Tuesday, March 30, 2010

Lucky I'm Inlove With My Bestfriend

Have you ever had a best friend whom you fell inlove with?

A best friend na nakasama mo through thick and thin. A best friend na nakita na ang pinakapangit mong ugali pero sinasamahan ka pa rin. A best friend na nakikita ang kagandahan sayo kahit bad hair day ka. And a close friend na kahit anong badtrip mo eh kaya kang patawanin.

I've seen a lot of best friends na nagkaron ng relationship. Some of them ended up really well at ngayon may anak na sila. Pero I know some na nagkaron ng relationship pero hindi "pa" natutuloy.

Sa tropahan namin, maraming example:

Orijinal at Istong

Description- Magkaibigan. Hindi naman uber close. Magseatmates ng ilang taon sa High School. Ang pair up ng barkada na hindi "pa" natutuloy sa relasyon kahit flirt man lang wala.

Research- Parehas kasing isip bata. Si Orijinal, puro kasi paglalaro lang sa mga textmates ang alam. Si Istong, puro na lang gimik at trabaho lang. Wala pa kasi talaga sa isip nila ang magkaroon ng matinding relasyon kahit hindi sa isa't isa. They're just really happy being friends right now.. and being ultimately single. Unless may hindi sila kinukwento that is.

Forecast- Magkakatuluyan rin sila.. kung maiisip ni Istong na nandyan nga pala si Orijinal. Si Orijinal naman kasi, ready naman yan. Kung liligawan lang ni Istong, sasagutin din yan.

Chellat at Belandring

Description- Close friends. Super Close na muntik na sanang maging sila kaso pakipot yung isa. Magkasangga sa CAT Training nung High School. Parang halos naging mag-bestfriend din sila dati.

Research- Nagpakipot kasi yung isa. Naging play-safe si Chellat dahil iniingatan niya ang relationship nila bilang magkaibigan pati na rin ang readiness niyang mainlove sa isang taong tinuring niya as a brother. Unfortunately, sa time naman na ready na si Chellat, may girlfriend na si Belandring. At tumagal na ng 2 or 3yrs bago narealize ni Chellat na gusto rin pala niya si Belandring.

Forecast- Posibleng magkatuluyan sila. That is if magkakaroon ng tapang si Belandring na makipagbreak sa current girlfriend niya. Pero sa tingin ko, hindi gagawin ni Belandring yun para kay Chellat dahil marunong siyang rumespeto sa naging investment ng relasyon nila ng present girlfriend niya. Si Chellat naman, single lang yan. Until she finds the right person, nandyan lang yan. Maghihintay kung sinong mauna sa puso niya.

Lotlyn at Kuya Michael

Description- Eto ang magkaibigan na nagumpisa agad sa flirting. Though it is flirting, involved naman dito ang seryosong feelings sa isa't isa. He likes her, She likes him ang tema ng dalawa.

Research- Ok na sana ang dalawa, talagang meron lang pumagitna kaya hindi natuloy ang isa sanang magandang love story. They fully acknowledge that they both have the right feelings towards eachother. Ang problema, nadistract si girl sa ibang guy. Si guy naman masyadong nakapgfocus sa CAT career niya.

Forecast- May boyfriend si Lotlyn ngayon. Single naman si Kuya Michael. Kapag umuuwi si guy, they get to connect each other. Posible pa ring magkatuluyan sila in the end, that is kapag right timing na si Kuya Michael at si Lotlyn naman ang nagkataong single. Kelangan lang talaga ng right timing.

Magnolia at TCha

Description- Parehong matitinong estudyante ng School namin noon. Isang CAT Battalion Commander at isang Valedictorian. Niligawan ni guy si girl, binasted. Tapos ang storya nila.

Research- Parehas lang kasi talaga silang hindi bagay sa isa't isa. Si Tcha kasi, iba ang mundong ginagalawan. Si Magnolia naman, isang binatang uhaw sa pagmamahal. Nagkataon lang na hindi si Magnolia ang type ni Tcha ng panahong nanligaw si Magnolia. Isa pa, may hidden secret pala si TCha nun. May boyfriend pala siya.

Forecast- Magkaiba na ang mundo nila. Almost 4 or 5yrs na ang relasyon ni TCha sa present boyfriend niya. Nasa point na nga sila ng marriage eh. While si Magnolia, nagsisimula pa lang ng buhay sa labas ng pangangalaga ng magulang niya.

Majoh at Peste

Description- Nagsimula as friends. Naging close hanggang sa naging sila nung first year HS. Nagbreak. Naging sila na ulit nung fourth year HS. Nagbreak ulit. At ngayon, kanya kanya na silang mga buhay. May bago na si Majoh at May bagong na rin si Peste.. yata.

