Wednesday, April 28, 2010

Falling Grains and Falling Brains

Tuesday afternoon. It's usually a boring time sa office.

Most of the people couldn't just wait to log off and get their asses off infront of their stations. Iba ang feeling ngayong Tuesday na to'. It isn't like the usual na "matatapos na ang araw, looking forward sa bukas..."

It's still a boring afternoon sa office pero iba talaga ang pagkaboring ngayon. It felt sad rather than just boring. Siguro dahil from the past weeks, sunod sunod na ang nagpapaalam sa company. Yung iba nga, last week na pala nila this week.

Nakakalungkot lang isipin. Andami nang umaalis.

Dating masaya ang atmosphere sa office. Parang everyday, naeexcite kang pumasok para mahabol yung stats mo. Parang ngayon, wala ka nang ganang magtrabaho. It just kills you everytime you come in to work.

Ever since I started working with my present team, naging iba ang paningin ko sa company. Partly, naging masaya ang stay ko dahil sa muli, naramdaman kong importante ako sa mga kasama ko.

Biglaan lang, isang Sunday na pumasok ako, naramdaman kong parang tinatamad nakong pumasok. Naramdaman kong parang wala ng saysay ang bawat effort na ginagawa ko at kahit pa maging top performer ako palagi, wala na rin namang halaga. Hindi ko mapigilan ang feeling na gustong gusto ko ng gumawa ng resignation paper.

I had been holding back since last year. I'm actually trying to make myself love the job over and over again. I had been succeeding to love the job again most of the times and during these times, I know this is only something that I feel for myself na pwede ko pa namang labanan.

But this time, I know it's different. I could tell sa dami ng mga taong nagfifile ng LOA at nagsusubmit ng resignation letter. And I am currently at the same point.

I'm so urged to submit the resignation paper already. I thought I just needed a break pero kung ako lang talaga ang may problema, why do others completely leave the company as well?

Sa tingin ko, nalaman ko ang problema.

I spoke to a friend a few days ago. Nalaman ko ngang last day na ng isa naming kasamahan this coming friday. I was able to find out that she actually stayed for 4 years in the company. Isipin ko lang sa sarili ko, I wouldn't like spending my entire time working as an agent specially that I not getting any younger. But she did then suddenly she just threw everything away.

It has been a good investment. Pero bakit nga ba bigla mo na lang itatapon ang isang career na halos malaking parte ng buhay mo ang nakuha? Simple enough to find out. She's just not growing anymore.

For four years, it has only been the same amount of basic salary and very minimal raise. For four years, she started as an agent at hanggang ngayon, agent parin siya. It felt like there will be no sense staying with the company anymore since hindi rin naman tumataas ang value mo at hindi rin tumataas ang sahod mo. What's the point?

That is the question. What's the point in staying in a company when you hate the policies and the company wouldn't even give you a credit if you stayed with them for years. Non sense.

Can't blame people who want to be more productive outside of this company lalo na kung gusto mo talaga ng growth at kung nagaasam ka ng raise na hindi naman maibigay ng company sayo.

At dahil diyan, trabaho na naman ang topic ko. Naguumapaw na naman ako sa sama ng loob pero hindi ko naman magawang lumabas sa comfort zone ko.

Mula sa isang malaking bilang ng mga bagong empleyado, unti unting kumakalas ang bawat isa at tinutungo ang kalayaan sa paghahanap ng pagkakataon na makuha ang pinapangarap na trabaho. Habang ang iba naman, unti unting inuubos ang pasensya, pagod, kaalaman sa mga bagay na walang kasiguraduhan kung saan mo pwedeng mapakinabangan kapag naisip mong lisanin ang mundong pilit mo lang isinisingit ang sarili mo.

Masyadong malalim. In short, magresign na lang kung ayaw mo na kasi nakakabobo ang trabaho.

- chagadelic gurl -

Thursday, April 22, 2010

The Urge of a Travel Agent

Lately, panay ang reklamo ko kay "Shyder" (Siya si dating special someone. Binago ko na ang tawag ko sa kanya kasi masyadong mahaba kapag naman yung dati pa talaga. Tsaka para cute, Shyder na lang ang itatawag ko sa kanya.)

