Have you ever had a best friend whom you fell inlove with?
A best friend na nakasama mo through thick and thin. A best friend na nakita na ang pinakapangit mong ugali pero sinasamahan ka pa rin. A best friend na nakikita ang kagandahan sayo kahit bad hair day ka. And a close friend na kahit anong badtrip mo eh kaya kang patawanin.
I've seen a lot of best friends na nagkaron ng relationship. Some of them ended up really well at ngayon may anak na sila. Pero I know some na nagkaron ng relationship pero hindi "pa" natutuloy.
Sa tropahan namin, maraming example:
Orijinal at Istong
Description- Magkaibigan. Hindi naman uber close. Magseatmates ng ilang taon sa High School. Ang pair up ng barkada na hindi "pa" natutuloy sa relasyon kahit flirt man lang wala.
Research- Parehas kasing isip bata. Si Orijinal, puro kasi paglalaro lang sa mga textmates ang alam. Si Istong, puro na lang gimik at trabaho lang. Wala pa kasi talaga sa isip nila ang magkaroon ng matinding relasyon kahit hindi sa isa't isa. They're just really happy being friends right now.. and being ultimately single. Unless may hindi sila kinukwento that is.
Forecast- Magkakatuluyan rin sila.. kung maiisip ni Istong na nandyan nga pala si Orijinal. Si Orijinal naman kasi, ready naman yan. Kung liligawan lang ni Istong, sasagutin din yan.
Chellat at Belandring
Description- Close friends. Super Close na muntik na sanang maging sila kaso pakipot yung isa. Magkasangga sa CAT Training nung High School. Parang halos naging mag-bestfriend din sila dati.
Research- Nagpakipot kasi yung isa. Naging play-safe si Chellat dahil iniingatan niya ang relationship nila bilang magkaibigan pati na rin ang readiness niyang mainlove sa isang taong tinuring niya as a brother. Unfortunately, sa time naman na ready na si Chellat, may girlfriend na si Belandring. At tumagal na ng 2 or 3yrs bago narealize ni Chellat na gusto rin pala niya si Belandring.
Forecast- Posibleng magkatuluyan sila. That is if magkakaroon ng tapang si Belandring na makipagbreak sa current girlfriend niya. Pero sa tingin ko, hindi gagawin ni Belandring yun para kay Chellat dahil marunong siyang rumespeto sa naging investment ng relasyon nila ng present girlfriend niya. Si Chellat naman, single lang yan. Until she finds the right person, nandyan lang yan. Maghihintay kung sinong mauna sa puso niya.
Lotlyn at Kuya Michael
Description- Eto ang magkaibigan na nagumpisa agad sa flirting. Though it is flirting, involved naman dito ang seryosong feelings sa isa't isa. He likes her, She likes him ang tema ng dalawa.
Research- Ok na sana ang dalawa, talagang meron lang pumagitna kaya hindi natuloy ang isa sanang magandang love story. They fully acknowledge that they both have the right feelings towards eachother. Ang problema, nadistract si girl sa ibang guy. Si guy naman masyadong nakapgfocus sa CAT career niya.
Forecast- May boyfriend si Lotlyn ngayon. Single naman si Kuya Michael. Kapag umuuwi si guy, they get to connect each other. Posible pa ring magkatuluyan sila in the end, that is kapag right timing na si Kuya Michael at si Lotlyn naman ang nagkataong single. Kelangan lang talaga ng right timing.
Magnolia at TCha
Description- Parehong matitinong estudyante ng School namin noon. Isang CAT Battalion Commander at isang Valedictorian. Niligawan ni guy si girl, binasted. Tapos ang storya nila.
Research- Parehas lang kasi talaga silang hindi bagay sa isa't isa. Si Tcha kasi, iba ang mundong ginagalawan. Si Magnolia naman, isang binatang uhaw sa pagmamahal. Nagkataon lang na hindi si Magnolia ang type ni Tcha ng panahong nanligaw si Magnolia. Isa pa, may hidden secret pala si TCha nun. May boyfriend pala siya.