Research- Lagi nilang problema is maturity. Sa mga nagbabasa nitong blog ko na alam ang storya nila, alam kong magrereact kayong marami talaga silang problema. Sa tingin ko kasi, maturity talaga ang ugat ng lahat ng problema nila. Hindi magwawala si Majoh dahil lang hindi siya napansin ni Peste. Hindi mambababae si Peste kung naisip niya ang tagal ng relasyon nila at pinagmulan ng lahat. Parehas lang silang nangangailangan lang ng maturity pa.

Forecast- Magiging sila pa rin. I doubt it na hindi. Kung ganyan lang din naman na on and off ang lovelife nilang dalawa, pag pinagsama mo sila sa isang lugar, magkakaron sila ng time na magusap.. in the end, may makakapigil ba sa feelings na dati namang nandiyan na? Kaya alam ko, magiging sila din ulit.

At ako? Meron din kala nyo!

Pero hindi ko muna ibubunyag dito masyado, slight lang.

Si "dating-special-someone" ang itinuturing kong bestfriend simula first year college. Naging close kami dahil na rin siguro lagi kaming naa-assign na magka-seatmate sa klase. Kapag may groupings, lagi rin kaming nagkakasama ng madalas dahil sa mga last names namin. At lagi ko rin siyang nakakasabay umuwi. Kaya in the end, na-fall na rin kami sa isa't isa. Pero dahil mga baguhan, hindi muna agad nagsalita ang magkabilang kampo.

Eventually, nagkaaminan din kami at nauwi din kami sa bf-gf relationship. We really had everything almost perfect. Kulang na lang samin noon is a good job so that we can get married.

Kaso mga bata pa kami nun, we were just 18.

Naghiwalay din kami after a year and a half of such a wonderful relationship. It was a bad ending kasi walang linaw noon ang pinaka-reason kung bakit kami naghiwalay. Kahit on my part, hindi ko maintindihan kung bakit na lang siya biglaang nagdecide na magpart ways muna kami.

I had to question myself if I wasn't good enough as a girlfriend. Baka mas gusto niya ang ganito.. baka mas gusto niya ang ganun.. Pero hindi rin naman nasagot ang tanong til we had one of the most recent conversation.. after 5 years!.

At ngayon, we're staring to see each other again and we are having this very often communication lalo na kapag after work. Hindi ko alam kung san pupunta ang "re-connection" na to' pero ang alam ko, what I thought I had forgotten is just seemed to be coming back again.

Kung matuloy man to' ulit sa isang relationship ulit, i'd consider that as God's plans for me. Everybody knows how bad was the relationship I had with "most-recent-ex".

Ibig sabihin lang na kung magkakabalikan kami, God really wanted me to end up with him. All this time, he was there. He was just there kahit may relationship ako sa iba.

And the good thing is that, he was my bestfriend. It felt so good to be with him. Every conversation makes sense and it wasn't like there was something bad that happened before. I guess I consider myself lucky to have him back.. perfect words should be LUCKY and BLESSED at the same time.

Pinangarap ko to'. Pinangarap ko siya. Pinangarap ko na maging kami ulit kahit kasama ko si "most-recent-ex". It's upto God's plan now.



Note: At talagang kinuwento ko na ang lovelife ko. Sabi ko nga hindi ako magkukwento eh. Pero napakwento pa din ako. Sheeesh..



- chagadelic gurl -

Sunday, March 28, 2010

A Post for the Employment

The following is a piece I composed for one of entries for an employment opportunity in an online writing community. It's supposed to be 500 words (Hopefully) and I had to do it secretly in the office. So, I just like to ask everybody.. If my piece sounds stupid, please do not laugh.

Thanks!

------------------------------------------------------------------------------------

A Writer's New Best Friend: Blogging


One of the most common problem of the expanding number of Journalism graduates in the Philippines is the opportunity to publish their works. Upon graduation, the question of a modern writer is always 'where' to write. It is also a question of who will have the chance to expose their crafts since competition is very high.

For the last couple of years, the publication industry has not been successful in some countries including the Philippines. There are countries who have had millions of professional writers but were unable to publish their works due to lack of opportunities. This also is due to the sudden evolvement of technology as many younger people would adopt better innovation rather than stick to old hobbies such as reading a book. And as the years passes by, audiences of a publication turned out to be looking for a more convenient way to gather information.

One of such innovation is the growing atmosphere of the World Wide Web. According to the Internet World Stats website by Miniwatts Marketing Group, there are 1,733,993,741 estimated internet users over the world as of September 30, 2009. And among this number of internet users, 20 million people currently uses the web to write and around 1.7 million of these people earns from the profession.

The World Wide Web, from a simple communication tool, has expanded to other different usage. The modern writers of today have found the use of the internet to share their pieces, express their thoughts and even gain profit through the use of the Web 2.0, also known an Blogging.

The Blogosphere has been known to be one of the top circulation of information all throughout the world. It opened doors to those writers who are unemployed and are still wanting to pursue their career. It also gives way for other careers such as photographers, entrepreneurs, advertisers and even an average person who just wants to share what is on his mind.

