Thursday, December 23, 2010

What a wonderful world!



"Christmas waves a magic wand over this world, and behold, everything is softer and more beautiful. " ~Norman Vincent Peale

Today is our last day in the office within the week.

Bukas ng gabi, Pasko na. And I'm starting to feel this little excitement in me. Para akong batang excited sa gift ng ninong at ninang ko. Para akong batang iniimagine na kung magkano ang mapapaskuhan ko. And I'm glad, this time of the year, I felt the Christmas presence.

Last year was pretty much unlikely dahil nasa trabaho ako.

December 24th. My shift back then was 7PM to 6AM. At nasa Manila pako nanggaling nun because I was previously renting.

Like the usual, I woke up at 4PM to get myself ready for work. Sabi ko pa sa sarili ko, tanggap kong hindi ako magpapasko sa bahay. "At least, tonight will be a double pay plus the night differential will be a glam!"

I went out of the room to go to the CR. Narealize kong parang haunted ang dorm dahil ako na lang pala ang tao sa fourth floor. Ate Grace, the dorm's landlady, and her family were the only people left in the building and they weren't even in the fourth floor.

So I took a bath. Dressed myself up. And left the dormitory to go to work. Iniisip ko kasi, traffic ang aabutan ko kaya inagahan ko ang alis. I left at about 5:30PM.

Nagulat na lang ako sa naabutan ko. Walang tao sa kalsada. I felt this sudden sadness because I really wanted to be with my family. But I had to shrug the feeling away. Dahil naisip ko, kung magpapaapekto ako. Lalo lang akong malulungkot and I won't even be working for an 8 hour shift. I will be working for 11HOURS! ... and its definitely lame.

When I got to the office. Nagulat akong marami pa rin pa lang taong hindi magpapaskong kasama ang mga pamilya nila. Maraming may shift nung gabing yon. And siguro, isa sa mga nagpasaya sakin that night is the 'almost unlimited food'.

Napagkasunduan kasi ng mga tao sa office namin noon na magchip-in na lang ng pagkain. At least, even being in the office still, we will all dig in to yummy desserts, pansit malabon and numerous selections of other scrumptious dishes. Plus! my freebie!. May pinamigay pang pagkain ang office namin para sa lahat.

It was almost 12AM when I checked the time on the Avaya phone. Wala kong call. Kinakabahan nako. Eto na nga, nagkacall ako. Mexicana airlines. Buti na lang.

"Thank you for calling. My name is *******. How may I help you today?" Nag-opening spiel na nga ang lola nyo'.

Sumagot naman ang nasa kabilang linya. Can't even remember what the problem is pero ang natatandaan ko, babae ang nakausap ko.

"Merry Christmas!!!" May sumigaw sa kabilang spine ng mga stations. At nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ko.

Leche, eto na nga. Sabi ko sa sarili ko.

Ok pako. Ok pako. Binati ako ng dalawang tao sa side ko. Niyakap pako nung isa. Bumati na rin ako ng 'Merry Christmas'. At hindi ko na nga po napigilan.

Nageexplain pa yung kausap ko sa kabilang linya. At habang nakamute ako, lumuluha na ang lola nyo' ng patago. Hindi ko kinekeri ang lungkot. Lumabas na nga yung pilit kong pagsusuppress sa kalungkutan kong hindi ko kasama ang pamilya ko.

Di-nrop ko yung call. Kahit makita pako ng QA. Kahit nagsasalita pa yung kausap ko.

Nagpalit ako ng status sa Avaya. Tumakbo ako ng CR. At dun ako nagiiyak ng bonggang bongga.

First time kong hindi kasama ang pamilya ko.First time kong hindi makakapagsimba sa church namin ng anticipated mass ng 24th. First time din ang noche buena namin na wala na si papa. At first time din silang magpapasko sa bahay na wala ako.

Nakakalungkot isipin. Kaya idinaan ko na lang sa iyak.

Pero hindi nagtagal ang session ko sa banyo. Bumalik na rin ako sa desk ko at itinuloy ang trabaho. Maya maya lang, nagtawag na yung iba na pwede nang kumain. Idinaan ko na lang ang frustrations ko sa pagiisip kung ano ang uunahin kong kainin.

Natapos rin ang buong gabi ko. Natapos ang pagdadalamhati ko at umuwi na rin ako samin.

Malungkot pa rin nga lang ng konti. Paskong pasko, walang handa. Naubos na daw kagabi. Wala rin kaming bisita. At ang pinakamasaklap dun, wala akong pera. Yung mga natitira kongn barya, ipinamigay ko pa sa mga namamasko.

Idinaan ko na lang sa tulog.

Bumawi ako nung kinagabihan, nagkayayaan na kami nina VG at HG na maginuman. Kahit papano, sumaya naman ang pasko ko. Nagdala din ng pizza ang jowa ng kapatid ko kaya kahit papaano, nairaos namin ang araw mismo ng Pasko.

Ang regret ko lang, feeling ko hindi ko naibigay ang lahat.

Wala akong pera. Walang pagkain sa bahay. Walang bisita.

Hindi Pasko ang itsura ng bahay namin nung gabing yun. Kung wala siguro kaming mga decors, malamang nagmukhang haunted house ang bahay namin.

Kaya ngayong Pasko, sinigurado ko ang lahat. Nakahanda na ang mga regalo. May extra pakong pera para sa mga mamamasko. At higit sa lahat, hindi ako magtitiis na magtrabaho sa office habang nagsasaya ang lahat sa labas.

Kaya, uuwi nako.

Magcecelebrate ako nang isang masaya at masaganang Pasko kasama ang pamilya ko.

.
.
.

Isa pa,

Ako na lang ang tao dito sa office. At susunod nang uuwi yung mga guard dito samin para isara ang opisina namin at gumimik.

Merry Christmas everyone!



Love,


- chagadelic gurl -

Tuesday, December 21, 2010

Coffee with Chard


"Men propose marriage primarily because they want the physical, emotional and intellectual companionship of a woman. Men like company." - Lisa Daily from Lifewise.com


I just realized this morning that talking to men gets you the answers that you've always wanting to ask your guy.

And just early this morning, I've had a conversation with Chard, one of my officemates.

I went to the pantry area to get myself a cup of coffee. Naabutan kong nandun din si Chard and making himself a cup of coffee too. Niyaya niya akong sabayan siya.

I'm not used to staying longer minutes in the pantry since I have loads of work in the morning. I just usually get myself a cup of coffee then head back towards my desk. But this morning, Chard insisted me on joining him in the pantry area. So sige, I gave it a try.

Si Chard ang isa sa mga pinakakilala ng lahat. Bukod sa lagi siyang nasa guard's area, he really makes sure that he greets everybody a "good morning". And so far, I did not expected that talking to him this morning would ease my frustrations.

I poured hot water on my cup. Naupo ako sa isa sa mga chairs sa dining area sa pantry. Naupo naman siya sa harap ko.

Kwentuhan. Kwentuhan. Kwentuhan.

Nauwi ang usapan sa rEl@sYoN...

Naikwento niya sakin ang karanasan niya sa mga nakarelasyon niya. Sa mga naging girlfriend niyang niloko niya, sa mga naging girlfriend niyang minahal niya, at sa mga naging girlfriend niyang hindi niya maintindihan kung paanong naging sila. Naikwento niya rin sakin ang pagiging tatay niya sa isang batang nagmula sa babaeng hindi naman niya talaga karelasyon. At dahil diyan, napakwento na rin ako.

Naikwento ko ang tungkol sa Ex ko. Naikwento ko ang tungkol sa kung papaano kaming naghiwalay. Naikwento kong ikakasal na ang ex ko. At a short period of time, ikakasal na siya. And I'm a bit bothered about it.

"Wala naman talaga akong pakeelam kung ikakasal na siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit apektado pa rin ako ah hindi ko naman na siya mahal." I told him.

"Sabi pa ng bestfriends ko, possible din daw na kaya siya ikakasal eh dahil may nangyari. Within a span of a year, they decided to get married. Masyadong mabilis." I added.

Sumagot naman si Chard. "Possible ngang may dahilan. Dalawang bagay lang yan. It's either nabuntis niya yung girl, o di kaya, naisip niyang ayaw niyang mangyari sa kanya ang ginawa niya sayo. Kasi kung gawain niya, talagang matatakot siya sa karma. Natatakot siyang iwan din siya ng biglaan kasi gawain niya. Kaya feeling ko, kaya siya nagdecide magpakasal dun sa girl eh para mai-secure na yung gurl. Kumbaga, mawawalan na siya ng rights na manlalaki kasi kasal na. Gusto nitong lalaki ng security kasi palibhasa, gawain niyang mangiwan. Ayaw din niyang iwanan siya."

Somehow, mejo nabawasan ang tanong ko about my ex. But I'm still bothered.

Medyo sinermonan pako ni Chard, "Wag mo na dapat pang problemahin kung masaya sila o hindi. Ang importante, dapat ikaw ang masaya."

I breathed deeply.

Maiksi lang ang pagtambay ko sa pantry with Chard. But it sort of lessen up my frustrations. Kahit papano kasi, kahit hindi masyadong malinaw, nasagot ang mga tanong ko on my why the heck is my Ex getting married.

