Showing posts with label Relationships. Show all posts
Showing posts with label Relationships. Show all posts

Tuesday, December 21, 2010

Coffee with Chard


"Men propose marriage primarily because they want the physical, emotional and intellectual companionship of a woman. Men like company." - Lisa Daily from Lifewise.com


I just realized this morning that talking to men gets you the answers that you've always wanting to ask your guy.

And just early this morning, I've had a conversation with Chard, one of my officemates.

I went to the pantry area to get myself a cup of coffee. Naabutan kong nandun din si Chard and making himself a cup of coffee too. Niyaya niya akong sabayan siya.

I'm not used to staying longer minutes in the pantry since I have loads of work in the morning. I just usually get myself a cup of coffee then head back towards my desk. But this morning, Chard insisted me on joining him in the pantry area. So sige, I gave it a try.

Si Chard ang isa sa mga pinakakilala ng lahat. Bukod sa lagi siyang nasa guard's area, he really makes sure that he greets everybody a "good morning". And so far, I did not expected that talking to him this morning would ease my frustrations.

I poured hot water on my cup. Naupo ako sa isa sa mga chairs sa dining area sa pantry. Naupo naman siya sa harap ko.

Kwentuhan. Kwentuhan. Kwentuhan.

Nauwi ang usapan sa rEl@sYoN...

Naikwento niya sakin ang karanasan niya sa mga nakarelasyon niya. Sa mga naging girlfriend niyang niloko niya, sa mga naging girlfriend niyang minahal niya, at sa mga naging girlfriend niyang hindi niya maintindihan kung paanong naging sila. Naikwento niya rin sakin ang pagiging tatay niya sa isang batang nagmula sa babaeng hindi naman niya talaga karelasyon. At dahil diyan, napakwento na rin ako.

Naikwento ko ang tungkol sa Ex ko. Naikwento ko ang tungkol sa kung papaano kaming naghiwalay. Naikwento kong ikakasal na ang ex ko. At a short period of time, ikakasal na siya. And I'm a bit bothered about it.

"Wala naman talaga akong pakeelam kung ikakasal na siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit apektado pa rin ako ah hindi ko naman na siya mahal." I told him.

"Sabi pa ng bestfriends ko, possible din daw na kaya siya ikakasal eh dahil may nangyari. Within a span of a year, they decided to get married. Masyadong mabilis." I added.

Sumagot naman si Chard. "Possible ngang may dahilan. Dalawang bagay lang yan. It's either nabuntis niya yung girl, o di kaya, naisip niyang ayaw niyang mangyari sa kanya ang ginawa niya sayo. Kasi kung gawain niya, talagang matatakot siya sa karma. Natatakot siyang iwan din siya ng biglaan kasi gawain niya. Kaya feeling ko, kaya siya nagdecide magpakasal dun sa girl eh para mai-secure na yung gurl. Kumbaga, mawawalan na siya ng rights na manlalaki kasi kasal na. Gusto nitong lalaki ng security kasi palibhasa, gawain niyang mangiwan. Ayaw din niyang iwanan siya."

Somehow, mejo nabawasan ang tanong ko about my ex. But I'm still bothered.

Medyo sinermonan pako ni Chard, "Wag mo na dapat pang problemahin kung masaya sila o hindi. Ang importante, dapat ikaw ang masaya."

I breathed deeply.

Maiksi lang ang pagtambay ko sa pantry with Chard. But it sort of lessen up my frustrations. Kahit papano kasi, kahit hindi masyadong malinaw, nasagot ang mga tanong ko on my why the heck is my Ex getting married.

I guess about my Ex, who left me because of another girl whom he just met in the chatroom, I am frustrated that he left me a year ago and chose not to communicate and end things up in a well manner. But I'm also glad that he left me because if he didn't, I would realize how wonderful life is around me.

And that he was just another guy, came into my life and taught me lessons.

Even if he is indeed a big effin pervert and a major jerk, I guess once in our lives we get to meet people like this. They will either ruin you or make you stronger. In my case, It made me stronger. And with all the hurt and the pain he left me, I still am thankful and grateful that at some point in my life, fate had to remind me to grow up.

Do I still love my ex?

No not anymore. In fact, I wish him the happiness that he deserves. I already am happy with myself and I'll get more happiness with my present life and loving relationships.

As of the present time, I know that he is getting married anytime soon.

