Thursday, August 26, 2010

The Curiosity of A Virgin


"Curiosity is the lust of the mind. "
- Thomas Hobbes



Cast:

Ako
(VG) Virgin Gurl - isa sa mga tropang Chag na hanggang ngayon ay virgin pa rin.
(HG) Hottie Gurl
- isa sa mga tropang Chag na timid lang pero bonggang bongga sa dami ng alam.
RR - "RR" as in "Rocky Road"; Ang ex ni Virgin Gurl


Sumipsip ako ng konti sa Pepsi sabay subo ng Nova chips habang panay ang pagsesermon at pangungulit kay Virgin Gurl.

"Ano na namang kagagahan toh?" tanong ko kay Virgin Gurl.

"Ewan ko jan sa kaibigan mo. Ikaw na nga magtanong." Hottie Gurl stated as she took a sip of her own Pepsi drink.

"O, ano bang nangyari?" I asked Virgin Gurl one more time.

Nahihiya na natatawang nag-expplain si Virgin Gurl. "Kasi si RR, niyaya ako one time. Ang text sakin, wala daw tao sa bahay nila. Siya lang daw mag-isa tapos natatakot daw siya kasi bukas pa uuwi yung mga tao sa bahay nila. Sabi niya susunduin daw niya ko sa Compex."

"O tapos?" tanong ni HG.

"Tapos nakapunta naman kami sa bahay nila. Ibang iba na yung bahay nila. Ang laki ng pinagbago." kwento pa ni VG.

"O, anong ginawa nyo?" ako naman ang nagtanong.

"Kasi nung una, usap usap lang. Tapos dapat manonood kami ng TV, kaso nauwi lang din sa kwentuhan. Usap usap tungkol sa mga buhay buhay. Tapos nagulat na lang ako. Bigla niyang hinalikan. Grabe siya, yung parang gigil na gigil. Parang halimaw kung makasugod."

"Gaga! Talagang ganun, manyak eh." I commented.

She continued, "Tapos maya maya sabi niya... 'Wag tayo dito'. Hinila niya ko sa kwarto niya. Grabe, ang ganda pala ng kwarto ni RR. Tapos."

She hesitated to continue. Tawa lang siya ng tawa. "Nahihiya ako." she said.

"Gaga! Wag ka na ngang mahiya samin. Hindi naman na tayo 13 years old para hindi malaman yang mga ganyang bagay. Tsaka alam mo, sanay na sanay na kami sa mga eksenang ganyan." I explained to her sabay hithit naman ng yosi ko.

She laughed a bit and still hesitated to continue. So I started asking to complete the story.

"Hinubaran mo ba?"" I asked.

"Hindi." VG answered.

"Naghubad siya sa harap mo?". I asked a different question.

"Oo." VG answered again.

Na-excite naman si HG so she asked, "Anong size? Malaki ba? Dakota? Mahaba?"

"Malaki. Mga isang palad ang haba. Ganito oh." VG demonstrated the size and circumference na possibleng sumusukat ng 6 to 7 inches.

I interrupted. "O tapos ano nang nangyari?"

VG then continued, "Tapos nung nandun na kami sa kama, pinapaliguan niya ko ng laway. Hawak hawak sa kung saan saan. Tapos siya hinahawakan ko din. Hinubaran na rin niya ko nang pantaas."

"Buti hindi siya nanlumo sa nakita niya noh? VG asan ang boobs mo? Hindi ko makita?? Hahahaha." pagbibiro ni HG. "Ay ano toh? Namaga lang? hahahaha."

The three of us laughed. But again, VG continued.

"Tapos nung huhubaran na sana niya ko sa pambaba, sabi ko sa kanya... 'Oops, meron ako.' Tapos tinigil niya. Sabi naman niya sakin, 'Nabibitin ako"."

"Anong ginawa mo? B-ni-J mo?" HG asked.

"Hindi ah. Hinawakan ko lang. Matagal siyang labasan eh." VG answered.

"Hindi ako naniniwala. Ganyan yan eh, sasabihin niyang hindi. Pero yun pala, ginawa niya din." HG said.