I guess about my Ex, who left me because of another girl whom he just met in the chatroom, I am frustrated that he left me a year ago and chose not to communicate and end things up in a well manner. But I'm also glad that he left me because if he didn't, I would realize how wonderful life is around me.

And that he was just another guy, came into my life and taught me lessons.

Even if he is indeed a big effin pervert and a major jerk, I guess once in our lives we get to meet people like this. They will either ruin you or make you stronger. In my case, It made me stronger. And with all the hurt and the pain he left me, I still am thankful and grateful that at some point in my life, fate had to remind me to grow up.

Do I still love my ex?

No not anymore. In fact, I wish him the happiness that he deserves. I already am happy with myself and I'll get more happiness with my present life and loving relationships.

As of the present time, I know that he is getting married anytime soon.

And I guess, kung tama nga ang assumption ni Chard. Then possibly, he doesn't know what he's doing. He just simply wanted to have someone by his side and lock her up to himself. But it isn't all about because he wanted to build a family with her, or to grow old with her. It is just all about being secured that someone is stuck in his life. But if things do not go his way, he will probably look for another wife. And this girl he's marrying, she definitely will be devastated.

I believe that marriage is more than just sex, or love, or companionship. Like what Shyder has always been telling me, it is all about maturity. It is all about accepting the next phase of life: building your own family with kids, a home and providing them with their needs. It isn't about just the two of you alone. Its more complex than just securing someone in your life.

Marriage means that you also have to accept him in his entirety. No matter how stupid he gets. No matter how incapable he is in maintaining a well-cleaned home. And no matter how idiotic life would be with him. You have to remember, you married him. And again, marrying someone doesn't him you're just marrying his personality. It meant marrying his humanity.

Oh well, I guess Chard really impacted my day.



- chagadelic gurl -

Wednesday, December 8, 2010

Sometimes Love Just Ain't Enough


"But there's a danger in loving somebody too much, and it's sad when you know it's your heart you can't trust. There's a reason why people don't stay where they are. Baby, sometimes, love just aint enough. " - Patti Smith



I'm gonna tell a story.

Mababaw lang. Hindi masyadong detalyado. Kaya ko lang naisipang isulat ay dahil sa curiosity kong malaman ang kasagutan sa sitwasyon na ito.

Kasi mahirap. Kahit ako hindi ko alam ang sagot. First time kong mailagay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

To start off, there is this guy na matagal na niyang kakilala. But the meet up was not the usual friendship na nakasama mo sa school project or nakilala mo sa office nyo'.

She met him through an online chat. They met up, gone to dates and even done pretty little things na unusual sa mag-kaibigan lang. But she was fine with it. He was too. Both of them weren't committed.

It was a fine friendship. Kung minsan may kulitan. Kung minsan may asaran. At kung minsan may dramahan. It involved feelings. It envolved emotions for both of them. But there was no strings attached.

He longed for her everyday. She longed for him everyday too. Nagumpisa sa casual na relationship. Hanggang sa mauwi sa development involving attraction and love.

She didn't expected for it to happen. He didn't too.

They just went all the way until they found themselves attached to each other.

For less than year, they went out on dates. Met up at the mall, watch movies and kiss before the day ends. There was no formal relationship. It was just friendship. He is single. She is too.

Though, within the same year, despite of seeing each other, they still had casual dates outside of their friendship. But the communication is always there and it was fine. He didn't had a problem going out with friends and work but still communicate with her. She is too. She was able to manage her self with the other parts of her life such as work, girl friends and her self.

Until such time that she thought of clarifying her position in his life. She wanted to know why he still hasn't popped the question. "Can we be together?"

They were fine together. They jive really well. They have a lot of things in common and they both enjoy each other's company. He is single. She is too. With all the feelings they have for each other, why isn't he asking her to be with him... to be his girlfriend?

"I don't want to lose you
but I don't want to use you
just to have somebody by my side. I don't want to hate you,
I don't want to take you
but I don't want to be the one to cry.

And that don't really matter to anyone anymore.
But like a fool I keep losing my place
and I keep seeing you walk through that door."

She asked him.

He told her that he can't commit.

She wondered why and asked him the reason.

He couldn't tell her.

She asked him again.

He told her to go. Find someone else better that him. He told her that she has a life... that they aren't meant for each other.

She tried to understand him but he kept shoving her away. She chose to move one.

Until one day, he came back. He consoled her. She listened and kept him back. They were fine again. But the answer as to why they can't have a relationship is still there.

The special
friendship went on again. They kep seeing each other. They kept communicating and gone to dates. But in her mind, she kept asking why.

She finally had the courage to ask him. But before that was an intense scenario. They made love with each other. He expressed to him how he feels and she gave herself whole heartedly. After what happened to them, she had no regrets. She admitted, she loves him.

She asked her if he loved her. He answered the question as to why they couldn't be together.

"Now, I could never change you
I don't want to blame you.
Baby, you don't have to take the fall.
Yes, I may have hurt you, but I did not desert you.
Maybe I just want to have it all.

It makes a sound like thunder
it makes me feel like rain.
And like a fool who will never see the truth,
I keep thinking something's gonna change."


He already has a girlfriend. They've been together for eight years now and eh couldn't leave her because she was always trying to kill herself. He desired to be free. But he couldn't take it into his conscience that he will be happy and she will keep killing herself because he left her.

He wanted a peaceful exit. But he coudn't do it yet. He wanted to give this new girl a good start without having to look back. Without people trying to intrude their happy life together.

He just couldn't do it yet.

She just had to cry. She cried every night thinking about it. She wanted him so much. She loves him so much. She believes that no other man can ever take his place. It's just that why can't they be together.

She knew that he loves her too. But like before, all he ever says is move on. "Live your life outside this relationship. You're smart, you're pretty, you don't deserve to be treated this way."

She took his advice. But she couldn't deny that she loves him so much. She wanted him so much that she could kneel down in prayers all day just so they could be together.

But things had to fixed yet. And the only question is... is it still worthy to wait? ... when you're not sure of what you're waiting for?

.
.
.


Mega english ako.

Hindi pa naman dumudugo ang ilong ko.

Pero yun ang question.

I talked to some of my friends about it. Guy friends that is. They told me:

"It isn't all about love. Kahit mahal mo siya, kung gago naman ang pagtrato niya sayo. Walang sense. Simpleng relasyon, hindi niya maibigay. Anong sense na magstay ka?."

Another friend told me.

"Kung worthy maghintay, depende. Sometimes, Ok din ang maghintay. pero dapat alamin mo kung hanggang kelan ka lang maghihintay."

.
.
.

Kayo, ano sa palagay nyo?



- chagadelic gurl -





- Sometimes Love Just Aint Enough Mp3

Wednesday, November 24, 2010

Bangus, Polvoron at Chick'n Joy



Nagsindi na naman ako ng yosi.

Napayosi ako sa tindi ng usapan namin nina HG at VG (See The Curiosity of A Virgin).

Emotions ang labanan. Labasan na naman ng sama ng loob tungkol sa mga lalaki. This time iba na naman ang problema ni VG. Nakamove on na siya sa confusion niya kung papatulan pa ba niya ang ex niyang rocky road ang mukha. Ngayon naman, panay ang labas namin ng hinaing sa kung bakit na naman sila ganon. Bakit pag kampante na sila, nawawala na rin ang pagpapahalaga?

Nagyosi ulit ako. Sabay kuha ng Bangus at binuksan ito. Pinapak ko ang bawat piraso habang nagkukwento na naman si VG.

"Takot yun sakin kapag magkaharap kami. Pag sa text lang naman yun ganito eh. Nakakailang text ako sa isang araw. Ang gusto ko lang naman yung magreply siya kahit konti lang eh. Sabihan man lang ako ng 'Ingat ka', 'Kain ka na'.. o di kaya 'Miss you na'. Kaso nakakailang text ako sa maghapon, ni isa man lang walang reply." VG vented out.

"Tangna', napayosi talaga ko sa usapang toh ah. Bakit nga ba kasi sila ganyan? Kapag kampante na sila, wala na lang. Papabayaan ka na. God!" napayosi na naman ako.

"Eh kasi, ganun nga sila. Kapag kampante na sila, magiiba na ang focus ng mga yan. Kasi nandyan ka lang naman eh. Kaya minsan dapat ginagawa mo pa ring mysterious ang sarili mo." HG commented and continued "Eh kasi naman, wag ka agad bubukaka. LOL"

Natawa rin ako, "Eh kasi naman, bumigay ka din agad noh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa inyo. Dapat kasi hinayaan mo muna rin siyang mageffort."

Natawa na lang din si VG. Hindi ko alam kung nakikinig siya sa mga sinabi namin or nasasarapan na siya sa pagkain ng mga junk food na binili namin.

"Nagpunta na ba siya sa inyo", I asked her.

"Hindi pa." VG answered.

Nagsindi na rin ng yosi si HG.

"Alam mo kasi, parehas lang tayo ng problema. Magkaiba lang ng format. Ang problema mo, hindi nagpaparamdam sayo kahit makailang text ka. Ang problema ko, magkasama nga kami.. hindi naman ako pinapansin. Mas mahal pa niya yung part time job kesa sakin. Wala na siyang ibang binanggit kundi yung part time job. Yun lang daw ang makakapagpasaya sa kanya. Eh, hello? Wala ba 'ko dito? Duh? Kaasar!" Now I started venting out myself.

