"Christmas waves a magic wand over this world, and behold, everything is softer and more beautiful. " ~Norman Vincent Peale
Today is our last day in the office within the week.
Bukas ng gabi, Pasko na. And I'm starting to feel this little excitement in me. Para akong batang excited sa gift ng ninong at ninang ko. Para akong batang iniimagine na kung magkano ang mapapaskuhan ko. And I'm glad, this time of the year, I felt the Christmas presence.
Last year was pretty much unlikely dahil nasa trabaho ako.
December 24th. My shift back then was 7PM to 6AM. At nasa Manila pako nanggaling nun because I was previously renting.
Like the usual, I woke up at 4PM to get myself ready for work. Sabi ko pa sa sarili ko, tanggap kong hindi ako magpapasko sa bahay. "At least, tonight will be a double pay plus the night differential will be a glam!"
I went out of the room to go to the CR. Narealize kong parang haunted ang dorm dahil ako na lang pala ang tao sa fourth floor. Ate Grace, the dorm's landlady, and her family were the only people left in the building and they weren't even in the fourth floor.
So I took a bath. Dressed myself up. And left the dormitory to go to work. Iniisip ko kasi, traffic ang aabutan ko kaya inagahan ko ang alis. I left at about 5:30PM.
Nagulat na lang ako sa naabutan ko. Walang tao sa kalsada. I felt this sudden sadness because I really wanted to be with my family. But I had to shrug the feeling away. Dahil naisip ko, kung magpapaapekto ako. Lalo lang akong malulungkot and I won't even be working for an 8 hour shift. I will be working for 11HOURS! ... and its definitely lame.
When I got to the office. Nagulat akong marami pa rin pa lang taong hindi magpapaskong kasama ang mga pamilya nila. Maraming may shift nung gabing yon. And siguro, isa sa mga nagpasaya sakin that night is the 'almost unlimited food'.
Napagkasunduan kasi ng mga tao sa office namin noon na magchip-in na lang ng pagkain. At least, even being in the office still, we will all dig in to yummy desserts, pansit malabon and numerous selections of other scrumptious dishes. Plus! my freebie!. May pinamigay pang pagkain ang office namin para sa lahat.
It was almost 12AM when I checked the time on the Avaya phone. Wala kong call. Kinakabahan nako. Eto na nga, nagkacall ako. Mexicana airlines. Buti na lang.
"Thank you for calling. My name is *******. How may I help you today?" Nag-opening spiel na nga ang lola nyo'.
Sumagot naman ang nasa kabilang linya. Can't even remember what the problem is pero ang natatandaan ko, babae ang nakausap ko.
"Merry Christmas!!!" May sumigaw sa kabilang spine ng mga stations. At nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ko.
Leche, eto na nga. Sabi ko sa sarili ko.
Ok pako. Ok pako. Binati ako ng dalawang tao sa side ko. Niyakap pako nung isa. Bumati na rin ako ng 'Merry Christmas'. At hindi ko na nga po napigilan.
Nageexplain pa yung kausap ko sa kabilang linya. At habang nakamute ako, lumuluha na ang lola nyo' ng patago. Hindi ko kinekeri ang lungkot. Lumabas na nga yung pilit kong pagsusuppress sa kalungkutan kong hindi ko kasama ang pamilya ko.
Di-nrop ko yung call. Kahit makita pako ng QA. Kahit nagsasalita pa yung kausap ko.
Nagpalit ako ng status sa Avaya. Tumakbo ako ng CR. At dun ako nagiiyak ng bonggang bongga.
First time kong hindi kasama ang pamilya ko.First time kong hindi makakapagsimba sa church namin ng anticipated mass ng 24th. First time din ang noche buena namin na wala na si papa. At first time din silang magpapasko sa bahay na wala ako.
Nakakalungkot isipin. Kaya idinaan ko na lang sa iyak.
Pero hindi nagtagal ang session ko sa banyo. Bumalik na rin ako sa desk ko at itinuloy ang trabaho. Maya maya lang, nagtawag na yung iba na pwede nang kumain. Idinaan ko na lang ang frustrations ko sa pagiisip kung ano ang uunahin kong kainin.
Natapos rin ang buong gabi ko. Natapos ang pagdadalamhati ko at umuwi na rin ako samin.
Malungkot pa rin nga lang ng konti. Paskong pasko, walang handa. Naubos na daw kagabi. Wala rin kaming bisita. At ang pinakamasaklap dun, wala akong pera. Yung mga natitira kongn barya, ipinamigay ko pa sa mga namamasko.
Idinaan ko na lang sa tulog.
Bumawi ako nung kinagabihan, nagkayayaan na kami nina VG at HG na maginuman. Kahit papano, sumaya naman ang pasko ko. Nagdala din ng pizza ang jowa ng kapatid ko kaya kahit papaano, nairaos namin ang araw mismo ng Pasko.
Ang regret ko lang, feeling ko hindi ko naibigay ang lahat.
Wala akong pera. Walang pagkain sa bahay. Walang bisita.
Hindi Pasko ang itsura ng bahay namin nung gabing yun. Kung wala siguro kaming mga decors, malamang nagmukhang haunted house ang bahay namin.
Kaya ngayong Pasko, sinigurado ko ang lahat. Nakahanda na ang mga regalo. May extra pakong pera para sa mga mamamasko. At higit sa lahat, hindi ako magtitiis na magtrabaho sa office habang nagsasaya ang lahat sa labas.
Kaya, uuwi nako.
Magcecelebrate ako nang isang masaya at masaganang Pasko kasama ang pamilya ko.
.
.
.
Isa pa,
Ako na lang ang tao dito sa office. At susunod nang uuwi yung mga guard dito samin para isara ang opisina namin at gumimik.
Merry Christmas everyone!

Love,
- chagadelic gurl -