Showing posts with label Exboyfriend. Show all posts
Showing posts with label Exboyfriend. Show all posts

Tuesday, December 21, 2010

Coffee with Chard


"Men propose marriage primarily because they want the physical, emotional and intellectual companionship of a woman. Men like company." - Lisa Daily from Lifewise.com


I just realized this morning that talking to men gets you the answers that you've always wanting to ask your guy.

And just early this morning, I've had a conversation with Chard, one of my officemates.

I went to the pantry area to get myself a cup of coffee. Naabutan kong nandun din si Chard and making himself a cup of coffee too. Niyaya niya akong sabayan siya.

I'm not used to staying longer minutes in the pantry since I have loads of work in the morning. I just usually get myself a cup of coffee then head back towards my desk. But this morning, Chard insisted me on joining him in the pantry area. So sige, I gave it a try.

Si Chard ang isa sa mga pinakakilala ng lahat. Bukod sa lagi siyang nasa guard's area, he really makes sure that he greets everybody a "good morning". And so far, I did not expected that talking to him this morning would ease my frustrations.

I poured hot water on my cup. Naupo ako sa isa sa mga chairs sa dining area sa pantry. Naupo naman siya sa harap ko.

Kwentuhan. Kwentuhan. Kwentuhan.

Nauwi ang usapan sa rEl@sYoN...

Naikwento niya sakin ang karanasan niya sa mga nakarelasyon niya. Sa mga naging girlfriend niyang niloko niya, sa mga naging girlfriend niyang minahal niya, at sa mga naging girlfriend niyang hindi niya maintindihan kung paanong naging sila. Naikwento niya rin sakin ang pagiging tatay niya sa isang batang nagmula sa babaeng hindi naman niya talaga karelasyon. At dahil diyan, napakwento na rin ako.

Naikwento ko ang tungkol sa Ex ko. Naikwento ko ang tungkol sa kung papaano kaming naghiwalay. Naikwento kong ikakasal na ang ex ko. At a short period of time, ikakasal na siya. And I'm a bit bothered about it.

"Wala naman talaga akong pakeelam kung ikakasal na siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit apektado pa rin ako ah hindi ko naman na siya mahal." I told him.

"Sabi pa ng bestfriends ko, possible din daw na kaya siya ikakasal eh dahil may nangyari. Within a span of a year, they decided to get married. Masyadong mabilis." I added.

Sumagot naman si Chard. "Possible ngang may dahilan. Dalawang bagay lang yan. It's either nabuntis niya yung girl, o di kaya, naisip niyang ayaw niyang mangyari sa kanya ang ginawa niya sayo. Kasi kung gawain niya, talagang matatakot siya sa karma. Natatakot siyang iwan din siya ng biglaan kasi gawain niya. Kaya feeling ko, kaya siya nagdecide magpakasal dun sa girl eh para mai-secure na yung gurl. Kumbaga, mawawalan na siya ng rights na manlalaki kasi kasal na. Gusto nitong lalaki ng security kasi palibhasa, gawain niyang mangiwan. Ayaw din niyang iwanan siya."

Somehow, mejo nabawasan ang tanong ko about my ex. But I'm still bothered.

Medyo sinermonan pako ni Chard, "Wag mo na dapat pang problemahin kung masaya sila o hindi. Ang importante, dapat ikaw ang masaya."

I breathed deeply.

Maiksi lang ang pagtambay ko sa pantry with Chard. But it sort of lessen up my frustrations. Kahit papano kasi, kahit hindi masyadong malinaw, nasagot ang mga tanong ko on my why the heck is my Ex getting married.

I guess about my Ex, who left me because of another girl whom he just met in the chatroom, I am frustrated that he left me a year ago and chose not to communicate and end things up in a well manner. But I'm also glad that he left me because if he didn't, I would realize how wonderful life is around me.

And that he was just another guy, came into my life and taught me lessons.

Even if he is indeed a big effin pervert and a major jerk, I guess once in our lives we get to meet people like this. They will either ruin you or make you stronger. In my case, It made me stronger. And with all the hurt and the pain he left me, I still am thankful and grateful that at some point in my life, fate had to remind me to grow up.

Do I still love my ex?

No not anymore. In fact, I wish him the happiness that he deserves. I already am happy with myself and I'll get more happiness with my present life and loving relationships.

As of the present time, I know that he is getting married anytime soon.

And I guess, kung tama nga ang assumption ni Chard. Then possibly, he doesn't know what he's doing. He just simply wanted to have someone by his side and lock her up to himself. But it isn't all about because he wanted to build a family with her, or to grow old with her. It is just all about being secured that someone is stuck in his life. But if things do not go his way, he will probably look for another wife. And this girl he's marrying, she definitely will be devastated.

I believe that marriage is more than just sex, or love, or companionship. Like what Shyder has always been telling me, it is all about maturity. It is all about accepting the next phase of life: building your own family with kids, a home and providing them with their needs. It isn't about just the two of you alone. Its more complex than just securing someone in your life.

Marriage means that you also have to accept him in his entirety. No matter how stupid he gets. No matter how incapable he is in maintaining a well-cleaned home. And no matter how idiotic life would be with him. You have to remember, you married him. And again, marrying someone doesn't him you're just marrying his personality. It meant marrying his humanity.

Oh well, I guess Chard really impacted my day.



- chagadelic gurl -

Friday, September 3, 2010

The Ex-Factor


"It amazes me so that we enter a relationship whole and leave it only a half."