I continued, "Sino ba kasi nagimbento ng part time job??? Naiinis lang ako. All he ever thought about is getting that stupid part time job. He couldn't be thankful because I'm still here. He couldn't be thankful because at least, may regular siyang trabaho. He couldn't be thankful with the thought na meron siyang dadating na 13th month pay. At least meron diba? The fact na meron. Pero talagang dinadamdam niya lahat yung mga bagay na wala. Nakakainis na. Nakakasawa nang pakinggan. Paulit ulit na. Part time job.. Part time job.. Part time job.. God! Tapos sasabihin niya sakin pinagseselosan ko yung mga bagay na yun. No I don't. It's just that he's so much pre-occupied with those things. Pati yung desktop na gusto niyang iassemble, naiinis nako kasi yun talaga, pinagaaralan niya.. nireresearch pa niya at pag dumadating ako ng bahay, nagkalat ang mga papel tungkol pa rin lahat sa PC parts na gusto niyang buuin. Damn! Mabuti pa yung PC napagaralan niya. Samantalang yung samin, he couldn't even make an effort to date me at somehow, a place that would perfectly be romantic for both of us. Yung sakin, walang research research. Yung mga dates namin, biglaan lang..hindi man lang napagisipan. They spend so much time on thinking about other things samantalang ikaw, they just give you kung ano lang ang meron na diyan. Yung ibang bagay, mas mahalaga pa rin talaga at kailangang pinagaaralan masyado."

I asked HG, "Mali bako? Gusto ko lang ng attention and appreciation from him."

Tahimik lang si VG, then HG answered me. "Hindi."

"Bakit?" I asked again.

"Eh kasi nature nating mga babae yan eh. Yun ang hinahanap natin, na maalagaan. Kasi sa lalaki, tayo ang nawawala nilang tadyang. Tayo ang kakulangan nila sa pagkatao nila. Tayo bilang babae, nature natin na maramdaman at hanapin yung security. Tayo ang nawawala nilang tadyang, at Biblical yan ah. Galing pa sa misa." She answered me completely.

I laughed a bit. May point siya. Kaya siguro naghahanap kami ni VG ng security. Kaya siguro naghahanap kami na maramdaman yung feeling na inaalagaan kami.

I didn't know that.

"Sige, sasabihin ko pag nagkausap ulit kami." I said. "I'm definitely going to blog this."

"Uy, wag. Baka basahin ni boyfriend." VG warned me.

"So? It's my blog." I told her. "Tsaka para malaman ng jowa mong sira ulo. Yung sayo naman kasi, imagine, 3 days walang paramdam. Tapos ano? Asan siya? Nagagalit siya pag nakakawala ka. Pero pag ikaw, hindi ka pwedeng magalit? That is lame. How sure are you na nasa hospital lang yun at hindi nambababae? Sorry siya ng sorry eh wala namang nangyayari."

HG followed my comments, "Tsaka alam mo ang immature nang boyfriend mo. Walang ka-effort effort na pumunta sa inyo. Maganda ka naman, may trabaho ka pa. Maraming ibang lalaki jan. Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo dun eh andami dami mo pang mahahanap. Hindi mo mababago yang boyfriend mo. Binibigyan mo lang ang sarili mo ng problema. Sabi nga ni Papa Jack, nasa heaven ka dapat kapag nasa relasyon ka. Pero iba na yan kapag hell na."

Ginisa na naman namin si VG.

Tahimik lang siya.

"Magbreak na kayo nang boyfriend mo." HG advised her.

Bilang mabait na kaibigan, I followed her. "Oo nga, magbreak na kayo. Walang kwenta ang relasyon nyo'."

"One month pa lang kayo ganyan na kayo. Magbreak na kayo kasi naglolokohan lang kayo. Sa tuwing nawawala yang boyfriend mo naghahanap ka nang attensyon sa iba. Magbreak na kayo."

VG breathed deeply.

Hindi ko alam kung nakikinig ba talaga siya o nagigising na siya sa katotohanan.

I suggested something, "Alam mo, parehas lang tayo ng sitwasyon. Magkaiba lang ng format. Kaya ang gawin mo. Wag ka na lang magfocus dun. Gumimik na lang tayo at manlalaki."

They laughed a bit.

"Seryoso ko. Tara gumimik na lang tayo. Pabayaan natin yang mga lalaki na yan. At least naman, maiba man lang ang mundo natin. LOL" I said.

They liked my idea.

"Gawd! I just wish wala na lang talagang nagimbento ng part time job". I said.

"Hahahaha. Manlalaki na nga lang tayo." HG suggested.

"I know, right." I answered back.

We laughed out.



- chagadelic gurl -

Thursday, November 18, 2010

The Sun will Shine tomorrow


"Waking up to a new day is a gift, appreciate it and do
remember you are loved."


Early shift in the office.

Yes readers, nakabangon na po ang lola nyo' at may bago na ulit akong trabaho.

Actually, matagal na kong nagumpisa dito sa bago kong trabaho pero naging busy lang ako lately dahil sa dami ng responsibilities na ipinasan sakin. But however things ended up, I'm glad it happened and I'm happy that this is one way for me to finally achieve my goals.

Right now, the green pastures are already visible to me. Very much vibrant that I enjoy its colorful sceneries appearing into my eyes. In short, masaya nako. Masayang masaya nako talaga. And I would definitely have a long term relationship with my present job now. Thankful na rin ako that I lost the old one... very thankful.

Kung dati, nagmamaktol akong umaalis ng gabi sa bahay dahil gabing gabi na, papasok pako. Patulog na ang lahat, ako naliligo pa lang para magbihis at pumunta ng office. Ngayon, kasabay ko nang gumising ang lahat nang tao para magtrabaho. Kasabay ko na rin ang karamihan nang tao na umuuwi na kapag hapon na dahil tapos na ang araw nila. Nakakasabay ko na ring magdinner ang mga tao sa bahay namin at nakakatabi ko na rin sa pagtulog ang mga taong mahal ko.

Dati rati, nakikipagpatintero ako sa kasama kong hindi ko alam kung tao na tinubuan nang taba o taba na tinubuan nang tao. Habang nagaasam ako ng career growth, siya naman, nag-aasam na pabagsakin ang kumpanya. Araw araw akong nakikisama noon sa kanya. Kung minsan, hindi ko na lang siya pinapansin. Kaya lang, nahirapan akong iignore siya dahil wala akong ibang mapagtanungan. My boss wouldn't help me. Nobody else helps me. And what I had to do was to end up asking him at the end of the day. And if effin' suck.

Ngayon, I'm my own boss. I'm the one who can say yes or no if i'll hire people. I'm the one to judge if you're good enough or just trying to impress people. Damn it, I'm still thankful that he bullied me because if he didn't, I wouldn't realize that the company sucked. And I wouldn't get my present position.

Pero sa ngayon, di ko na muna ikukwento kung ano ang nature nang trabaho ko. Saka na siguro pag may bago nakong reklamo. LOL.

Seriously, today when I woke up. I'm just thankful.

Thankful for everything that happened to me. Thankful for all the hardships and the bad hair days. Thankful for all the people who have done wrong to me. Thankful for all the people who have been there with me all throughout the times of my grievances. And a lot more things to be thankful... whether good or bad.

Today is a brand new day. I might not have a working cellphone, a Mac laptop, or an iPad, but i'm still thankful, happy and contented with my own life.

How bout you? Despite of the bad things around you, have you thought of something to be thankful? ... at least today?



- chagadelic gurl -

Thursday, October 14, 2010

When I Started Not Caring

"Besides being happier, you'll do a better job if you're working at a job you love, or at least like." - Alison Doyle. About.com


After the Big aannouncement from my boss, naging iba na ang pagtingin ko sa trabaho ko ngayon. And yep, I'm talking about my job again.

I'd like everybody to know na nag-resign na po ako.

I know. I know. May maririnig na naman akong "Na naman??"

Tatawanan ko na lang ang mga reaction nyo'. Narealize ko kasi, it's not worth it. This is not worth it. After all the hardships and the bad things I've heard about the people I've been working with, hindi mababayaran ng pera yung bad experience na nakuha ko sa job na toh'. I cannot allow this job to ruin even my self esteem now.

I've just rendered like 5 days for me to stay with the company. Just until I get my last salary this 15th. Hindi ko na kasi kaya eh. Even right now that I sit on my desk, doing nothing and my boss keeps telling me to go to work even if I have no more job to work at, I just couldn't seem to take it anymore.

Ever since I submitted that resignation letter, I couldn't care much on the company anymore. Or the people or the work. It felt like there's no sense to do my job at my best efforts since I'll be leaving in a few days anyway. I felt like... I just don't care anymore. I just want to get the hell out of this company and start a new career... the one I really wanted.

I asked VG if she felt the same thing (She was informed that her absorption as a Staff Nurse in the hospital would take effect not until January next year). She answered me with a Yes.

Ganun daw talaga. Kapag paalis ka na, you just don't care if you lose a good stat with your remaining days. You just couldn't do your best with your last days because you're leaving anyway.

And now, I hated being here. I just wanna go home and start a new life. Probably erase the memory of a such a bad experience from the company which I thought would boost my career in no time.