Forecast- Magkaiba na ang mundo nila. Almost 4 or 5yrs na ang relasyon ni TCha sa present boyfriend niya. Nasa point na nga sila ng marriage eh. While si Magnolia, nagsisimula pa lang ng buhay sa labas ng pangangalaga ng magulang niya.
Majoh at Peste
Description- Nagsimula as friends. Naging close hanggang sa naging sila nung first year HS. Nagbreak. Naging sila na ulit nung fourth year HS. Nagbreak ulit. At ngayon, kanya kanya na silang mga buhay. May bago na si Majoh at May bagong na rin si Peste.. yata.
Research- Lagi nilang problema is maturity. Sa mga nagbabasa nitong blog ko na alam ang storya nila, alam kong magrereact kayong marami talaga silang problema. Sa tingin ko kasi, maturity talaga ang ugat ng lahat ng problema nila. Hindi magwawala si Majoh dahil lang hindi siya napansin ni Peste. Hindi mambababae si Peste kung naisip niya ang tagal ng relasyon nila at pinagmulan ng lahat. Parehas lang silang nangangailangan lang ng maturity pa.
Forecast- Magiging sila pa rin. I doubt it na hindi. Kung ganyan lang din naman na on and off ang lovelife nilang dalawa, pag pinagsama mo sila sa isang lugar, magkakaron sila ng time na magusap.. in the end, may makakapigil ba sa feelings na dati namang nandiyan na? Kaya alam ko, magiging sila din ulit.
At ako? Meron din kala nyo!
Pero hindi ko muna ibubunyag dito masyado, slight lang.
Si "dating-special-someone" ang itinuturing kong bestfriend simula first year college. Naging close kami dahil na rin siguro lagi kaming naa-assign na magka-seatmate sa klase. Kapag may groupings, lagi rin kaming nagkakasama ng madalas dahil sa mga last names namin. At lagi ko rin siyang nakakasabay umuwi. Kaya in the end, na-fall na rin kami sa isa't isa. Pero dahil mga baguhan, hindi muna agad nagsalita ang magkabilang kampo.
Eventually, nagkaaminan din kami at nauwi din kami sa bf-gf relationship. We really had everything almost perfect. Kulang na lang samin noon is a good job so that we can get married.
Kaso mga bata pa kami nun, we were just 18.
Naghiwalay din kami after a year and a half of such a wonderful relationship. It was a bad ending kasi walang linaw noon ang pinaka-reason kung bakit kami naghiwalay. Kahit on my part, hindi ko maintindihan kung bakit na lang siya biglaang nagdecide na magpart ways muna kami.
I had to question myself if I wasn't good enough as a girlfriend. Baka mas gusto niya ang ganito.. baka mas gusto niya ang ganun.. Pero hindi rin naman nasagot ang tanong til we had one of the most recent conversation.. after 5 years!.
At ngayon, we're staring to see each other again and we are having this very often communication lalo na kapag after work. Hindi ko alam kung san pupunta ang "re-connection" na to' pero ang alam ko, what I thought I had forgotten is just seemed to be coming back again.
Kung matuloy man to' ulit sa isang relationship ulit, i'd consider that as God's plans for me. Everybody knows how bad was the relationship I had with "most-recent-ex".
Ibig sabihin lang na kung magkakabalikan kami, God really wanted me to end up with him. All this time, he was there. He was just there kahit may relationship ako sa iba.
And the good thing is that, he was my bestfriend. It felt so good to be with him. Every conversation makes sense and it wasn't like there was something bad that happened before. I guess I consider myself lucky to have him back.. perfect words should be LUCKY and BLESSED at the same time.
Pinangarap ko to'. Pinangarap ko siya. Pinangarap ko na maging kami ulit kahit kasama ko si "most-recent-ex". It's upto God's plan now.
Note: At talagang kinuwento ko na ang lovelife ko. Sabi ko nga hindi ako magkukwento eh. Pero napakwento pa din ako. Sheeesh..
- chagadelic gurl -
