Friday, January 22, 2010

The Art of Working

OT. Over time. Sagad na oras sa opisina.

Yan ang kinakaharap ko ngayon habang 11 hours nakong nakaupo sa station ko at hinihintay na matapos ang karumal-dumal na oras ng shift ko.

Ilang linggo na silang nagre-request sa mga empleyado na mag-OT dahil nadagdagan ang time required para mameet ang demands ng clients (nosebleed!). At sa dinami dami ng request nila, ngayon lang ako nagreply. At isang oras lang talaga ang kaya kong i-contribute.

Kung babalikan ang mga unang araw na nag-aaral ka pa, ma-late lang ang professor ng 15 minutes, may isa na diyan na sisigaw na "Uwian Na, Di na dadating si Sir!".

Nung Highschool naman, dinadalangin naming lahat na sana nabangga, natraffic at tinangay na ng ipo ipo ang sinasakyan ng mga teacher namin (Sa mga ka-batch kong nagbabasa nito, alam kong alam nyo ang sinasabi ko).

Kung ikukumpara mo ang oras mo nung Highschool, College at ngayong nagtatrabaho na, minsan ang ang sarap isipin na sana lang... sana lang, may reasonable na sweldo ang maging estudyante... para habang buhay estudyante na lang ako.

Imagine, kung 8 hours a day kang papasok as estudyante, sumusweldo ka pero nakaupo ka lang naman. Bukod dun, may allowance ka pa galing sa magulang mo. Hawak mo pa ang oras mo. Pwede kang umabsent anytime at di mo na kailangang mag-submit ng medical certificate at magcall-in. Simple lang. Wag kang pumasok, tapos.

Sa College, ganun ka-walang pakelam ang professor sayo'. Pero aminin nating maraming panahon na nagpapasalamat ka na ganito ang prof sayo lalo na sa mga pagkakataon na isang oras kang late pero papasok ka pa rin sa klase niya, tapos hindi ka lang niya papansinin.

Sa Highschool naman, base sa karanasan ko, eto ang mga ipinagagawa nila kapag late ka:

a.) Bumunot ng malaking talahib sa likod ng school.
b.) "Mag-squattras" ng depende sa demand ng mga CAT officers
c.) Para sa mga lalaki, susuntukin ng isang teacher na maton sa braso.. na kalaunan ay malalaman mo pala bading.

So far, heto lang naman yung kadalasang naging parusa noong High school kami pag late ka. Hindi naman din ako madalas malate dahil 52 steps lang ang school ko mula sa bahay namin.

Ngayon, pag nalate ka. Nakafile na yun. Tatlong beses ka lang pwede malate or else, issuance na ng warning yan. May deductions pa.

Sa oras na to', hinihintay ko ang notification ng supervisor ko kung ano nang nagyari sa pagfi-file ko ng OT ng isang oras habang yung mga kasabayan ko eh dito na natulog sa office para lang sa OT.

Kung hindi man ma-approve ang OT ko, hindi ko yun panghihinayangan. Mas mahalaga pa rin talaga ang quality time at itlog na pula at kamatis pag-uwi ko mamayang umaga.

Kaon na ta!


- chagadelic gurl -


Monday, January 18, 2010

Why do Ex-es come back?

Headlines:

Isang dating ka-ibigan, Nagbalik!

Isang nakakabiglang pangyayari ang naganap kanina. Habang kamumulat pa lang ng aking mga mata at ninanais ko ng magsipilyo ay may narinig akong isang katok mula sa aming gate. Hindi ko ito pinansin at ako ay nagtuloy na pananatili sa kama dahil tinatamad pa akong pumasok.

Ngunit hindi ako mapakali. Naisipan kong bumangon at nagulat na lang ako sa ibinalita ng aking kapatid. Isang bisita ang naghihintay sa akin sa aming teraza. Ako'y nagulat ng makita ko ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita.

Bago ko ituloy ang kwento, una sa lahat. Hindi ako ang ex ng lalaking ito. At pangalawa, matagal ko rin naman siyang naging kaibigan.. as in "friend". Kaya hindi ako ang may isyu. Hehehehe.

At ganoon na nga, isang matagal ng kaibigan ang bumungad sa akin. At heto siya...