Well, it's almost my end shift. I'll have two more remaining days then.

Looking forward to my last day.



- chagadelic gurl -

Thursday, October 7, 2010

For the Greener Pastures




Dear Readers,


Sa unang pagkakataon, isusulat ko ang tungkol sa isang parte ng magulo kong buhay. Isusulat ko ngayon ang saloobin kong hindi naririnig ninuman. Bilang isang manunulat, bilang isang tagabasa, bilang isang empleyado, bilang isang karelasyon, bilang isang kaibigan, bilang isang kapamilya, bilanng isang ina at sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako... isasalaysay ko ang mga bagay bagay sa isip kong ngayon nyo' lang makikita sa blog na ito.

Ito na siguro ang pinakamadrama and pinakamalungkot na isusulat ko dito.
Ito na siguro ang isa sa mga blog ko na bumubuhos ang luha at pasakit sa damdamin ko.
Ito na siguro ang hinahanapan ko ng solusyong hindi ko mahanap hanap.
Ito... Ako.

Bilang isang manunulat:

Mahal ko ang blog ko. Kung meron akong lugar na pwedeng takbuhan kung hindi ako masaya, o kung saksakan ako ng saya o kung may inaasam ako... ito ang unang nakakaalam. Kung wala man akong access sa computer, o kung malayo man ako sa kabihasnan ng mga keyboard, kapitbisig ko lagi ang mahiwaga kong Journal. Narito ang lahat ng ako at nang hindi ako sa labas ng bahay namin. Narito ang mga ideya ko na kami lang ng isinusulat ko ang nakakaintindi. Kung sa malayo ay mula akong manequin. Dito, isa akong gumagalaw na estatwa. Dito ko nasasabi ang hindi ko masabi sa iba. Dito ko inilalabas ang hindi maintindihan ng iba. At nilalaman ng blog na ito or ng Journal ko at Ako... tungkol sakin, tungkol sa mga taong malapit sa puso ko.

Bilang isang tagabasa:

Marunong akong maka-appreciate ng opinyon ng iba. Marunong akong makatanggap ng mga ideas, criticism at sarcasm. Marunong akong makaintindi sa paniniwala ng iba at humahanga ako sa mga taong may reasonable na paninindigan. Humahanga din ako sa mga taong merong mga matinding paniniwala sa Diyos. Yun bang tipong kahit batuhin mo sila ng paulit ulit, kahit pagpira-pirasuhin mo ang mga katawan nila... patuloy silang naniniwala na may Diyos, may Langit, may Impyerno, may mga Anghel at pag dating ng mundo ay muling bababa si Jesus para salain ang mga nagkukunwari, ang mga masasama at ang mga may karapatan. Humahanga din ako sa mga taong ang mindset ay "Mind-Your-Own-Business".. in Tagalog, Walang pakialaman. Humahanga ako sa mga taong ganito magisip dahil marunong silang rumespeto kung hanggang saan ang bounds na pwede nila pasukin sa buhay ng isang tao. At sa ganun pang paraan, alam din nila sa mga sarili nila na kailangan nila ng sariling privacy tungkol sa kanilang mga buhay.

Bilang isang empleyado:

Sa ngayon, nahihirapan ako bilang isang empleyado. Hindi lang trabaho ang pinakikisamahan ko. Pati rin ang mga taong hindi ko makatagpo ang kaisipan, ang schedule na hindi ko alam kung anong official, ang management na paliko liko ang sistema at ang opisinang paiba iba ng location. Noon, sa dati kong trabaho, maliit na sweldo lang ang problema ko. Ngayon, problema ko ang lahat. At sa pangalawang pagkakataon, sa mabilis na panahong dapat ay naeexcite pa lang ako ay nawalan nako ng gana. Hindi ako ang pinakamagaling na empleyado sa opisina namin at wala akong karapatang magdemand ng kahit ano. Tama ang kasama ko sa trabaho, wala akong mapatunayan. Hindi ko ibinibigay ang dapat kong ibigay. Tama nga siguro ang katrabaho ko na isiping may pagka-tanga ako. Inaamin ko. Sinadya ko. Dahil umpisa pa lang, nawalan nako ng gana. Magulo ang sistema. Walang guidelines at boundaries. Unang araw ko pa lang, gusto ko nang magback-out. Kung hindi nga lang ba umaasa sakin at nanay kong biyuda na, ang mga kapatid kong sabay sa kolehiyo at ang batang magdadalawang taon pa lang, agad ko na sanang binitawan ang trabahong ito. Ngunit dahil hindi ako pwedeng mabakante, kinuha ko na agad kung sino ang mas may mataas na offer. Mali ko lang, nagkamali ako ng pinili. Simula nung nagumpisa ako dito, araw araw kong tinatanong sa sarili kong kung ano kaya ang lagay ko ngayon kung mas pinili ko yung iba pang naghihintay? Kaya siguro, sa katrabaho kong tingin sakin ay walang pakinabang, siguro nga tama siya. But his opinion would never matter in anyway. This is me outside the office. And to my previous supervisors, to Shyder, to my kid, to my friends, I am incomparable and precious and I can do more what I show to his shallow thinking.

Bilang isang karelasyon:

Hindi ako perpektong tao. Mataray ako. Perfectionist. At demanding sa quality time. Gusto ko, kung ano ang ibinibigay ko, yun ang nakukuha ko. Selfish nga na matatawag. Pero alam kong sa puntong toh, ako pa rin ang may mali. You cannot expect anybody to be perfect. You cannot expect any good guy to just spend all of his time with you if he's got work to do or a family outing that his presence is needed unless all he cares about is to F***. Sa puntong ito, gusto kong magpasalamat kay Shyder sa patuloy na pagsuporta sa lahat ng bagay na nagagawa kong tama at pagtatama sa lahat ng bagay na nagagawa kong mali. Hanga ako sa determinasyon ni Shyder na mapapaniwala ako na kailangan ng opisyal na relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Malamang, kung wala si Shyder sa mga oras na hindi ko kinekeri ang sitwasyon sa labas ng personal kong buhay, nauwi siguro ako sa pagtakbo sa mga bagay na dapat kong harapin. At totoo, ang isang taong espesyal sayo.. minsan, hindi lang para may ka-HHWW ka sa mall or may katext ka sa hating gabi. That person is meant to be a part of you in the future. That person might be the other person whom you'll spend the rest of your life with making decisions and walking through the laughters and hardships of life. So, Thank you Shyder.

Bilang isang kaibigan:

Inspirasyon ko ang mga kaibigan ko. Hindi siguro mabubuo ang blog na ito kung hindi rin dahil sa mga kwento nila at sa mga kakaibang mga pangyayari sa mga buhay namin na hindi kayang tumbasan ng iba. Mula PreSchool hanggang High School. Mula High School hanggang College. At ngayong pare pareho na kaming may mga trabaho at ang iba samin, may pamilya na... ito siguro ang masasabi kong pinakamatatag na friendship na nakita ko. Pero gaya ng tagline sa itaas, hindi naman dito natatapos toh. Ano pa bang susunod? Marami pa. At isa sa mga pinagdadasal ko: yung tipong kahit fifty years old nako, nagsusulat pa rin ako dito. Kung saan napunta ang friendship na nagsimula habang pare-parehas pa lang kaming umiihi sa kama.

Bilang isang kapamilya:

Wala akong ipon sa bangko. Wala pakong naipupundar na bahay, lupa, kotse o bagong cellphone. My job sucks. I suck at my job. Marami akong mga opportunities na pinalagpas na kung sana lang eh yun ang pinili ko, hindi sana ako malulugmok sa pagtitiis sa bagay na ayokong gawin. At kung minsan, sa umaga, gusto ko lang gumising, makipaglaro sa aking munting anghel at magkaron ng endless na usapan with my mom. Kahit ganito ako kawalang purpose sa mundo, masasabi kong sila ang number one na kayamanang meron ako. Kahit siguro hindi ko mabalikan ang pagsusulat sa dyaryo. O ang pangarap kong mapasama sa Cannes Film Fest, basta meron ako nito... mayaman nako. Hindi ko maipagpapalit ang walang hangganang pagpapasensya ng mom ko sakin. Na kahit anong kwento ko, pakikinggan niya. Hindi ko rin maipagpapalit ang relasyon naming magkakapatid na kahit minsan may differences, andyan pa rin ang kulitan at ang madalas na pangungumbinsi nilang bumili ako ng "Chooks to go" every sweldo. Hindi ako magaling sa maraming bagay, pero sa pamilya ko, pakiramdam ko kaya kong gawin ang maraming bagay.

Bilang isang ina:

Ito siguro ang isang bagay na maipagmamalaki ko pa sa mundo. Na magkaron ng sarili kong munting anghel na tila biniyayaan ng halos lahat ng gifts sa mundo. Sa edad na magdadalawang taon, halos lahat na ng improvements na sa kanya na. She can dance. She can sing. She's starting to familiarize herself with the numbers and She now knows how to identify a lot of things. I'm so blessed to have her with me. Kaya tuwing makakakita ako ng balita tungkol sa mga batang inabort o iniwan ng mga magulang nila sa basurahan, hindi ko maiwasang hindi mainis. Kahit hindi mo ginusto ang bata, wala kang karapatan at any cost na patayin ang buhay na binigay ng Diyos. Kung makakapagsalita lang ang mga batang inabort, sasabihin din nila sayong "Sana hindi na lang ikaw ang naging nanay ko." Kaya para saking munting anghel, sabihan na nila akong walang kwenta o walang pakinabang, to her, she'd never want to see me go. She would constantly tell me how much she loves me kahit medyo bulol pa. And with the littel efforts, I totally appreciate that.