And I guess, kung tama nga ang assumption ni Chard. Then possibly, he doesn't know what he's doing. He just simply wanted to have someone by his side and lock her up to himself. But it isn't all about because he wanted to build a family with her, or to grow old with her. It is just all about being secured that someone is stuck in his life. But if things do not go his way, he will probably look for another wife. And this girl he's marrying, she definitely will be devastated.

I believe that marriage is more than just sex, or love, or companionship. Like what Shyder has always been telling me, it is all about maturity. It is all about accepting the next phase of life: building your own family with kids, a home and providing them with their needs. It isn't about just the two of you alone. Its more complex than just securing someone in your life.

Marriage means that you also have to accept him in his entirety. No matter how stupid he gets. No matter how incapable he is in maintaining a well-cleaned home. And no matter how idiotic life would be with him. You have to remember, you married him. And again, marrying someone doesn't him you're just marrying his personality. It meant marrying his humanity.

Oh well, I guess Chard really impacted my day.



- chagadelic gurl -

Wednesday, December 8, 2010

Sometimes Love Just Ain't Enough


"But there's a danger in loving somebody too much, and it's sad when you know it's your heart you can't trust. There's a reason why people don't stay where they are. Baby, sometimes, love just aint enough. " - Patti Smith



I'm gonna tell a story.

Mababaw lang. Hindi masyadong detalyado. Kaya ko lang naisipang isulat ay dahil sa curiosity kong malaman ang kasagutan sa sitwasyon na ito.

Kasi mahirap. Kahit ako hindi ko alam ang sagot. First time kong mailagay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

To start off, there is this guy na matagal na niyang kakilala. But the meet up was not the usual friendship na nakasama mo sa school project or nakilala mo sa office nyo'.

She met him through an online chat. They met up, gone to dates and even done pretty little things na unusual sa mag-kaibigan lang. But she was fine with it. He was too. Both of them weren't committed.

It was a fine friendship. Kung minsan may kulitan. Kung minsan may asaran. At kung minsan may dramahan. It involved feelings. It envolved emotions for both of them. But there was no strings attached.

He longed for her everyday. She longed for him everyday too. Nagumpisa sa casual na relationship. Hanggang sa mauwi sa development involving attraction and love.

She didn't expected for it to happen. He didn't too.

They just went all the way until they found themselves attached to each other.

For less than year, they went out on dates. Met up at the mall, watch movies and kiss before the day ends. There was no formal relationship. It was just friendship. He is single. She is too.

Though, within the same year, despite of seeing each other, they still had casual dates outside of their friendship. But the communication is always there and it was fine. He didn't had a problem going out with friends and work but still communicate with her. She is too. She was able to manage her self with the other parts of her life such as work, girl friends and her self.

Until such time that she thought of clarifying her position in his life. She wanted to know why he still hasn't popped the question. "Can we be together?"

They were fine together. They jive really well. They have a lot of things in common and they both enjoy each other's company. He is single. She is too. With all the feelings they have for each other, why isn't he asking her to be with him... to be his girlfriend?

"I don't want to lose you
but I don't want to use you
just to have somebody by my side. I don't want to hate you,
I don't want to take you
but I don't want to be the one to cry.

And that don't really matter to anyone anymore.
But like a fool I keep losing my place
and I keep seeing you walk through that door."

She asked him.

He told her that he can't commit.

She wondered why and asked him the reason.

He couldn't tell her.

She asked him again.

He told her to go. Find someone else better that him. He told her that she has a life... that they aren't meant for each other.

She tried to understand him but he kept shoving her away. She chose to move one.

Until one day, he came back. He consoled her. She listened and kept him back. They were fine again. But the answer as to why they can't have a relationship is still there.

The special
friendship went on again. They kep seeing each other. They kept communicating and gone to dates. But in her mind, she kept asking why.

She finally had the courage to ask him. But before that was an intense scenario. They made love with each other. He expressed to him how he feels and she gave herself whole heartedly. After what happened to them, she had no regrets. She admitted, she loves him.

She asked her if he loved her. He answered the question as to why they couldn't be together.

"Now, I could never change you
I don't want to blame you.
Baby, you don't have to take the fall.
Yes, I may have hurt you, but I did not desert you.
Maybe I just want to have it all.

It makes a sound like thunder
it makes me feel like rain.
And like a fool who will never see the truth,
I keep thinking something's gonna change."


