Wednesday, November 24, 2010

Bangus, Polvoron at Chick'n Joy



Nagsindi na naman ako ng yosi.

Napayosi ako sa tindi ng usapan namin nina HG at VG (See The Curiosity of A Virgin).

Emotions ang labanan. Labasan na naman ng sama ng loob tungkol sa mga lalaki. This time iba na naman ang problema ni VG. Nakamove on na siya sa confusion niya kung papatulan pa ba niya ang ex niyang rocky road ang mukha. Ngayon naman, panay ang labas namin ng hinaing sa kung bakit na naman sila ganon. Bakit pag kampante na sila, nawawala na rin ang pagpapahalaga?

Nagyosi ulit ako. Sabay kuha ng Bangus at binuksan ito. Pinapak ko ang bawat piraso habang nagkukwento na naman si VG.

"Takot yun sakin kapag magkaharap kami. Pag sa text lang naman yun ganito eh. Nakakailang text ako sa isang araw. Ang gusto ko lang naman yung magreply siya kahit konti lang eh. Sabihan man lang ako ng 'Ingat ka', 'Kain ka na'.. o di kaya 'Miss you na'. Kaso nakakailang text ako sa maghapon, ni isa man lang walang reply." VG vented out.

"Tangna', napayosi talaga ko sa usapang toh ah. Bakit nga ba kasi sila ganyan? Kapag kampante na sila, wala na lang. Papabayaan ka na. God!" napayosi na naman ako.

"Eh kasi, ganun nga sila. Kapag kampante na sila, magiiba na ang focus ng mga yan. Kasi nandyan ka lang naman eh. Kaya minsan dapat ginagawa mo pa ring mysterious ang sarili mo." HG commented and continued "Eh kasi naman, wag ka agad bubukaka. LOL"

Natawa rin ako, "Eh kasi naman, bumigay ka din agad noh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa inyo. Dapat kasi hinayaan mo muna rin siyang mageffort."

Natawa na lang din si VG. Hindi ko alam kung nakikinig siya sa mga sinabi namin or nasasarapan na siya sa pagkain ng mga junk food na binili namin.

"Nagpunta na ba siya sa inyo", I asked her.

"Hindi pa." VG answered.

Nagsindi na rin ng yosi si HG.

"Alam mo kasi, parehas lang tayo ng problema. Magkaiba lang ng format. Ang problema mo, hindi nagpaparamdam sayo kahit makailang text ka. Ang problema ko, magkasama nga kami.. hindi naman ako pinapansin. Mas mahal pa niya yung part time job kesa sakin. Wala na siyang ibang binanggit kundi yung part time job. Yun lang daw ang makakapagpasaya sa kanya. Eh, hello? Wala ba 'ko dito? Duh? Kaasar!" Now I started venting out myself.

I continued, "Sino ba kasi nagimbento ng part time job??? Naiinis lang ako. All he ever thought about is getting that stupid part time job. He couldn't be thankful because I'm still here. He couldn't be thankful because at least, may regular siyang trabaho. He couldn't be thankful with the thought na meron siyang dadating na 13th month pay. At least meron diba? The fact na meron. Pero talagang dinadamdam niya lahat yung mga bagay na wala. Nakakainis na. Nakakasawa nang pakinggan. Paulit ulit na. Part time job.. Part time job.. Part time job.. God! Tapos sasabihin niya sakin pinagseselosan ko yung mga bagay na yun. No I don't. It's just that he's so much pre-occupied with those things. Pati yung desktop na gusto niyang iassemble, naiinis nako kasi yun talaga, pinagaaralan niya.. nireresearch pa niya at pag dumadating ako ng bahay, nagkalat ang mga papel tungkol pa rin lahat sa PC parts na gusto niyang buuin. Damn! Mabuti pa yung PC napagaralan niya. Samantalang yung samin, he couldn't even make an effort to date me at somehow, a place that would perfectly be romantic for both of us. Yung sakin, walang research research. Yung mga dates namin, biglaan lang..hindi man lang napagisipan. They spend so much time on thinking about other things samantalang ikaw, they just give you kung ano lang ang meron na diyan. Yung ibang bagay, mas mahalaga pa rin talaga at kailangang pinagaaralan masyado."

I asked HG, "Mali bako? Gusto ko lang ng attention and appreciation from him."

Tahimik lang si VG, then HG answered me. "Hindi."

"Bakit?" I asked again.

"Eh kasi nature nating mga babae yan eh. Yun ang hinahanap natin, na maalagaan. Kasi sa lalaki, tayo ang nawawala nilang tadyang. Tayo ang kakulangan nila sa pagkatao nila. Tayo bilang babae, nature natin na maramdaman at hanapin yung security. Tayo ang nawawala nilang tadyang, at Biblical yan ah. Galing pa sa misa." She answered me completely.

I laughed a bit. May point siya. Kaya siguro naghahanap kami ni VG ng security. Kaya siguro naghahanap kami na maramdaman yung feeling na inaalagaan kami.

I didn't know that.

"Sige, sasabihin ko pag nagkausap ulit kami." I said. "I'm definitely going to blog this."

"Uy, wag. Baka basahin ni boyfriend." VG warned me.