Panay ang reklamo ko na kelangan ko ng break. Na kailangan kong may gawing iba kasi feeling ko nakakasawa na yung everday routine ko. Parang alphabet ang everyday routine ko, tuloy tuloy lang pag naumpisahan mo at pag tapos ka na, uulitin mo lang ulit sa umpisa. At heto yun:

a.) Gising ng 6:00AM
b.) Kuha towel sa likod bahay, diretso sa banyo, ligo.
c.) Bihis ng pantalon, T-Shirt then rubber shoes (minsan sandals, minsan high heels)
d.) Kain ng: Itlog/Hotdog/Chicken/Footlong with sinangag na rice plus coffee
e.) Kupit ng barya sa tindahan
f.) Lakad hanggang kanto (minsan sakay ng trycicle)
g.) Sakay ng jeep papuntang Balibago - baba sa terminal ng Bus
h.) Sakay papuntang LRT/Buendia
i.) Tulog sa byahe
j.) Baba sa Dela Rosa
k.) Sakay ng jeep papuntang Ayala - baba sa Crispa
l.) Lakad papasok ng office
m.) Work. Work. Work
n.) Lunch ng 11:30am. Kain sa McDo ng McSaver meals.
o.) Work. Work. Work
p.) Lunch ulit ng 2:00pm: CR/Tulog sa Lounge
q.) Work. Work. Work
r.) Lunch ulit ng 4:30pm: Tulog ulit sa Lounge/Minsan bumibili ng ice cream
s.) Log out ng 6:00pm
t.) Sakay papuntang LRT. Baba sa terminal ng bus. Sakay papuntang Balibago.
u.) Baba sa Balibago. Sakay papuntang Cabuyao - baba sa kanto namin
w.) Lakad pauwi sa bahay
x.) Kain ng dinner. Palit ng damit.
y.) Konting kwentuhan sa mudrabels ko/Katext si Shyder
z.) Higa sa kama. Tulog.


Alam ko, masyado unexciting ang daily routine ko. Parang paulit ulit lang which is exactly the same reason kung bakit parang naghahanap akong iba kong pwedeng gawin.

Lagi ko ring sinasabi kay Shyder, "Siguro kailangan ko lang lumabas."

At pag naman ginagawa ko na tuwing sweldo, hindi ko maintindihan pero feeling ko hindi pa rin enough yun para mafulfill ang boredom ko. Kaya tuloy, apektado ang performance sa trabaho. Lalo na ngayon, limang araw nakong nagsusuffer sa runny nose, pagkabagsak ng mata at parang hinang hina akong umalis ng bahay.

Been realizing, I guess I just really need a long f****** break.

At napapamura talaga ko kasi feeling ko yun talaga ang problema ko. I've read this in one of the most popular blog na umiikot sa office namin. Minsan talaga dumadating sayo yung feeling na tamad na tamad ka na sa ginagawa mo na parang gusto mo munang magbreak ng at least 2 weeks.

Alam ko na ngayon ang feeling. At tama, parang tuwing gigising ako sa umaga, winiwish ko na matapos na agad ang araw para makapagpahinga nako ulit sa napakalambot kong kama.

Aside from that, nagdaan ang holy week. Nagdaan ang araw ng kagitingan.

Lahat ng tao nagsipunta sa Bora, nagsipunta sa Tagaytay, Baguio, Puerto Princesa, Hongkong, Singapore at Haiti. Pero ako, stuck sa bahay. Hindi man lang ata ako nakapunta ng Los Baños na malapit na samin para magswimming.

Been a travel agent since last year at marami rami na rin akong nabenta. Kumita na nga ata siguro ang company sakin ng almost 1M USD. Lahat ng klase ng customers ay nahanapan ko na ng magandang hotel, reasonable na flight schedule at Walt Disney World 7 Day Park hopper tickets, pero ako, stuck pa rin sa trabaho at sa a-z na daily routine ko.