He already has a girlfriend. They've been together for eight years now and eh couldn't leave her because she was always trying to kill herself. He desired to be free. But he couldn't take it into his conscience that he will be happy and she will keep killing herself because he left her.

He wanted a peaceful exit. But he coudn't do it yet. He wanted to give this new girl a good start without having to look back. Without people trying to intrude their happy life together.

He just couldn't do it yet.

She just had to cry. She cried every night thinking about it. She wanted him so much. She loves him so much. She believes that no other man can ever take his place. It's just that why can't they be together.

She knew that he loves her too. But like before, all he ever says is move on. "Live your life outside this relationship. You're smart, you're pretty, you don't deserve to be treated this way."

She took his advice. But she couldn't deny that she loves him so much. She wanted him so much that she could kneel down in prayers all day just so they could be together.

But things had to fixed yet. And the only question is... is it still worthy to wait? ... when you're not sure of what you're waiting for?

.
.
.


Mega english ako.

Hindi pa naman dumudugo ang ilong ko.

Pero yun ang question.

I talked to some of my friends about it. Guy friends that is. They told me:

"It isn't all about love. Kahit mahal mo siya, kung gago naman ang pagtrato niya sayo. Walang sense. Simpleng relasyon, hindi niya maibigay. Anong sense na magstay ka?."

Another friend told me.

"Kung worthy maghintay, depende. Sometimes, Ok din ang maghintay. pero dapat alamin mo kung hanggang kelan ka lang maghihintay."

.
.
.

Kayo, ano sa palagay nyo?



- chagadelic gurl -





- Sometimes Love Just Aint Enough Mp3

Wednesday, November 24, 2010

Bangus, Polvoron at Chick'n Joy



Nagsindi na naman ako ng yosi.

Napayosi ako sa tindi ng usapan namin nina HG at VG (See The Curiosity of A Virgin).

Emotions ang labanan. Labasan na naman ng sama ng loob tungkol sa mga lalaki. This time iba na naman ang problema ni VG. Nakamove on na siya sa confusion niya kung papatulan pa ba niya ang ex niyang rocky road ang mukha. Ngayon naman, panay ang labas namin ng hinaing sa kung bakit na naman sila ganon. Bakit pag kampante na sila, nawawala na rin ang pagpapahalaga?

Nagyosi ulit ako. Sabay kuha ng Bangus at binuksan ito. Pinapak ko ang bawat piraso habang nagkukwento na naman si VG.

"Takot yun sakin kapag magkaharap kami. Pag sa text lang naman yun ganito eh. Nakakailang text ako sa isang araw. Ang gusto ko lang naman yung magreply siya kahit konti lang eh. Sabihan man lang ako ng 'Ingat ka', 'Kain ka na'.. o di kaya 'Miss you na'. Kaso nakakailang text ako sa maghapon, ni isa man lang walang reply." VG vented out.

"Tangna', napayosi talaga ko sa usapang toh ah. Bakit nga ba kasi sila ganyan? Kapag kampante na sila, wala na lang. Papabayaan ka na. God!" napayosi na naman ako.

"Eh kasi, ganun nga sila. Kapag kampante na sila, magiiba na ang focus ng mga yan. Kasi nandyan ka lang naman eh. Kaya minsan dapat ginagawa mo pa ring mysterious ang sarili mo." HG commented and continued "Eh kasi naman, wag ka agad bubukaka. LOL"

Natawa rin ako, "Eh kasi naman, bumigay ka din agad noh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa inyo. Dapat kasi hinayaan mo muna rin siyang mageffort."

Natawa na lang din si VG. Hindi ko alam kung nakikinig siya sa mga sinabi namin or nasasarapan na siya sa pagkain ng mga junk food na binili namin.

"Nagpunta na ba siya sa inyo", I asked her.

"Hindi pa." VG answered.

Nagsindi na rin ng yosi si HG.

"Alam mo kasi, parehas lang tayo ng problema. Magkaiba lang ng format. Ang problema mo, hindi nagpaparamdam sayo kahit makailang text ka. Ang problema ko, magkasama nga kami.. hindi naman ako pinapansin. Mas mahal pa niya yung part time job kesa sakin. Wala na siyang ibang binanggit kundi yung part time job. Yun lang daw ang makakapagpasaya sa kanya. Eh, hello? Wala ba 'ko dito? Duh? Kaasar!" Now I started venting out myself.