At sa lahat lahat pa ng role na pwedeng maging ako:

Narealize ko lang, masyadong maganda ang buhay para i-stuck ang sarili ko sa mga bagay na nagdudulot lang sakin ng pasakit. Sabi nga ni Shyder, "If you are in a Shit, then dig yourself out of that shit." Hindi makatutulong sakin kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa bagay na hindi ko na kayang ituloy. Lalo na kung dito mo unang nararanasan ang mga bagay na hindi mo naman maririnig sa mga taong mas kilala ka. I guess that's the point. They don't know you. That's why they have the guts to judge you as if your someone that's needed to be crushed finely. Imbes na maging parte lang lahat ng kung ano dapat ang ginagawa nyo lang. Nagiging personal na masyado ang lahat. At hindi na ito nararapat. May hangganan ang lahat. At gaya nga ng sabi ni Shyder, marami lagi akong options. Kailangan ko lang harapin ang katotohanang ayoko na.

.
.
.

Alam kong parang Last Will and Testament ang pagkakabuo ng blog ko. Kaya lang, after kong after kong isulat ang lahat, unti unti ko nang nakikita ang Greener Pastures. Parang kahit alam kong masasaktan ako sa ilang moves na gagawin ko, itong mga bagay na toh' naman ang magpapalaya sa akin.

Hindi dito nagtatapos ang pagsusulat ko at ang pakikinig sa mga kwento mo.

Patuloy kong isusulat ang gusto ko. Patuloy kong sasabihin ang nasa isip ko. Kung ayaw mong makinig sa tinig ng isip ko, bakit mo toh binabasa?

Ito ang "The Chag Blog". Likha ni:



- chagadelic gurl -

Sunday, September 26, 2010

The Regina George in Me


"Do your job well and do it well. The workplace bully wants you to fail and when you don't he or she will be defeated."
- Dawn Rosenberg McKay, About.com

Kung may isa akong pinaka-ayaw na tao sa mundo, eto yun. Yung mga taong walang ibang alam gawin kundi pagtripan ka. At sa hindi mo malamang dahilan, bakit ikaw.. ikaw lang ang trip niyang "pagtripan".

Dati, nagwork ako sa isang department store nung teenager pako dahil hindi ako sanay ng walang ginagawa. Inaasahan ko na dati na possibleng may hindi ka makasundo sa workplace mo. Hindi ko lang inaasahan na makaka-encounter ako ng mga taong hindi mo maintindihan kung bakit parang lagi siyang may dalaw.

Ikaw lang lagi pinagtitripan niyang pagalitan.
Parang lahat ng gawin mo, mali sa paningin niya.
Hindi mo rin maintindihan kung bakit imbyernang imbyerna siya sayo, na alam mo namang wala kang ginagawa sa kanya.
At maraming marami pa....

Nagkaron kami dati ng "close encounter". Dahil trabaho yun, ginawa ko lang ang trabaho ko. Narito ang eksena:

Bully Officemate: San ka galing? Di' ba bawal kayong umalis sa lugar nyo'?

Ako: Kumuha lang ako ng supplies kasi ubos na dito. Kanina pa kami tumatawag ng maghahatid ng supplies wala namang dumadating.

Bully Officemate: Hindi kayo pwedeng umalis sa lugar nyo. Tawag kayo ng tawag. Ang kukulit nyo'.

Ako: Wala ngang dumadating eh. Wala kaming gagamiting supplies kung hindi ako aalis sa lugar ko.

Bully Officemate: Yada yada yada yada yada.. (Hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nya.) Yan na mga supplies mo. (Kinuha ko ang mga supplies at hindi ko siya pinapansin) Sigh! Hay nako. (Umalis siya ng lugar namin at sa tono ng boses nya, alam kong nabwisit siya sakin).

Eto lang masasabi ko, nung oras na yun, somehow happy ako. She deserved it.

At hindi sa pagmamayabang, parehas kami ng estado noon.. ngayon napadaan ako sa department store na yun... andun pa din siya. Same position I believe, habang ako.. lumevel up na. (At ayokong magyabang kasi baka maubusan ako ng mambabasa. LOL)

Pero, I would say. It should not be the suggested act on how you deal with these kind of people.
Sabihin na nating insikyora sila but the thing is, you both are in the workplace. Kung personalin niya man ang ginagawa mong trabaho lang. Problema niya yun. There is a thin line between your personal life and your working life. Lagi ko tong naririnig: Iwanan mo ang bagahe mo sa bahay nyo'. You better know how to separate both lalo na sa mga taong ganito.

Today, even in my corporate work, I still experience people bullying me. Which means, may mga tao talagang mahilig mantrip.. kahit saan.. kahit ano pang posisyon mo sa trabaho.

I asked Shyder before kung nararanasan nya yung mga ganitong tao knowing that he loves his work and he's getting along well with his guy officemates. And guess what, he answered me with a YES, that even though magkakasundo sila ng karamihan sa department nila, may isang tao na hindi rin niya maintindihan kung bakit iba siya pakisamahan.

His advice? Ignore them and do your job.

.
.
.

Pero, aaminin ko. Sa mga ganitong pagkakataon talaga.. lumalabas ang pagka-Regina George ko. At hindi ko maiwasang magpa-api. Hindi ako sanay. I find these people very unprofessional and I cannot accept that somebody's gonna ruin my day just because she's feeling like doing it.

Gusto ko siyang ilublob sa putikan at ipapulot ang bracelet ko gamit ang bibig nya'.
Gusto ko siyang iharang sa dartboard habang patuloy kong pinipilit tamaan ang bull's eye.
Gusto ko siyang ipahiya sa harap ng boss namin.
Gusto ko siyang barahin ng paulit ulit.
Gusto ko siyang hanapan siya ng mali para ipamukha sa kanya na mali siyang ng pinagtitripan.
Gusto ko siyang bigyan nang chocolate mousse na may kasamang lason ng daga.
etc... etc... etc...

Sheesh. Epekto na naman toh ng Sleepasil. Hahahaha



- chagadelic gurl -


Friday, September 17, 2010

Bakit kami SINGLE?


"Sometimes you have to stand alone to prove that you can still stand."- Anonymous


Maraming kumakalat na quotes sa Facebook.

Isa na nga yung photo sa taas sa mga nahanap ko. Dahil diyan, naalala ko si HG (Hottie Gurl. See "The Curiosity of a Virgin").

Naalala ko siya. At naalala ko kung bakit nga ba kami SINGLE.

Si HG, panay ang textmates. Panay ang kakakolekta ng boys sa workplace, sa chatroom at minsan sa paligid ligid lang. Pero kung tatanungin mo siya kung may nakarelasyon siya lately, proud niyang sasabihin sayong WALA. Bakit? May hinihintay siya. Pero at the same time, she is enjoying the benefits of a happy single life.
.
.
.
Which I also do. LOL.

Bakit nga ba kami SINGLE?.. kahit naman may mga lalaki sa paligid namin? Bakit may mga taong ganito ang pinipili? Bakit may mga taong tumatanda nang walang asawa o walang karelasyon? Worst case, NBSB...

Sa obserbasyon ko, minsan kasi, ang relasyon, sa halip na maging dahilan ng kasiyahan mo, yun pa ang nagiging dahilan ng pagguho ng mundo mo. Hindi dahil babaero siya o dahil sa ipinagpalit ka niya sa kakambal ni Inday. Minsan kasi, may mga relasyong hindi magwork at mas magandang hayaan mo na lang na wala kayong commitment. Dahil kung sakaling mang hindi magtagal ang lahat, at least, walang attachment. Wala kang sasabihan ng "Break na tayo!", dahil hindi naman kayo.

Eto ang katwiran namin ni HG. Kung may iba pang dahilan kung bakit single ang ibang tao, hindi ko alam. Pero sa totoo lang, minsan kasi.. ang sarap lang talagang mapagisa.

Isang gabi. Dumaan si HG sa bahay habang bisita ko si Shyder. Magpapalipas lang daw siya ng oras dahil may "Midnight date" sila ng jowa jowa-an niyang tawagin natin sa pangalang Jejeguy...

9PM. Kwentuhan. Iniwan ko muna si Shyder sa living room. Nakatulugan niya ang pakikipagkwentuhan ko kay HG.

10PM. Dumating ang isa naming kaibigan. Kwentuhan ulit. Tulog pa rin si Shyder sa living room namin.

11PM. Umuwi na ang kaibigan namin. Kwentuhan pa rin kami ni HG. Nagsimula na siyang magdrama.

12PM. Panay na ang text niya kay Jejeguy. Kung hindi walang response, puro excuse kung tuloy o hindi ang lakad nila.

1AM. Todo drama na si HG. Sa kabila kasi ng pagtakas niya sa bahay nila, at paghihintayng mahigit apat na oras, sasabihan lang siya ni Jejeguy na 'Matulog ka na.'

