Thursday, October 14, 2010

When I Started Not Caring

"Besides being happier, you'll do a better job if you're working at a job you love, or at least like." - Alison Doyle. About.com


After the Big aannouncement from my boss, naging iba na ang pagtingin ko sa trabaho ko ngayon. And yep, I'm talking about my job again.

I'd like everybody to know na nag-resign na po ako.

I know. I know. May maririnig na naman akong "Na naman??"

Tatawanan ko na lang ang mga reaction nyo'. Narealize ko kasi, it's not worth it. This is not worth it. After all the hardships and the bad things I've heard about the people I've been working with, hindi mababayaran ng pera yung bad experience na nakuha ko sa job na toh'. I cannot allow this job to ruin even my self esteem now.

I've just rendered like 5 days for me to stay with the company. Just until I get my last salary this 15th. Hindi ko na kasi kaya eh. Even right now that I sit on my desk, doing nothing and my boss keeps telling me to go to work even if I have no more job to work at, I just couldn't seem to take it anymore.

Ever since I submitted that resignation letter, I couldn't care much on the company anymore. Or the people or the work. It felt like there's no sense to do my job at my best efforts since I'll be leaving in a few days anyway. I felt like... I just don't care anymore. I just want to get the hell out of this company and start a new career... the one I really wanted.

I asked VG if she felt the same thing (She was informed that her absorption as a Staff Nurse in the hospital would take effect not until January next year). She answered me with a Yes.

Ganun daw talaga. Kapag paalis ka na, you just don't care if you lose a good stat with your remaining days. You just couldn't do your best with your last days because you're leaving anyway.

And now, I hated being here. I just wanna go home and start a new life. Probably erase the memory of a such a bad experience from the company which I thought would boost my career in no time.

Well, it's almost my end shift. I'll have two more remaining days then.

Looking forward to my last day.



- chagadelic gurl -

Thursday, October 7, 2010

For the Greener Pastures




Dear Readers,


Sa unang pagkakataon, isusulat ko ang tungkol sa isang parte ng magulo kong buhay. Isusulat ko ngayon ang saloobin kong hindi naririnig ninuman. Bilang isang manunulat, bilang isang tagabasa, bilang isang empleyado, bilang isang karelasyon, bilang isang kaibigan, bilang isang kapamilya, bilanng isang ina at sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako... isasalaysay ko ang mga bagay bagay sa isip kong ngayon nyo' lang makikita sa blog na ito.

Ito na siguro ang pinakamadrama and pinakamalungkot na isusulat ko dito.
Ito na siguro ang isa sa mga blog ko na bumubuhos ang luha at pasakit sa damdamin ko.
Ito na siguro ang hinahanapan ko ng solusyong hindi ko mahanap hanap.
Ito... Ako.

Bilang isang manunulat:

Mahal ko ang blog ko. Kung meron akong lugar na pwedeng takbuhan kung hindi ako masaya, o kung saksakan ako ng saya o kung may inaasam ako... ito ang unang nakakaalam. Kung wala man akong access sa computer, o kung malayo man ako sa kabihasnan ng mga keyboard, kapitbisig ko lagi ang mahiwaga kong Journal. Narito ang lahat ng ako at nang hindi ako sa labas ng bahay namin. Narito ang mga ideya ko na kami lang ng isinusulat ko ang nakakaintindi. Kung sa malayo ay mula akong manequin. Dito, isa akong gumagalaw na estatwa. Dito ko nasasabi ang hindi ko masabi sa iba. Dito ko inilalabas ang hindi maintindihan ng iba. At nilalaman ng blog na ito or ng Journal ko at Ako... tungkol sakin, tungkol sa mga taong malapit sa puso ko.

Bilang isang tagabasa:

Marunong akong maka-appreciate ng opinyon ng iba. Marunong akong makatanggap ng mga ideas, criticism at sarcasm. Marunong akong makaintindi sa paniniwala ng iba at humahanga ako sa mga taong may reasonable na paninindigan. Humahanga din ako sa mga taong merong mga matinding paniniwala sa Diyos. Yun bang tipong kahit batuhin mo sila ng paulit ulit, kahit pagpira-pirasuhin mo ang mga katawan nila... patuloy silang naniniwala na may Diyos, may Langit, may Impyerno, may mga Anghel at pag dating ng mundo ay muling bababa si Jesus para salain ang mga nagkukunwari, ang mga masasama at ang mga may karapatan. Humahanga din ako sa mga taong ang mindset ay "Mind-Your-Own-Business".. in Tagalog, Walang pakialaman. Humahanga ako sa mga taong ganito magisip dahil marunong silang rumespeto kung hanggang saan ang bounds na pwede nila pasukin sa buhay ng isang tao. At sa ganun pang paraan, alam din nila sa mga sarili nila na kailangan nila ng sariling privacy tungkol sa kanilang mga buhay.