I continued, "Sino ba kasi nagimbento ng part time job??? Naiinis lang ako. All he ever thought about is getting that stupid part time job. He couldn't be thankful because I'm still here. He couldn't be thankful because at least, may regular siyang trabaho. He couldn't be thankful with the thought na meron siyang dadating na 13th month pay. At least meron diba? The fact na meron. Pero talagang dinadamdam niya lahat yung mga bagay na wala. Nakakainis na. Nakakasawa nang pakinggan. Paulit ulit na. Part time job.. Part time job.. Part time job.. God! Tapos sasabihin niya sakin pinagseselosan ko yung mga bagay na yun. No I don't. It's just that he's so much pre-occupied with those things. Pati yung desktop na gusto niyang iassemble, naiinis nako kasi yun talaga, pinagaaralan niya.. nireresearch pa niya at pag dumadating ako ng bahay, nagkalat ang mga papel tungkol pa rin lahat sa PC parts na gusto niyang buuin. Damn! Mabuti pa yung PC napagaralan niya. Samantalang yung samin, he couldn't even make an effort to date me at somehow, a place that would perfectly be romantic for both of us. Yung sakin, walang research research. Yung mga dates namin, biglaan lang..hindi man lang napagisipan. They spend so much time on thinking about other things samantalang ikaw, they just give you kung ano lang ang meron na diyan. Yung ibang bagay, mas mahalaga pa rin talaga at kailangang pinagaaralan masyado."

I asked HG, "Mali bako? Gusto ko lang ng attention and appreciation from him."

Tahimik lang si VG, then HG answered me. "Hindi."

"Bakit?" I asked again.

"Eh kasi nature nating mga babae yan eh. Yun ang hinahanap natin, na maalagaan. Kasi sa lalaki, tayo ang nawawala nilang tadyang. Tayo ang kakulangan nila sa pagkatao nila. Tayo bilang babae, nature natin na maramdaman at hanapin yung security. Tayo ang nawawala nilang tadyang, at Biblical yan ah. Galing pa sa misa." She answered me completely.

I laughed a bit. May point siya. Kaya siguro naghahanap kami ni VG ng security. Kaya siguro naghahanap kami na maramdaman yung feeling na inaalagaan kami.

I didn't know that.

"Sige, sasabihin ko pag nagkausap ulit kami." I said. "I'm definitely going to blog this."

"Uy, wag. Baka basahin ni boyfriend." VG warned me.

"So? It's my blog." I told her. "Tsaka para malaman ng jowa mong sira ulo. Yung sayo naman kasi, imagine, 3 days walang paramdam. Tapos ano? Asan siya? Nagagalit siya pag nakakawala ka. Pero pag ikaw, hindi ka pwedeng magalit? That is lame. How sure are you na nasa hospital lang yun at hindi nambababae? Sorry siya ng sorry eh wala namang nangyayari."

HG followed my comments, "Tsaka alam mo ang immature nang boyfriend mo. Walang ka-effort effort na pumunta sa inyo. Maganda ka naman, may trabaho ka pa. Maraming ibang lalaki jan. Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo dun eh andami dami mo pang mahahanap. Hindi mo mababago yang boyfriend mo. Binibigyan mo lang ang sarili mo ng problema. Sabi nga ni Papa Jack, nasa heaven ka dapat kapag nasa relasyon ka. Pero iba na yan kapag hell na."

Ginisa na naman namin si VG.

Tahimik lang siya.

"Magbreak na kayo nang boyfriend mo." HG advised her.

Bilang mabait na kaibigan, I followed her. "Oo nga, magbreak na kayo. Walang kwenta ang relasyon nyo'."

"One month pa lang kayo ganyan na kayo. Magbreak na kayo kasi naglolokohan lang kayo. Sa tuwing nawawala yang boyfriend mo naghahanap ka nang attensyon sa iba. Magbreak na kayo."

VG breathed deeply.

Hindi ko alam kung nakikinig ba talaga siya o nagigising na siya sa katotohanan.

I suggested something, "Alam mo, parehas lang tayo ng sitwasyon. Magkaiba lang ng format. Kaya ang gawin mo. Wag ka na lang magfocus dun. Gumimik na lang tayo at manlalaki."

They laughed a bit.

"Seryoso ko. Tara gumimik na lang tayo. Pabayaan natin yang mga lalaki na yan. At least naman, maiba man lang ang mundo natin. LOL" I said.

They liked my idea.

"Gawd! I just wish wala na lang talagang nagimbento ng part time job". I said.