2AM. Gising na si Shyder. Sa dinami dami ng sumbatan at dramahan ni HG at Jejeguy, natuloy din naman ang midnight date nila... sa McDonald's. Hinatid namin siya ni Shyder para i-meet si Jejeguy. After nun, movie marathon na kami ni Shyder sa usapang natuloy nang 2AM na dapat ay 10PM nang nakaraang gabi.

.
.
.

Nung gabi na yun, kasama sa mga dramahan namin ni HG ay kung bakit ganyan silang mga lalaki... Bakit ang hilig hilig nilang magexcuse? Bakit andami dami pa nilang sinasabi? Bakit hindi na lang sabihin ng diretso kung ano ang gusto talaga nilang mangyari? Bakit sa dinami dami nang nangyari, sasabihan ka lang nila ng 'Tama na, andito na nga ako eh. Ano bang kinagagalit mo?'... At ikaw naman babae, konting sorry lang.. Ok na ulit.

Matapos ang gabing yun, nagkita ulit kami ni HG kinabukasan. At sa kabila ng galit ni HG nang nakaraang gabi, napawi rin naman ito nang pagbigyan siya ni Jejeguy na makapagusap sila. Tapos na ang dramahan. Balik ulit sa dati. Parang walang nangyari.

Ano ang conclusion kung bakit kami SINGLE?

Kasi, mahirap ang commitment kung minsan. Ipagmamalaki mong kayo na. Ipopost mo sa Facebook ang mga photos nyo'. Ipagmamayabang mo sa mundo na mahal na mahal nyo' ang isa't isa sa pamamagitan ng paulit ulit na pagcocomment sa mga status nyo'. Ipapakilala mo sa pamilya, kaibigan, kaklase, katrabaho, kapatid ng nanay ng tiyuhin ng pinsan ng barkada ng katrabaho mo. At kapag may gusot kayo, apektado lahat..alam nang lahat at halatang halata sa mga accounts nyo'. Masyadong maraming publicity ang relasyon. Masyado ring maraming makakaalam kapag nasaktan ka. Bakit kailangan gawing kumplikado ang lahat kung sa huli naman, either itutuloy nyo' sa kasalan ang patagong relasyon ninyo o magkakalimutan lang din naman kayo.

Kaya sa halip na ipangalandakan namin ang mga sarili namin na may mga special na tao sa buhay namin, ipinapanatili na lang namin ito sa mga sarili namin. Kung anuman ang mangyari, hindi nila alam.. hindi ganun kahalata at walang masyadong magrereact.

I know, it obviously sounds na ineexpect namin ni HG na magkakaroon lang ng problema ang relasyon. Which is true, and no one will ever be exempted sa mga issues basta may ibang tao kang pinapaasok sa buhay mo. Sa madaling salita, play safe lang kami. Magwork man o hindi, secured ang mga sarili namin. Para kaming mga computer, in case na walang antivirus at mapasukan ng Trojan, handa na ang mga back up files at handa na rin kaming magreformat anytime.

Sa totoo lang, wala naman talagang masama kung SINGLE ang isang tao.
May mga taong pinipili ito.
May mga taong gusto ng katahimikan.
At may mga taong naniniwalang hindi kailangan ng public status ng relasyon... kami yun. LOL.

.
.
.

At hindi ko alam kung may sense ang blog ko ngayon o dahil lang ba ito sa tatlong Sleepasil na nainom ko kagabi. LOL



- chagadelic gurl -

Friday, September 3, 2010

The Ex-Factor


"It amazes me so that we enter a relationship whole and leave it only a half."


Dear Chag Gurl,

Hi, I've been a fan of your blog ever since you started doing work articles this year. I love your thoughts about work and about how to deal with common situations in the workplace. That's why, I would like to get your opinion and advice on this situation that I've gotten myself into.
Here's the story:

Way back in College, I met this guy James whom I go to the same class. Hindi ko siya type, as in hindi talaga! With all the get up and the looks, wala siya sa list ng dream guys ko. We started out as friends lang, with me not thinking about having any type of thing going on for him. Pero yun pala, he likes me pala. And because I'm the only single girl in my circle of friends. I had to go along with his "playing game thingie".. So, naging kami. The game lasted for about 3 to 4 months then we both realized that we both wanted to pursue the relationship to a more serious one. So tinuloy namin yung dating laro lang into something serious na akala ko, will lead to a happy ending. Yun lang, so much for the seriousness na nauwi kami sa intense na relationship. It's like we make love the first hour, fight the next hour, make love again, hurt each other, make love again then fight again... as in sobrang magulo. What made the case more complicated was that I got pregnant. Ok sa umpisa, sabi niya, let's keep the kid. So we waited 9 months for me to give birth to our baby boy and then I thought he'll be staying with for good na. We decided to live together but unfortunately, It did not work out. He comes in very late at night. He keeps his cellphone away from me. Hindi siya nagpapaalam o nagsasabi kung saan siya pupunta or anong oras siya uuwi, parang walang pakelamanan. But take note of this: we still have sex every night he comes home. Until one night, I got to check what he's really upto so while he's at the shower, chi-neck ko yung cellphone niya and there I found it... kaya pala hindi siya minsan umuuwi, or late siyang dumadating at parang iwas siya na makita ko phone niya is because may iba na pala siyang babae.. and what hurts more is that nalaman ko sa mga texts nila na nagli-live in na rin pala sila. So i confronted him, he just denied everything and he got so mad that he walked out and totally left the house, buti na lang, our kid wasn't with us kasi dun siya nagsstay in sa house ng parents ko. After that argument, he NEVER came back.. he NEVER showed up to me or to our kid.. or even to my parents. I got so hurt that I decided na hindi ako maghahabol sa kanya or sa kanila ng pera. After 2 years, I got myself to move on. I am raising the kid on my own and now works as a call center agent in Mandaluyong. One time when I was at Trinoma I noticed someone who looked so familiar as I passed by a store. I was so shocked to see James and yung girl na pinalit niya sakin, and guess what, she's pregnant! I think about 6 to 7 months. I got so upset that day na kailangan ko pa silang makita so agad agad akong umalis ng mall. And another thing, I can't explain it but I have this feeling going on na parang gusto ko pa rin siyang balikan. I know I never did liked him or loved him that much before, pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong magpaganda everyday para makita niyang magandang maganda ako...kesa sa pinalit niya. Minsan kasi naiisip ko pa rin na kahit papano' minahal ko naman din siya. Btw, may present na nga pala akong boyfriend ngayon and we also live together. He accepts my son and he accepts me as well being a single mom. We both work in the call center where I'm working. Hope I can get your opinion about this. Thanks a lot! Love your blog!

From,

babytweets0208

================================

Dearest babytweets0208,

Maraming salamat sa pagtangkilik sa blog kong ito. Hindi ko sukat akalain na meron na pala talagang kong mga mambabasa at hindi ako nagiilusyon lang. LOL.

Pero, isa rin sa hindi ko inaasahan na first time kong magbibigay ng advice sa blog ko, medyo ganito pa kaintense yung sitwasyon. Parang habang binabasa ko pa lang yung situation mo, parang nasasabi ko sa sarili kong hindi ata ako ang akmang tao na dapat magbigay sayo ng advice. LOL. Parang feeling ko, masyado akong walang experience at knowledge para magbigay sayo ng advice sa mga ganitong sitwasyon. Pero dahil ako ang napili mo, Ok sige.. ihanda mo na ang Decaf Hot Caramel Macchiato ko at uumpisahan ko na ang paglilitanya.

Kagabi, habang binabasa ko ang email mo, panay ang lunok ko habang ginagawan ko ng runthrough ang bawat sentences ng letter mo. Sobrang familiar ng story, parang narinig ko lang kahapon.

As I remember, you mentioned: "I can't explain it but I have this feeling going on na parang gusto ko pa rin siyang balikan. I know I never did liked him or loved him that much before, pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong magpaganda everyday para makita niyang magandang maganda ako...kesa sa pinalit niya.
Minsan kasi naiisip ko pa rin na kahit papano' minahal ko naman din siya. "

Funny. Sinabi ko rin yan dati except sa part na gusto ko siyang balikan. At masasabi kong normal na reaction yan nang isang babaeng nasaktan at niloko ng lalaking hindi naman talaga worthy.. hindi kamukha ni Akihiro Sato at hindi kasing galing ni Chris Tiu. Lalo na at makikita mo sila ulit na parang feeling mo, they don't deserve a happy ending and yet there they are, kasama ang ipinalit niya sayo at ang saya saya pa nila.. Ouch!

Pride yan gurl. Kasi niloko ka. Gusto mong patunayan na wala nang mas hihigit pa sayo at syempre mas special ka sa ipinalit niya sayo'. Which is.. nararamdaman naman nang lahat ng mga ex-es na ipinagpalit .."Ako ang mas better". ~ Yan ang madalas nilang litanya.

Medyo nabother lang ako dun sa part na gusto mo pa rin siyang balikan. Well, here's the case, he cheated on you and yung feeling na gusto mo siyang balikan ay dahil nga lang sa gusto mong ipamukha sa kanyang "Es-tu-pi-do" siya dahil ipinagpalit ka niya. I would bet, kung sakali mang makakaharap mo siya ulit, hindi make love ang gusto mo talagang gawin... kundi iumpog ang ulo niya sa pader ng tatlong libong beses, isubsob siya sa putikan ng limang daang beses at tapak tapakan ang likod niya ng anim na libong beses.. dahil ginago ka niya. At wala pa siyang consideration sa tagal ng pinagsamahan nyo'... lalong lalo na sa anak nyo'.