Dear Chag Gurl,

Hi, I've been a fan of your blog ever since you started doing work articles this year. I love your thoughts about work and about how to deal with common situations in the workplace. That's why, I would like to get your opinion and advice on this situation that I've gotten myself into.
Here's the story:

Way back in College, I met this guy James whom I go to the same class. Hindi ko siya type, as in hindi talaga! With all the get up and the looks, wala siya sa list ng dream guys ko. We started out as friends lang, with me not thinking about having any type of thing going on for him. Pero yun pala, he likes me pala. And because I'm the only single girl in my circle of friends. I had to go along with his "playing game thingie".. So, naging kami. The game lasted for about 3 to 4 months then we both realized that we both wanted to pursue the relationship to a more serious one. So tinuloy namin yung dating laro lang into something serious na akala ko, will lead to a happy ending. Yun lang, so much for the seriousness na nauwi kami sa intense na relationship. It's like we make love the first hour, fight the next hour, make love again, hurt each other, make love again then fight again... as in sobrang magulo. What made the case more complicated was that I got pregnant. Ok sa umpisa, sabi niya, let's keep the kid. So we waited 9 months for me to give birth to our baby boy and then I thought he'll be staying with for good na. We decided to live together but unfortunately, It did not work out. He comes in very late at night. He keeps his cellphone away from me. Hindi siya nagpapaalam o nagsasabi kung saan siya pupunta or anong oras siya uuwi, parang walang pakelamanan. But take note of this: we still have sex every night he comes home. Until one night, I got to check what he's really upto so while he's at the shower, chi-neck ko yung cellphone niya and there I found it... kaya pala hindi siya minsan umuuwi, or late siyang dumadating at parang iwas siya na makita ko phone niya is because may iba na pala siyang babae.. and what hurts more is that nalaman ko sa mga texts nila na nagli-live in na rin pala sila. So i confronted him, he just denied everything and he got so mad that he walked out and totally left the house, buti na lang, our kid wasn't with us kasi dun siya nagsstay in sa house ng parents ko. After that argument, he NEVER came back.. he NEVER showed up to me or to our kid.. or even to my parents. I got so hurt that I decided na hindi ako maghahabol sa kanya or sa kanila ng pera. After 2 years, I got myself to move on. I am raising the kid on my own and now works as a call center agent in Mandaluyong. One time when I was at Trinoma I noticed someone who looked so familiar as I passed by a store. I was so shocked to see James and yung girl na pinalit niya sakin, and guess what, she's pregnant! I think about 6 to 7 months. I got so upset that day na kailangan ko pa silang makita so agad agad akong umalis ng mall. And another thing, I can't explain it but I have this feeling going on na parang gusto ko pa rin siyang balikan. I know I never did liked him or loved him that much before, pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong magpaganda everyday para makita niyang magandang maganda ako...kesa sa pinalit niya. Minsan kasi naiisip ko pa rin na kahit papano' minahal ko naman din siya. Btw, may present na nga pala akong boyfriend ngayon and we also live together. He accepts my son and he accepts me as well being a single mom. We both work in the call center where I'm working. Hope I can get your opinion about this. Thanks a lot! Love your blog!

From,

babytweets0208

================================

Dearest babytweets0208,

Maraming salamat sa pagtangkilik sa blog kong ito. Hindi ko sukat akalain na meron na pala talagang kong mga mambabasa at hindi ako nagiilusyon lang. LOL.

Pero, isa rin sa hindi ko inaasahan na first time kong magbibigay ng advice sa blog ko, medyo ganito pa kaintense yung sitwasyon. Parang habang binabasa ko pa lang yung situation mo, parang nasasabi ko sa sarili kong hindi ata ako ang akmang tao na dapat magbigay sayo ng advice. LOL. Parang feeling ko, masyado akong walang experience at knowledge para magbigay sayo ng advice sa mga ganitong sitwasyon. Pero dahil ako ang napili mo, Ok sige.. ihanda mo na ang Decaf Hot Caramel Macchiato ko at uumpisahan ko na ang paglilitanya.

Kagabi, habang binabasa ko ang email mo, panay ang lunok ko habang ginagawan ko ng runthrough ang bawat sentences ng letter mo. Sobrang familiar ng story, parang narinig ko lang kahapon.

As I remember, you mentioned: "I can't explain it but I have this feeling going on na parang gusto ko pa rin siyang balikan. I know I never did liked him or loved him that much before, pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong magpaganda everyday para makita niyang magandang maganda ako...kesa sa pinalit niya.
Minsan kasi naiisip ko pa rin na kahit papano' minahal ko naman din siya. "

Funny. Sinabi ko rin yan dati except sa part na gusto ko siyang balikan. At masasabi kong normal na reaction yan nang isang babaeng nasaktan at niloko ng lalaking hindi naman talaga worthy.. hindi kamukha ni Akihiro Sato at hindi kasing galing ni Chris Tiu. Lalo na at makikita mo sila ulit na parang feeling mo, they don't deserve a happy ending and yet there they are, kasama ang ipinalit niya sayo at ang saya saya pa nila.. Ouch!

Pride yan gurl. Kasi niloko ka. Gusto mong patunayan na wala nang mas hihigit pa sayo at syempre mas special ka sa ipinalit niya sayo'. Which is.. nararamdaman naman nang lahat ng mga ex-es na ipinagpalit .."Ako ang mas better". ~ Yan ang madalas nilang litanya.