Writers of today have considered Blogging as one of the safest zones to write. In the world of blogging, there is more freedom and the atmosphere just seemed like a diary-like which makes the entries more personal. There has never been a rule to how often a blog entry must be posted which gives way to writers to do more pieces. Also, blogging gave way to author-reader interaction as comments are allowed to be posted given that the writer manages comments himself. Also, the good thing about this is that the writer has more control over his opinions and ideas and the volume of his works is absolutely upto himself.

Through the use of Blogging, publication has now been easier for aspiring writers. One doesn't have to be a professional just to be able to write. No wonder why many writers and non-writers are being so indulged about this new profession. It is because blogging is like connection. It seemed like a connection even without the lines but still, it reaches a lot of minds and you earn like a professional.


References:

Copyright © 2001 - 2010, Miniwatts Marketing Group. All rights reserved worldwide. (http://www.internetworldstats.com/stats.htm).

Copyright ©2010 Dow Jones & Company, Inc. All Rights Reserved . America's Newest Profession: Bloggers for Hire By MARK PENN With E. Kinney Zalesne. APRIL 21, 2009 (http://online.wsj.com/article/SB124026415808636575.html).



- chagadelic gurl -


Wednesday, March 24, 2010

Something To Look Forward To..

I hated my job. You all know that. Sawa nako sa calls. Sawa nako sa Sales. Sawa nako sa Service at sawa nako sa mga kausap na galit na galit dahil hindi niya maprint ang documents niya tapos later on sasabihin din niyang wala siyang printer.

I almost gave up. I was at the point of submitting my resignation paper. (At trabaho na naman talaga ang dinidiscuss ko ulit)

Kung di' nga lang ba talaga ko pinigilan nung isang supervisor, matagal na sana akong wala sa company na to.

Pero since nagkaron ng pagbabago, kahit mabagal ang process.. parang nagiging OK na din ako sa mga pagbabagong naganap. Kahit papano nakakasabay na din ako sa demands ng kumpanya kahit medyo nakakapressure ang Sales. At bukod dun, ipinagpapasalamat ko ang isa sa mga bagay na buti-naman-at-naisip-gawin-ng-company.. ang mamigay ng GC para sa mga top performers.

Masaya nako para sa araw na to. Pangalawa ako sa highest at kahit pangalawa lang ako, hindi ko sukat akalain na mabibigyan pa rin ako ng GC. At sobrang pinahahalagahan ko talaga ang GC? Oo, kasi ang hirap mangulit sa mga taong ayaw naman bumili at higit pa dun, babagsakan ka lang naman ng telepono pag ayaw na niya sa binibili niya. Labo.

Pero at least, it gets better everyday. Maraming challenges and the good thing is that I always get to be on the top kahit na paminsan minsan lang. Masaya nako sa ganito. Plus the extra rewards which is a good thing kasi kung hindi ako magkakaroon ng GC, hindi ako makakabili ng sandals. (I so dreamed to go on a shopping!)

Kung iisipin mo, GC lang naman yun. Why do I bother myself so much about it?

Dahil ang Gift Certificate ay katumbas pa rin naman ng pera. Para kang may dagdag na sahod sa ginagawa mong extra effort sa pagbebenta. Extra Income kumbaga, kahit Php100 lang yan, ok na rin!

Konting hintay pa. Konting effort pa. Sana lang next time, top performer na din ako.

To GOD Be The Glory!



- chagadelic gurl -

Sunday, March 21, 2010

Do the Math

Algebra. Hindi ako nahirapan noon sa Algebra. Para kasi sakin, madaling lang namang intindihin ang laws ng algebra. At alam kong mayabang ako kung sasabihin ko na hindi or.. NEVER akong bumagsak sa Algebra noon, kahit High School or College days.

Isa ata sa favorite ko sa algebra eh yung marami nang components yung formula, kagaya ng: (45a - 370b) + [ 3c + (759ab/3b - 19abc/4a)] + (56ab - 3509abc/45c). Ayan yung isa sa mga favorite kong isolve dati dahil pahahabain mo pa yan. Iisa - isahin mong lutasin ang bawat problema bago mo makuha ang solusyon. At pagktapos mong makuha ang sagot, tuwang tuwa ka dahil sa hinaba haba ng problema, nasolusyunan mo din. Dumugo nga lang ang ilong mo pero ayos lang.

Lately, madalas kong nakakausap ang "dati-kong-special-someone-na-ngayon-ay-ex-ko-na". Una sa lahat, hindi namin madalas pag-usapan ang tungkol samin noon at hindi naman nabubuksan ang librong matagal ng nakasara. Lately lang, puro kamustahan ang usapan namin pero mas maraming bahagi ng usapang iyon ang tungkol sa mga present naming buhay.

Sa ngayon, kinakaharap niya ang isa sa pinakamalaking challenge ng buhay niya. Ang unemployment.