"Sige na nga aaminin ko na. Oo may ginawa ako." inamin din ni VG.

"Pero may nangyari sa inyo?" I asked her.

"Wala. Buti na lang meron ako. Saved by the bell talaga yung period ko." VG answered.

Out of nowhere, biglaan may nagtext kay VG. Kasalukuyan pa rin kaming nagkukwentuhan tungkol sa experience ni VG pero nagulat kami nang malaman kung sino ang nagtext. At wala na ngang iba kundi ang ex-boyfriend ni VG, si Rocky Road..

According to VG, this is what he said. "Hindi ko makalimutan yung nangyari satin. Gusto ko sanang maulit."

Muntik na kaming magwala ni HG sa labas ng bahay nina VG. Demmet! That guy will not be contented hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.

"Alam mo, yan ang di ko magets sayo. Obvious na obvious naman na yan lang ang worth sayo ni RR, ewan ko ba naman kung bakit hindi mo makita yun. Tapos hindi ko rin magets sayo kung bakit ba naman nagtitiis ka sa kanya. Gusto mo na ba talagang makaranas ng sex?" I asked her in a bit annoyed tone.

"Ang problema kasi ni VG, sa tingin niya kapag binigay niya lahat, mababago niya yung tingin ni RR sa kanya. Which is hindi naman talaga. Gusto kasi niya magbago si RR." HG commented as well.

Natatawang napapahiya lang si VG. At the same time asar na asar din naman siya kasi hindi niya alam ang sasabihin sa Ex niyang obvious naman ang gusto lang sa kanya.

"Alam mo, kung hahalayin ka ni Ernest(isa rin sa mga tropang Chag), mas matutuwa pa kami eh. pag siguro may nangyari sa inyo, magpapafiesta kami. Magpapainom kami. Kasi at least u gave your virginity to someone who's worth it. At least a decent guy. Kesa diyan sa ex mong hindi ko alam ang future." sermon ko naman ulit kay VG.

"Sabi niya sakin, wala pa daw siyang nagagalaw na babae." pagtatanggol pa ni VG.

"Naniwala ka naman? Kung talagang virgin pa yan, bakit alam na alam niya ang gagawin sayo? Dapat kung di pa siya nakakagalaw ng babae, dapat pagkatapos niyang gawin sayo yun', mukha kayong tanga." Sinalo naman ni HG ang isa pang sermon.

I think at that moment, lutong luto si VG between me and HG as she has always been. Though somehow, I know how hard it is at her point na mahal naman niya, pero nagbubulag-bulagan siya sa reality na yun lang ang habol sa kanya ng ex niya.

Nagtext ulit si RR.

"Ang kulit talaga niya, sinusumbat pa niya sakin na pareho naman daw naming ginusto na mangyari yun eh." kwento ni VG.

"Eh ganun naman talaga ang sasabihin niyan eh. Kasi nga, wala naman siyang ibang focus kundi ang makuha lang yung gusto niya." HG explained. "Ayoko nang sabihan ka kung anong magandang i-reply jan, matanda ka na.. alam mo na dapat mong gawin."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya." VG said as she kept on browsing his text.

"Basta eto, panindigan mo. Kapag sinabi mong ayaw mo, wag mo siyang hahabulin. Pabayaan mo siya. In the first place, hindi naman siya lang ang lalaki sa mundo. Kung sex ang gusto mo... hindi ka mauubusan ng mga lalaki. Marami pa diyan. Basta kapag ngayon nagreply kang ayaw mo, panindigan mo." I told her.

She texted him. Hindi ko na alam ang sinabi niya.

HG and I lighted our own sticks of Marlboro Lights. We talked about her urged to do it with a guy while VG continued to figure out what to text back to her ex.



- chagadelic gurl -

Tuesday, August 24, 2010

The Transformers

"Growing up is never easy. You hold on to things that were. You wonder what's to come. But that night, I think we knew it was time to let go of what had been, and look ahead to what would be. Other days. New days. Days to come. The thing is, we didn't have to hate each other for getting older. We just had to forgive ourselves... for growing up.” - The Wonder Years


Ever wondered how your friends from Pre-School to High School would look like after 5, 10 or 30 years?