I guess the best thing that you could do is to just totally move on.. be happy that someone else is loving you now and accepting you kahit na may mga imperfections ka. Also, despite of the hatred sa Ex mo, try to be happy na lang for him.. at least, you did not ended up with him. Think about it na lang.. what life would he give you kung nagkatuluyan pa kayo eh may ganyang ugali naman pala siya? And we both know, being together is not just all about sex.. it's about companionship.. compromise.. and love.

But I do admire your strength on moving on the first time and still doing so even today. It's good to know that you did not gave up that someone else will be there to love you.. even if he dumped you.

Focus on your new life. Focus on your new career. Focus on your new relationship.
Let him go. Who needs a trash anyway?



- chagadelic gurl -

Thursday, September 2, 2010

Emo Mode

Hindi ako ma-Emo-ng tao.

Hindi rin naman ako bitter.

Pero natuwa lang ako nang makita ko ang mga toh' sa isang page sa Facebook (At hindi naman masyadong halata na mahilig akong magFacebook).

Tamaan na kung sinong tatamaan. LOL



















Natatawa lang ako kapag nakikita ko ang mga toh'. Pero talagang ngayon mo masasabi, maraming tao ngayon ang nag-eEmo... LOL.


- chagadelic gurl -

Thursday, August 26, 2010

The Curiosity of A Virgin


"Curiosity is the lust of the mind. "
- Thomas Hobbes



Cast:

Ako
(VG) Virgin Gurl - isa sa mga tropang Chag na hanggang ngayon ay virgin pa rin.
(HG) Hottie Gurl
- isa sa mga tropang Chag na timid lang pero bonggang bongga sa dami ng alam.
RR - "RR" as in "Rocky Road"; Ang ex ni Virgin Gurl


Sumipsip ako ng konti sa Pepsi sabay subo ng Nova chips habang panay ang pagsesermon at pangungulit kay Virgin Gurl.

"Ano na namang kagagahan toh?" tanong ko kay Virgin Gurl.

"Ewan ko jan sa kaibigan mo. Ikaw na nga magtanong." Hottie Gurl stated as she took a sip of her own Pepsi drink.

"O, ano bang nangyari?" I asked Virgin Gurl one more time.

Nahihiya na natatawang nag-expplain si Virgin Gurl. "Kasi si RR, niyaya ako one time. Ang text sakin, wala daw tao sa bahay nila. Siya lang daw mag-isa tapos natatakot daw siya kasi bukas pa uuwi yung mga tao sa bahay nila. Sabi niya susunduin daw niya ko sa Compex."

"O tapos?" tanong ni HG.

"Tapos nakapunta naman kami sa bahay nila. Ibang iba na yung bahay nila. Ang laki ng pinagbago." kwento pa ni VG.

"O, anong ginawa nyo?" ako naman ang nagtanong.

"Kasi nung una, usap usap lang. Tapos dapat manonood kami ng TV, kaso nauwi lang din sa kwentuhan. Usap usap tungkol sa mga buhay buhay. Tapos nagulat na lang ako. Bigla niyang hinalikan. Grabe siya, yung parang gigil na gigil. Parang halimaw kung makasugod."

"Gaga! Talagang ganun, manyak eh." I commented.

She continued, "Tapos maya maya sabi niya... 'Wag tayo dito'. Hinila niya ko sa kwarto niya. Grabe, ang ganda pala ng kwarto ni RR. Tapos."

She hesitated to continue. Tawa lang siya ng tawa. "Nahihiya ako." she said.

"Gaga! Wag ka na ngang mahiya samin. Hindi naman na tayo 13 years old para hindi malaman yang mga ganyang bagay. Tsaka alam mo, sanay na sanay na kami sa mga eksenang ganyan." I explained to her sabay hithit naman ng yosi ko.

She laughed a bit and still hesitated to continue. So I started asking to complete the story.

"Hinubaran mo ba?"" I asked.

"Hindi." VG answered.

"Naghubad siya sa harap mo?". I asked a different question.

"Oo." VG answered again.

Na-excite naman si HG so she asked, "Anong size? Malaki ba? Dakota? Mahaba?"

"Malaki. Mga isang palad ang haba. Ganito oh." VG demonstrated the size and circumference na possibleng sumusukat ng 6 to 7 inches.

I interrupted. "O tapos ano nang nangyari?"

VG then continued, "Tapos nung nandun na kami sa kama, pinapaliguan niya ko ng laway. Hawak hawak sa kung saan saan. Tapos siya hinahawakan ko din. Hinubaran na rin niya ko nang pantaas."

"Buti hindi siya nanlumo sa nakita niya noh? VG asan ang boobs mo? Hindi ko makita?? Hahahaha." pagbibiro ni HG. "Ay ano toh? Namaga lang? hahahaha."

The three of us laughed. But again, VG continued.

"Tapos nung huhubaran na sana niya ko sa pambaba, sabi ko sa kanya... 'Oops, meron ako.' Tapos tinigil niya. Sabi naman niya sakin, 'Nabibitin ako"."

"Anong ginawa mo? B-ni-J mo?" HG asked.

"Hindi ah. Hinawakan ko lang. Matagal siyang labasan eh." VG answered.

"Hindi ako naniniwala. Ganyan yan eh, sasabihin niyang hindi. Pero yun pala, ginawa niya din." HG said.

"Sige na nga aaminin ko na. Oo may ginawa ako." inamin din ni VG.

"Pero may nangyari sa inyo?" I asked her.

"Wala. Buti na lang meron ako. Saved by the bell talaga yung period ko." VG answered.

Out of nowhere, biglaan may nagtext kay VG. Kasalukuyan pa rin kaming nagkukwentuhan tungkol sa experience ni VG pero nagulat kami nang malaman kung sino ang nagtext. At wala na ngang iba kundi ang ex-boyfriend ni VG, si Rocky Road..

According to VG, this is what he said. "Hindi ko makalimutan yung nangyari satin. Gusto ko sanang maulit."

Muntik na kaming magwala ni HG sa labas ng bahay nina VG. Demmet! That guy will not be contented hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.

"Alam mo, yan ang di ko magets sayo. Obvious na obvious naman na yan lang ang worth sayo ni RR, ewan ko ba naman kung bakit hindi mo makita yun. Tapos hindi ko rin magets sayo kung bakit ba naman nagtitiis ka sa kanya. Gusto mo na ba talagang makaranas ng sex?" I asked her in a bit annoyed tone.

"Ang problema kasi ni VG, sa tingin niya kapag binigay niya lahat, mababago niya yung tingin ni RR sa kanya. Which is hindi naman talaga. Gusto kasi niya magbago si RR." HG commented as well.

Natatawang napapahiya lang si VG. At the same time asar na asar din naman siya kasi hindi niya alam ang sasabihin sa Ex niyang obvious naman ang gusto lang sa kanya.

"Alam mo, kung hahalayin ka ni Ernest(isa rin sa mga tropang Chag), mas matutuwa pa kami eh. pag siguro may nangyari sa inyo, magpapafiesta kami. Magpapainom kami. Kasi at least u gave your virginity to someone who's worth it. At least a decent guy. Kesa diyan sa ex mong hindi ko alam ang future." sermon ko naman ulit kay VG.

"Sabi niya sakin, wala pa daw siyang nagagalaw na babae." pagtatanggol pa ni VG.

"Naniwala ka naman? Kung talagang virgin pa yan, bakit alam na alam niya ang gagawin sayo? Dapat kung di pa siya nakakagalaw ng babae, dapat pagkatapos niyang gawin sayo yun', mukha kayong tanga." Sinalo naman ni HG ang isa pang sermon.

I think at that moment, lutong luto si VG between me and HG as she has always been. Though somehow, I know how hard it is at her point na mahal naman niya, pero nagbubulag-bulagan siya sa reality na yun lang ang habol sa kanya ng ex niya.

Nagtext ulit si RR.

"Ang kulit talaga niya, sinusumbat pa niya sakin na pareho naman daw naming ginusto na mangyari yun eh." kwento ni VG.

"Eh ganun naman talaga ang sasabihin niyan eh. Kasi nga, wala naman siyang ibang focus kundi ang makuha lang yung gusto niya." HG explained. "Ayoko nang sabihan ka kung anong magandang i-reply jan, matanda ka na.. alam mo na dapat mong gawin."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya." VG said as she kept on browsing his text.

"Basta eto, panindigan mo. Kapag sinabi mong ayaw mo, wag mo siyang hahabulin. Pabayaan mo siya. In the first place, hindi naman siya lang ang lalaki sa mundo. Kung sex ang gusto mo... hindi ka mauubusan ng mga lalaki. Marami pa diyan. Basta kapag ngayon nagreply kang ayaw mo, panindigan mo." I told her.

She texted him. Hindi ko na alam ang sinabi niya.

HG and I lighted our own sticks of Marlboro Lights. We talked about her urged to do it with a guy while VG continued to figure out what to text back to her ex.