I guess this is why clients are so concerned about their travel plans. Eh kasi naman, everybody needs to take a break. Everybody deserves to take some time off from work.

I just really wonder. Kelan naman kaya ako makakakuha ng magandang timing, reasonable na budget at nakae-excite na destination.

Sana one time, ako naman ang nagpaplano ng sarili kong bakasyon on line.


- chagadelic gurl -

Ayos na .. Ayos na!

Matagal akong naghangad.

Matagal akong nag-asam.

May pagkakataong pinipilit ko ngunit pilit naman akong itinataboy. Sa maraming pagkakataon kong sinubukan, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kaginhawaan. Lalo na ng makita ko sa harap ko ang katotohanan.

At heto muli, muli akong sumusubok.

Muli kong inuumpisahan ang isang bagay na matagal tagal kong inasam na gawin ulit.

Ok na siya.

Ok na ulit ang proxy sa office! Ok na ang Whateveryou.info, ang Lanebypass.info, at ang Luluthanks.info! Makakapgblog nako ulit.



(Kala nyo' kung ano noh? LOL)



- chagadelic gurl -


Sunday, April 18, 2010

One More Chance: Chag Style

ONE MORE CHANCE POWERFUL SCENE:



Basha: Sana... ako na lang ulit. Ako na lang ulit

Popoy: Mahal ko si Trisha

Basha: Alam ko...

Popoy: She had at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang yun.

Basha: I only made a choice.

Popoy: And you chose to break my heart.



Tuwing napapanood ko talaga ang One More Chance ni Basha at ni Popoy, hindi ko talaga makakalimutan yung mga powerful lines na yan. Bukod sa lagi akong nililitanyahan ng kapatid ko kapag nanonood kami ng movie na toh, lagi ko ring talagang naaalala yung mga pagkakataong minsan din akong nangarap na masabi ko ito sa taong ka-One-More-Chance ko.

"Sana ako na lang ulit... Ako na lang ulit."

Naaalala nyo pa ba si "dating-special-someone". Gusto ko na yatang baguhin ang pangalan niya dito sa blog ko eh. Parang gusto kong palitan ang pangalan niya into "presently special someone".

Hindi kasi ako makapaniwalang talagang pa lang nangyayari ang ganon'. Meron kang dating minahal. Nagkahiwalay kayo. Maraming nangyari. Nagkaron siya ng iba at nagkaron ka din naman. Then all of a sudden, nagturn out ang events into something na hindi mo ieexpect. Magb-break kayo ng present mo at magb-break din naman sila. Tapos biglaan magkikita kayo ulit. And this time, it's different.

It was just a week ago when he dropped by sa house to visit me. It was actually a surprise. Hindi ko nga talaga inexpect na dadaan siya sa bahay at nagkataon naman na pupunta ang barkada ko.

Drinking Session. I invited him over and he came.

May ilangan sa umpisa in between my friends and him. Pero later on, nung magkalasingan na, OK na rin naman both parties. Alam ko nga na nagulat sila sa biglaang pagsulpot ulit ni dating special someone sa buhay ko. So far, keri naman. Nagkaayos naman ang drinking session ng gabing iyon.

Lasing na ang lahat. Uwian na.

Kanya kanya ng paraan para makatumbling sa mga bahay bahay nila. Nagpaiwan si dating special someone. Pagod nako non'. May pasok pako kinaumagahan pero hinayaan ko siyang magstay. At dito na naganap ang usapan.

Kwentuhan.

Napunta ang usapan sa isang seryosong bagay ng magsimula nakong magtanong.

('.') : May plano ka ba sakin?

(-.-) : Actually, meron.

('.') : Ano naman yun?

(-.-) : Hindi ko naman gagawin ang mga bagay na toh' kung wala akong plano eh.Sa tingin ko dito ako sasaya.

('.') : Eh ano ba talagang magpapasaya sayo? Bakit mo nasabing 'ako' ang magpapasaya sayo.