Wala akong magawa, so out of nowhere, naisipan ko lang maghanap hanap ng picture sa Facebook and sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko ang ilang mga litratong napaglumaan na ng panahon.

It's just so amazing how people used to look like losers and they end up today looking like the next most gorgeous woman on earth or the yummiest hunk ever created.

From a friend's Facebook account, I found these photos and look how young girls and guys turned from ugly duckling into beautiful swans:



This was taken from our Sophomore's Acquaintance party. We were 14 Years of age then, look at them now:



Charisse is already married with her longtime boyfriend Junjun and they now have their own kid.


Majoh is now a registered nurse in one of Laguna's top rated hospitals.



Che has just recently got her license, also as a registered nurse.


This one was also taken way back from our Sophomore years, during our Acquaintance party:



Jeanal also currently works as a registered nurse at one of Laguna's known hospitals.


Krissie just recently got hired as a Telemarketing Account Officer in a mobile content producing company.


Ernest has been with one of the top Call Center companies in the Philippines and works there as a Software Engineer since the year 2008.


Along with other boys, this photo was also taken in the same party of our Sophomore year.



Joseph worked as a Barista in Starbucks Greenhills after college graduation and as of today, nobody knows where he really works. All they know is that everytime he appears to reunions, he always have the latest phone with him.


Michael is currently working as a Marine Engineer who travels all over the world.

.
.
.

Nakakatuwang isipin, parang kelan lang, nagkokopyahan lang kayo pag' may exam. Parang kelan lang, nagkakaaway away at nagiiyakan pa kayo dahil sa ilang mga project na hindi nyo' alam kung paano tatapusin. At parang kelan lang, sabay sabay nyong' inihagis ang white graduation cap nyo' as a sign na natapos nyo' ang kalagitnaan ng phase ng pag-aaral.

Parang kelan lang.

At nakakatuwang isipin pa, na sa paglipas nang panahon..ibang transformation naman ang magaganap. Ibang looks, ibang style, ibang trabaho, ibang societal class na ang makikita mo.. ang hindi lang nag-iiba ay ang bond. Bond of friendship na kahit noong High School nagsimula, hanggang ngayon.. hindi pa rin nawawala.

.
.
.
At hindi nako magdadrama kasi baka sabihin nyo' ang korny ko na.

I just wonder, ano naman kaya ang susunod na transformation???


Note: All photos were extracted from Majoh's Facebook account. Some photos were meant to be pixelated to protect the privacy of those people who did not provide authorization to publish themselves in the blog.



- chagedelic gurl -

Saturday, August 21, 2010

How could you be so Heartless?



To fall in love is awfully simple, but to fall out of love is simply awful.
Bess Myerson


The worst thing that a guy could ever do to a girl is making her feel that she is unworthy to love and be loved. It's like you're being crushed inside and worst part is..

you just can't tell, and he simply don't care even if you tell him.

Ouch!

*Emo Mode. LOL

.
.
.

Eto ang pinakamahirap sa lahat ng relasyong pwede mong pagdaanan. Yun bang tipong mahal na mahal mo siya. Kung pwede mo lang ibigay ang lahat gagawin mo. Tapos malalaman mo na lang in the end, hindi ka naman pala talaga mahalaga sa kanya.

Eto ang isa sa mga topic na madalas naming pagusapan ni Che (Isa sa mga tropang Chag).

Palibhasa, kaming dalawa lang ang single na laging magka-mingle (dahil pareho kami ng love story..almost), kaya puro ganito ang napaguusapan namin tungkol sa mga guys na dumadaan sa buhay namin.

Self Worth. Anong worth mo sa kanya?

Naranasan ko nang main-love... na obvious naman sa ilang mga blog entries ko. Naranasan ko na ring ma-fall out of love... at yan' ang di ko pa naikkwento.)