Bilang isang empleyado:

Sa ngayon, nahihirapan ako bilang isang empleyado. Hindi lang trabaho ang pinakikisamahan ko. Pati rin ang mga taong hindi ko makatagpo ang kaisipan, ang schedule na hindi ko alam kung anong official, ang management na paliko liko ang sistema at ang opisinang paiba iba ng location. Noon, sa dati kong trabaho, maliit na sweldo lang ang problema ko. Ngayon, problema ko ang lahat. At sa pangalawang pagkakataon, sa mabilis na panahong dapat ay naeexcite pa lang ako ay nawalan nako ng gana. Hindi ako ang pinakamagaling na empleyado sa opisina namin at wala akong karapatang magdemand ng kahit ano. Tama ang kasama ko sa trabaho, wala akong mapatunayan. Hindi ko ibinibigay ang dapat kong ibigay. Tama nga siguro ang katrabaho ko na isiping may pagka-tanga ako. Inaamin ko. Sinadya ko. Dahil umpisa pa lang, nawalan nako ng gana. Magulo ang sistema. Walang guidelines at boundaries. Unang araw ko pa lang, gusto ko nang magback-out. Kung hindi nga lang ba umaasa sakin at nanay kong biyuda na, ang mga kapatid kong sabay sa kolehiyo at ang batang magdadalawang taon pa lang, agad ko na sanang binitawan ang trabahong ito. Ngunit dahil hindi ako pwedeng mabakante, kinuha ko na agad kung sino ang mas may mataas na offer. Mali ko lang, nagkamali ako ng pinili. Simula nung nagumpisa ako dito, araw araw kong tinatanong sa sarili kong kung ano kaya ang lagay ko ngayon kung mas pinili ko yung iba pang naghihintay? Kaya siguro, sa katrabaho kong tingin sakin ay walang pakinabang, siguro nga tama siya. But his opinion would never matter in anyway. This is me outside the office. And to my previous supervisors, to Shyder, to my kid, to my friends, I am incomparable and precious and I can do more what I show to his shallow thinking.

Bilang isang karelasyon:

Hindi ako perpektong tao. Mataray ako. Perfectionist. At demanding sa quality time. Gusto ko, kung ano ang ibinibigay ko, yun ang nakukuha ko. Selfish nga na matatawag. Pero alam kong sa puntong toh, ako pa rin ang may mali. You cannot expect anybody to be perfect. You cannot expect any good guy to just spend all of his time with you if he's got work to do or a family outing that his presence is needed unless all he cares about is to F***. Sa puntong ito, gusto kong magpasalamat kay Shyder sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng bagay na nagagawa kong tama at pagtatama sa lahat ng bagay na nagagawa kong mali. Hanga ako sa determinasyon ni Shyder na mapapaniwala ako na kailangan ng opisyal na relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Malamang, kung wala si Shyder sa mga oras na hindi ko kinekeri ang sitwasyon sa labas ng personal kong buhay, nauwi siguro ako sa pagtakbo sa mga bagay na dapat kong harapin. At totoo, ang isang taong espesyal sayo.. minsan, hindi lang para may ka-HHWW ka sa mall or may katext ka sa hating gabi. That person is meant to be a part of you in the future. That person might be the other person whom you'll spend the rest of your life with making decisions and walking through the laughters and hardships of life. So, Thank you Shyder.

Bilang isang kaibigan:

Inspirasyon ko ang mga kaibigan ko. Hindi siguro mabubuo ang blog na ito kung hindi rin dahil sa mga kwento nila at sa mga kakaibang mga pangyayari sa mga buhay namin na hindi kayang tumbasan ng iba. Mula PreSchool hanggang High School. Mula High School hanggang College. At ngayong pare pareho na kaming may mga trabaho at ang iba samin, may pamilya na... ito siguro ang masasabi kong pinakamatatag na friendship na nakita ko. Pero gaya ng tagline sa itaas, hindi naman dito natatapos toh. Ano pa bang susunod? Marami pa. At isa sa mga pinagdadasal ko: yung tipong kahit fifty years old nako, nagsusulat pa rin ako dito. Kung saan napunta ang friendship na nagsimula habang pare-parehas pa lang kaming umiihi sa kama.