Medyo nabother lang ako dun sa part na gusto mo pa rin siyang balikan. Well, here's the case, he cheated on you and yung feeling na gusto mo siyang balikan ay dahil nga lang sa gusto mong ipamukha sa kanyang "Es-tu-pi-do" siya dahil ipinagpalit ka niya. I would bet, kung sakali mang makakaharap mo siya ulit, hindi make love ang gusto mo talagang gawin... kundi iumpog ang ulo niya sa pader ng tatlong libong beses, isubsob siya sa putikan ng limang daang beses at tapak tapakan ang likod niya ng anim na libong beses.. dahil ginago ka niya. At wala pa siyang consideration sa tagal ng pinagsamahan nyo'... lalong lalo na sa anak nyo'.

I guess the best thing that you could do is to just totally move on.. be happy that someone else is loving you now and accepting you kahit na may mga imperfections ka. Also, despite of the hatred sa Ex mo, try to be happy na lang for him.. at least, you did not ended up with him. Think about it na lang.. what life would he give you kung nagkatuluyan pa kayo eh may ganyang ugali naman pala siya? And we both know, being together is not just all about sex.. it's about companionship.. compromise.. and love.

But I do admire your strength on moving on the first time and still doing so even today. It's good to know that you did not gave up that someone else will be there to love you.. even if he dumped you.

Focus on your new life. Focus on your new career. Focus on your new relationship.
Let him go. Who needs a trash anyway?



- chagadelic gurl -

Thursday, August 26, 2010

The Curiosity of A Virgin


"Curiosity is the lust of the mind. "
- Thomas Hobbes



Cast:

Ako
(VG) Virgin Gurl - isa sa mga tropang Chag na hanggang ngayon ay virgin pa rin.
(HG) Hottie Gurl
- isa sa mga tropang Chag na timid lang pero bonggang bongga sa dami ng alam.
RR - "RR" as in "Rocky Road"; Ang ex ni Virgin Gurl


Sumipsip ako ng konti sa Pepsi sabay subo ng Nova chips habang panay ang pagsesermon at pangungulit kay Virgin Gurl.

"Ano na namang kagagahan toh?" tanong ko kay Virgin Gurl.

"Ewan ko jan sa kaibigan mo. Ikaw na nga magtanong." Hottie Gurl stated as she took a sip of her own Pepsi drink.

"O, ano bang nangyari?" I asked Virgin Gurl one more time.

Nahihiya na natatawang nag-expplain si Virgin Gurl. "Kasi si RR, niyaya ako one time. Ang text sakin, wala daw tao sa bahay nila. Siya lang daw mag-isa tapos natatakot daw siya kasi bukas pa uuwi yung mga tao sa bahay nila. Sabi niya susunduin daw niya ko sa Compex."

"O tapos?" tanong ni HG.

"Tapos nakapunta naman kami sa bahay nila. Ibang iba na yung bahay nila. Ang laki ng pinagbago." kwento pa ni VG.

"O, anong ginawa nyo?" ako naman ang nagtanong.

"Kasi nung una, usap usap lang. Tapos dapat manonood kami ng TV, kaso nauwi lang din sa kwentuhan. Usap usap tungkol sa mga buhay buhay. Tapos nagulat na lang ako. Bigla niyang hinalikan. Grabe siya, yung parang gigil na gigil. Parang halimaw kung makasugod."

"Gaga! Talagang ganun, manyak eh." I commented.

She continued, "Tapos maya maya sabi niya... 'Wag tayo dito'. Hinila niya ko sa kwarto niya. Grabe, ang ganda pala ng kwarto ni RR. Tapos."

She hesitated to continue. Tawa lang siya ng tawa. "Nahihiya ako." she said.

"Gaga! Wag ka na ngang mahiya samin. Hindi naman na tayo 13 years old para hindi malaman yang mga ganyang bagay. Tsaka alam mo, sanay na sanay na kami sa mga eksenang ganyan." I explained to her sabay hithit naman ng yosi ko.

She laughed a bit and still hesitated to continue. So I started asking to complete the story.

"Hinubaran mo ba?"" I asked.

"Hindi." VG answered.

"Naghubad siya sa harap mo?". I asked a different question.

"Oo." VG answered again.

Na-excite naman si HG so she asked, "Anong size? Malaki ba? Dakota? Mahaba?"

"Malaki. Mga isang palad ang haba. Ganito oh." VG demonstrated the size and circumference na possibleng sumusukat ng 6 to 7 inches.

I interrupted. "O tapos ano nang nangyari?"

VG then continued, "Tapos nung nandun na kami sa kama, pinapaliguan niya ko ng laway. Hawak hawak sa kung saan saan. Tapos siya hinahawakan ko din. Hinubaran na rin niya ko nang pantaas."

"Buti hindi siya nanlumo sa nakita niya noh? VG asan ang boobs mo? Hindi ko makita?? Hahahaha." pagbibiro ni HG. "Ay ano toh? Namaga lang? hahahaha."

The three of us laughed. But again, VG continued.

"Tapos nung huhubaran na sana niya ko sa pambaba, sabi ko sa kanya... 'Oops, meron ako.' Tapos tinigil niya. Sabi naman niya sakin, 'Nabibitin ako"."

"Anong ginawa mo? B-ni-J mo?" HG asked.

"Hindi ah. Hinawakan ko lang. Matagal siyang labasan eh." VG answered.

"Hindi ako naniniwala. Ganyan yan eh, sasabihin niyang hindi. Pero yun pala, ginawa niya din." HG said.

"Sige na nga aaminin ko na. Oo may ginawa ako." inamin din ni VG.

"Pero may nangyari sa inyo?" I asked her.

"Wala. Buti na lang meron ako. Saved by the bell talaga yung period ko." VG answered.

Out of nowhere, biglaan may nagtext kay VG. Kasalukuyan pa rin kaming nagkukwentuhan tungkol sa experience ni VG pero nagulat kami nang malaman kung sino ang nagtext. At wala na ngang iba kundi ang ex-boyfriend ni VG, si Rocky Road..