Both sides, mahirap. Ikaw man ang nasaktan o ikaw ang nakakasakit.

May naranasan din akong in between sa dalawang sitwasyon: Ikaw ang nasaktan pero ikaw din mismo ang na-fall out of love. Gulo?

Oo kahit ako naguguluhan eh.

.
.
.

Hindi rin ako feminist. Marunong akong makaintindi sa nararamdaman ng lalaki. - pero dapat hindi ko siya boyfriend. LOL

Isang bagay lang na hindi ko maintindihan sa mga lalaki:

Bakit andali dali nilang ipakita na hindi na mahalaga sa kanila ang mga taong mahal nila?

Bakit mas madali para sa kanila i-take for granted ang mga babae?...

Bakit mas madali silang nakakamove on kapag nagbreak na kayo?...

Bakit mas mabilis silang magpalit ng mga babae pagkatapos ng relasyon? ... O kahit hindi pa tapos ang relasyon?

Bakit mas madali silang magsawa sa mga taong mahal nila?

.
.
.


At alam kong marami akong tanong na lalaki lang din ang makakasagot. Alam ko rin na karamihan sa mga babaeng nakakarelate eh ito din ang itatanong.

Bakit nga ba guys? Bakit kayo ganyan? Kahit hindi ako feminist, hindi ko pa rin maintindihan. Alam kong isang dahilan eh dahil hindi naman ako lalaki.

Pero, bakit nga ba kayo ganyan?




- chagadelic gurl -


Friday, August 13, 2010

Getting Fed Up... Again


I get so upset whenever someone says I did "bad" at work.

Parang feeling ko hindi ako makakapagtrabaho ng maayos buong gabi dahil masyado akong nacacarried away sa mga negative things na nasasabi sakin ng tao whether it's about work.. my personal life.. etc.

Kasi siguro.. perfectionist ako. If i failed to do something perfectly at work, nadidisappoint ako sa sarili ko.

Pero kapag naman marami akong nagagawang tama sa trabaho, I tend to become so much happy that I forget to keep my feet on the ground.

Tough Life. Tough Work.

I wish can just learn everything in a snap of a finger. And I wish that I can adjust and relate to how urged is everybody while I sit on my desk, accessing my Facebook and doesn't give a damn if they're so stressed about the Big Boss's demands.

Starting to get fed up.. again. I know. Feeling ko sa mga oras na toh' na ginagawa ko ang blog na toh', parang gusto ko nang umuwi at bumyahe paLaguna. Parang gusto ko nang basta na lang iwan yung officemate ko dito na magisa, wag pumasok bukas at magsubmit ng resignation sa Monday.

At dahil diyan, I went out kanina. Feeling ko kasi hindi ko na kayang makaharap pa ang PC ko na punong puno ng mga "Things to do! ~ T****** ASAP"

So I went out.

The photo above is the one I took while walking down Paseo de Roxas. The building to the right is the Chinabank building.

So far, wala namang tao kaya I took the chance to take the photos.



Here is another one. This photo shows the roads of Paseo de Roxas and obviously, wala ring gaanong mga sasakyan.

Para kasing feeling ko, kapag hindi ako umalis sandali ng opisina namin, hindi ako makakahinga. Hindi ako makakapagisip. I feel like I'm gonna be suffocated sa pressure... na ganito gawin mo.. na gawin mo yun etc. I wish I would just know what to do and how to do it... immediately.

I guess one factor that I'm guilty is that really.. I come to the office to work, do the job that they ask for and then I get home, sleep and take the rest days during weekends. Ayokong isipin ang trabaho kapag off ko. Ayokong isipin ang trabaho kapag umuwi nako. I just wanted to get things done. At sa palagay ko, yun ang problema ko... I simply don't care. I just want to get things done.

Maraming beses, naiisip ko. Baka naman hindi lang talaga nagwowork out ang ganitong career sakin.. maybe I needed something na ibang iba talaga sa pilit na binibigay sakin ng pagkakataon.

Pero, wala naman kasing company na perpekto. Nagkataon lang talaga na mas marami kang mapupuna kay CompanyA kesa kay CompanyB.

