Showing posts with label Life. Show all posts
Showing posts with label Life. Show all posts

Wednesday, November 24, 2010

Bangus, Polvoron at Chick'n Joy



Nagsindi na naman ako ng yosi.

Napayosi ako sa tindi ng usapan namin nina HG at VG (See The Curiosity of A Virgin).

Emotions ang labanan. Labasan na naman ng sama ng loob tungkol sa mga lalaki. This time iba na naman ang problema ni VG. Nakamove on na siya sa confusion niya kung papatulan pa ba niya ang ex niyang rocky road ang mukha. Ngayon naman, panay ang labas namin ng hinaing sa kung bakit na naman sila ganon. Bakit pag kampante na sila, nawawala na rin ang pagpapahalaga?

Nagyosi ulit ako. Sabay kuha ng Bangus at binuksan ito. Pinapak ko ang bawat piraso habang nagkukwento na naman si VG.

"Takot yun sakin kapag magkaharap kami. Pag sa text lang naman yun ganito eh. Nakakailang text ako sa isang araw. Ang gusto ko lang naman yung magreply siya kahit konti lang eh. Sabihan man lang ako ng 'Ingat ka', 'Kain ka na'.. o di kaya 'Miss you na'. Kaso nakakailang text ako sa maghapon, ni isa man lang walang reply." VG vented out.

"Tangna', napayosi talaga ko sa usapang toh ah. Bakit nga ba kasi sila ganyan? Kapag kampante na sila, wala na lang. Papabayaan ka na. God!" napayosi na naman ako.

"Eh kasi, ganun nga sila. Kapag kampante na sila, magiiba na ang focus ng mga yan. Kasi nandyan ka lang naman eh. Kaya minsan dapat ginagawa mo pa ring mysterious ang sarili mo." HG commented and continued "Eh kasi naman, wag ka agad bubukaka. LOL"

Natawa rin ako, "Eh kasi naman, bumigay ka din agad noh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa inyo. Dapat kasi hinayaan mo muna rin siyang mageffort."

Natawa na lang din si VG. Hindi ko alam kung nakikinig siya sa mga sinabi namin or nasasarapan na siya sa pagkain ng mga junk food na binili namin.

"Nagpunta na ba siya sa inyo", I asked her.

"Hindi pa." VG answered.

Nagsindi na rin ng yosi si HG.

"Alam mo kasi, parehas lang tayo ng problema. Magkaiba lang ng format. Ang problema mo, hindi nagpaparamdam sayo kahit makailang text ka. Ang problema ko, magkasama nga kami.. hindi naman ako pinapansin. Mas mahal pa niya yung part time job kesa sakin. Wala na siyang ibang binanggit kundi yung part time job. Yun lang daw ang makakapagpasaya sa kanya. Eh, hello? Wala ba 'ko dito? Duh? Kaasar!" Now I started venting out myself.

I continued, "Sino ba kasi nagimbento ng part time job??? Naiinis lang ako. All he ever thought about is getting that stupid part time job. He couldn't be thankful because I'm still here. He couldn't be thankful because at least, may regular siyang trabaho. He couldn't be thankful with the thought na meron siyang dadating na 13th month pay. At least meron diba? The fact na meron. Pero talagang dinadamdam niya lahat yung mga bagay na wala. Nakakainis na. Nakakasawa nang pakinggan. Paulit ulit na. Part time job.. Part time job.. Part time job.. God! Tapos sasabihin niya sakin pinagseselosan ko yung mga bagay na yun. No I don't. It's just that he's so much pre-occupied with those things. Pati yung desktop na gusto niyang iassemble, naiinis nako kasi yun talaga, pinagaaralan niya.. nireresearch pa niya at pag dumadating ako ng bahay, nagkalat ang mga papel tungkol pa rin lahat sa PC parts na gusto niyang buuin. Damn! Mabuti pa yung PC napagaralan niya. Samantalang yung samin, he couldn't even make an effort to date me at somehow, a place that would perfectly be romantic for both of us. Yung sakin, walang research research. Yung mga dates namin, biglaan lang..hindi man lang napagisipan. They spend so much time on thinking about other things samantalang ikaw, they just give you kung ano lang ang meron na diyan. Yung ibang bagay, mas mahalaga pa rin talaga at kailangang pinagaaralan masyado."