Oo, tungkol na naman sa trabaho.

Kung babalikan mo ang isa sa mga naging blogs ko, puro usaping trabaho ang nababanggit ko. Mga desire na magresign. Mga hinanakit sa kumpanya. Mga sama ng loob sa mga customer na hindi mo maintindihang kausap. At marami pa. Ako noon, ayoko ng pumasok. Siya naman ngayon, problema kung anong papasukang trabaho.

Sa 3 consecutive days na nakakapagusap kami sa text, paulit ulit kong naaabsorb sa kanya ang mga negative thoughts niya about life dahil sa sama ng loob niya. Tuwing kakausapin mo siya na isiping ayos lang ang lahat, ibabalik naman niya sayo ang statement mo pero in a negative way.

Naalala ko, pessimistic nga pala siya. Ang hirap pala.

Sa lahat kasi nang napagdaanan ko, naging optimistic nako sa buhay. Maraming problema, maraming issue at mga pangyayari na hindi mo na gugustuhing balikan. Maraming pagsubok at pain na minsan idadaan mo na lang sa luha. At kahit sa ngayon, patuloy pa rin akong nakakaranas ng roads na sumusubok sakin kung tatayo ba ako or paninindigan na lang ang pagdapa.

Pero sa lahat ng ito, natutunan kong makita ang ibang blessing at ibang mga bagay na dapat ipagpasalamat kahit maraming trials. Kaya siguro kahit tamaan ako ng kidlat, masakit..oo, pero ayos lang, kakayanin sir! LOL

Sa kaso kasi ni ex, one year na siyang naghahangad ng isang dream job. Lahat na ata ng klase ng pag-aapply ginawa na niya. Kung pwede nga lang yatang halikan ang paa ng mga nagiinterview sa kanya basta mahire lang siya, gagawin niya eh. Ang problema, laging may napupuna sa kanya which affects his employment. Kaya tuloy ayan, nagiging depressed tuloy dahil feeling niya undesirable siya.

Matalino si Ex actually. Sa tingin ko nga sa kanya, mas matalino pa siya sakin eh. Malawak magisip si Ex at6 masyado siyang careful sa mga actions niya. Kaya ng siguro in a way, nagustuhan ko siya dati. Isa lang ang napansin ko sa kanya, kulang siya sa diskarte. May mga bagay siyang gusto para sa sarili niya pero wala siyang lakas ng loob para makuha ang mga bagay na gusto niya.. which is I think, kailangan sa buhay.

Base kasi sa naranasan ko (lalo na kay most recent ex), hindi uubra ang magaling ka lang o matalino ka. Kailangan mo din kumilos. Hindi pwedeng gagawin mo lang yung part mo tapos mageexpect ka na.. the things I learned about him so much is that you have to work for it.. diskarte... kanya kanyang paraan para makuha mo ang gusto mo. Kaya nga siguro nauto ako ni most recent ex eh..

Pero may sense naman kasi. Minsan kailangan mo talaga ng diskarte sa buhay. Pano na lang kung may pamilya ka na at nagugutom ang anak mo? Hindi naman pwedeng magtitigan na lang kayo at magsabihan ng "I love you".

Sa mga ganitong pagkakataon, bigla kong naaalala si most recent ex na hinangaan ko sa galing niyang dumiskarte wag lang magutom ang pamilya niya. Malayong malayo siya kay "dating special someone" padgating sa diskarte basta may maiprovide lang.

Si "dating special someone" kasi, masyadong mapili sa trabaho. (At ayoko ng magcompare dahil baka mamaya binabasa niya nga ang blog ko.)

Basta isa lang ang alam ko, sa Algebra:

positive + positive = positive
positive + negative = n/a
negative + negative = negative
positive / postive = positive
positive / negative = negative

Sa maraming pagkakataon, ang isang postibong mag-isip pag nahaluan ng negatibo, nagiging negative na lahat. At totoo, ako ang positive saming dalawa, negative siya ngayon. Kapag pinagsama kami.. magiging negative lang ang lahat, kaya siguro di kami nagwork out dati.

Sana lang, dumating naman sa kanya ang point na maging positive na rin siya. Para positive na rin ang kalabasan namin.



- chagadelic gurl -

Thursday, March 18, 2010

Nakamove on nako.

Opo. Nakamove on nako. Wala na kong masyadong dinadamdam tungkol sa mga kapitbahay namin. Napagisip isip ko kasi, what's the sense of being so careful and being so bothered about things when actually, wala ka naman din talagang magagawa. These people will never run out of things to talk about you. Kahit maayos na ang buhay namin at wala naman kaming kaaway, hahanapan ka pa rin naman nila ng mali.

Kaya ang resolution? Chill.

Walang magagawa ang galit. Like I said sa comment ko sa Facebook, God gives everybody a turning point. At naniniwala ako sa kakayahan ng Diyos na baguhin ang tao. Nasa sa tao na lang yun kung tatanggapin niya ang gustong mangyari ng Diyos para sa kanya.