"Hahahaha. Manlalaki na nga lang tayo." HG suggested.

"I know, right." I answered back.

We laughed out.



- chagadelic gurl -

Friday, September 17, 2010

Bakit kami SINGLE?


"Sometimes you have to stand alone to prove that you can still stand."- Anonymous


Maraming kumakalat na quotes sa Facebook.

Isa na nga yung photo sa taas sa mga nahanap ko. Dahil diyan, naalala ko si HG (Hottie Gurl. See "The Curiosity of a Virgin").

Naalala ko siya. At naalala ko kung bakit nga ba kami SINGLE.

Si HG, panay ang textmates. Panay ang kakakolekta ng boys sa workplace, sa chatroom at minsan sa paligid ligid lang. Pero kung tatanungin mo siya kung may nakarelasyon siya lately, proud niyang sasabihin sayong WALA. Bakit? May hinihintay siya. Pero at the same time, she is enjoying the benefits of a happy single life.
.
.
.
Which I also do. LOL.

Bakit nga ba kami SINGLE?.. kahit naman may mga lalaki sa paligid namin? Bakit may mga taong ganito ang pinipili? Bakit may mga taong tumatanda nang walang asawa o walang karelasyon? Worst case, NBSB...

Sa obserbasyon ko, minsan kasi, ang relasyon, sa halip na maging dahilan ng kasiyahan mo, yun pa ang nagiging dahilan ng pagguho ng mundo mo. Hindi dahil babaero siya o dahil sa ipinagpalit ka niya sa kakambal ni Inday. Minsan kasi, may mga relasyong hindi magwork at mas magandang hayaan mo na lang na wala kayong commitment. Dahil kung sakaling mang hindi magtagal ang lahat, at least, walang attachment. Wala kang sasabihan ng "Break na tayo!", dahil hindi naman kayo.

Eto ang katwiran namin ni HG. Kung may iba pang dahilan kung bakit single ang ibang tao, hindi ko alam. Pero sa totoo lang, minsan kasi.. ang sarap lang talagang mapagisa.

Isang gabi. Dumaan si HG sa bahay habang bisita ko si Shyder. Magpapalipas lang daw siya ng oras dahil may "Midnight date" sila ng jowa jowa-an niyang tawagin natin sa pangalang Jejeguy...

9PM. Kwentuhan. Iniwan ko muna si Shyder sa living room. Nakatulugan niya ang pakikipagkwentuhan ko kay HG.

10PM. Dumating ang isa naming kaibigan. Kwentuhan ulit. Tulog pa rin si Shyder sa living room namin.

11PM. Umuwi na ang kaibigan namin. Kwentuhan pa rin kami ni HG. Nagsimula na siyang magdrama.

12PM. Panay na ang text niya kay Jejeguy. Kung hindi walang response, puro excuse kung tuloy o hindi ang lakad nila.

1AM. Todo drama na si HG. Sa kabila kasi ng pagtakas niya sa bahay nila, at paghihintayng mahigit apat na oras, sasabihan lang siya ni Jejeguy na 'Matulog ka na.'

2AM. Gising na si Shyder. Sa dinami dami ng sumbatan at dramahan ni HG at Jejeguy, natuloy din naman ang midnight date nila... sa McDonald's. Hinatid namin siya ni Shyder para i-meet si Jejeguy. After nun, movie marathon na kami ni Shyder sa usapang natuloy nang 2AM na dapat ay 10PM nang nakaraang gabi.

.
.
.

Nung gabi na yun, kasama sa mga dramahan namin ni HG ay kung bakit ganyan silang mga lalaki... Bakit ang hilig hilig nilang magexcuse? Bakit andami dami pa nilang sinasabi? Bakit hindi na lang sabihin ng diretso kung ano ang gusto talaga nilang mangyari? Bakit sa dinami dami nang nangyari, sasabihan ka lang nila ng 'Tama na, andito na nga ako eh. Ano bang kinagagalit mo?'... At ikaw naman babae, konting sorry lang.. Ok na ulit.

Matapos ang gabing yun, nagkita ulit kami ni HG kinabukasan. At sa kabila ng galit ni HG nang nakaraang gabi, napawi rin naman ito nang pagbigyan siya ni Jejeguy na makapagusap sila. Tapos na ang dramahan. Balik ulit sa dati. Parang walang nangyari.

Ano ang conclusion kung bakit kami SINGLE?