According to VG, this is what he said. "Hindi ko makalimutan yung nangyari satin. Gusto ko sanang maulit."

Muntik na kaming magwala ni HG sa labas ng bahay nina VG. Demmet! That guy will not be contented hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.

"Alam mo, yan ang di ko magets sayo. Obvious na obvious naman na yan lang ang worth sayo ni RR, ewan ko ba naman kung bakit hindi mo makita yun. Tapos hindi ko rin magets sayo kung bakit ba naman nagtitiis ka sa kanya. Gusto mo na ba talagang makaranas ng sex?" I asked her in a bit annoyed tone.

"Ang problema kasi ni VG, sa tingin niya kapag binigay niya lahat, mababago niya yung tingin ni RR sa kanya. Which is hindi naman talaga. Gusto kasi niya magbago si RR." HG commented as well.

Natatawang napapahiya lang si VG. At the same time asar na asar din naman siya kasi hindi niya alam ang sasabihin sa Ex niyang obvious naman ang gusto lang sa kanya.

"Alam mo, kung hahalayin ka ni Ernest(isa rin sa mga tropang Chag), mas matutuwa pa kami eh. pag siguro may nangyari sa inyo, magpapafiesta kami. Magpapainom kami. Kasi at least u gave your virginity to someone who's worth it. At least a decent guy. Kesa diyan sa ex mong hindi ko alam ang future." sermon ko naman ulit kay VG.

"Sabi niya sakin, wala pa daw siyang nagagalaw na babae." pagtatanggol pa ni VG.

"Naniwala ka naman? Kung talagang virgin pa yan, bakit alam na alam niya ang gagawin sayo? Dapat kung di pa siya nakakagalaw ng babae, dapat pagkatapos niyang gawin sayo yun', mukha kayong tanga." Sinalo naman ni HG ang isa pang sermon.

I think at that moment, lutong luto si VG between me and HG as she has always been. Though somehow, I know how hard it is at her point na mahal naman niya, pero nagbubulag-bulagan siya sa reality na yun lang ang habol sa kanya ng ex niya.

Nagtext ulit si RR.

"Ang kulit talaga niya, sinusumbat pa niya sakin na pareho naman daw naming ginusto na mangyari yun eh." kwento ni VG.

"Eh ganun naman talaga ang sasabihin niyan eh. Kasi nga, wala naman siyang ibang focus kundi ang makuha lang yung gusto niya." HG explained. "Ayoko nang sabihan ka kung anong magandang i-reply jan, matanda ka na.. alam mo na dapat mong gawin."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya." VG said as she kept on browsing his text.

"Basta eto, panindigan mo. Kapag sinabi mong ayaw mo, wag mo siyang hahabulin. Pabayaan mo siya. In the first place, hindi naman siya lang ang lalaki sa mundo. Kung sex ang gusto mo... hindi ka mauubusan ng mga lalaki. Marami pa diyan. Basta kapag ngayon nagreply kang ayaw mo, panindigan mo." I told her.

She texted him. Hindi ko na alam ang sinabi niya.

HG and I lighted our own sticks of Marlboro Lights. We talked about her urged to do it with a guy while VG continued to figure out what to text back to her ex.



- chagadelic gurl -

Sunday, April 18, 2010

One More Chance: Chag Style

ONE MORE CHANCE POWERFUL SCENE:



Basha: Sana... ako na lang ulit. Ako na lang ulit

Popoy: Mahal ko si Trisha

Basha: Alam ko...

Popoy: She had at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang yun.

Basha: I only made a choice.

Popoy: And you chose to break my heart.



Tuwing napapanood ko talaga ang One More Chance ni Basha at ni Popoy, hindi ko talaga makakalimutan yung mga powerful lines na yan. Bukod sa lagi akong nililitanyahan ng kapatid ko kapag nanonood kami ng movie na toh, lagi ko ring talagang naaalala yung mga pagkakataong minsan din akong nangarap na masabi ko ito sa taong ka-One-More-Chance ko.

"Sana ako na lang ulit... Ako na lang ulit."

Naaalala nyo pa ba si "dating-special-someone". Gusto ko na yatang baguhin ang pangalan niya dito sa blog ko eh. Parang gusto kong palitan ang pangalan niya into "presently special someone".

Hindi kasi ako makapaniwalang talagang pa lang nangyayari ang ganon'. Meron kang dating minahal. Nagkahiwalay kayo. Maraming nangyari. Nagkaron siya ng iba at nagkaron ka din naman. Then all of a sudden, nagturn out ang events into something na hindi mo ieexpect. Magb-break kayo ng present mo at magb-break din naman sila. Tapos biglaan magkikita kayo ulit. And this time, it's different.

It was just a week ago when he dropped by sa house to visit me. It was actually a surprise. Hindi ko nga talaga inexpect na dadaan siya sa bahay at nagkataon naman na pupunta ang barkada ko.

Drinking Session. I invited him over and he came.

May ilangan sa umpisa in between my friends and him. Pero later on, nung magkalasingan na, OK na rin naman both parties. Alam ko nga na nagulat sila sa biglaang pagsulpot ulit ni dating special someone sa buhay ko. So far, keri naman. Nagkaayos naman ang drinking session ng gabing iyon.

Lasing na ang lahat. Uwian na.

Kanya kanya ng paraan para makatumbling sa mga bahay bahay nila. Nagpaiwan si dating special someone. Pagod nako non'. May pasok pako kinaumagahan pero hinayaan ko siyang magstay. At dito na naganap ang usapan.