- chagadelic gurl -

Tuesday, August 24, 2010

The Transformers

"Growing up is never easy. You hold on to things that were. You wonder what's to come. But that night, I think we knew it was time to let go of what had been, and look ahead to what would be. Other days. New days. Days to come. The thing is, we didn't have to hate each other for getting older. We just had to forgive ourselves... for growing up.” - The Wonder Years


Ever wondered how your friends from Pre-School to High School would look like after 5, 10 or 30 years?

Wala akong magawa, so out of nowhere, naisipan ko lang maghanap hanap ng picture sa Facebook and sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko ang ilang mga litratong napaglumaan na ng panahon.

It's just so amazing how people used to look like losers and they end up today looking like the next most gorgeous woman on earth or the yummiest hunk ever created.

From a friend's Facebook account, I found these photos and look how young girls and guys turned from ugly duckling into beautiful swans:



This was taken from our Sophomore's Acquaintance party. We were 14 Years of age then, look at them now:



Charisse is already married with her longtime boyfriend Junjun and they now have their own kid.


Majoh is now a registered nurse in one of Laguna's top rated hospitals.



Che has just recently got her license, also as a registered nurse.


This one was also taken way back from our Sophomore years, during our Acquaintance party:



Jeanal also currently works as a registered nurse at one of Laguna's known hospitals.


Krissie just recently got hired as a Telemarketing Account Officer in a mobile content producing company.


Ernest has been with one of the top Call Center companies in the Philippines and works there as a Software Engineer since the year 2008.


Along with other boys, this photo was also taken in the same party of our Sophomore year.



Joseph worked as a Barista in Starbucks Greenhills after college graduation and as of today, nobody knows where he really works. All they know is that everytime he appears to reunions, he always have the latest phone with him.


Michael is currently working as a Marine Engineer who travels all over the world.

.
.
.

Nakakatuwang isipin, parang kelan lang, nagkokopyahan lang kayo pag' may exam. Parang kelan lang, nagkakaaway away at nagiiyakan pa kayo dahil sa ilang mga project na hindi nyo' alam kung paano tatapusin. At parang kelan lang, sabay sabay nyong' inihagis ang white graduation cap nyo' as a sign na natapos nyo' ang kalagitnaan ng phase ng pag-aaral.

Parang kelan lang.

At nakakatuwang isipin pa, na sa paglipas nang panahon..ibang transformation naman ang magaganap. Ibang looks, ibang style, ibang trabaho, ibang societal class na ang makikita mo.. ang hindi lang nag-iiba ay ang bond. Bond of friendship na kahit noong High School nagsimula, hanggang ngayon.. hindi pa rin nawawala.

.
.
.
At hindi nako magdadrama kasi baka sabihin nyo' ang korny ko na.

I just wonder, ano naman kaya ang susunod na transformation???


Note: All photos were extracted from Majoh's Facebook account. Some photos were meant to be pixelated to protect the privacy of those people who did not provide authorization to publish themselves in the blog.



- chagedelic gurl -

Saturday, August 21, 2010

How could you be so Heartless?



To fall in love is awfully simple, but to fall out of love is simply awful.
Bess Myerson


The worst thing that a guy could ever do to a girl is making her feel that she is unworthy to love and be loved. It's like you're being crushed inside and worst part is..

you just can't tell, and he simply don't care even if you tell him.

Ouch!

*Emo Mode. LOL

.
.
.

Eto ang pinakamahirap sa lahat ng relasyong pwede mong pagdaanan. Yun bang tipong mahal na mahal mo siya. Kung pwede mo lang ibigay ang lahat gagawin mo. Tapos malalaman mo na lang in the end, hindi ka naman pala talaga mahalaga sa kanya.

Eto ang isa sa mga topic na madalas naming pagusapan ni Che (Isa sa mga tropang Chag).

Palibhasa, kaming dalawa lang ang single na laging magka-mingle (dahil pareho kami ng love story..almost), kaya puro ganito ang napaguusapan namin tungkol sa mga guys na dumadaan sa buhay namin.

Self Worth. Anong worth mo sa kanya?

Naranasan ko nang main-love... na obvious naman sa ilang mga blog entries ko. Naranasan ko na ring ma-fall out of love... at yan' ang di ko pa naikkwento.)

Both sides, mahirap. Ikaw man ang nasaktan o ikaw ang nakakasakit.

May naranasan din akong in between sa dalawang sitwasyon: Ikaw ang nasaktan pero ikaw din mismo ang na-fall out of love. Gulo?

Oo kahit ako naguguluhan eh.

.
.
.

Hindi rin ako feminist. Marunong akong makaintindi sa nararamdaman ng lalaki. - pero dapat hindi ko siya boyfriend. LOL

Isang bagay lang na hindi ko maintindihan sa mga lalaki:

Bakit andali dali nilang ipakita na hindi na mahalaga sa kanila ang mga taong mahal nila?

Bakit mas madali para sa kanila i-take for granted ang mga babae?...

Bakit mas madali silang nakakamove on kapag nagbreak na kayo?...

Bakit mas mabilis silang magpalit ng mga babae pagkatapos ng relasyon? ... O kahit hindi pa tapos ang relasyon?

Bakit mas madali silang magsawa sa mga taong mahal nila?

.
.
.


At alam kong marami akong tanong na lalaki lang din ang makakasagot. Alam ko rin na karamihan sa mga babaeng nakakarelate eh ito din ang itatanong.

Bakit nga ba guys? Bakit kayo ganyan? Kahit hindi ako feminist, hindi ko pa rin maintindihan. Alam kong isang dahilan eh dahil hindi naman ako lalaki.

Pero, bakit nga ba kayo ganyan?




- chagadelic gurl -


Friday, August 13, 2010

Getting Fed Up... Again


I get so upset whenever someone says I did "bad" at work.

Parang feeling ko hindi ako makakapagtrabaho ng maayos buong gabi dahil masyado akong nacacarried away sa mga negative things na nasasabi sakin ng tao whether it's about work.. my personal life.. etc.

Kasi siguro.. perfectionist ako. If i failed to do something perfectly at work, nadidisappoint ako sa sarili ko.

Pero kapag naman marami akong nagagawang tama sa trabaho, I tend to become so much happy that I forget to keep my feet on the ground.

Tough Life. Tough Work.

I wish can just learn everything in a snap of a finger. And I wish that I can adjust and relate to how urged is everybody while I sit on my desk, accessing my Facebook and doesn't give a damn if they're so stressed about the Big Boss's demands.

Starting to get fed up.. again. I know. Feeling ko sa mga oras na toh' na ginagawa ko ang blog na toh', parang gusto ko nang umuwi at bumyahe paLaguna. Parang gusto ko nang basta na lang iwan yung officemate ko dito na magisa, wag pumasok bukas at magsubmit ng resignation sa Monday.

At dahil diyan, I went out kanina. Feeling ko kasi hindi ko na kayang makaharap pa ang PC ko na punong puno ng mga "Things to do! ~ T****** ASAP"

So I went out.

The photo above is the one I took while walking down Paseo de Roxas. The building to the right is the Chinabank building.

So far, wala namang tao kaya I took the chance to take the photos.



Here is another one. This photo shows the roads of Paseo de Roxas and obviously, wala ring gaanong mga sasakyan.

Para kasing feeling ko, kapag hindi ako umalis sandali ng opisina namin, hindi ako makakahinga. Hindi ako makakapagisip. I feel like I'm gonna be suffocated sa pressure... na ganito gawin mo.. na gawin mo yun etc. I wish I would just know what to do and how to do it... immediately.

I guess one factor that I'm guilty is that really.. I come to the office to work, do the job that they ask for and then I get home, sleep and take the rest days during weekends. Ayokong isipin ang trabaho kapag off ko. Ayokong isipin ang trabaho kapag umuwi nako. I just wanted to get things done. At sa palagay ko, yun ang problema ko... I simply don't care. I just want to get things done.

Maraming beses, naiisip ko. Baka naman hindi lang talaga nagwowork out ang ganitong career sakin.. maybe I needed something na ibang iba talaga sa pilit na binibigay sakin ng pagkakataon.

Pero, wala naman kasing company na perpekto. Nagkataon lang talaga na mas marami kang mapupuna kay CompanyA kesa kay CompanyB.

And unfortunately, I belong to CompanyA.

I remember what Shyder told me before: minsan talaga hindi maiiwasan na madi"ding" ka sa isang bagay na ginagawa mo pala ng hindi tama sa trabaho. At ang epekto? Bothered ka the whole day kapag may nakapansin and it's hard to do the job better when you're bothered.

LOL. These are just challenges at work I guess. And like what I used to say when I was still with my previous company,
.
.
.

kahit lumipat ka pa..
kahit magiba pa ang boss mo..
kahit magiba pa ang mga kasama mong maglunch
kahit magiba pa ang way mo ng pagaaccess ng proxy sa office.
at kahit nagiba na ang atm na kinukunan mo ng sweldo.

... You'd still get the same stress at work. Kanya kanyang forms lang ng stress yan.

I know. And I'm at the point of filling up my "Fed Up At Workplace" Tank again. So far, nasa 20% na siya. I hope I lose that percentage and love the work rather than filling more of that percentage in the tank everyday.

This is such a long road to walk over. I hope I can pass through the end.
.
.
.
and longer...



- chagadelic gurl -