OT. Over time. Sagad na oras sa opisina.
Yan ang kinakaharap ko ngayon habang 11 hours nakong nakaupo sa station ko at hinihintay na matapos ang karumal-dumal na oras ng shift ko.
Ilang linggo na silang nagre-request sa mga empleyado na mag-OT dahil nadagdagan ang time required para mameet ang demands ng clients (nosebleed!). At sa dinami dami ng request nila, ngayon lang ako nagreply. At isang oras lang talaga ang kaya kong i-contribute.
Kung babalikan ang mga unang araw na nag-aaral ka pa, ma-late lang ang professor ng 15 minutes, may isa na diyan na sisigaw na "Uwian Na, Di na dadating si Sir!".
Nung Highschool naman, dinadalangin naming lahat na sana nabangga, natraffic at tinangay na ng ipo ipo ang sinasakyan ng mga teacher namin (Sa mga ka-batch kong nagbabasa nito, alam kong alam nyo ang sinasabi ko).
Kung ikukumpara mo ang oras mo nung Highschool, College at ngayong nagtatrabaho na, minsan ang ang sarap isipin na sana lang... sana lang, may reasonable na sweldo ang maging estudyante... para habang buhay estudyante na lang ako.
Imagine, kung 8 hours a day kang papasok as estudyante, sumusweldo ka pero nakaupo ka lang naman. Bukod dun, may allowance ka pa galing sa magulang mo. Hawak mo pa ang oras mo. Pwede kang umabsent anytime at di mo na kailangang mag-submit ng medical certificate at magcall-in. Simple lang. Wag kang pumasok, tapos.
Sa College, ganun ka-walang pakelam ang professor sayo'. Pero aminin nating maraming panahon na nagpapasalamat ka na ganito ang prof sayo lalo na sa mga pagkakataon na isang oras kang late pero papasok ka pa rin sa klase niya, tapos hindi ka lang niya papansinin.
Sa Highschool naman, base sa karanasan ko, eto ang mga ipinagagawa nila kapag late ka:
a.) Bumunot ng malaking talahib sa likod ng school.
b.) "Mag-squattras" ng depende sa demand ng mga CAT officers
c.) Para sa mga lalaki, susuntukin ng isang teacher na maton sa braso.. na kalaunan ay malalaman mo pala bading.
So far, heto lang naman yung kadalasang naging parusa noong High school kami pag late ka. Hindi naman din ako madalas malate dahil 52 steps lang ang school ko mula sa bahay namin.
Ngayon, pag nalate ka. Nakafile na yun. Tatlong beses ka lang pwede malate or else, issuance na ng warning yan. May deductions pa.
Sa oras na to', hinihintay ko ang notification ng supervisor ko kung ano nang nagyari sa pagfi-file ko ng OT ng isang oras habang yung mga kasabayan ko eh dito na natulog sa office para lang sa OT.
Kung hindi man ma-approve ang OT ko, hindi ko yun panghihinayangan. Mas mahalaga pa rin talaga ang quality time at itlog na pula at kamatis pag-uwi ko mamayang umaga.
Kaon na ta!
- chagadelic gurl -