(-.-) : Kasi kahit isipin ko pa lang eh. Imagine, ang poproblemahin mo lang yung pambayad sa bills, pagkain sa araw araw.. tapos nandun ka. Oo, sa tingin ko sasaya ako sa ganun. (Biglang yumakap ng mahigpit) Bakit ba kasi kita pinakawalan eh.

('.') : Bakit? Andito pa naman ako eh. Hindi naman ako nawala eh.

(-.-) : Kung hindi kita pinakawalan edi hindi ka na sana tinarantado ni J*

('.') : Andiyan na yan eh. Sayang pero kung nung time na yun, sinabi mo lang. Hinihintay lang naman kita nun eh. Kaso nakita kong masaya ka na lalo na nung sinabi mong nililigawan mo si S******

(-.-) : (Yakap ulit ng mahigpit) Bakit ba kasi pinakawalan pa kita eh?!?

('.') : Kaya mo bakong tanggapin? May anak nako. Instant Daddy ka.

(-.-) : Eh ano? Ikaw din naman yun eh. Wala nakong pakelam sa sasabihin ng iba.

('.') : Aaminin ko sayo. Hindi naman nawala yung feelings ko sayo eh. Andito pa rin naman to. Kaso kailangan natin magtake time. Ikaw, wala ka pang matinong trabaho. Ako, kailangan ko pa rin ng time para sa sarili ko kasi masakit masyado ang ginawa ni J*.

(-.-) : Sige. Basta ngayon pa lang, humihingi nako ng tawad sa kung ano mang posibleng sasabihin ng pamilya ko sayo.

('.') : Ok lang. Basta ganito na lang. Hihintayin na lang kita na magkatrabaho ka at makapagsettle ka.

(-.-) : Parang dapat nga ikaw ang hinihintay ko eh.

('.') : Eh kasi ako. Alam ko naman na sa sarili ko na mahal pa rin kita. Kailangan lang talaga ng readiness at kailangan lang din talaga nating magtake time kasi mahaba pa naman ang panahon.

(-.-) : Ah ganito na lang. Liligawan na lang ulit kita.

('.') : Ikaw bahala. Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Marami kang haharapin kung pipiliin mo ko ngayon.

(-.-) : Hindi na ako yung katulad ng dati. Kaya ko ng gumawa ng desisyon para sa sarili ko. Basta alam ko sayo ako sasaya.

('.') : Awwww.. I Love You.

(-.-) : I Love You Too.


*************************

Alam ko. Ang cheesy ng storya. Pero totoong nangyari siya ng gabing yun. At hindi ko makakalimutan kung gaano kasincere yung mga words na sinasabi nya. Kilala ko si dating special someone at alam ko sa pagkatao niya na siya yung tipo ng tao na hindi gagawin ang mga ganung bagay para lang ipandisplay.

Nakakatuwa lang isipin.

Akalain mo. Kelan lang pinapangarap ko yon. Biglaang natupad.

One week na mula nung nangyari ang mala-JohnLloyd at Bea na eksena na yun sa terrace namin. At hanggang ngayon, nandyan pa rin siya. Panay ang paramdam. Panay ang text. Kung pwede nga lang na isacrifice lahat ng yaman na meron siya para saming dalawa, gagawin niya.

Ibig sabihin, hindi pala talaga ko nananaginip.

Pwede rin palang mangyari na "ako na ulit.. ako na ulit."



- chagadelic gurl -


Wednesday, April 7, 2010

Vote for Vice President... Only

Araw araw akong pumapasok sa opisina. Araw araw akong gumagawa ng admin work, gumagawa ng reports at araw araw ding kumakain ng McSaver meal sa McDonalds para makatipid sa lunch.

At sa araw araw na pagpasok ko, araw araw din akong napapasali sa isang chismisan sa office. Ano ang usap usapan? Botohan sa May.

Tuwing mga 2pm, na halos wala ng tawag, araw araw napupunta sa usapan ng mga employees ang botohan sa May 10. At tuwing may mapapasali sa usapan, laging unang itatanong..

Sinong iboboto mo?

Out of nowhere, naitanong ko tuloy bigla sa sarili ko, Sino nga ba talagang iboboto ko?