I asked HG, "Mali bako? Gusto ko lang ng attention and appreciation from him."

Tahimik lang si VG, then HG answered me. "Hindi."

"Bakit?" I asked again.

"Eh kasi nature nating mga babae yan eh. Yun ang hinahanap natin, na maalagaan. Kasi sa lalaki, tayo ang nawawala nilang tadyang. Tayo ang kakulangan nila sa pagkatao nila. Tayo bilang babae, nature natin na maramdaman at hanapin yung security. Tayo ang nawawala nilang tadyang, at Biblical yan ah. Galing pa sa misa." She answered me completely.

I laughed a bit. May point siya. Kaya siguro naghahanap kami ni VG ng security. Kaya siguro naghahanap kami na maramdaman yung feeling na inaalagaan kami.

I didn't know that.

"Sige, sasabihin ko pag nagkausap ulit kami." I said. "I'm definitely going to blog this."

"Uy, wag. Baka basahin ni boyfriend." VG warned me.

"So? It's my blog." I told her. "Tsaka para malaman ng jowa mong sira ulo. Yung sayo naman kasi, imagine, 3 days walang paramdam. Tapos ano? Asan siya? Nagagalit siya pag nakakawala ka. Pero pag ikaw, hindi ka pwedeng magalit? That is lame. How sure are you na nasa hospital lang yun at hindi nambababae? Sorry siya ng sorry eh wala namang nangyayari."

HG followed my comments, "Tsaka alam mo ang immature nang boyfriend mo. Walang ka-effort effort na pumunta sa inyo. Maganda ka naman, may trabaho ka pa. Maraming ibang lalaki jan. Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo dun eh andami dami mo pang mahahanap. Hindi mo mababago yang boyfriend mo. Binibigyan mo lang ang sarili mo ng problema. Sabi nga ni Papa Jack, nasa heaven ka dapat kapag nasa relasyon ka. Pero iba na yan kapag hell na."

Ginisa na naman namin si VG.

Tahimik lang siya.

"Magbreak na kayo nang boyfriend mo." HG advised her.

Bilang mabait na kaibigan, I followed her. "Oo nga, magbreak na kayo. Walang kwenta ang relasyon nyo'."

"One month pa lang kayo ganyan na kayo. Magbreak na kayo kasi naglolokohan lang kayo. Sa tuwing nawawala yang boyfriend mo naghahanap ka nang attensyon sa iba. Magbreak na kayo."

VG breathed deeply.

Hindi ko alam kung nakikinig ba talaga siya o nagigising na siya sa katotohanan.

I suggested something, "Alam mo, parehas lang tayo ng sitwasyon. Magkaiba lang ng format. Kaya ang gawin mo. Wag ka na lang magfocus dun. Gumimik na lang tayo at manlalaki."

They laughed a bit.

"Seryoso ko. Tara gumimik na lang tayo. Pabayaan natin yang mga lalaki na yan. At least naman, maiba man lang ang mundo natin. LOL" I said.

They liked my idea.

"Gawd! I just wish wala na lang talagang nagimbento ng part time job". I said.

"Hahahaha. Manlalaki na nga lang tayo." HG suggested.

"I know, right." I answered back.

We laughed out.



- chagadelic gurl -

Thursday, November 18, 2010

The Sun will Shine tomorrow


"Waking up to a new day is a gift, appreciate it and do
remember you are loved."


Early shift in the office.

Yes readers, nakabangon na po ang lola nyo' at may bago na ulit akong trabaho.

Actually, matagal na kong nagumpisa dito sa bago kong trabaho pero naging busy lang ako lately dahil sa dami ng responsibilities na ipinasan sakin. But however things ended up, I'm glad it happened and I'm happy that this is one way for me to finally achieve my goals.

