang nanonood, ayos na rin.

Out of nowhere, biglaan pa kaming tinapatan ng isang lalaking may hawak na malaking Sony HDC-1400R HD portable studio camera. Itinutok niya sa amin ang camera at inilawan pa kami. Yun pala, kinukunan kami ng crew ni Gretchen Malalad para sa news report niya. (Kung nanoood kayo ng balita ng madaling araw, malamang nakita nyo kami.)

Nagdecide na kaming kumain since gumagabi na. Nagpaikot-ikot kami sa buong area para humanap ng restaurant na masarap kainan. Sa dami ng choices, parang hindi na rin niya alam kung saan ako dadalhin.

Dito, nagsimula nakong mainis.

Napansin niyang hindi na maganda ang mood ko. Kaya para lang mapakain na niya ko, pumili na siya ng malapit na restaurant sa paligid.

"Ano? Dito na lang tayo?" Tanong niya sakin.

"Ewan ko sayo. Don't ask me. You're the one who asked me on a date. You should know where to take me." Naiinis ko siyang nilitanyahan.

Alam kong hindi na rin siya comfortable since inaatake na siya ng Dyspepsia. Pinili na naming kumain sa Stackers Burger Cafe. Sa puntong ito, medyo irritable nako dahil ramdam ko na rin naman ang pagod sa paikot ikot lang na lakad namin thinking na nanggaling pako sa trabaho.

Medyo gumagabi na rin naman noon kaya hindi na rin namin maiwasang madaliin ang "romantic" date sana namin. Ang backfire pa, medyo mabagal ang service ng crew dahil na rin sa dami ng tao.

He ordered chicken while I ordered burger. It turned out to be a casual dining experience for both of us. Afterwards, we've both decided to go home. We took a cab going home to our apartments. Epic fail pa nga ang taxi ride namin pauwi dahil nagkamali ng nilusutang kalye yung taxing sinasakyan namin.

I got home having the three fuschia pink roses with me. But before the night ended, he confessed to me that during the time he was offering me the flowers, people were staring at him. Napahiya daw siya though OK lang daw sa kanya because he fully understands how I feel.

Ako naman ang na-frustrate.

I guess I've been a bit harsh about how I over-reacted. It's Valentine's day. People give each other flowers. It doesn't have to be romantic at all. Sheesh, I've just been a bit bitchy.

.
.
.

It was our first Valentine's as a couple.. again. I guess the general rating as to how it ended that day will be a total "It sucked" day. Hindi yun dahil lang sa hindi siya prepared or dahil maraming failure sa date namin.

I guess the reason why it wasn't-so-romantic is because we both sucked at being romantic. He tried to do efforts thinking as if this or that is enough. I refused to cooperate. I refused to appreaciate and incorporate myself with anything happening that day. I have declined allowing myself to be expressive because I have been afraid to give more and receive less. For that, the words are "afraid-not-meeting-the-expectations".

On his part, I could say that it is pretty obvious that he had no plans. That he didn't even thought of doing anything special for us on that day. He had to chose to just let it pass... like any other couple celebrating the same day. Pero sabi ko nga, hindi ibig sabihin na napuna ko yung mga bagay na yun eh hindi ako masaya.

Naging masaya ako. I just never thought that it is how our Valentine's day would end up. I was sort fo expecting more... sana.

But like a popular line, I can just always say "It's Epic Fail."

On the other side, kahit frustrated ako, I feel so much guilty that I acted that way. In this case, (in which I know he's contantly checking my blog for updates), I'd like to let him know that I'm sorry.

I don't intend for it to happen. At the same time, I'd like to say "Thank you" to him, for trying his very best to make that day work out. It may not be the best, but I appreciate the wonderful experience.

.
.
.

Monday, February 14, 2011

Happy V-day!


"Today is Valentine's Day. Or, as men like to call it, Extortion day."
~ Jay Leno

Hi guys! Sorry I've been so much busy for a while.

Napadaan nga lang ako eh... on my own blog.

Well, I just dont want to skip this day without having to greet everyone a Happy V-day!

I know, "V" can stand for a lot of meanings. And yes, today is the time of the year when most men feel like its the Judgement day.

Since I really need to run now (I'm stealing away a time here in the office), I might as well just continue with this post within the coming days.

And maybe, I'll be able to squeeze out more thoughts about this day.

.
.
.

But for now, I'm just leaving this post with a greeting...


Happy V-day Everyone!


...to be continued.



- chagadelic gurl -

Wednesday, January 12, 2011

The first and hopefully more

Good morning Chag Blog and Happy First Anniversarry!

Whew! It's been a year since this blog has been created. Yun pa ang mga moments na hindi ko alam kung ano ang isusulat ko. Fortunately, I was able to establish the page kahit madalas na walang sense ang mga entries ko.