Pero dahil nga nakamove on nako. Mas masaya na ulit ang mundo ko. Mas naaappreciate ko na ulit ang trabaho. Kaya mababalik na naman ako sa usaping pantrabaho.

After ng 4days trial ko sa Sales Department, unti unti ko nang naaappreciate ang ginagawa ko sa opisina. Pinalitan ko ang mindset ko. Pinalitan ko ang goals ko. Pinalitan ko ang outlook ko sa trabaho (Not literally the email software but my personal outlook).

Para akong nagreformat ng computer. Binura lahat ng memory na naglalaman ng old and junk files at nagre-install ako ng Operating System. Parehas pa rin ang OS pero iba na ang programs na naka-install. Mas mabilis na ang proseso at mas malinis na ang data storage at memory.

Ganyang ganyan ako ngayon. Nireformat ko na yung Customer Service na factor na utak ko. Nagre-install naman ako ng Sales. Mas maganda na ang takbo ngayon. Mas mabilis na magprocess. Mas marami na rin akong pwedeng gawin at mas marami na rin akong pwedeng i-store na panibagong mga data at information.

Tama nga siguro si "dati-kong-special-someone", baka nga burned out lang ako. Baka nga talaga hindi ko naman kailangan magresign.

Hindi ko ma-explain pero sadyang mas natutuwa ako sa oras ng pasok ko ngayon at klase ng trabaho ko ngayon pati na ang bagong supervisor. Strict ang bago kong supervisor pero sobrang flexible niya. Hindi issue ang lates or absences basta do well and reach the daily metrics. Kung meron ka ring kailangan, walang hesitations ka niyang tutulungan. Hindi katulad ng dati kong supervisor, nagrequest ka na ng leave, nakikipagtawanan lang sa gilid.

I think as of this blog, mas maeenjoy ko ang trabaho and I wouldn't want take a leave for a while since naghahabol din ako ng stats.

So far so good, been the top agent from our team since the last few days. I think I'm gonna be good in here. Mas maliit ang sweldo pero less ang stress. More time to be with my family and friends. Mas normal din ang pahinga.

Ok na ang work. Love life naman. LOL.



- chagadelic gurl -


Wednesday, March 17, 2010

The Gossip-ers

Pasensya na. Hindi ako makamove on. Talagang bumabagabag sa isip ko ang mga tanong na bakit mo kailangan magkalat ng chismis at ano ang makukuha mo sa pakikipagchismisan?

These are the questions that I haven't really found the answer. Siguro kasi dahil hindi ko naman talaga linya ang pagusapan ang pribadongn buhay ng ibang tao. Kasi nga, notion ko dito is 'WALA NAMAN AKO MAPAPALA'.

Pero dahil hindi ako makamove on at talagang bothered ako, naisipan kong hanapin ang definition and to my gratefulness, pinipilit ko ring hanapin ang sagot para makapag-adjust sa mga taong katulad nila (Sosyal sila, kami pa ngayon ang mag-aadjust).

"People who spread gossip are generally insecure of their own positions at work, and aim for success without any concern regarding the welfare of their co-workers. Gossip mongers are usually jealous by nature, and find satisfaction in spreading rumors about those who are becoming more popular and successful in their endeavors and projects."

Pinilit kong ilagay ang sarili ko sa posisyon ng isang gossiper para makita kung anong ang mga possibleng dahilan kung bakit mo ginagawa yung mga bagay na ginagawa mo. Napagtanto ko, kung ikaw chismosa, kasiyahan mong iangat ang sarili mo sa iba dahil ikaw mismo sa sarili mo, andami mong insecurities kaya pupunahin mo ng pupunahin ang kamalian ng iba. Masaya kang makita ang downfall ng iba at pakiramdam mo, angat ka kung makikita mo ang iba na tumitingala sayo. At bakit? Kasi nga, ikaw sa sarili mo.. marami kang kabulukanng ginagawa.

"Two most prominent characteristics of a chronic gossiper is low self-esteem and lack of trust. Being untrustworthy himself, a gossiper is usually suspicious about the motives and intent of others, and will never trust a person at the first instance. "

Kaya siguro ganun yung mga kapitbahay namin. They act that way because they simply don't trust each other. OA sila magreact sa mga ginagawa ng ibang tao kasi tingin nila, ginagawa yun in purpose to hurt them or to show off. But the case is, hindi naman talaga ganun.

So far, sa mga nakita kong advise on how to deal with a gossiper, isa lang ang pinaka- sa tingin ko ay effective. Wala magsasalita kung wala namang makikinig. Kaya ang pwede na lang gawin diyan eh wag pansinin. Ganyan lang naman ang mga gossipers eh, kulang sa pansin.

Sabi nga nila, "Kung wala kang magandang sasabihin, wag mo na lang din sabihin."



- chagadelic gurl -


Bakit ang Babae?