And unfortunately, I belong to CompanyA.

I remember what Shyder told me before: minsan talaga hindi maiiwasan na madi"ding" ka sa isang bagay na ginagawa mo pala ng hindi tama sa trabaho. At ang epekto? Bothered ka the whole day kapag may nakapansin and it's hard to do the job better when you're bothered.

LOL. These are just challenges at work I guess. And like what I used to say when I was still with my previous company,
.
.
.

kahit lumipat ka pa..
kahit magiba pa ang boss mo..
kahit magiba pa ang mga kasama mong maglunch
kahit magiba pa ang way mo ng pagaaccess ng proxy sa office.
at kahit nagiba na ang atm na kinukunan mo ng sweldo.

... You'd still get the same stress at work. Kanya kanyang forms lang ng stress yan.

I know. And I'm at the point of filling up my "Fed Up At Workplace" Tank again. So far, nasa 20% na siya. I hope I lose that percentage and love the work rather than filling more of that percentage in the tank everyday.

This is such a long road to walk over. I hope I can pass through the end.
.
.
.
and longer...



- chagadelic gurl -

Thursday, August 12, 2010

The Devil Holds Your Resume




Another night in the office.

Nagsusunog na naman ako ng energy para sa trabahong pinili kong gawin at naging dahilan ng pagtalikod ko sa dati kong kinaiinisang kumpanya.

Balik na naman ako sa graveyard shift. Pero mas less ang stress. Hindi katulad noon. Pagod na pagod ka kahit nakaupo ka lang naman. Parang ayaw mo ng dumadating ang peak hours kasi siguradong magiging sunod sunod ang trabaho mo. Hindi mo pa magawa ang mga bagay na gusto mong gawin dahil either takot kang mahuli o may nakabantay sa likod mo.

Nakakainis pala ang ganon'. Feeling mo ginagawa kang preso. Walang kalayaang gawin ang mga bagay na pwede ka namang huminga kahit papano. Parang sa industriyang yon', wala kang karapatang huminga man lang. Binabayaran ka nila.. kaya may karapatan silang sabihin kung ano ang dapat mong gawin at ang hindi mo dapat gawin.

Work. Job. Career.

Yan ang unang una word na magdedescribe sa mga sinabi ko.

At sa lahat din ng graduates 5 years ago hanggang sa mga graduates ng kasalukuyang taon, ito ang pinoproblema nilang lahat.

Anong opening nila?
Saan ka magaapply?
Anong aaplyan mo?
Madali lang ba exam at interview nila?
Madali ba makapasa dun?
Marami bang nagaapply?
Magkano ang starting rate mo?
May incentives ba?
May HMO ba?
May leave credits ba?
May pasok ba pag weekends?
Morning shift or Graveyard shift?
May pasok ba kapag holidays?
May chances ba for promotion?
May iba pa ba silang opening bukod sa maintenance?

Yan ang mga tanong na karaniwang itinatanong ng mga taong naghahanap ng trabaho at nagbabalak maghanap ng ibang trabaho. Aminin mo, isa ka rin sa mga naging salarin. LOL

Isang gabi bago mag-end ang shift ko sa bago kong trabaho, nakausap ko yung tech support namin. Madalas kasi siyang sumali sa mga forums at isa sa mga inumpisahan niyang topic ay ang "Bakit kailangan pang sabihin ng mga HR Reps ang 'We Will Just Call You' ?"

I got his point.

Sa dinami dami ng mga inapplyan ko, hindi ko na mabilang ang mga ganitong words na sinasabi sakin ng mga HR Reps na nakakausap ko. Siguro lang, talagang maswerte lang ako dahil may ilang companies na kinokonsidera kaagad ako. Pero gaya nga ng sabi ko, marami rami na rin ang mga companies na sinabihan din ako ng ganyan. Iba iba lang ng version.

Bakit nga ba nila kelangan pang sabihin ito? Sabi ng officemate ko sa mga sumagot sa thread ng forum niya, sinasabi lang daw toh ng mga HR Reps para kahit papano hindi maputol ang connection ng nagaapply sa company?