Right now, the green pastures are already visible to me. Very much vibrant that I enjoy its colorful sceneries appearing into my eyes. In short, masaya nako. Masayang masaya nako talaga. And I would definitely have a long term relationship with my present job now. Thankful na rin ako that I lost the old one... very thankful.

Kung dati, nagmamaktol akong umaalis ng gabi sa bahay dahil gabing gabi na, papasok pako. Patulog na ang lahat, ako naliligo pa lang para magbihis at pumunta ng office. Ngayon, kasabay ko nang gumising ang lahat nang tao para magtrabaho. Kasabay ko na rin ang karamihan nang tao na umuuwi na kapag hapon na dahil tapos na ang araw nila. Nakakasabay ko na ring magdinner ang mga tao sa bahay namin at nakakatabi ko na rin sa pagtulog ang mga taong mahal ko.

Dati rati, nakikipagpatintero ako sa kasama kong hindi ko alam kung tao na tinubuan nang taba o taba na tinubuan nang tao. Habang nagaasam ako ng career growth, siya naman, nag-aasam na pabagsakin ang kumpanya. Araw araw akong nakikisama noon sa kanya. Kung minsan, hindi ko na lang siya pinapansin. Kaya lang, nahirapan akong iignore siya dahil wala akong ibang mapagtanungan. My boss wouldn't help me. Nobody else helps me. And what I had to do was to end up asking him at the end of the day. And if effin' suck.

Ngayon, I'm my own boss. I'm the one who can say yes or no if i'll hire people. I'm the one to judge if you're good enough or just trying to impress people. Damn it, I'm still thankful that he bullied me because if he didn't, I wouldn't realize that the company sucked. And I wouldn't get my present position.

Pero sa ngayon, di ko na muna ikukwento kung ano ang nature nang trabaho ko. Saka na siguro pag may bago nakong reklamo. LOL.

Seriously, today when I woke up. I'm just thankful.

Thankful for everything that happened to me. Thankful for all the hardships and the bad hair days. Thankful for all the people who have done wrong to me. Thankful for all the people who have been there with me all throughout the times of my grievances. And a lot more things to be thankful... whether good or bad.

Today is a brand new day. I might not have a working cellphone, a Mac laptop, or an iPad, but i'm still thankful, happy and contented with my own life.

How bout you? Despite of the bad things around you, have you thought of something to be thankful? ... at least today?



- chagadelic gurl -

Thursday, October 7, 2010

For the Greener Pastures




Dear Readers,


Sa unang pagkakataon, isusulat ko ang tungkol sa isang parte ng magulo kong buhay. Isusulat ko ngayon ang saloobin kong hindi naririnig ninuman. Bilang isang manunulat, bilang isang tagabasa, bilang isang empleyado, bilang isang karelasyon, bilang isang kaibigan, bilang isang kapamilya, bilanng isang ina at sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako... isasalaysay ko ang mga bagay bagay sa isip kong ngayon nyo' lang makikita sa blog na ito.

Ito na siguro ang pinakamadrama and pinakamalungkot na isusulat ko dito.
Ito na siguro ang isa sa mga blog ko na bumubuhos ang luha at pasakit sa damdamin ko.
Ito na siguro ang hinahanapan ko ng solusyong hindi ko mahanap hanap.
Ito... Ako.

Bilang isang manunulat:

Mahal ko ang blog ko. Kung meron akong lugar na pwedeng takbuhan kung hindi ako masaya, o kung saksakan ako ng saya o kung may inaasam ako... ito ang unang nakakaalam. Kung wala man akong access sa computer, o kung malayo man ako sa kabihasnan ng mga keyboard, kapitbisig ko lagi ang mahiwaga kong Journal. Narito ang lahat ng ako at nang hindi ako sa labas ng bahay namin. Narito ang mga ideya ko na kami lang ng isinusulat ko ang nakakaintindi. Kung sa malayo ay mula akong manequin. Dito, isa akong gumagalaw na estatwa. Dito ko nasasabi ang hindi ko masabi sa iba. Dito ko inilalabas ang hindi maintindihan ng iba. At nilalaman ng blog na ito or ng Journal ko at Ako... tungkol sakin, tungkol sa mga taong malapit sa puso ko.