Bilang isang kapamilya:

Wala akong ipon sa bangko. Wala pakong naipupundar na bahay, lupa, kotse o bagong cellphone. My job sucks. I suck at my job. Marami akong mga opportunities na pinalagpas na kung sana lang eh yun ang pinili ko, hindi sana ako malulugmok sa pagtitiis sa bagay na ayokong gawin. At kung minsan, sa umaga, gusto ko lang gumising, makipaglaro sa aking munting anghel at magkaron ng endless na usapan with my mom. Kahit ganito ako kawalang purpose sa mundo, masasabi kong sila ang number one na kayamanang meron ako. Kahit siguro hindi ko mabalikan ang pagsusulat sa dyaryo. O ang pangarap kong mapasama sa Cannes Film Fest, basta meron ako nito... mayaman nako. Hindi ko maipagpapalit ang walang hangganang pagpapasensya ng mom ko sakin. Na kahit anong kwento ko, pakikinggan niya. Hindi ko rin maipagpapalit ang relasyon naming magkakapatid na kahit minsan may differences, andyan pa rin ang kulitan at ang madalas na pangungumbinsi nilang bumili ako ng "Chooks to go" every sweldo. Hindi ako magaling sa maraming bagay, pero sa pamilya ko, pakiramdam ko kaya kong gawin ang maraming bagay.

Bilang isang ina:

Ito siguro ang isang bagay na maipagmamalaki ko pa sa mundo. Na magkaron ng sarili kong munting anghel na tila biniyayaan ng halos lahat ng gifts sa mundo. Sa edad na magdadalawang taon, halos lahat na ng improvements na sa kanya na. She can dance. She can sing. She's starting to familiarize herself with the numbers and She now knows how to identify a lot of things. I'm so blessed to have her with me. Kaya tuwing makakakita ako ng balita tungkol sa mga batang inabort o iniwan ng mga magulang nila sa basurahan, hindi ko maiwasang hindi mainis. Kahit hindi mo ginusto ang bata, wala kang karapatan at any cost na patayin ang buhay na binigay ng Diyos. Kung makakapagsalita lang ang mga batang inabort, sasabihin din nila sayong "Sana hindi na lang ikaw ang naging nanay ko." Kaya para saking munting anghel, sabihan na nila akong walang kwenta o walang pakinabang, to her, she'd never want to see me go. She would constantly tell me how much she loves me kahit medyo bulol pa. And with the littel efforts, I totally appreciate that.

At sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako:

Narealize ko lang, masyadong maganda ang buhay para i-stuck ang sarili ko sa mga bagay na nagdudulot lang sakin ng pasakit. Sabi nga ni Shyder, "If you are in a Shit, then dig yourself out of that shit." Hindi makatutulong sakin kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa bagay na hindi ko na kayang ituloy. Lalo na kung dito mo unang nararanasan ang mga bagay na hindi mo naman maririnig sa mga taong mas kilala ka. I guess that's the point. They don't know you. That's why they have the guts to judge you as if your someone that's needed to be crushed finely. Imbes na maging parte lang lahat ng kung ano dapat ang ginagawa nyo lang. Nagiging personal na masyado ang lahat. At hindi na ito nararapat. May hangganan ang lahat. At gaya nga ng sabi ni Shyder, marami lagi akong options. Kailangan ko lang harapin ang katotohanang ayoko na.

.
.
.

Alam kong parang Last Will and Testament ang pagkakabuo ng blog ko. Kaya lang, after kong after kong isulat ang lahat, unti unti ko nang nakikita ang Greener Pastures. Parang kahit alam kong masasaktan ako sa ilang moves na gagawin ko, itong mga bagay na toh' naman ang magpapalaya sa akin.

Hindi dito nagtatapos ang pagsusulat ko at ang pakikinig sa mga kwento mo.

Patuloy kong isusulat ang gusto ko. Patuloy kong sasabihin ang nasa isip ko. Kung ayaw mong makinig sa tinig ng isip ko, bakit mo toh binabasa?

Ito ang "The Chag Blog". Likha ni:



- chagadelic gurl -