Matagal din kaming nag-usap. Nagkwentuhan tungkol sa kanyang bestfriend na wala siyang kaalam alam kung ano na ang balita at gustong gusto ko namang isumpa (Uy! isyu na naman yun). Nagkwentuhan kami tungkol sa trabaho. At syempre, pinagkwentuhan namin ang aking bestfriend.. na ex niya. Eto siya..


Dahil sa pag-uudyok, inaya niya akong dalawin namin ang aking bestfriend. Ngunit bago ang lahat, ipinaalala ko sa kanya na dapat niyang kontrolin ang kanyang sarili. Pumayag naman siya, at dinalaw nga namin ang babaeng kanya pa ring iniibig.

Sa pagkikita ng dalawa. Walang masyadong naganap. Tameme si babae. Tameme si lalaki. Para akong referee sa gitna ng silence battle. Siguro dahil na rin sa nandoon ang pagkailang sa isa't isa.
Pero halata mo naman na may feelings pa on one of the sides.

Sabi nila, may mga signs kung mahal ka pa rin ng ex mo. Ayon sa nabasa ko sa isang website, narito ang mga usual signs on if they want to come back to you or is still interested in you.

  1. Kapag kahit mga 10 years na kayong hiwalay, pero hindi mo maintindihan kung bakit parang lagi pa rin siyang nag eexist sa buhay mo. Yun bang tipong wala na kayong communication totally pero nagugulat ka na lang, nacocontact ka pa rin niya. Di ito isang misteryo. Ganito lang yan, ang ex ay ex na. Wala na dapat communication or even trying to reach out that person. Pero for some reasons, bigla na lang siya ulit magpaparamdam.
  2. Kapag nags-seek out siya ng chances na gusto pa rin niyang maging magkaibigan kayo.
  3. Madalas mayabang at mahangin. Bakit kamo? Kasi gusto nilang isipin mo na well established ang buhay at personality nila than before so you will want them back.
  4. Tanong ng tanong tungkol sa personal mong buhay. Eto yung mga tanong na kamusta na kayo ng girlfriend or boyfriend mo. Eto rin yung mga tanong na hindi naman ordinaryong tinatanong ng isang kaibigan gaya ng "Musta na ang sex life niyo ng boyfriend mo?".
  5. Hindi siya mapakali pag nagkita kayo ulit. Eto yung mga oras na tinatanong nila sa mga sarili nila kung "Maganda ba ko ngayon?" or "Ok ba itsura ko?". Kaya sila ganito kasi nga andun yung emotion na gusto nila i-impress yung taong kaharap nila. Which is ... you, his or her ex.
  6. May point na pag nag-usap na kayo, andun yung flirty conversation. Pero dadating sa point na parang ang formal masyado ng lahat. Eto naman yung tipong hindi mo mabasa kung ano talaga ang nasa isip niya over his changing emotions. Eto rin yung madalas kang mangangapa kung interested pa siya sayo or he just want to be friends with you. Kaya niya ginagawa ito ay dahil kino-kontrol niya ang emotions niya na deep inside naman eh gustong gusto nang sabihin sayong "I still love you". They tend to hide their true emotions by feeling and thinking what they want to feel and think kasi nga baka mabisto sila over their true emotions.
Kung tatanungin nyo kung ano ng nangyari sa pagkikita ng dalawa? Eto lang ang naganap, kamustahan then kamustahan then uwian na. Walang masyadong naganap. Pero kung kayo ang tatanungin, specially dun sa mga taong nakakaalam ng istorya ng pag-iibigan nila, sa tingin nyo, ano ang maipapayo ninyo sa babae?

Open for any answers.


Note: To the people involve in this blog, wag kayong masyadong mapipikon. Ito ay isang katuwaan lang. Peace!


- chagadelic gurl -


Sunday, January 17, 2010

The Job Interests

Natapos na ang mga appraisals.

Natapos na rin ang annual performance evaluation. Income Tax return. 13th Month Pay.

Natapos na rin ang holiday rush and ang super nakakairitang traffic sa SLEX.

At heto ako, muli, nasa office pa rin. Gumagawa ng kalokohan na nagsusurf ng blocked sites at patingin tingin sa paligid dahil baka ma-screenshot ang ginagawa kong kasalanan.