Tama ang usap usapan na naririnig ko sa office at naririnig ko rin sa kalye. Halos lahat ng taong nakakausap ko, sinasagot ako ng "May Vice President nako, wala lang Presidente."

Kung pwede nga lang ba, Vice President na lang ang iboto natin eh. Sa hanay kasi ng mga tumatakbong Presidente ngayon, lahat naman sila may mga issue. Lahat din sila may mga advantages and disadvantages. Ang tanong na lang eh kung gaano katotoo ang mga sinasabi nila.. para kasing wala naman talagang nagsasabi ng totoo sa mga pangako nila.

Usapang Vice President ng Pilipinas.

Sino ang iboboto ko? Oo, aamin nako. Ako at ang sampu sa mga ka-opisina ko ay nag-aagree na iboboto namin si Mayor Jejomar Binay ng Makati.

Bakit?

Base sa nakita ko, maganda talaga ang Makati. Disiplinadong mga tao. Malinis ang Streets. Organized ang Business District at ang lugar para sa mga Gimikan. At ang mismong Mayor eh mayroong disiplina sa sarili niya, pagkakaalam ko, sinabi samin sa opisina na siya mismo ang nanghuhuli ng mga naninigarilyo sa hindi designated na smoking area. Isa pa, malaya kang makakapaglakad sa Makati mula corner ng Ayala hanggang sa may Greenbelt ng hindi inaalala kung may snatcher sa likod mo (Meron pa rin naman sigurado pero mas bawas ang volume nila). Nagustuhan ko ang setup sa Makati. At tama si Binay, maganda nga sana kung ganito ang buong mundo.

Usapang Presidente ng Pilipinas.

Tanungin mo ang ilang tao dito sa office ngayon at halos lahat sila ay walang maisasagot sayo. Halos pare-pareho na kasi ang mga speech ng mga tumatakbo ngnayon sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Wala ka talagang mapipili.

Panay na nga ang programs ng GMA at ABS CBN para lang maimulat ang tao sa pagkakaroon ng wise na pagboto this coming May. Hindi ko alam kung may epekto ba ang mga programs na ginagawa nila para sa tao pero in a way, I commend the broadcasting networks by trying to educate the people to vote wisely.

Ang problema na lang, kahit gaano kaganda ang mga tanong, at kahit gaano kaganda ang mga tests na ginagawa ng mga networks para salain ang mga presidential candidates, yun naman mismong nagiging sagot ng candidate ang nagpapagulo.

Aminin natin. May ilang mga candidates na kapag tinanong mo sa mga interview, ang gulo ng sagot. May mga candidates na tinanong ng "Ano ang magagawa mo para sa ganito at ganun.." .. isasagot nila sayo ang mga nagawa na nila whereas ang tanong is nagrerely sa sagot na pwede pa sana nilang magawa.

Maraming ganitong candidates at yun ang lalong nagpapaconfuse sa kung sino ang iboboto mo.

I think the media is doing their part well to let the people reflect to themselves kung sino ang mas higit na nararapat sa posisyon. At aminin lang natin talaga, wala talagang tumatakbong presidentiable ngayon na una pa lang eh makikita mo ng karapat dapat siya. Lahat talaga kikilalanin mo muna. Pero kung minsan, yung akala mong kilala mo na... may itinatago pa lang karumihan.

Tanong. Sino ba talagang dapat iboto?

Sana nga kasi, Vice President na lang..wala ng President.


Note: Masyadong toxic ang mga nagiging discussion ko sa paligid. Gusto ko lang pong ilahad na alam kong hindi lang ako ang nacoconfuse sa darating na botohan. Marami lang talaga ang gusto pang malinawan sa mga pakay ng mga presidential candidate.


- chagadelic gurl -


Sunday, April 4, 2010

Ikaw.. Anong Ginawa Mo?

Mahal na araw.

Busy ang mga tao ngayon. Iba iba ang gimik para makisama sa pag-alala ng isa sa pinakahistorical na storya ng Bible, ang Passion of the Christ.