Bilang isang tagabasa:

Marunong akong maka-appreciate ng opinyon ng iba. Marunong akong makatanggap ng mga ideas, criticism at sarcasm. Marunong akong makaintindi sa paniniwala ng iba at humahanga ako sa mga taong may reasonable na paninindigan. Humahanga din ako sa mga taong merong mga matinding paniniwala sa Diyos. Yun bang tipong kahit batuhin mo sila ng paulit ulit, kahit pagpira-pirasuhin mo ang mga katawan nila... patuloy silang naniniwala na may Diyos, may Langit, may Impyerno, may mga Anghel at pag dating ng mundo ay muling bababa si Jesus para salain ang mga nagkukunwari, ang mga masasama at ang mga may karapatan. Humahanga din ako sa mga taong ang mindset ay "Mind-Your-Own-Business".. in Tagalog, Walang pakialaman. Humahanga ako sa mga taong ganito magisip dahil marunong silang rumespeto kung hanggang saan ang bounds na pwede nila pasukin sa buhay ng isang tao. At sa ganun pang paraan, alam din nila sa mga sarili nila na kailangan nila ng sariling privacy tungkol sa kanilang mga buhay.

Bilang isang empleyado:

Sa ngayon, nahihirapan ako bilang isang empleyado. Hindi lang trabaho ang pinakikisamahan ko. Pati rin ang mga taong hindi ko makatagpo ang kaisipan, ang schedule na hindi ko alam kung anong official, ang management na paliko liko ang sistema at ang opisinang paiba iba ng location. Noon, sa dati kong trabaho, maliit na sweldo lang ang problema ko. Ngayon, problema ko ang lahat. At sa pangalawang pagkakataon, sa mabilis na panahong dapat ay naeexcite pa lang ako ay nawalan nako ng gana. Hindi ako ang pinakamagaling na empleyado sa opisina namin at wala akong karapatang magdemand ng kahit ano. Tama ang kasama ko sa trabaho, wala akong mapatunayan. Hindi ko ibinibigay ang dapat kong ibigay. Tama nga siguro ang katrabaho ko na isiping may pagka-tanga ako. Inaamin ko. Sinadya ko. Dahil umpisa pa lang, nawalan nako ng gana. Magulo ang sistema. Walang guidelines at boundaries. Unang araw ko pa lang, gusto ko nang magback-out. Kung hindi nga lang ba umaasa sakin at nanay kong biyuda na, ang mga kapatid kong sabay sa kolehiyo at ang batang magdadalawang taon pa lang, agad ko na sanang binitawan ang trabahong ito. Ngunit dahil hindi ako pwedeng mabakante, kinuha ko na agad kung sino ang mas may mataas na offer. Mali ko lang, nagkamali ako ng pinili. Simula nung nagumpisa ako dito, araw araw kong tinatanong sa sarili kong kung ano kaya ang lagay ko ngayon kung mas pinili ko yung iba pang naghihintay? Kaya siguro, sa katrabaho kong tingin sakin ay walang pakinabang, siguro nga tama siya. But his opinion would never matter in anyway. This is me outside the office. And to my previous supervisors, to Shyder, to my kid, to my friends, I am incomparable and precious and I can do more what I show to his shallow thinking.

Bilang isang karelasyon:

Hindi ako perpektong tao. Mataray ako. Perfectionist. At demanding sa quality time. Gusto ko, kung ano ang ibinibigay ko, yun ang nakukuha ko. Selfish nga na matatawag. Pero alam kong sa puntong toh, ako pa rin ang may mali. You cannot expect anybody to be perfect. You cannot expect any good guy to just spend all of his time with you if he's got work to do or a family outing that his presence is needed unless all he cares about is to F***. Sa puntong ito, gusto kong magpasalamat kay Shyder sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng bagay na nagagawa kong tama at pagtatama sa lahat ng bagay na nagagawa kong mali. Hanga ako sa determinasyon ni Shyder na mapapaniwala ako na kailangan ng opisyal na relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Malamang, kung wala si Shyder sa mga oras na hindi ko kinekeri ang sitwasyon sa labas ng personal kong buhay, nauwi siguro ako sa pagtakbo sa mga bagay na dapat kong harapin. At totoo, ang isang taong espesyal sayo.. minsan, hindi lang para may ka-HHWW ka sa mall or may katext ka sa hating gabi. That person is meant to be a part of you in the future. That person might be the other person whom you'll spend the rest of your life with making decisions and walking through the laughters and hardships of life. So, Thank you Shyder.