Kwentuhan.

Napunta ang usapan sa isang seryosong bagay ng magsimula nakong magtanong.

('.') : May plano ka ba sakin?

(-.-) : Actually, meron.

('.') : Ano naman yun?

(-.-) : Hindi ko naman gagawin ang mga bagay na toh' kung wala akong plano eh.Sa tingin ko dito ako sasaya.

('.') : Eh ano ba talagang magpapasaya sayo? Bakit mo nasabing 'ako' ang magpapasaya sayo.

(-.-) : Kasi kahit isipin ko pa lang eh. Imagine, ang poproblemahin mo lang yung pambayad sa bills, pagkain sa araw araw.. tapos nandun ka. Oo, sa tingin ko sasaya ako sa ganun. (Biglang yumakap ng mahigpit) Bakit ba kasi kita pinakawalan eh.

('.') : Bakit? Andito pa naman ako eh. Hindi naman ako nawala eh.

(-.-) : Kung hindi kita pinakawalan edi hindi ka na sana tinarantado ni J*

('.') : Andiyan na yan eh. Sayang pero kung nung time na yun, sinabi mo lang. Hinihintay lang naman kita nun eh. Kaso nakita kong masaya ka na lalo na nung sinabi mong nililigawan mo si S******

(-.-) : (Yakap ulit ng mahigpit) Bakit ba kasi pinakawalan pa kita eh?!?

('.') : Kaya mo bakong tanggapin? May anak nako. Instant Daddy ka.

(-.-) : Eh ano? Ikaw din naman yun eh. Wala nakong pakelam sa sasabihin ng iba.

('.') : Aaminin ko sayo. Hindi naman nawala yung feelings ko sayo eh. Andito pa rin naman to. Kaso kailangan natin magtake time. Ikaw, wala ka pang matinong trabaho. Ako, kailangan ko pa rin ng time para sa sarili ko kasi masakit masyado ang ginawa ni J*.

(-.-) : Sige. Basta ngayon pa lang, humihingi nako ng tawad sa kung ano mang posibleng sasabihin ng pamilya ko sayo.

('.') : Ok lang. Basta ganito na lang. Hihintayin na lang kita na magkatrabaho ka at makapagsettle ka.

(-.-) : Parang dapat nga ikaw ang hinihintay ko eh.

('.') : Eh kasi ako. Alam ko naman na sa sarili ko na mahal pa rin kita. Kailangan lang talaga ng readiness at kailangan lang din talaga nating magtake time kasi mahaba pa naman ang panahon.

(-.-) : Ah ganito na lang. Liligawan na lang ulit kita.

('.') : Ikaw bahala. Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Marami kang haharapin kung pipiliin mo ko ngayon.

(-.-) : Hindi na ako yung katulad ng dati. Kaya ko ng gumawa ng desisyon para sa sarili ko. Basta alam ko sayo ako sasaya.

('.') : Awwww.. I Love You.

(-.-) : I Love You Too.


*************************

Alam ko. Ang cheesy ng storya. Pero totoong nangyari siya ng gabing yun. At hindi ko makakalimutan kung gaano kasincere yung mga words na sinasabi nya. Kilala ko si dating special someone at alam ko sa pagkatao niya na siya yung tipo ng tao na hindi gagawin ang mga ganung bagay para lang ipandisplay.

Nakakatuwa lang isipin.

Akalain mo. Kelan lang pinapangarap ko yon. Biglaang natupad.

One week na mula nung nangyari ang mala-JohnLloyd at Bea na eksena na yun sa terrace namin. At hanggang ngayon, nandyan pa rin siya. Panay ang paramdam. Panay ang text. Kung pwede nga lang na isacrifice lahat ng yaman na meron siya para saming dalawa, gagawin niya.

Ibig sabihin, hindi pala talaga ko nananaginip.

Pwede rin palang mangyari na "ako na ulit.. ako na ulit."



- chagadelic gurl -


Tuesday, March 30, 2010

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend

Have you ever had a best friend whom you fell inlove with?

A best friend na nakasama mo through thick and thin. A best friend na nakita na ang pinakapangit mong ugali pero sinasamahan ka pa rin. A best friend na nakikita ang kagandahan sayo kahit bad hair day ka. And a close friend na kahit anong badtrip mo eh kaya kang patawanin.

I've seen a lot of best friends na nagkaron ng relationship. Some of them ended up really well at ngayon may anak na sila. Pero I know some na nagkaron ng relationship pero hindi "pa" natutuloy.

Sa tropahan namin, maraming example:

Orijinal at Istong

Description- Magkaibigan. Hindi naman uber close. Magseatmates ng ilang taon sa High School. Ang pair up ng barkada na hindi "pa" natutuloy sa relasyon kahit flirt man lang wala.

Research- Parehas kasing isip bata. Si Orijinal, puro kasi paglalaro lang sa mga textmates ang alam. Si Istong, puro na lang gimik at trabaho lang. Wala pa kasi talaga sa isip nila ang magkaroon ng matinding relasyon kahit hindi sa isa't isa. They're just really happy being friends right now.. and being ultimately single. Unless may hindi sila kinukwento that is.

Forecast- Magkakatuluyan rin sila.. kung maiisip ni Istong na nandyan nga pala si Orijinal. Si Orijinal naman kasi, ready naman yan. Kung liligawan lang ni Istong, sasagutin din yan.

Chellat at Belandring

Description- Close friends. Super Close na muntik na sanang maging sila kaso pakipot yung isa. Magkasangga sa CAT Training nung High School. Parang halos naging mag-bestfriend din sila dati.