Busy din kami. Busy ako sa pagpapahinga dahil rest day ko, pero hindi ko rin kinalimutan na ito ang isa sa mga araw ng taon na kailangan ang sakripisyo.

Sa dalawang nagdaang araw ng rest day ko, ginawa ko ang mga bagay na ito:

*Hindi kumain ng red meat (Good Friday).

*Hindi ako naglakad pero nagpunta ako sa Santo Sepulcro sa Landayan, San Pedro,Laguna bandang mga 10 o'clock ng gabi - Nakaugalian na kasi ng mga tao doon na tuwing Maundy Thursday, lalakarin mo ang papunta sa simbahan ng Sto. Sepulcro mula sa bahay nyo..kahit pa 500 kilometers ang layo ng bahay ninyo papuntang Landayan.

*Sumama sa prusisyon sa Cabuyao, Laguna na nilibot ang kabuuan ng bayan.

*Manood ng 7 Last Words sa TV. Mas pinili ko na lang sa Tv dahil kung sa simbahan ko yun papanoorin, siguradong aantukin ako lalo na at sobrang init ngayon.

Kung mapapansin mo, hindi pa rin naman ako nagmukhang nagsakripisyo. At ang sagot ko? Hindi nga.

Subukan mo rin manood ng TV. Puro tungkol sa himala. Puro tungkol sa sakripisyo ng Diyos. Puro tungkol sa mga "dapat" gawin para magbalik loob. Mga bagay na nagpapaalala satin na meron tayong Diyos na dapat pahalagahan at hingan ng tawad para sa mga kasalanan natin.

Isa lang ang napansin ko diyan. Mabenta lang ang ganitong palabas kapag may okasyon. Parang Pasko lang yan, mabenta ang salitang "magbigayan" kapag Pasko. Puro tungkol naman sa pagkapanganak ni Jesus ang palabas. At ang trend, saka lang sila nagpapalabas ng mga palabas na ganito kapg may okasyon.. kapag may okasyon lang.

Gusto kong pangunahan ang mga readers, hindi ko tinutuligsa ang mga broadcasting networks.

Base lang sa obserbasyon ko, lalo nung nagpunta ako ng Sto. Sepulcro, andaming kabataang pagandahan ang porma at pataasan din ng heels. Habang nakapila kami papasok sa simbahan, andami ding mga kabataang at mga taong habang papasok ng simbahan ay pumipila din sa dami ng mura ang nababanggit nila. Kesyo mainit.. kesyo masikip..kesyo maraming tao. Ano pa nga ba dapat ang iexpect mo?

Bakit nga ba ang tao, nagpapakabanal lang kung kelan lang kailangan?

Sabi nga sa isang misa na narinig ko sa TV during the holy week, "Hindi kailangang saktan ang sarili, magpapako sa krus, o lumunok ng bubog para lang patunayang nagsisisi ka sa mga kasalanan mo. Ang tunay na pagsisisi ay isang parang agreement paper na pinipirmahan nyo ng Panginoon."

May point nga naman.

Kung talagang nais mong magsakripisyo para sa pagbabago, hindi mo kailangang ipakita sa mundo na sinasaktan mo ang sarili mo. Walang halaga ang arthritis na nakuha mo sa pagpuprusisyon kung pag-uwi mo naman eh minumura mo ang mga kasambahay mo. Wala ring halaga ang mga ginastos mong Php10,000 para sa Visita Iglesia kung pagkatapos naman ng holy week eh hindi ka na makapagsimba kapag Sunday.

Alam ko mukha nakong nangangaral.

Sabihin na lang natin na marami talaga akong observation nitong dumaang holy week. Maraming nagpakabanal, marami ding nagpakatotoo sa pamamagitan ng pagbabakasyon sa boracay, at marami ring parang wala ring pakeelam.

Pero sa totoo nga lang ba, ano ba talaga ang ginawa mo?

Hindi ko alam kung may connect ang tanong ko sa mga article ko pero bahala na kayong umintindi. Wala lang sa wisyo ang lola nyo'.. LOL


- chagadelic gurl -