Connection? Parang WiFi ba ito?... ganon'?

Bakit kailangan ng connection kung hindi rin naman tatanggapin ang nagaapply? Pwede namang sabihin na lang nila ang results kesa paaasahin nila yung mga nagaapply. Maghihintay ng text, tawag o email. Hanggang sa lumipas ang ilang linggo... kahit man lang sabihan ka ng:

"Sorry you did not pass the application because you were such an a****** during the interview. Go to hell."

Walang ganyan. Kahit misscall wala din. And that is so Lame.

Ilan sa parte ng barkadahan namin ang nakakaranas ng ganyan recently. Ang problema kasi, trend noon, unemployment ang resulta ngayon.

Sikat na sikat ang BS Nursing 6 years ago. Halos lahat ng school, kahit computer schools, ay nagoffer ng ganitong courses dahil sa biglaang trend ng mga kumukuha ng Nursing. Dahil daw ito sa taas ng demands ng Nurses lalo na sa America. Parang isang biglaang pagkapanalo sa lotto kung magiging nurse/caregiver ka sa US. Pwede kang makapagpatayo ng bahay sa Pilipinas, magpaaral ng 5 mong kapatid sa college at makabili ng 5 iba't ibang model ng Iphone o Blackberry. Hindi pa rin naman natatapos ang trend na yan, kumbaga lang, marami rami ang grumaduate ng Nursing mula 2004 hanggang 2010. Isama mo pa diyan ang mga datihan nang nurses at ang mga doctor na umalis para maging nurse sa ibang bansa.

Gaano na kadami yun? At buti sana kung Pilipinas lang ang nagpproduce ng nurses sa buong mundo. Marami pa. Maraming marami pang ibang bansa. Kaya parang nagoverflow ang nurses. Yung iba naman, pagkatapos makagraduate, saka narealize na ayaw pala nila ng Nursing. Yung iba dahil na rin siguro sa kawalan ng opportunity na yumaman sa Pilipinas o kahit kumita lang ng katumbas ng call center agents. Kung iisipin mo kasi, pareho lang ng stress ang nurses at call center agents... magkaiba lang ng mundo.

Ang nurses pumapasok kahit holidays. Ang call center agents wala ring holidays.
Ang nurses dumadaan sa graveyard shift. Ang call center agents kadalasang graveyard shifts.
Ang nurses nagoovertime nang hanggang 12hours. Ang call center agents OT din hanggang 12 hours.
Ang nurses nakikisama sa makukulit na pasyente. Ang call center agents nakikinig sa makukulit na at irate callers.

Halos pareho. Pero magkaiba ng pay.

Kung tutuusin nga dapat mas malaki pa ang bayad sa mga nurses kasi sila, name holder sila. Isa itong matatawag na lifetime career at kahit saan ka man magpunta, dala nila ang title nila bilang RN.

Pero balik tayo sa mga kaibigan kong nagaapply ngayon. Tama, mostly sa kanila ay mga nurses. At hindi maikakailang hirap silang makapasok sa mga hospitals kaya yung iba, nageend up na pasukin ang mga trabahong hindi naman talaga nila pinlanong pasukin bago sila magcollege.

It isn't as if masamang mag-iba ng landas, ito ang realidad. Ito ang course mo. Iba ang papasukin mong trabaho. At dahil yan sa realidad na mahirap talagang humanap ng trabaho sa Pilipinas. Lalo na yung trabahong may enough na bayad, may magandang oras, may magandang opisina, at may sariling PC na may access sa Facebook. At maiintindihan mo ang mga taong kumuha ng Political Science na ngayon ay nasa healthcare account sa isang call center. O di kaya yung kumuha ng Nursing na nagtrabaho sa Starbucks bilang barista. Lahat yan eh dahil sa kawalan ng opportunity at dahil na rin sa mga HR Reps na sasabihin ka ng "Tatawagan ka na lang namin".