If I can remember, the first entry that I have posted in here was about Chag's people Xmas celebration. Kaya ngayong first year anniversarry na ng The Chag Blog, I'd like to again, feature the people behind the creation of this page.



The Chag Pipz (na hindi kumpleto): Kristine, Art, Majoh, Ernest, Rochelle, Jeanal and Cacy



Eto daw ang wacky shot na obviously namang nagpacute lang ang lahat.



Kagaya nang usapan last year, kanya kanyang dala ulit ng contribution. Lahat naman nagdala: Kay Art galing ang Roasted Chicken; Kay Majoh nanggaling ang Siomai; Si Rochelle ang nagdala ng Hotdogs; Kay Ernest naman ang Brownies (na hindi kita sa picture); Kay Kristine ang Lumpiang Shanghai and Fruit Salad; At si Jeanal naman ang nagdala ng sarili niya.



Special mention ang kay Cacy dahil sa kanya galing ang pinakaunique na contribution: Lechong Baboy... made in bread. Pero honestly, kanya yata ang pinakamasarap na dala. Sa tuwing tinitignan ko ito ay hindi ko maiwasang magutom.



Eto ang moment of truth. Kainan na!


Palibhasa may kumukuha ng snap-shot, laging prepared ang Chag Pipz para mag-peace sign at magpacute... kahit kumakain.



Gaya ng dati, tuloy ulit sa inuman pagkatapos ng kainan.



Present pa rin sa inuman ang tira tira sa mga kinain ng dinner. Dito makikita ang effort ni Jeanal na maglabas nang kanyang contribution: ang 4pcs na Butterfingers.



Like the usual, sari saring kwento na naman ang naging batuhan ng usapan habang nagiinuman. Nagumpisa sa panenermon kay Jeanal, papunta sa yayaan ng mga planong gimik sa March, ang isa isang updates sa bawat isa at ang pinakapoborito ng lahat, ang nakakapagpabagabag na kwento ni Art tungkol sa "Dalaw" sa bahay nila.

Pero all in all, it was a happy gathering kahit medyo kulang kami. Sabi nga ni Rochelle pagkatapos ng party, "Nakakamiss sila".

Sana tuloy tuloy na ang ganito. At sana next year kumpleto na kami.

Pero sigurado namang maraming pang mga gatherings ang susunod. Hopefully, matuloy ang planong paulit ulit na sinasabi ni Ernest, "5-6!". And looking forward to one of us proceeding to the next phase of life..

Panibagong challenge na naman for one of the Chag pipz.



We'd like to congratulate Cacy, in advance, for his upcoming baby and his upcoming wedding this year. We will definitely feature these events here. (Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit kailangang meron siyang chocolate sa ngipin.)

Growing up?

Definitely! Dati rati lang kaming magkakasamang nagkokopyahan sa classroom noon, ngayon, panibagong taon na naman. Tatanda na ulit kami at may mga panibagong challenges na naman.

And somehow, it's a happy thought that we kept intact all throughout the years. Medyo magkakalayo, medyo busy, pero OK lang. We try to find time for these events to happen. And hopefully, magtuloy tuloy na ganito kami. Na kahit mga 60 years old na kaming lahat, magtetext pa rin kami (kung uso pa ang texting) para magkita kita.

.
.
.

The event that started at 8PM ended at 5AM the next day. It ended as we hugged each other and bid goodbye for the day.

After that, all weare looking forward is to get to March. Na sana matuloy ang mga plano for summer.

And Rochelle was right, "Nakakamiss sila... nakakamiss sila agad."



- chagadelic gurl -

Thursday, December 23, 2010

What a wonderful world!



"Christmas waves a magic wand over this world, and behold, everything is softer and more beautiful. " ~Norman Vincent Peale

Today is our last day in the office within the week.

Bukas ng gabi, Pasko na. And I'm starting to feel this little excitement in me. Para akong batang excited sa gift ng ninong at ninang ko. Para akong batang iniimagine na kung magkano ang mapapaskuhan ko. And I'm glad, this time of the year, I felt the Christmas presence.

Last year was pretty much unlikely dahil nasa trabaho ako.

December 24th. My shift back then was 7PM to 6AM. At nasa Manila pako nanggaling nun because I was previously renting.

Like the usual, I woke up at 4PM to get myself ready for work. Sabi ko pa sa sarili ko, tanggap kong hindi ako magpapasko sa bahay. "At least, tonight will be a double pay plus the night differential will be a glam!"

I went out of the room to go to the CR. Narealize kong parang haunted ang dorm dahil ako na lang pala ang tao sa fourth floor. Ate Grace, the dorm's landlady, and her family were the only people left in the building and they weren't even in the fourth floor.