Girls. Girls. Girls. Ano ang maiisip mo kapag napaguusapan ang mga babae? Girly Stuffs: Make over. Sexy Black Dress. 3 Inches High Heels. Waves and Rebonded hair. Hot Oil. Salon. Shopping. Etc.

At ano ang mapapansin mo? Puro kalandian. Puro kaartehan. Pagpapaganda sa sarili para maipakita sa lahat na attractive ka.

Yan ang babae. Ganyan kami at aminado kaming masyado kaming careful sa mga sarili namin pagdating sa pagpapaganda.

Isang bagay din ang napansin ko, its mostly girls who tend to be jealous of each other. Bakit? Dahil maganda ang make up nya. Dahil mas sexy siya sakin. Dahil mas bagay ang damit ko sa kanya and thousand more reasons why.

Isa lang ang napansin ko. Guys tend to be jealous as well but why aren't they so obvious like how girls do it.

My brother is friends with guys in our street and sila, pag magkakasama..wala namang ilangan sa isa't isa. Parang normal lang, di mo makikitaan ng patalbugan o ng payabangan ng mga gadgets nila. Kaya nilang makisama sa isa't isa at hindi big deal yun.

Thing is, napansin ko kasi, me.. my sister and my mom, we have never been so close to any of the girls that lives on our street. Ako, I have my own reason: I'm just not like them.

Eto pa, napansin ko na pag nagkakasama kami ng mga girls na neighbor namin, lagi na lang may patalbugan. Lagi na lang may comparison. Lagi na lang may pupunahin sayo at lagi na lang iintrigahin ang buhay mo. I just can't help but ask, do guys do this as well? O naturally insecure lang ang mga babae?

I'm totally a neutral person. Sa street namin, wala akong kaclose. Nagcecelebrate and lahat sa labas para pagfiestahan ang isang chismis pero ako, wala talaga akong pakeelam. Hindi ako mahilig mamansin at aminado akong suplada ako. Pero ang alam ko, wala naman akong matinding kaaway sa street namin. Possible nga sigurong naiinis sila sakin dahil minsan may pagkamataray ako, pero knowing it really and remembering it.. so far, ang alam ko..wala akong kaaway.

Oo, first time ata akong hindi nagbanggit ng tungkol sa trabaho ngayon. Siguro in a way, nafocus ako sa mga iilang bagay na hindi ko napapansin lately. Kagaya na nga isang normal pero nakakainis na katangian na meron ang pagiging isang babae.

Chismis at Chismosa. Yan ang dalawang pinaka-ayaw ko sa mundo bukod sa kasalanan.

Bakit ba kasi walang babaeng hindi chismosa? Oo chismosa din ako pero marunong akong maglimita ng mga taong pagsasabihan ko ng mga bagay na nalalaman ko. Pero bakit ba talagang may mga taong sobrang hindi makuntento na hindi isisiwalat ang napapansin niyang dumi ng kapwa niya? Ano ba talaga ang kapakipakinabang sa pagpuna sa buhay ng ibang tao?

Sigh! Sa ganitong mga pagkakataon, lubos akong nagpapasalamat sa Diyos.

Girls are always girls. And we have been known to be the "pinaka-maarteng" nilalang sa mundo aside of course from gays. Lahat gagawin mo para lang mapantayan ang weight niya. Isusuko mo ang buong cut off mo na sweldo para lang sa shopping. Magaabala kang pumunta ng salon at maghintay ng 6hrs para lang marebond ang buhok mo. Titiisin mo ang pain ng pagsusuot ng high heels para lang makasabay sa mga sophisticated na girls.

Then you realize, hirap pala maging babae.

Tapunan ng chismis. Batuhan ng puna. Lahat sayo bubulatlatin. At ikaw naman, hindi mo papansinin.. show them off na lang. Sooner you'll realize, you turn out to be "mayabang" pala. And thing is, you didn't do that on purpose. You just do whatever is normal to your life style. Is it such a sin that you do not spill out so much in your life and you're not like other girls? Then people look at you like you're the dirtiest person on earth.

Note: Masyadong nagiging bitter ang mga linya kaya aaminin ko na rin. Naiinis ako sa neighborhood namin. Nakalocate lang naman kami sa isang buong baranggay ng chismosa at chismosa. Nagkataong tahimik ang pamilya namin. Nagkataong hindi kami maingay sa buhay namin. Kaya ang chismosa at chimosa, hahanapan ka ng mga bagay na pwedeng mapuna sayo kahit wala ka naman talagang ginagawa. At bakit ko napagtuunan ang mga babae lang? Eh dahil nga napansin ko, sa neighborhood namin, hindi naman ganito ang mga lalaki. Mga babae lang. Mga babae lang talaga.