Nevertheless, life is an open book and whether you choose to pursue your career or go along with the trend, it's all fully upto you. Ang importante, may silbi ka sa mundo. May ginagawa kang paraan para makatulong at hindi makaperwisyo sa ibang tao. Kahit wala kang trabaho o kahit pinipilit mong maging stewardess sa height mong 4'11", walang kaso yun. Ang importante, may ginagawa ka. Kumikilos ka. Hindi ka umaasa sa mga magulang mong umaasa lang din naman kung kelan ka magkakatrabaho.

And it's never going to end kahit makatatlong libo ka pang "We'll just call you."



- chagadelic gurl -

Saturday, August 7, 2010

Minsan Nakakainis...

Minsan nakakainis...

Pinipilit ka sa mga bagay na inevitable...


How can I do my job, when the internet is like this???
.
.
.




Lame!



- chagadelic gurl -

Friday, August 6, 2010

Ganito Pala Ang Feeling...


Ganito pala ang feeling.

Para akong nanalo sa lotto. Para akong binayayaan ng himala. Para akong inulanan ng swerte.

.
.
.

Ganito pala ang feeling ng sa buong magdamag.. sa mga gabing nagdudusa ka.. sinasayang ang luha.. at nagtitimpi sa sama ng loob.

Ganito pala ang feeling.

Hindi mo inaasahan.

.
.
.

Sa kauna unahang pagkakataon, kung kelan hindi mo inaasahan. Biglaan naman dumadating.

Eto.. Eto..

Eto ang una kong closed deal sa isang buong buwan ng training, pagrereklamo, at pagf-facebook sa office.

Finally, may isang pumayag sa inaalok ko.

.
.
.

Ganito pala ang feeling. Sana bukas ulit.



- chagadelic gurl -

Thursday, August 5, 2010

The First Payday Date



Bored ako. Bored din si Shyder.

Araw naman ng payday pero nababato pa rin kami.Halos milyonarya na nga rin ang feeling ko kasi andami dami kong pera nung araw na yun that I can buy a new mobile phone...

.
.
.

Kasi dumating na yung final pay ko from my previous company. Tapos araw din ng payday sa bago kong work.

.
.
.

So Shyder and I have decided to go out with her previous office mates last Saturday night. We all met up at Megamall and they have decided to eat at Cajun Red Rock.

Here are some photos of the food that we ordered:



This is what Shyder ordered.

As far as I remember, this dish is called "Grilled Volcano Burger something..something". LOL.

Sensya na, nakalimutan ko talaga siya pero it was good enough for two people. You might ask kung ano talagang klaseng food yan.. Hindi lang maganda ang quality ng camera ko but it's actually a burger with chicken meat and on top of it are fried onions.

Akala ko nga nung una kong kinain yung onions meat din siya. Nagtaka na lang ako iba ang lasa. But the good thing about this dish is the FRIES. Loved it when you dip it sa special Mayo dressing that comes along with this dish.

Next thing we ordered is ...



This is what they call the "Spaghetti with Meatballs..Churva".

At hindi ko rin maalala yung exact name nito sa Menu. What I can say is about this dish is.. wala naman itong masyadong pinagkaiba sa lasa ng mga spaghetti na hinahanda sa mga bata pag may birthday party. I guess I expected a lot lang.. kasi akala ko talaga.. bonggang bonggang bebenta siya sa panlasa ko.

Comes along with the pasta and the burger is the drink. This is what we ordered for our drinks:






The "Tony's Best" Iced Tea.


Hindi ko alam ang combination niya pero sinerve samin yan'.. nakalagay pa sa tall glass tapos kapag hinalo mo, it turns into brown. Nasatisfy naman ako sa lasa at sa size nito. Pwede na!

It was a good date. Though may konting sablay pa rin sa pagiikot namin sa mall (Nag-away kami kasi napikon ako dahil di' niya ko ihahatid - Masakit daw ang ulo niya... At kinuwento ko na?!).

Filling yung kinain namin at ayos din namang kasama yung mga dati niyang officemates.

Kelan naman kaya ulit ang next payday date namin? LOL



- chagadelic gurl -