So I took a bath. Dressed myself up. And left the dormitory to go to work. Iniisip ko kasi, traffic ang aabutan ko kaya inagahan ko ang alis. I left at about 5:30PM.

Nagulat na lang ako sa naabutan ko. Walang tao sa kalsada. I felt this sudden sadness because I really wanted to be with my family. But I had to shrug the feeling away. Dahil naisip ko, kung magpapaapekto ako. Lalo lang akong malulungkot and I won't even be working for an 8 hour shift. I will be working for 11HOURS! ... and its definitely lame.

When I got to the office. Nagulat akong marami pa rin pa lang taong hindi magpapaskong kasama ang mga pamilya nila. Maraming may shift nung gabing yon. And siguro, isa sa mga nagpasaya sakin that night is the 'almost unlimited food'.

Napagkasunduan kasi ng mga tao sa office namin noon na magchip-in na lang ng pagkain. At least, even being in the office still, we will all dig in to yummy desserts, pansit malabon and numerous selections of other scrumptious dishes. Plus! my freebie!. May pinamigay pang pagkain ang office namin para sa lahat.

It was almost 12AM when I checked the time on the Avaya phone. Wala kong call. Kinakabahan nako. Eto na nga, nagkacall ako. Mexicana airlines. Buti na lang.

"Thank you for calling. My name is *******. How may I help you today?" Nag-opening spiel na nga ang lola nyo'.

Sumagot naman ang nasa kabilang linya. Can't even remember what the problem is pero ang natatandaan ko, babae ang nakausap ko.

"Merry Christmas!!!" May sumigaw sa kabilang spine ng mga stations. At nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ko.

Leche, eto na nga. Sabi ko sa sarili ko.

Ok pako. Ok pako. Binati ako ng dalawang tao sa side ko. Niyakap pako nung isa. Bumati na rin ako ng 'Merry Christmas'. At hindi ko na nga po napigilan.

Nageexplain pa yung kausap ko sa kabilang linya. At habang nakamute ako, lumuluha na ang lola nyo' ng patago. Hindi ko kinekeri ang lungkot. Lumabas na nga yung pilit kong pagsusuppress sa kalungkutan kong hindi ko kasama ang pamilya ko.

Di-nrop ko yung call. Kahit makita pako ng QA. Kahit nagsasalita pa yung kausap ko.

Nagpalit ako ng status sa Avaya. Tumakbo ako ng CR. At dun ako nagiiyak ng bonggang bongga.

First time kong hindi kasama ang pamilya ko.First time kong hindi makakapagsimba sa church namin ng anticipated mass ng 24th. First time din ang noche buena namin na wala na si papa. At first time din silang magpapasko sa bahay na wala ako.

Nakakalungkot isipin. Kaya idinaan ko na lang sa iyak.

Pero hindi nagtagal ang session ko sa banyo. Bumalik na rin ako sa desk ko at itinuloy ang trabaho. Maya maya lang, nagtawag na yung iba na pwede nang kumain. Idinaan ko na lang ang frustrations ko sa pagiisip kung ano ang uunahin kong kainin.

Natapos rin ang buong gabi ko. Natapos ang pagdadalamhati ko at umuwi na rin ako samin.

Malungkot pa rin nga lang ng konti. Paskong pasko, walang handa. Naubos na daw kagabi. Wala rin kaming bisita. At ang pinakamasaklap dun, wala akong pera. Yung mga natitira kongn barya, ipinamigay ko pa sa mga namamasko.

Idinaan ko na lang sa tulog.

Bumawi ako nung kinagabihan, nagkayayaan na kami nina VG at HG na maginuman. Kahit papano, sumaya naman ang pasko ko. Nagdala din ng pizza ang jowa ng kapatid ko kaya kahit papaano, nairaos namin ang araw mismo ng Pasko.

Ang regret ko lang, feeling ko hindi ko naibigay ang lahat.

Wala akong pera. Walang pagkain sa bahay. Walang bisita.

Hindi Pasko ang itsura ng bahay namin nung gabing yun. Kung wala siguro kaming mga decors, malamang nagmukhang haunted house ang bahay namin.

Kaya ngayong Pasko, sinigurado ko ang lahat. Nakahanda na ang mga regalo. May extra pakong pera para sa mga mamamasko. At higit sa lahat, hindi ako magtitiis na magtrabaho sa office habang nagsasaya ang lahat sa labas.

Kaya, uuwi nako.

Magcecelebrate ako nang isang masaya at masaganang Pasko kasama ang pamilya ko.

.
.
.

Isa pa,

Ako na lang ang tao dito sa office. At susunod nang uuwi yung mga guard dito samin para isara ang opisina namin at gumimik.

Merry Christmas everyone!



Love,


- chagadelic gurl -