Research- Nagpakipot kasi yung isa. Naging play-safe si Chellat dahil iniingatan niya ang relationship nila bilang magkaibigan pati na rin ang readiness niyang mainlove sa isang taong tinuring niya as a brother. Unfortunately, sa time naman na ready na si Chellat, may girlfriend na si Belandring. At tumagal na ng 2 or 3yrs bago narealize ni Chellat na gusto rin pala niya si Belandring.

Forecast- Posibleng magkatuluyan sila. That is if magkakaroon ng tapang si Belandring na makipagbreak sa current girlfriend niya. Pero sa tingin ko, hindi gagawin ni Belandring yun para kay Chellat dahil marunong siyang rumespeto sa naging investment ng relasyon nila ng present girlfriend niya. Si Chellat naman, single lang yan. Until she finds the right person, nandyan lang yan. Maghihintay kung sinong mauna sa puso niya.

Lotlyn at Kuya Michael

Description- Eto ang magkaibigan na nagumpisa agad sa flirting. Though it is flirting, involved naman dito ang seryosong feelings sa isa't isa. He likes her, She likes him ang tema ng dalawa.

Research- Ok na sana ang dalawa, talagang meron lang pumagitna kaya hindi natuloy ang isa sanang magandang love story. They fully acknowledge that they both have the right feelings towards eachother. Ang problema, nadistract si girl sa ibang guy. Si guy naman masyadong nakapgfocus sa CAT career niya.

Forecast- May boyfriend si Lotlyn ngayon. Single naman si Kuya Michael. Kapag umuuwi si guy, they get to connect each other. Posible pa ring magkatuluyan sila in the end, that is kapag right timing na si Kuya Michael at si Lotlyn naman ang nagkataong single. Kelangan lang talaga ng right timing.

Magnolia at TCha

Description- Parehong matitinong estudyante ng School namin noon. Isang CAT Battalion Commander at isang Valedictorian. Niligawan ni guy si girl, binasted. Tapos ang storya nila.

Research- Parehas lang kasi talaga silang hindi bagay sa isa't isa. Si Tcha kasi, iba ang mundong ginagalawan. Si Magnolia naman, isang binatang uhaw sa pagmamahal. Nagkataon lang na hindi si Magnolia ang type ni Tcha ng panahong nanligaw si Magnolia. Isa pa, may hidden secret pala si TCha nun. May boyfriend pala siya.

Forecast- Magkaiba na ang mundo nila. Almost 4 or 5yrs na ang relasyon ni TCha sa present boyfriend niya. Nasa point na nga sila ng marriage eh. While si Magnolia, nagsisimula pa lang ng buhay sa labas ng pangangalaga ng magulang niya.

Majoh at Peste

Description- Nagsimula as friends. Naging close hanggang sa naging sila nung first year HS. Nagbreak. Naging sila na ulit nung fourth year HS. Nagbreak ulit. At ngayon, kanya kanya na silang mga buhay. May bago na si Majoh at May bagong na rin si Peste.. yata.

Research- Lagi nilang problema is maturity. Sa mga nagbabasa nitong blog ko na alam ang storya nila, alam kong magrereact kayong marami talaga silang problema. Sa tingin ko kasi, maturity talaga ang ugat ng lahat ng problema nila. Hindi magwawala si Majoh dahil lang hindi siya napansin ni Peste. Hindi mambababae si Peste kung naisip niya ang tagal ng relasyon nila at pinagmulan ng lahat. Parehas lang silang nangangailangan lang ng maturity pa.

Forecast- Magiging sila pa rin. I doubt it na hindi. Kung ganyan lang din naman na on and off ang lovelife nilang dalawa, pag pinagsama mo sila sa isang lugar, magkakaron sila ng time na magusap.. in the end, may makakapigil ba sa feelings na dati namang nandiyan na? Kaya alam ko, magiging sila din ulit.

At ako? Meron din kala nyo!

Pero hindi ko muna ibubunyag dito masyado, slight lang.

Si "dating-special-someone" ang itinuturing kong bestfriend simula first year college. Naging close kami dahil na rin siguro lagi kaming naa-assign na magka-seatmate sa klase. Kapag may groupings, lagi rin kaming nagkakasama ng madalas dahil sa mga last names namin. At lagi ko rin siyang nakakasabay umuwi. Kaya in the end, na-fall na rin kami sa isa't isa. Pero dahil mga baguhan, hindi muna agad nagsalita ang magkabilang kampo.

Eventually, nagkaaminan din kami at nauwi din kami sa bf-gf relationship. We really had everything almost perfect. Kulang na lang samin noon is a good job so that we can get married.

Kaso mga bata pa kami nun, we were just 18.

Naghiwalay din kami after a year and a half of such a wonderful relationship. It was a bad ending kasi walang linaw noon ang pinaka-reason kung bakit kami naghiwalay. Kahit on my part, hindi ko maintindihan kung bakit na lang siya biglaang nagdecide na magpart ways muna kami.

I had to question myself if I wasn't good enough as a girlfriend. Baka mas gusto niya ang ganito.. baka mas gusto niya ang ganun.. Pero hindi rin naman nasagot ang tanong til we had one of the most recent conversation.. after 5 years!.

At ngayon, we're staring to see each other again and we are having this very often communication lalo na kapag after work. Hindi ko alam kung san pupunta ang "re-connection" na to' pero ang alam ko, what I thought I had forgotten is just seemed to be coming back again.

Kung matuloy man to' ulit sa isang relationship ulit, i'd consider that as God's plans for me. Everybody knows how bad was the relationship I had with "most-recent-ex".