Kasi, mahirap ang commitment kung minsan. Ipagmamalaki mong kayo na. Ipopost mo sa Facebook ang mga photos nyo'. Ipagmamayabang mo sa mundo na mahal na mahal nyo' ang isa't isa sa pamamagitan ng paulit ulit na pagcocomment sa mga status nyo'. Ipapakilala mo sa pamilya, kaibigan, kaklase, katrabaho, kapatid ng nanay ng tiyuhin ng pinsan ng barkada ng katrabaho mo. At kapag may gusot kayo, apektado lahat..alam nang lahat at halatang halata sa mga accounts nyo'. Masyadong maraming publicity ang relasyon. Masyado ring maraming makakaalam kapag nasaktan ka. Bakit kailangan gawing kumplikado ang lahat kung sa huli naman, either itutuloy nyo' sa kasalan ang patagong relasyon ninyo o magkakalimutan lang din naman kayo.

Kaya sa halip na ipangalandakan namin ang mga sarili namin na may mga special na tao sa buhay namin, ipinapanatili na lang namin ito sa mga sarili namin. Kung anuman ang mangyari, hindi nila alam.. hindi ganun kahalata at walang masyadong magrereact.

I know, it obviously sounds na ineexpect namin ni HG na magkakaroon lang ng problema ang relasyon. Which is true, and no one will ever be exempted sa mga issues basta may ibang tao kang pinapaasok sa buhay mo. Sa madaling salita, play safe lang kami. Magwork man o hindi, secured ang mga sarili namin. Para kaming mga computer, in case na walang antivirus at mapasukan ng Trojan, handa na ang mga back up files at handa na rin kaming magreformat anytime.

Sa totoo lang, wala naman talagang masama kung SINGLE ang isang tao.
May mga taong pinipili ito.
May mga taong gusto ng katahimikan.
At may mga taong naniniwalang hindi kailangan ng public status ng relasyon... kami yun. LOL.

.
.
.

At hindi ko alam kung may sense ang blog ko ngayon o dahil lang ba ito sa tatlong Sleepasil na nainom ko kagabi. LOL



- chagadelic gurl -

Sunday, April 18, 2010

One More Chance: Chag Style

ONE MORE CHANCE POWERFUL SCENE:



Basha: Sana... ako na lang ulit. Ako na lang ulit

Popoy: Mahal ko si Trisha

Basha: Alam ko...

Popoy: She had at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang yun.

Basha: I only made a choice.

Popoy: And you chose to break my heart.



Tuwing napapanood ko talaga ang One More Chance ni Basha at ni Popoy, hindi ko talaga makakalimutan yung mga powerful lines na yan. Bukod sa lagi akong nililitanyahan ng kapatid ko kapag nanonood kami ng movie na toh, lagi ko ring talagang naaalala yung mga pagkakataong minsan din akong nangarap na masabi ko ito sa taong ka-One-More-Chance ko.

"Sana ako na lang ulit... Ako na lang ulit."

Naaalala nyo pa ba si "dating-special-someone". Gusto ko na yatang baguhin ang pangalan niya dito sa blog ko eh. Parang gusto kong palitan ang pangalan niya into "presently special someone".

Hindi kasi ako makapaniwalang talagang pa lang nangyayari ang ganon'. Meron kang dating minahal. Nagkahiwalay kayo. Maraming nangyari. Nagkaron siya ng iba at nagkaron ka din naman. Then all of a sudden, nagturn out ang events into something na hindi mo ieexpect. Magb-break kayo ng present mo at magb-break din naman sila. Tapos biglaan magkikita kayo ulit. And this time, it's different.

It was just a week ago when he dropped by sa house to visit me. It was actually a surprise. Hindi ko nga talaga inexpect na dadaan siya sa bahay at nagkataon naman na pupunta ang barkada ko.

Drinking Session. I invited him over and he came.

May ilangan sa umpisa in between my friends and him. Pero later on, nung magkalasingan na, OK na rin naman both parties. Alam ko nga na nagulat sila sa biglaang pagsulpot ulit ni dating special someone sa buhay ko. So far, keri naman. Nagkaayos naman ang drinking session ng gabing iyon.

Lasing na ang lahat. Uwian na.

Kanya kanya ng paraan para makatumbling sa mga bahay bahay nila. Nagpaiwan si dating special someone. Pagod nako non'. May pasok pako kinaumagahan pero hinayaan ko siyang magstay. At dito na naganap ang usapan.

