
Another night in the office.
Nagsusunog na naman ako ng energy para sa trabahong pinili kong gawin at naging dahilan ng pagtalikod ko sa dati kong kinaiinisang kumpanya.
Balik na naman ako sa graveyard shift. Pero mas less ang stress. Hindi katulad noon. Pagod na pagod ka kahit nakaupo ka lang naman. Parang ayaw mo ng dumadating ang peak hours kasi siguradong magiging sunod sunod ang trabaho mo. Hindi mo pa magawa ang mga bagay na gusto mong gawin dahil either takot kang mahuli o may nakabantay sa likod mo.
Nakakainis pala ang ganon'. Feeling mo ginagawa kang preso. Walang kalayaang gawin ang mga bagay na pwede ka namang huminga kahit papano. Parang sa industriyang yon', wala kang karapatang huminga man lang. Binabayaran ka nila.. kaya may karapatan silang sabihin kung ano ang dapat mong gawin at ang hindi mo dapat gawin.
Work. Job. Career.
Yan ang unang una word na magdedescribe sa mga sinabi ko.
At sa lahat din ng graduates 5 years ago hanggang sa mga graduates ng kasalukuyang taon, ito ang pinoproblema nilang lahat.
Anong opening nila?
Saan ka magaapply?
Anong aaplyan mo?
Madali lang ba exam at interview nila?
Madali ba makapasa dun?
Marami bang nagaapply?
Magkano ang starting rate mo?
May incentives ba?
May HMO ba?
May leave credits ba?
May pasok ba pag weekends?
Morning shift or Graveyard shift?
May pasok ba kapag holidays?
May chances ba for promotion?
May iba pa ba silang opening bukod sa maintenance?
Yan ang mga tanong na karaniwang itinatanong ng mga taong naghahanap ng trabaho at nagbabalak maghanap ng ibang trabaho. Aminin mo, isa ka rin sa mga naging salarin. LOL
Isang gabi bago mag-end ang shift ko sa bago kong trabaho, nakausap ko yung tech support namin. Madalas kasi siyang sumali sa mga forums at isa sa mga inumpisahan niyang topic ay ang "Bakit kailangan pang sabihin ng mga HR Reps ang 'We Will Just Call You' ?"
I got his point.
Sa dinami dami ng mga inapplyan ko, hindi ko na mabilang ang mga ganitong words na sinasabi sakin ng mga HR Reps na nakakausap ko. Siguro lang, talagang maswerte lang ako dahil may ilang companies na kinokonsidera kaagad ako. Pero gaya nga ng sabi ko, marami rami na rin ang mga companies na sinabihan din ako ng ganyan. Iba iba lang ng version.
Bakit nga ba nila kelangan pang sabihin ito? Sabi ng officemate ko sa mga sumagot sa thread ng forum niya, sinasabi lang daw toh ng mga HR Reps para kahit papano hindi maputol ang connection ng nagaapply sa company?
Connection? Parang WiFi ba ito?... ganon'?
Bakit kailangan ng connection kung hindi rin naman tatanggapin ang nagaapply? Pwede namang sabihin na lang nila ang results kesa paaasahin nila yung mga nagaapply. Maghihintay ng text, tawag o email. Hanggang sa lumipas ang ilang linggo... kahit man lang sabihan ka ng:
"Sorry you did not pass the application because you were such an a****** during the interview. Go to hell."
Walang ganyan. Kahit misscall wala din. And that is so Lame.
Ilan sa parte ng barkadahan namin ang nakakaranas ng ganyan recently. Ang problema kasi, trend noon, unemployment ang resulta ngayon.
Sikat na sikat ang BS Nursing 6 years ago. Halos lahat ng school, kahit computer schools, ay nagoffer ng ganitong courses dahil sa biglaang trend ng mga kumukuha ng Nursing. Dahil daw ito sa taas ng demands ng Nurses lalo na sa America. Parang isang biglaang pagkapanalo sa lotto kung magiging nurse/caregiver ka sa US. Pwede kang makapagpatayo ng bahay sa Pilipinas, magpaaral ng 5 mong kapatid sa college at makabili ng 5 iba't ibang model ng Iphone o Blackberry. Hindi pa rin naman natatapos ang trend na yan, kumbaga lang, marami rami ang grumaduate ng Nursing mula 2004 hanggang 2010. Isama mo pa diyan ang mga datihan nang nurses at ang mga doctor na umalis para maging nurse sa ibang bansa.
Gaano na kadami yun? At buti sana kung Pilipinas lang ang nagpproduce ng nurses sa buong mundo. Marami pa. Maraming marami pang ibang bansa. Kaya parang nagoverflow ang nurses. Yung iba naman, pagkatapos makagraduate, saka narealize na ayaw pala nila ng Nursing. Yung iba dahil na rin siguro sa kawalan ng opportunity na yumaman sa Pilipinas o kahit kumita lang ng katumbas ng call center agents. Kung iisipin mo kasi, pareho lang ng stress ang nurses at call center agents... magkaiba lang ng mundo.
Ang nurses pumapasok kahit holidays. Ang call center agents wala ring holidays.
Ang nurses dumadaan sa graveyard shift. Ang call center agents kadalasang graveyard shifts.
Ang nurses nagoovertime nang hanggang 12hours. Ang call center agents OT din hanggang 12 hours.
Ang nurses nakikisama sa makukulit na pasyente. Ang call center agents nakikinig sa makukulit na at irate callers.
Halos pareho. Pero magkaiba ng pay.
Kung tutuusin nga dapat mas malaki pa ang bayad sa mga nurses kasi sila, name holder sila. Isa itong matatawag na lifetime career at kahit saan ka man magpunta, dala nila ang title nila bilang RN.
Pero balik tayo sa mga kaibigan kong nagaapply ngayon. Tama, mostly sa kanila ay mga nurses. At hindi maikakailang hirap silang makapasok sa mga hospitals kaya yung iba, nageend up na pasukin ang mga trabahong hindi naman talaga nila pinlanong pasukin bago sila magcollege.
It isn't as if masamang mag-iba ng landas, ito ang realidad. Ito ang course mo. Iba ang papasukin mong trabaho. At dahil yan sa realidad na mahirap talagang humanap ng trabaho sa Pilipinas. Lalo na yung trabahong may enough na bayad, may magandang oras, may magandang opisina, at may sariling PC na may access sa Facebook. At maiintindihan mo ang mga taong kumuha ng Political Science na ngayon ay nasa healthcare account sa isang call center. O di kaya yung kumuha ng Nursing na nagtrabaho sa Starbucks bilang barista. Lahat yan eh dahil sa kawalan ng opportunity at dahil na rin sa mga HR Reps na sasabihin ka ng "Tatawagan ka na lang namin".
Nevertheless, life is an open book and whether you choose to pursue your career or go along with the trend, it's all fully upto you. Ang importante, may silbi ka sa mundo. May ginagawa kang paraan para makatulong at hindi makaperwisyo sa ibang tao. Kahit wala kang trabaho o kahit pinipilit mong maging stewardess sa height mong 4'11", walang kaso yun. Ang importante, may ginagawa ka. Kumikilos ka. Hindi ka umaasa sa mga magulang mong umaasa lang din naman kung kelan ka magkakatrabaho.
And it's never going to end kahit makatatlong libo ka pang "We'll just call you."
- chagadelic gurl -
Showing posts with label Job Interview. Show all posts
Showing posts with label Job Interview. Show all posts
Thursday, August 12, 2010
The Devil Holds Your Resume
Labels:
Career,
Challenges,
Company,
Human Resources,
Job,
Job Interview,
Work
Subscribe to:
Posts (Atom)