Ironic. Ayoko sa Chismosa pero isang buong lane sa tapat ng bahay namin ay lungga ng mga chismosa at chismosa. Pero sabi nga nila, isa lang naman din ang katapat ng mga "gossip-monger" na ito. Kung gaano ka katapang gumawa ng chismis, ganun ka rin katakot machismis.

Ang mga babae nga naman. Bakit nga ba kasi babae lang??



- chagadelic gurl -


Monday, March 15, 2010

"Bloggable" Blog..

Habang binabasa ko ang mga nakaraan ko ng entries sa blog na ito. Napansin ko na ang karamihan ng mga blogs ko dito ay puro na lang tungkol sa trabaho. (Hindi ko sasabihing trabaho na naman ang gusto kong maging topic pero dahil binabanggit ko na edi aaminin ko na rin).

Puro trabaho ang karamihan ng blogs ko. Tanong ko tuloy sa sarili ko, talaga bang ganun ako kaapektado sa trabaho ko?

Sagot ko? Oo! Nung nakaraang buwan, 11hrs akong nagsasayang ng oras sa kakapakinig ng problema ng ibang tao na hindi ko naman talaga dapat problemahin. Ngayong nagchange shift na, balik 9hrs na ulit ang trabaho ko. At pinili ko na talagang magpangumaga. Bakit kamo? Konti nga ang sweldo, less stress naman.. less din ang pagkakasakit ko.

Pero mabalik tayo sa mga nilalaman ng blog ko. Naisip kong parang dapat nga yata hindi tungkol sa Tropahang Chag ang title o description ng blog na ito.

Hindi kaya dapat ko ng palitan ang title??

Pero, kahit umaapaw sa usapang career ang blog ko, isang kakaibang bagay.. alam kong nakakarelate sila habang binabasa ito.

Dati rati, wala kaming mga concern sa kung ano ang kahihinatnan ng bukas. Basta ang alam namin, mga matitino kaming estudyante ng school namin (Parang mabigat din sa loob kong sabihin toh ah'). Marami din kaming kalokohang ginawa noong high school and is still counting. Pero sa pagkakataong kailangan mo ng humarap sa tunay na buhay, marunong kaming magseryoso.

Oo, kahit ako sa sarili ko. Alam kong magulo ang sarili kong blog. Siguro dahil halo halo na ang nasa isip ko. Palibhasa nakakapanibago at atmosphere dito sa office (Palihim na naman akong nagtatago at gumagawa ng kasalanan).

Tahimik. Konti lang ang tao.

Sa tingin ko, kung laging magiging ganito ang araw araw kong pagpasok, baka sakali, tumagal pako ng ilang buwan. Dahilan lang naman kung bakit ako atat na atat ng magresign eh dahil dumadating ako sa point na nagsasawa na rin ako sa ginagawa ko.

Siguro nga, life doesn't stop when everything seems to fail and you chose to quit. Life and earth will always be turning and everything will still fall off to pieces for some time.

Para sa mga nagnose bleed, heto ang tissue.

Simple lang lang naman eh. Ang sarap na mag-give up pero even if I give up, I will still get the same problem outside.



- chagadelic gurl -


Sunday, March 14, 2010

Ako at Ang Avaya

Kasalukuyan akong nakatingin sa Avaya Phone ngayon. Hinihintay ko ang oras. Hinihintay ko na katukin ako ng avaya at sabihin saking.. "Tumigil ka na diyan, umuwi ka na. Wag mo ng pilitin ang sarili mo.."

Muntik na akong gumawa ng isang desisyon kahapon na sa tingin ko ikababago ng buhay ko dapat sa araw na toh'.

Oo. Muntik nakong magresign.

At ano kamong dahilan? Na baka materminate ako dahil sa hindi ko pagpasok sa isang araw na blocked dahil wala akong dahilan sa pag-absent ko.

Kokontrahin ko kung sino ang magsasabi saking wala akong dahilan para umabsent. (At galit daw talaga ko??) Meron akong dahilan. Meron!

11:00PM to 10AM ang pasok ko ng Thursday at dahil magpapalit na ng schedule, magkakaroon ng tinatawag na interim period kung saan iaadjust ang oras ng pagpasok mo para maihabol sa magiging schedule mo. At eto ang nangyari..

Paguwi ko ng bahay ng 12pm, ayan na, inantok nako so natulog nako. Ang problema ko naman non, nasanay ata ang katawan ko na magpanggabi dahil hindi nako makatulog sa gabi. Iniyakan ko na lang..sa sobrang asar ko sa company dahil hindi man lang kinonsidera ang adjustment ko. Pinapapasok nila ako ng 8am hanggang 7pm.

I consider that unfair dahil yung iba nga diyan, 4 days and off. Sigh! Life was unfair at that moment.

I ended up being absent at iniyakan ko pa rin yun dahil sa sobrang takot ko. Blocked dates kasi which means that you are not allowed to be absent.

And to my desperation, sinabi ko na sa sarili ko. Gusto ko na talagang magresign..

Ako at Ang Avaya. Sana log out na lang palagi.