Bilang isang kaibigan:

Inspirasyon ko ang mga kaibigan ko. Hindi siguro mabubuo ang blog na ito kung hindi rin dahil sa mga kwento nila at sa mga kakaibang mga pangyayari sa mga buhay namin na hindi kayang tumbasan ng iba. Mula PreSchool hanggang High School. Mula High School hanggang College. At ngayong pare pareho na kaming may mga trabaho at ang iba samin, may pamilya na... ito siguro ang masasabi kong pinakamatatag na friendship na nakita ko. Pero gaya ng tagline sa itaas, hindi naman dito natatapos toh. Ano pa bang susunod? Marami pa. At isa sa mga pinagdadasal ko: yung tipong kahit fifty years old nako, nagsusulat pa rin ako dito. Kung saan napunta ang friendship na nagsimula habang pare-parehas pa lang kaming umiihi sa kama.

Bilang isang kapamilya:

Wala akong ipon sa bangko. Wala pakong naipupundar na bahay, lupa, kotse o bagong cellphone. My job sucks. I suck at my job. Marami akong mga opportunities na pinalagpas na kung sana lang eh yun ang pinili ko, hindi sana ako malulugmok sa pagtitiis sa bagay na ayokong gawin. At kung minsan, sa umaga, gusto ko lang gumising, makipaglaro sa aking munting anghel at magkaron ng endless na usapan with my mom. Kahit ganito ako kawalang purpose sa mundo, masasabi kong sila ang number one na kayamanang meron ako. Kahit siguro hindi ko mabalikan ang pagsusulat sa dyaryo. O ang pangarap kong mapasama sa Cannes Film Fest, basta meron ako nito... mayaman nako. Hindi ko maipagpapalit ang walang hangganang pagpapasensya ng mom ko sakin. Na kahit anong kwento ko, pakikinggan niya. Hindi ko rin maipagpapalit ang relasyon naming magkakapatid na kahit minsan may differences, andyan pa rin ang kulitan at ang madalas na pangungumbinsi nilang bumili ako ng "Chooks to go" every sweldo. Hindi ako magaling sa maraming bagay, pero sa pamilya ko, pakiramdam ko kaya kong gawin ang maraming bagay.

Bilang isang ina:

Ito siguro ang isang bagay na maipagmamalaki ko pa sa mundo. Na magkaron ng sarili kong munting anghel na tila biniyayaan ng halos lahat ng gifts sa mundo. Sa edad na magdadalawang taon, halos lahat na ng improvements na sa kanya na. She can dance. She can sing. She's starting to familiarize herself with the numbers and She now knows how to identify a lot of things. I'm so blessed to have her with me. Kaya tuwing makakakita ako ng balita tungkol sa mga batang inabort o iniwan ng mga magulang nila sa basurahan, hindi ko maiwasang hindi mainis. Kahit hindi mo ginusto ang bata, wala kang karapatan at any cost na patayin ang buhay na binigay ng Diyos. Kung makakapagsalita lang ang mga batang inabort, sasabihin din nila sayong "Sana hindi na lang ikaw ang naging nanay ko." Kaya para saking munting anghel, sabihan na nila akong walang kwenta o walang pakinabang, to her, she'd never want to see me go. She would constantly tell me how much she loves me kahit medyo bulol pa. And with the littel efforts, I totally appreciate that.

At sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako:

Narealize ko lang, masyadong maganda ang buhay para i-stuck ang sarili ko sa mga bagay na nagdudulot lang sakin ng pasakit. Sabi nga ni Shyder, "If you are in a Shit, then dig yourself out of that shit." Hindi makatutulong sakin kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa bagay na hindi ko na kayang ituloy. Lalo na kung dito mo unang nararanasan ang mga bagay na hindi mo naman maririnig sa mga taong mas kilala ka. I guess that's the point. They don't know you. That's why they have the guts to judge you as if your someone that's needed to be crushed finely. Imbes na maging parte lang lahat ng kung ano dapat ang ginagawa nyo lang. Nagiging personal na masyado ang lahat. At hindi na ito nararapat. May hangganan ang lahat. At gaya nga ng sabi ni Shyder, marami lagi akong options. Kailangan ko lang harapin ang katotohanang ayoko na.

.
.
.

Alam kong parang Last Will and Testament ang pagkakabuo ng blog ko. Kaya lang, after kong after kong isulat ang lahat, unti unti ko nang nakikita ang Greener Pastures. Parang kahit alam kong masasaktan ako sa ilang moves na gagawin ko, itong mga bagay na toh' naman ang magpapalaya sa akin.

Hindi dito nagtatapos ang pagsusulat ko at ang pakikinig sa mga kwento mo.

Patuloy kong isusulat ang gusto ko. Patuloy kong sasabihin ang nasa isip ko. Kung ayaw mong makinig sa tinig ng isip ko, bakit mo toh binabasa?

Ito ang "The Chag Blog". Likha ni:



- chagadelic gurl -

Monday, March 15, 2010

"Bloggable" Blog..

Habang binabasa ko ang mga nakaraan ko ng entries sa blog na ito. Napansin ko na ang karamihan ng mga blogs ko dito ay puro na lang tungkol sa trabaho. (Hindi ko sasabihing trabaho na naman ang gusto kong maging topic pero dahil binabanggit ko na edi aaminin ko na rin).

Puro trabaho ang karamihan ng blogs ko. Tanong ko tuloy sa sarili ko, talaga bang ganun ako kaapektado sa trabaho ko?

Sagot ko? Oo! Nung nakaraang buwan, 11hrs akong nagsasayang ng oras sa kakapakinig ng problema ng ibang tao na hindi ko naman talaga dapat problemahin. Ngayong nagchange shift na, balik 9hrs na ulit ang trabaho ko. At pinili ko na talagang magpangumaga. Bakit kamo? Konti nga ang sweldo, less stress naman.. less din ang pagkakasakit ko.

Pero mabalik tayo sa mga nilalaman ng blog ko. Naisip kong parang dapat nga yata hindi tungkol sa Tropahang Chag ang title o description ng blog na ito.

Hindi kaya dapat ko ng palitan ang title??

Pero, kahit umaapaw sa usapang career ang blog ko, isang kakaibang bagay.. alam kong nakakarelate sila habang binabasa ito.

Dati rati, wala kaming mga concern sa kung ano ang kahihinatnan ng bukas. Basta ang alam namin, mga matitino kaming estudyante ng school namin (Parang mabigat din sa loob kong sabihin toh ah'). Marami din kaming kalokohang ginawa noong high school and is still counting. Pero sa pagkakataong kailangan mo ng humarap sa tunay na buhay, marunong kaming magseryoso.

Oo, kahit ako sa sarili ko. Alam kong magulo ang sarili kong blog. Siguro dahil halo halo na ang nasa isip ko. Palibhasa nakakapanibago at atmosphere dito sa office (Palihim na naman akong nagtatago at gumagawa ng kasalanan).

Tahimik. Konti lang ang tao.

Sa tingin ko, kung laging magiging ganito ang araw araw kong pagpasok, baka sakali, tumagal pako ng ilang buwan. Dahilan lang naman kung bakit ako atat na atat ng magresign eh dahil dumadating ako sa point na nagsasawa na rin ako sa ginagawa ko.

Siguro nga, life doesn't stop when everything seems to fail and you chose to quit. Life and earth will always be turning and everything will still fall off to pieces for some time.

Para sa mga nagnose bleed, heto ang tissue.

Simple lang lang naman eh. Ang sarap na mag-give up pero even if I give up, I will still get the same problem outside.



- chagadelic gurl -