"So? It's my blog." I told her. "Tsaka para malaman ng jowa mong sira ulo. Yung sayo naman kasi, imagine, 3 days walang paramdam. Tapos ano? Asan siya? Nagagalit siya pag nakakawala ka. Pero pag ikaw, hindi ka pwedeng magalit? That is lame. How sure are you na nasa hospital lang yun at hindi nambababae? Sorry siya ng sorry eh wala namang nangyayari."

HG followed my comments, "Tsaka alam mo ang immature nang boyfriend mo. Walang ka-effort effort na pumunta sa inyo. Maganda ka naman, may trabaho ka pa. Maraming ibang lalaki jan. Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo dun eh andami dami mo pang mahahanap. Hindi mo mababago yang boyfriend mo. Binibigyan mo lang ang sarili mo ng problema. Sabi nga ni Papa Jack, nasa heaven ka dapat kapag nasa relasyon ka. Pero iba na yan kapag hell na."

Ginisa na naman namin si VG.

Tahimik lang siya.

"Magbreak na kayo nang boyfriend mo." HG advised her.

Bilang mabait na kaibigan, I followed her. "Oo nga, magbreak na kayo. Walang kwenta ang relasyon nyo'."

"One month pa lang kayo ganyan na kayo. Magbreak na kayo kasi naglolokohan lang kayo. Sa tuwing nawawala yang boyfriend mo naghahanap ka nang attensyon sa iba. Magbreak na kayo."

VG breathed deeply.

Hindi ko alam kung nakikinig ba talaga siya o nagigising na siya sa katotohanan.

I suggested something, "Alam mo, parehas lang tayo ng sitwasyon. Magkaiba lang ng format. Kaya ang gawin mo. Wag ka na lang magfocus dun. Gumimik na lang tayo at manlalaki."

They laughed a bit.

"Seryoso ko. Tara gumimik na lang tayo. Pabayaan natin yang mga lalaki na yan. At least naman, maiba man lang ang mundo natin. LOL" I said.

They liked my idea.

"Gawd! I just wish wala na lang talagang nagimbento ng part time job". I said.

"Hahahaha. Manlalaki na nga lang tayo." HG suggested.

"I know, right." I answered back.

We laughed out.



- chagadelic gurl -

Thursday, November 18, 2010

The Sun will Shine tomorrow


"Waking up to a new day is a gift, appreciate it and do
remember you are loved."


Early shift in the office.

Yes readers, nakabangon na po ang lola nyo' at may bago na ulit akong trabaho.

Actually, matagal na kong nagumpisa dito sa bago kong trabaho pero naging busy lang ako lately dahil sa dami ng responsibilities na ipinasan sakin. But however things ended up, I'm glad it happened and I'm happy that this is one way for me to finally achieve my goals.

Right now, the green pastures are already visible to me. Very much vibrant that I enjoy its colorful sceneries appearing into my eyes. In short, masaya nako. Masayang masaya nako talaga. And I would definitely have a long term relationship with my present job now. Thankful na rin ako that I lost the old one... very thankful.

Kung dati, nagmamaktol akong umaalis ng gabi sa bahay dahil gabing gabi na, papasok pako. Patulog na ang lahat, ako naliligo pa lang para magbihis at pumunta ng office. Ngayon, kasabay ko nang gumising ang lahat nang tao para magtrabaho. Kasabay ko na rin ang karamihan nang tao na umuuwi na kapag hapon na dahil tapos na ang araw nila. Nakakasabay ko na ring magdinner ang mga tao sa bahay namin at nakakatabi ko na rin sa pagtulog ang mga taong mahal ko.

Dati rati, nakikipagpatintero ako sa kasama kong hindi ko alam kung tao na tinubuan nang taba o taba na tinubuan nang tao. Habang nagaasam ako ng career growth, siya naman, nag-aasam na pabagsakin ang kumpanya. Araw araw akong nakikisama noon sa kanya. Kung minsan, hindi ko na lang siya pinapansin. Kaya lang, nahirapan akong iignore siya dahil wala akong ibang mapagtanungan. My boss wouldn't help me. Nobody else helps me. And what I had to do was to end up asking him at the end of the day. And if effin' suck.

Ngayon, I'm my own boss. I'm the one who can say yes or no if i'll hire people. I'm the one to judge if you're good enough or just trying to impress people. Damn it, I'm still thankful that he bullied me because if he didn't, I wouldn't realize that the company sucked. And I wouldn't get my present position.

Pero sa ngayon, di ko na muna ikukwento kung ano ang nature nang trabaho ko. Saka na siguro pag may bago nakong reklamo. LOL.

Seriously, today when I woke up. I'm just thankful.

Thankful for everything that happened to me. Thankful for all the hardships and the bad hair days. Thankful for all the people who have done wrong to me. Thankful for all the people who have been there with me all throughout the times of my grievances. And a lot more things to be thankful... whether good or bad.

Today is a brand new day. I might not have a working cellphone, a Mac laptop, or an iPad, but i'm still thankful, happy and contented with my own life.

How bout you? Despite of the bad things around you, have you thought of something to be thankful? ... at least today?



- chagadelic gurl -