Kwentuhan.

Napunta ang usapan sa isang seryosong bagay ng magsimula nakong magtanong.

('.') : May plano ka ba sakin?

(-.-) : Actually, meron.

('.') : Ano naman yun?

(-.-) : Hindi ko naman gagawin ang mga bagay na toh' kung wala akong plano eh.Sa tingin ko dito ako sasaya.

('.') : Eh ano ba talagang magpapasaya sayo? Bakit mo nasabing 'ako' ang magpapasaya sayo.

(-.-) : Kasi kahit isipin ko pa lang eh. Imagine, ang poproblemahin mo lang yung pambayad sa bills, pagkain sa araw araw.. tapos nandun ka. Oo, sa tingin ko sasaya ako sa ganun. (Biglang yumakap ng mahigpit) Bakit ba kasi kita pinakawalan eh.

('.') : Bakit? Andito pa naman ako eh. Hindi naman ako nawala eh.

(-.-) : Kung hindi kita pinakawalan edi hindi ka na sana tinarantado ni J*

('.') : Andiyan na yan eh. Sayang pero kung nung time na yun, sinabi mo lang. Hinihintay lang naman kita nun eh. Kaso nakita kong masaya ka na lalo na nung sinabi mong nililigawan mo si S******

(-.-) : (Yakap ulit ng mahigpit) Bakit ba kasi pinakawalan pa kita eh?!?

('.') : Kaya mo bakong tanggapin? May anak nako. Instant Daddy ka.

(-.-) : Eh ano? Ikaw din naman yun eh. Wala nakong pakelam sa sasabihin ng iba.

('.') : Aaminin ko sayo. Hindi naman nawala yung feelings ko sayo eh. Andito pa rin naman to. Kaso kailangan natin magtake time. Ikaw, wala ka pang matinong trabaho. Ako, kailangan ko pa rin ng time para sa sarili ko kasi masakit masyado ang ginawa ni J*.

(-.-) : Sige. Basta ngayon pa lang, humihingi nako ng tawad sa kung ano mang posibleng sasabihin ng pamilya ko sayo.

('.') : Ok lang. Basta ganito na lang. Hihintayin na lang kita na magkatrabaho ka at makapagsettle ka.

(-.-) : Parang dapat nga ikaw ang hinihintay ko eh.

('.') : Eh kasi ako. Alam ko naman na sa sarili ko na mahal pa rin kita. Kailangan lang talaga ng readiness at kailangan lang din talaga nating magtake time kasi mahaba pa naman ang panahon.

(-.-) : Ah ganito na lang. Liligawan na lang ulit kita.

('.') : Ikaw bahala. Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Marami kang haharapin kung pipiliin mo ko ngayon.

(-.-) : Hindi na ako yung katulad ng dati. Kaya ko ng gumawa ng desisyon para sa sarili ko. Basta alam ko sayo ako sasaya.

('.') : Awwww.. I Love You.

(-.-) : I Love You Too.


*************************

Alam ko. Ang cheesy ng storya. Pero totoong nangyari siya ng gabing yun. At hindi ko makakalimutan kung gaano kasincere yung mga words na sinasabi nya. Kilala ko si dating special someone at alam ko sa pagkatao niya na siya yung tipo ng tao na hindi gagawin ang mga ganung bagay para lang ipandisplay.

Nakakatuwa lang isipin.

Akalain mo. Kelan lang pinapangarap ko yon. Biglaang natupad.

One week na mula nung nangyari ang mala-JohnLloyd at Bea na eksena na yun sa terrace namin. At hanggang ngayon, nandyan pa rin siya. Panay ang paramdam. Panay ang text. Kung pwede nga lang na isacrifice lahat ng yaman na meron siya para saming dalawa, gagawin niya.

Ibig sabihin, hindi pala talaga ko nananaginip.

Pwede rin palang mangyari na "ako na ulit.. ako na ulit."



- chagadelic gurl -


Monday, January 18, 2010

Why do Ex-es come back?

Headlines:

Isang dating ka-ibigan, Nagbalik!

Isang nakakabiglang pangyayari ang naganap kanina. Habang kamumulat pa lang ng aking mga mata at ninanais ko ng magsipilyo ay may narinig akong isang katok mula sa aming gate. Hindi ko ito pinansin at ako ay nagtuloy na pananatili sa kama dahil tinatamad pa akong pumasok.