Papungas pungas na ang mata ko at gusto nang bumagsak ng katawan ko. Sobrang antok nako, antagal pa ng next break ko. 4:00am. Gustong gusto ko na talagang matulog.

Mahirap ang Graveyard shift. Tulog ka sa umaga. Gising ka sa gabi. Yun ang problema ko, dati, sanay akong puyat at gising hanggang madaling araw (Nagagawa ko toh nung wala pakong boyfriend). Pero simula nung naging medyo emotionally stressful na ang bawat araw, madalas nakong gising sa maghapon at bumabagsak ang katawan ko sa gabi.

Kaya heto, nagdudusa ako ngayon. Sobrang antok. Tagal ng oras. Walang masyadong tawag.

I wonder, yung ibang barkada ko kayang nasa GY Shift din ay inaantok ng tulad ko ngayon???

Si Majoh, nurse. 7PM to 7AM.
Si Lot, call center agent, ewan ko kung anong in nya, basta alam ko 12AM labas niya.
Si Cacy, engineer, pang-umaga siya. kaya wala siyang problema kundi magpetiks.
Si Joseph, jobless.. daw
Si Art, nurse din.. daw
Si Michael, seaman, nagpapakasarap ngayon sa barko at hindi ko alam kung nasaang bansa siya ngayong oras na toh.
Si Ernest, "software engineer", ang may pinakamabangong job description samin. pangumaga din siya at alam ko, flexible oras niya dahil palagi siyang late.
Si Jamie, businesswoman, taong bahay din kaya alam ko malaya din ang oras niya.
Si Jeanal, text addict, 24hrs ang shift sa pagtetext at pakikipagchat.
Si Che, isa pang text addict, etoh naman 12hrs ang shift sa pagtetext at 12 hrs ang shift sa gimik.
Si Charisse, estudyante pa lang, ang aming valedictorian, kaya wala akong masasabi sa schedule niya kasi wala din akong idea.
At ako? wag nyo ng itanong, basta shift ko ngayong oras na toh.

At dahil paputol putol ang pagsusulat ko dito dahil may biglang pumapasok na trabaho, 10 minutes na lang, break ko na ulit.

Itutulog ko muna talaga to'. I swear.


- chagadelic gurl -


Monday, January 4, 2010

Magandang Panimula

Happy New Year to Everyone!

This year should be a good start dahil for the very first time, I have created a blog for my "group" of friends. Isang blog na hindi ko alam kung magtitiyaga naman silang basahin. Pero masaya ako, totoo.. masaya talaga ko.. dahil for the very first time, makakapgpublish ako ng blog na hindi lang laman ang story ng buhay pag-ibig ko. And this time, it's all about them.. it's all about us. Our story. Our Reunion. Our Parties and "Gimiks". Our Friendship..

Shit! Andrama. But really, to start off the year.. and to start off this blog. Isang party ang naganap sa aming tahanan.



Hanapin nyo na lang kung sino ako diyan.
.
.
.

It's supposed to be just one simple party. Umaga pa lang namomroblema nako sa budget. (Wala pa kasing sweldo nun!). Pero natuwa talaga ko sa kanila dahil so far.. improving naman ang kinain namin. Dati rati kasi.. puro pancit canton lang handa namin. Akalain mo, may pizza na kami ngayon??!!
.
.
.


Pero di lang naman yun ang nagpasaya sakin. Sa totoo, lagi naman talagang masaya yung mga gala namin. Kahit kelan naman talaga na nagbobonding kaming magkakabarkada, it's always the happiest moment in the year. Hanga lang din talaga ko, kasi iilan nalang yung mga ganito. Imagine, etong barakada kong toh, I am definitely proud to say.. Lahat po kami ay graduate - with Bachelor's degree. At paano nagsimula ang barkadahan? High School.

Enough about the story kung paano nagsimula, ikukwento ko din yan. Pero etoh pa yung mga nangyari ng gabi yun. Take note: I had to miss my Company Xmas Party at the Bazzo Bar. (Shit! Ang yabang).



Kainan galore muna.
.
.
.



Anu pa nga ba? Edi inuman.
.
.
.



At syempre, nagkaubusan ng pagkain at the end of the day.
.
.
.

Pero all in all, masaya naman talaga yung xmas party. Well. So much for a welcome party. And hopefully. This should be a good start.

Happy New Year Ulit!


- chagadelic gurl -