Ibig sabihin lang na kung magkakabalikan kami, God really wanted me to end up with him. All this time, he was there. He was just there kahit may relationship ako sa iba.

And the good thing is that, he was my bestfriend. It felt so good to be with him. Every conversation makes sense and it wasn't like there was something bad that happened before. I guess I consider myself lucky to have him back.. perfect words should be LUCKY and BLESSED at the same time.

Pinangarap ko to'. Pinangarap ko siya. Pinangarap ko na maging kami ulit kahit kasama ko si "most-recent-ex". It's upto God's plan now.



Note: At talagang kinuwento ko na ang lovelife ko. Sabi ko nga hindi ako magkukwento eh. Pero napakwento pa din ako. Sheeesh..



- chagadelic gurl -

Sunday, March 21, 2010

Do the Math

Algebra. Hindi ako nahirapan noon sa Algebra. Para kasi sakin, madaling lang namang intindihin ang laws ng algebra. At alam kong mayabang ako kung sasabihin ko na hindi or.. NEVER akong bumagsak sa Algebra noon, kahit High School or College days.

Isa ata sa favorite ko sa algebra eh yung marami nang components yung formula, kagaya ng: (45a - 370b) + [ 3c + (759ab/3b - 19abc/4a)] + (56ab - 3509abc/45c). Ayan yung isa sa mga favorite kong isolve dati dahil pahahabain mo pa yan. Iisa - isahin mong lutasin ang bawat problema bago mo makuha ang solusyon. At pagktapos mong makuha ang sagot, tuwang tuwa ka dahil sa hinaba haba ng problema, nasolusyunan mo din. Dumugo nga lang ang ilong mo pero ayos lang.

Lately, madalas kong nakakausap ang "dati-kong-special-someone-na-ngayon-ay-ex-ko-na". Una sa lahat, hindi namin madalas pag-usapan ang tungkol samin noon at hindi naman nabubuksan ang librong matagal ng nakasara. Lately lang, puro kamustahan ang usapan namin pero mas maraming bahagi ng usapang iyon ang tungkol sa mga present naming buhay.

Sa ngayon, kinakaharap niya ang isa sa pinakamalaking challenge ng buhay niya. Ang unemployment.

Oo, tungkol na naman sa trabaho.

Kung babalikan mo ang isa sa mga naging blogs ko, puro usaping trabaho ang nababanggit ko. Mga desire na magresign. Mga hinanakit sa kumpanya. Mga sama ng loob sa mga customer na hindi mo maintindihang kausap. At marami pa. Ako noon, ayoko ng pumasok. Siya naman ngayon, problema kung anong papasukang trabaho.

Sa 3 consecutive days na nakakapagusap kami sa text, paulit ulit kong naaabsorb sa kanya ang mga negative thoughts niya about life dahil sa sama ng loob niya. Tuwing kakausapin mo siya na isiping ayos lang ang lahat, ibabalik naman niya sayo ang statement mo pero in a negative way.

Naalala ko, pessimistic nga pala siya. Ang hirap pala.

Sa lahat kasi nang napagdaanan ko, naging optimistic nako sa buhay. Maraming problema, maraming issue at mga pangyayari na hindi mo na gugustuhing balikan. Maraming pagsubok at pain na minsan idadaan mo na lang sa luha. At kahit sa ngayon, patuloy pa rin akong nakakaranas ng roads na sumusubok sakin kung tatayo ba ako or paninindigan na lang ang pagdapa.

Pero sa lahat ng ito, natutunan kong makita ang ibang blessing at ibang mga bagay na dapat ipagpasalamat kahit maraming trials. Kaya siguro kahit tamaan ako ng kidlat, masakit..oo, pero ayos lang, kakayanin sir! LOL

Sa kaso kasi ni ex, one year na siyang naghahangad ng isang dream job. Lahat na ata ng klase ng pag-aapply ginawa na niya. Kung pwede nga lang yatang halikan ang paa ng mga nagiinterview sa kanya basta mahire lang siya, gagawin niya eh. Ang problema, laging may napupuna sa kanya which affects his employment. Kaya tuloy ayan, nagiging depressed tuloy dahil feeling niya undesirable siya.

Matalino si Ex actually. Sa tingin ko nga sa kanya, mas matalino pa siya sakin eh. Malawak magisip si Ex at6 masyado siyang careful sa mga actions niya. Kaya ng siguro in a way, nagustuhan ko siya dati. Isa lang ang napansin ko sa kanya, kulang siya sa diskarte. May mga bagay siyang gusto para sa sarili niya pero wala siyang lakas ng loob para makuha ang mga bagay na gusto niya.. which is I think, kailangan sa buhay.

Base kasi sa naranasan ko (lalo na kay most recent ex), hindi uubra ang magaling ka lang o matalino ka. Kailangan mo din kumilos. Hindi pwedeng gagawin mo lang yung part mo tapos mageexpect ka na.. the things I learned about him so much is that you have to work for it.. diskarte... kanya kanyang paraan para makuha mo ang gusto mo. Kaya nga siguro nauto ako ni most recent ex eh..

Pero may sense naman kasi. Minsan kailangan mo talaga ng diskarte sa buhay. Pano na lang kung may pamilya ka na at nagugutom ang anak mo? Hindi naman pwedeng magtitigan na lang kayo at magsabihan ng "I love you".

Sa mga ganitong pagkakataon, bigla kong naaalala si most recent ex na hinangaan ko sa galing niyang dumiskarte wag lang magutom ang pamilya niya. Malayong malayo siya kay "dating special someone" padgating sa diskarte basta may maiprovide lang.