Ngunit hindi ako mapakali. Naisipan kong bumangon at nagulat na lang ako sa ibinalita ng aking kapatid. Isang bisita ang naghihintay sa akin sa aming teraza. Ako'y nagulat ng makita ko ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita.

Bago ko ituloy ang kwento, una sa lahat. Hindi ako ang ex ng lalaking ito. At pangalawa, matagal ko rin naman siyang naging kaibigan.. as in "friend". Kaya hindi ako ang may isyu. Hehehehe.

At ganoon na nga, isang matagal ng kaibigan ang bumungad sa akin. At heto siya...


Matagal din kaming nag-usap. Nagkwentuhan tungkol sa kanyang bestfriend na wala siyang kaalam alam kung ano na ang balita at gustong gusto ko namang isumpa (Uy! isyu na naman yun). Nagkwentuhan kami tungkol sa trabaho. At syempre, pinagkwentuhan namin ang aking bestfriend.. na ex niya. Eto siya..


Dahil sa pag-uudyok, inaya niya akong dalawin namin ang aking bestfriend. Ngunit bago ang lahat, ipinaalala ko sa kanya na dapat niyang kontrolin ang kanyang sarili. Pumayag naman siya, at dinalaw nga namin ang babaeng kanya pa ring iniibig.

Sa pagkikita ng dalawa. Walang masyadong naganap. Tameme si babae. Tameme si lalaki. Para akong referee sa gitna ng silence battle. Siguro dahil na rin sa nandoon ang pagkailang sa isa't isa.
Pero halata mo naman na may feelings pa on one of the sides.

Sabi nila, may mga signs kung mahal ka pa rin ng ex mo. Ayon sa nabasa ko sa isang website, narito ang mga usual signs on if they want to come back to you or is still interested in you.

  1. Kapag kahit mga 10 years na kayong hiwalay, pero hindi mo maintindihan kung bakit parang lagi pa rin siyang nag eexist sa buhay mo. Yun bang tipong wala na kayong communication totally pero nagugulat ka na lang, nacocontact ka pa rin niya. Di ito isang misteryo. Ganito lang yan, ang ex ay ex na. Wala na dapat communication or even trying to reach out that person. Pero for some reasons, bigla na lang siya ulit magpaparamdam.
  2. Kapag nags-seek out siya ng chances na gusto pa rin niyang maging magkaibigan kayo.
  3. Madalas mayabang at mahangin. Bakit kamo? Kasi gusto nilang isipin mo na well established ang buhay at personality nila than before so you will want them back.
  4. Tanong ng tanong tungkol sa personal mong buhay. Eto yung mga tanong na kamusta na kayo ng girlfriend or boyfriend mo. Eto rin yung mga tanong na hindi naman ordinaryong tinatanong ng isang kaibigan gaya ng "Musta na ang sex life niyo ng boyfriend mo?".
  5. Hindi siya mapakali pag nagkita kayo ulit. Eto yung mga oras na tinatanong nila sa mga sarili nila kung "Maganda ba ko ngayon?" or "Ok ba itsura ko?". Kaya sila ganito kasi nga andun yung emotion na gusto nila i-impress yung taong kaharap nila. Which is ... you, his or her ex.
  6. May point na pag nag-usap na kayo, andun yung flirty conversation. Pero dadating sa point na parang ang formal masyado ng lahat. Eto naman yung tipong hindi mo mabasa kung ano talaga ang nasa isip niya over his changing emotions. Eto rin yung madalas kang mangangapa kung interested pa siya sayo or he just want to be friends with you. Kaya niya ginagawa ito ay dahil kino-kontrol niya ang emotions niya na deep inside naman eh gustong gusto nang sabihin sayong "I still love you". They tend to hide their true emotions by feeling and thinking what they want to feel and think kasi nga baka mabisto sila over their true emotions.
Kung tatanungin nyo kung ano ng nangyari sa pagkikita ng dalawa? Eto lang ang naganap, kamustahan then kamustahan then uwian na. Walang masyadong naganap. Pero kung kayo ang tatanungin, specially dun sa mga taong nakakaalam ng istorya ng pag-iibigan nila, sa tingin nyo, ano ang maipapayo ninyo sa babae?

Open for any answers.


Note: To the people involve in this blog, wag kayong masyadong mapipikon. Ito ay isang katuwaan lang. Peace!


- chagadelic gurl -