- chagadelic gurl -

Sunday, March 7, 2010

Ang Trabaho... Bow!

Kakatapos lang ng regularization ko last month at ngayon, bumibilang nako sa ika-7th month ko sa trabaho. Araw araw stressful. Araw araw nakakainis ang mga kausap mo. At araw ka ding napupuyat.

Nakakaloka talaga magtrabaho sa gabi. Lalo na sa oras ko na covered na covered and buong umaga ng mga clients. 7PM to 6AM.

Tama. 11hrs akong nasa opisina at nakatitig sa monitor at buong magdamag kong pinapagod ang sarili ko para kumita ng perang isang araw lang eh dumudulas na sa kamay ko.

Kagabi, isang trip ang naisip naming gawin ng mga barkada ko. Hinanda ang tuna na nilagyan ng suka. Nagluto ng scrambled egg at sinabawan ng ketchup. Binuksan ang bote ng Red Horse. Shot na!

Isang normal lang naman na inuman ang naganap kagabi. Pero sa interes naming tatlo (Oo, tatlo lang kaming nag-iinom kagabi), iba iba ang nagpagusapan namin. Umabot sa usapang love life, usapang gaguhan, usapang "kelan-tayo-manonood-ng-alice-in-wonderland", at usapang trabaho.. na naman.

Hindi ko nga alam kung bakit paborito kong ikwento ang trabaho ko, pero kasi siguro, eto yung period ng time na masasabi mo sa sarili mong andami mong gustong gawin sa pera at oras mo pero hindi mo magawa. Noong graduating pa lang ako, excited nakong magtrabaho. Ngayon namang graduate nako, gusto ko na lang ulit bumalik sa pag-aaral.

Balik tayo sa inuman. Sa pagkukwentuhan namin, naisiwalat ko ang pinakadahilan ng stress ko sa trabaho. Nasabi ko talaga na nitong mga huling linggo, andaming pressure sa trabaho. Kabi-kabila ang emails na dapat mahit ang metrics.. dapat ganito.. dapat ganun. Panay pa ang dating ng mga clients na panay din ang bantay sa ginagawa mo (Siguro yung ibang readers hindi maiintindihan ang sinasabi ko about sa trabaho ko). Pressured. Stressed. Yan ang umiikot sa utak ko.

Naging masasakitin ako. Lagi akong nanghihinang pumasok. Para sakin, antagal lagi ng oras ko kapag nasa opisina ako. Para akong bibitayin sa tuwing makikita kong papalapit na ang building ng opisina namin. Para mairaos ko ang araw bibili na naman ako ng iba ibang drugs para lang makayanan ko ang bawat araw araw na ipinapasok ko. Parang sacrifice sakin ang paglabas ng bahay at pagsakay sa bus papuntang makati. At ang masasabi ko lang, ganito ang feeling ng gusto ng mag-give up sa trabaho.

Andun nako sa point na ayoko na talagang pumasok. Gusto ko ng gumawa ng resignation letter. Nagon-line na rin ako para humanap ng ibang trabaho. Yung hindi ng boses at hindi kailangan makipagpatintero sa customer sa kabilang linya. Pero habang binabasa ko ang mga description ng jobs na sinend sakin ng Jobstreet, parang gusto kong lumuha at magtatakbo na lang pauwi ng bahay.

Andito yung mga description na mababasa mong:
Must be willing to handle pressure.
Must be willing to work on shifting schedules
Must be aggressive and goal oriented.
Must know how to handle irate customer and deal with their urgent needs and inquiries in a soft tone.
Lentek! Binabasa ko pa lang para tuloy nawawalan nako ng ganang maghanap ng ibang trabaho. Naisip ko tuloy, lahat ng trabaho may pressure. Lahat ng trabaho may stress. Kahit saan pako magpunta, at kahit makamit ko pa ang pinapangarap kong dream job sa Hollywood bilang director ng films na katumbas nina James Cameron at Ang Lee.. may pressure pa rin. Kahit saang lupalop pa ko ng mundo makarating, kahit anong trabaho, at kahit sinong boss pa ang makaharap ko, may pressure pa rin.. may stress pa rin.. at bawat trabaho.. ay luluhaan mo din.

Nabasa ko dati sa isang libro, how do you define a perfect job? Or which is a perfect job? The job that you hate doing so much but pays you a lot or the job the you love doing but pays you very little?

Sa totoo lang, my current job is definitely not the job anybody should ever wish or dream to have. Pero pinili ko to. Tinanggap ko to. Hiningi ko to. Binigay naman sakin kaya dapat ko lang tanggapin kahit anong challenges pa ang meron dito.

Siguro lang, mas pinili ko ang money kesa sa sarili kong pangarap.

Di bale, may oras pa naman. Sana hindi pa huli ang lahat para sa mga pangarap ko (Ang drama!). And I don't want to take calls forever.



- chagadelic gurl -