Si "dating special someone" kasi, masyadong mapili sa trabaho. (At ayoko ng magcompare dahil baka mamaya binabasa niya nga ang blog ko.)

Basta isa lang ang alam ko, sa Algebra:

positive + positive = positive
positive + negative = n/a
negative + negative = negative
positive / postive = positive
positive / negative = negative

Sa maraming pagkakataon, ang isang postibong mag-isip pag nahaluan ng negatibo, nagiging negative na lahat. At totoo, ako ang positive saming dalawa, negative siya ngayon. Kapag pinagsama kami.. magiging negative lang ang lahat, kaya siguro di kami nagwork out dati.

Sana lang, dumating naman sa kanya ang point na maging positive na rin siya. Para positive na rin ang kalabasan namin.



- chagadelic gurl -

Monday, January 18, 2010

Why do Ex-es come back?

Headlines:

Isang dating ka-ibigan, Nagbalik!

Isang nakakabiglang pangyayari ang naganap kanina. Habang kamumulat pa lang ng aking mga mata at ninanais ko ng magsipilyo ay may narinig akong isang katok mula sa aming gate. Hindi ko ito pinansin at ako ay nagtuloy na pananatili sa kama dahil tinatamad pa akong pumasok.

Ngunit hindi ako mapakali. Naisipan kong bumangon at nagulat na lang ako sa ibinalita ng aking kapatid. Isang bisita ang naghihintay sa akin sa aming teraza. Ako'y nagulat ng makita ko ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita.

Bago ko ituloy ang kwento, una sa lahat. Hindi ako ang ex ng lalaking ito. At pangalawa, matagal ko rin naman siyang naging kaibigan.. as in "friend". Kaya hindi ako ang may isyu. Hehehehe.

At ganoon na nga, isang matagal ng kaibigan ang bumungad sa akin. At heto siya...


Matagal din kaming nag-usap. Nagkwentuhan tungkol sa kanyang bestfriend na wala siyang kaalam alam kung ano na ang balita at gustong gusto ko namang isumpa (Uy! isyu na naman yun). Nagkwentuhan kami tungkol sa trabaho. At syempre, pinagkwentuhan namin ang aking bestfriend.. na ex niya. Eto siya..


Dahil sa pag-uudyok, inaya niya akong dalawin namin ang aking bestfriend. Ngunit bago ang lahat, ipinaalala ko sa kanya na dapat niyang kontrolin ang kanyang sarili. Pumayag naman siya, at dinalaw nga namin ang babaeng kanya pa ring iniibig.

Sa pagkikita ng dalawa. Walang masyadong naganap. Tameme si babae. Tameme si lalaki. Para akong referee sa gitna ng silence battle. Siguro dahil na rin sa nandoon ang pagkailang sa isa't isa.
Pero halata mo naman na may feelings pa on one of the sides.

Sabi nila, may mga signs kung mahal ka pa rin ng ex mo. Ayon sa nabasa ko sa isang website, narito ang mga usual signs on if they want to come back to you or is still interested in you.

  1. Kapag kahit mga 10 years na kayong hiwalay, pero hindi mo maintindihan kung bakit parang lagi pa rin siyang nag eexist sa buhay mo. Yun bang tipong wala na kayong communication totally pero nagugulat ka na lang, nacocontact ka pa rin niya. Di ito isang misteryo. Ganito lang yan, ang ex ay ex na. Wala na dapat communication or even trying to reach out that person. Pero for some reasons, bigla na lang siya ulit magpaparamdam.
  2. Kapag nags-seek out siya ng chances na gusto pa rin niyang maging magkaibigan kayo.
  3. Madalas mayabang at mahangin. Bakit kamo? Kasi gusto nilang isipin mo na well established ang buhay at personality nila than before so you will want them back.
  4. Tanong ng tanong tungkol sa personal mong buhay. Eto yung mga tanong na kamusta na kayo ng girlfriend or boyfriend mo. Eto rin yung mga tanong na hindi naman ordinaryong tinatanong ng isang kaibigan gaya ng "Musta na ang sex life niyo ng boyfriend mo?".
  5. Hindi siya mapakali pag nagkita kayo ulit. Eto yung mga oras na tinatanong nila sa mga sarili nila kung "Maganda ba ko ngayon?" or "Ok ba itsura ko?". Kaya sila ganito kasi nga andun yung emotion na gusto nila i-impress yung taong kaharap nila. Which is ... you, his or her ex.
  6. May point na pag nag-usap na kayo, andun yung flirty conversation. Pero dadating sa point na parang ang formal masyado ng lahat. Eto naman yung tipong hindi mo mabasa kung ano talaga ang nasa isip niya over his changing emotions. Eto rin yung madalas kang mangangapa kung interested pa siya sayo or he just want to be friends with you. Kaya niya ginagawa ito ay dahil kino-kontrol niya ang emotions niya na deep inside naman eh gustong gusto nang sabihin sayong "I still love you". They tend to hide their true emotions by feeling and thinking what they want to feel and think kasi nga baka mabisto sila over their true emotions.
Kung tatanungin nyo kung ano ng nangyari sa pagkikita ng dalawa? Eto lang ang naganap, kamustahan then kamustahan then uwian na. Walang masyadong naganap. Pero kung kayo ang tatanungin, specially dun sa mga taong nakakaalam ng istorya ng pag-iibigan nila, sa tingin nyo, ano ang maipapayo ninyo sa babae?

Open for any answers.


Note: To the people involve in this blog, wag kayong masyadong mapipikon. Ito ay isang katuwaan lang. Peace!


- chagadelic gurl -