Wednesday, May 5, 2010

Burn Baby.. Burn!

I just sent a request for Leave of Absence to my Supervisor. It will last for more than a week starting this coming Sunday. Sabi naman ng supervisor ko, she will approve it and forward it to the bosses to finalize.

Buti na lang mabait si Sup.


From the past days that I have been studying about my case.. and from the endless talks that Shyder and I had been doing since last week, saka ko lang narealize kung ano ang mga reason kung bakit nagiging ganito ang attitude ko sa work.

Opo, at work na naman ang topic.

And I just realize that it wasn't just me alone. Everybody else.

Burned out. That's the exact term for everybody having the urge to resign from work already.

At sa pagreresearch ko, nalaman ko na possible palang isang psychological problem ang pagiging Burned out. It's what you can call "Chronic Fatigue Syndrome" which involves severe physical, mental and emotional exhaustion. At ayon sa pagkaka-explain sa nabasa ko sa internet, it is something na dapat mong pagtuunan ng pansin dahil kapag hindi siya natreat, makakaapekto ito sa buhay ng isang tao. It is actually considered as a threat to one person's job, relationship, family and even the person itself. It can also lead to severe depression and based from what I just found out, severe depression can actually KILL.

Malamang iisipin mong OA ang description ko tungkol sa sakit na to', but the thing is, totoo siya at totoong malaking epekto sa buhay ang pagiging burned out.

Nararanasan ko siya ngayon.

Narito ang mga current na nararamdaman ko bilang isang example ng taong "Burned Out":

a.) Wala akong gana pumasok. Tuwing gigising ako sa umaga para pumasok, feeling ko pinapatay ko ang sarili ko. At tuwing pipilitin ko ang sarili ko dahil kailangan kong kumita sa araw na yon, mag-eend up lang yon na luluwas ako pabalik sa Laguna kahit nasa office nako.

b.) Wala nakong interest sa ginagawa ko sa office. I feel that the job itself is very unchallenging and I don't care if my stats fail at all.

c.) Iritable ako, sensitive at emotional. Madali akong mainis at ayoko lagi ng arguments. You can also say that I'm probably moody during these times.

d.) Makakalimutin ako. I can't focus on a task because I tend to forget things. I guess this is because I'm distracted with the emotions and exhaustion.

e.) Madalas akong magkasakit. Totoo, Sakit talaga at hindi sakit sakitan lang. Napansin kong bumaba ang immunity level ko at mabilis akong dapuan ng sakit.

f.) Nawawalan ako ng motivation na pumasok sa office. Pakiramdam ko kasi, kahit naman ako ang top performer sa office, it wouldn't make sense dahil hindi naman yun marerecognize ng company.

g.) Frequent headaches and frequent backaches. Dito ko nalalaman na pagod na ang katawan ko kapag nagsimula ko ng maramdamang masakit ang likod ko. Galing naman ako sa rest day pero pag pumasok ako, feeling sobrang pagod ako.


Iilan pa lang ang mga yan' sa napansin ko sa sarili ko as part of the changes simula ng magkaroon ng psychological problem na ganito. The main thing about this is that it affects my life. A lot of percentage in my life.

Kung susukatin ko ang percentage na motivated akong pumasok at ang percentage na motivated akong magresign, magiging ganito ang figures niya: 98% Motivated to Resign and 2% Motivated to Work. Napakaliit na part ng sarili ko ngayon ang gustong magproceed pero sabi nga ni Shyder, take a break. Kasi nga kung pipilitin kong magisip ng solusyon sa prob ko ngayon, hindi rin ako mageend up sa magandang solusyon dahil sinasabi ng katawan ko kailangan ko ng pahinga.

Sabagay, February pa lang pansin ko na ang symptoms ng pagiging burned out ko. And since then, I haven't really taken a break yet for a long time. Hindi uubra sakin ngayon ang 3 to 5 days na break. Kailangan ko ng at least 1 month.

Tignan natin. For sure na magco-come up din ako sa solusyon.



- chagadelic gurl -